Daan-daang sinkhole sa Boracay maliliit lang naman — Malay, Aklan mayor

HINDI umano dapat mangamba ang publiko sa ilang daang sinkhole na natagpuan sa Boracay dahil maliliit lamang ang mga ito, ayon kay Malay, Aklan Mayor Froliba Bautista.

Sinabi ni Bautista na bukos sa maliliit ay mabababaw lang din ang mga sinkholes na natagpuan sa Boracay.

Matatandaan na sinabi ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) na umabot na sa 815 ang mga sinkhole na natagpuan sa isla noong 2018.

Ayon sa alkalde, may kopya sila ng report ng DENR-MGB at nakatakda sanang makipagpulong sa ahensiya nitong Disyembre 21, 2022 ngunit hindi natuloy.

“Mayroon naman pa lang kopya ang aming MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office), binigay nila noong 2019 regarding sa assessment nila noong 2018,” sabi ni Bautista.

Idinagdag ni Bautista na base sa report, maliliit at mababaw lamang ang mga sinkholes.

“Halos ang mga sinkholes na iyan ay iyong mga kuweba, iyong mga cracks sa gilid ng mga bundok, at saka iyong mga balon, iyon ang karamihan at na makikitang mga sinkholes,” dagdag ni Bautista.

Bukod dito, dagdag pa ni Bautista, wala namang mga instraktura na natamaan ng mga sinkhole.

Hindi rin anya apektado ang pagdating ng mga turista sa kabila ng ulat ng DENR-MGB hinggil sa mga sinkhole.

“Marami namang dumarating na turista, so hindi nakaapekto. Base nga sa explanation, nakikita sa mga reports, hindi naman siya threatening iyong mga maliliit na mga butas,” paliwanag ni Bautista.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2