73% Pinoy umaasang magiging happy ang Pasko — SWS

SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na tinatayang 73 porsiyento ng mga Pinoy ang umaasa ng masayang Pasko.

Samantala, pitong porsiyento ang naniniwala na hindi magiging masaya ang kanilang Pasko at 19 porsyento naman ang naniniwalang hindi magiging maganda at hindi rin nmana magiging malungkot ang kanilang araw.

Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, lumalabas na mas mataas ito ng walong puntos kumpara sa 65 porsiyento na nakuha noong 2021 survey at 23 puntos na mas mataas kumpara sa record-low na 50 porsiyento noong 2020. 

Samantala, anim na puntos pa rin ito na mas mababa kumpara sa pre-pandemic level na 79 porsiyento noong 2019.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents sa buong bansa.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2