Baguio City gininaw; pinakamababang temperatura ngayong taon naitala

GININAW ang maraming bahagi ng bansa nitong umaga ng Pasko, habang naitala ang 12.2 degrees Celsius sa Baguio City, ang pinakamababang temperatura ngayong taon.

Ayon sa 8 a.m bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical (Pagasa), bumaba rin sa 13.2 degrees Celsius ang temperatura sa Basco, Batanes.

Narito naman ang mga naitalang temperatura sa ibang lugar ngayong araw ng Pasko:

La Trinidad, Benguet – 14.5°C
Tuguegarao City – 17.8°C
Tanay, Rizal – 17.9°C
Sinait, Ilocos Sur – 18.4°C
Casiguran, Aurora – 19.2°C
Abucay, Bataan – 19.4°C
Baler, Aurora – 19.5°C
Tayabas, Quezon – 19.6°C

Ang lamig ng panahon na nararanasan ng bansa ay dulot ng northeast monsoon o hanging amihan, paliwanag ng Pagasa.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2