MMDA nag-abiso sa kalyeng isasara para sa MMFF Parade of Stars

NAG-ABISO na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA kaugnay ng mga kalyeng isasara sa isasagawang Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars 2022 alas-4 ng hapon sa Disyembre 21.

Sinabi ng MMDA na kabilang sa daraanan ng parada ang Quezon Avenue mula Mabuhay Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle.

Idinagdag ng MMDA na simula alas-3:30 ng hapon, isasara ang westbound direction ng E. Rodriguez mula D. Tuazon hanggang Mabuhay Rotonda.

“Bubuksan lamang ito kapag nakaalis na ang mga floats, sabi ng MMDA.

Ayon pa sa MMDA, iwasan din ang ang E. Rodriguez Avenue mula Banawe hanggang Mabuhay Rotonda gabi ng Disyembre 20, dahil ang mga lugar na ito ang magiging staging area para sa float ng mga pelikula.

“Sasakupin nito ang isang lane ng westbound habang bukas naman sa trapiko ang eastbound direction.

“Planuhing mabuti ang pagbiyahe dahil sa inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar at dagsa ng tao na manonood,” ayon pa sa MMDA.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2