Kris patuloy na nilalabanan ang sakit para sa mga anak

ANG mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby ang dahilan kung bakit patuloy lumalaban para sa kanyang kalusugan ang aktres na si Kris Aquino.

Nasa US pa rin si Kris para magpagaling.

Ibinahagi ni Kris na immunocompromised siya mula pa noong June at hindi pa muli ito nakabisita sa mall man o restaurant.

“I posted a picture of kuya & bimb- they are my REASONS kung bakit TULOY ANG LABAN, BAWAL SUMUKO: tinitiis yung matinding sakit (sagad sa buto) while allergic to all pain relievers; the constant fatigue, awful sense of balance, nonstop dry cough & shortness of breath; yung sobrang pag-iingat (I’m so immunocompromised- since June I’ve NEVER been to a restaurant, NEVER entered a store, supermarket, or a mall),” sey ni Kris.

Panalangin niya na gumaling siya para sa mga anak.

“I pray for the blessing to be healthy enough to still be their mama-the one who would cook, travels for fun, goes to Church, and watches movies w/ them. All in God’s perfect time,” dagdag pa niya.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2