Samar inuga ng magnitude 4.6 na lindol

INUGA ng magnitude 4.6 na lindol ang Samar kaninang alas-4:05 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol, na may lalim na 137 kilometro, limang kilometro hilaga ng Talalora, Samar.

Naitala ang Instrumental Intensity 
IV sa San Roque, Northern Samar at Intensity I naman sa Quinapondan, Eastern Samar; at Javier, Leyte.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershock bunsod ng pag-uga.


Comments

Popular posts from this blog

Malabon rape-slay suspect timbog

Legacy ni Duterte: Suppression ng press freedom

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips