Operasyon ng LRT-1 suspendido sa Dis 3-4

SUSPENDIDO ang operasyon ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) sa Disyembre 3 hanggang Disyembre 4 bilang preparasyon para sa pagbubukas ng Roosevelt Station, ayon sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).

“Magkakaroon ng temporary suspension of operations ang darating na December 3 at 4, 2022 (Sabado at Linggo) sa buong linya upang magbigay daan sa isasagawang readiness tests, trial runs, at exercises na kailangan para sa muling pagbubukas ng LRT-1 Roosevelt Station,” sabi ng LRMC.

Idinagdag ng LRMC na kasama sa preparasyon ang pagtiyak na magiging ligtas at matagumpay ang reintegration ng Roosevelt Station gamit ang bagong Alstom signalling system ng LRT-1.

“We advise our passengers to plan their trips ahead and to stay tuned for the next advisory regarding the confirmed date of Roosevelt Station reopening,” ayon pa sa LRMC.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2