‘Colonel’ nagnakaw ng alak, timbog

SA loob ng selda sasalubungin ng isang lalaki ang Bagong Taon makaraan itong magpanggap na police colonel nang masakote sa pagnanakaw umano ng dalawang bote ng alak sa grocery store sa Solano, Nueva Ecija.

Hindi kinilala ng pulisya ang suspek, 54, residente ng Brgy. Roxas, na nahaharap sa mga kasong usurpation of authority at theft.

Ayon sa ulat, pumasok ang suspek sa Supermart na nakasuot ng ID ng Philippine National Police Special Action Force at face mask na may logo ng PNP-SAF.

Sinabi ng mga empleyado ng grocery store na uminom ng dalawang bottled drinks ang lalaki bago isinilid sa bag ang dalawang bote ng Alfonso I Platinum Solera.

Hindi naman nagpasindak ang mga sekyu at hinarang sa pinto ang suspek nang tinangka nitong lumabas nang hindi binabayaran ang alak.

Sa presinto, itinanggi ng suspek na isa siyang pulis bagaman nakalagay sa suot niyang ID na may ranggo siyang colonel.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding