Quiboloy binigyan ng sanction ng US dahil sa ‘serious human rights violations’

NAGPALABAS ng sanction ang Estados Unidos laban sa wanted na religious group leader na si Apollo Quiboloy dahil sa korupsyon at “serious human rights violations”.

Kasama si Quiboloy sa 40 inidbidwal mula sa siyang na bansa ang binigyang parusa ng US Department of Treasury dahil sa kanilang pagkakasangkot sa mga kasong may kinalaman sa korupsyon at paglabag sa karapatang pantaon.

Si Quiboloy na founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC) at matalik na kaibigan ni dating Pangulong Duterte ay kasama sa wanted list ng Federal Bureau of Investigation matapos siyang akusahan ng sex trafficking ng mga batang babae mula sa kanilang sekta.

“Quiboloy is sanctioned under the Global Magnitsky Act for human rights violations. Among other effects, all property and interests in property for Quiboloy in the US are blocked, and US persons and entities are blocked from engaging in transactions with Quiboloy,” ayon sa US Embassy dito sa Maynila.

Inakusahan ng Treasury Department si Quiboloy ng “pattern of systemic and pervasive rape of girls as young as 11 years old, as well as other physical abuse” sa loob ng isang dekada.

Inakusahan ang pastor noong Nobyembre 2021 ng conspiracy engaging in sex trafficking by force, fraud and coercion, at sex trafficking of chidlren.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2