DTI umaming walang regulasyon sa presyo ng Noche Buena product
INAMIN ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na walang regulasyon sa presyo ng Noche Buena product.
“Iyong Noche Buena product, that is not regulated by government kasi seasonal products ‘to. They’re neither basic nor prime so ang presyo, manufacturers ang nagdi-decide. Pero naka-monitor kami kapag may biglang tumaas ang presyo compared to the previous prices nga, iyong prevailing price, doon lang kami naka-alert agad,” sabi ni Castelo.
Idinagdag ni Castelo na wala pa namang nakikita na sobrang pagtaas ang DTI.
“Ang gusto rin talaga ng retailers or ng manufacturers…maibenta, ma-dispose nila agad iyong mga produkto dahil ayaw rin nila na ng cost ng storage kapag i-store pa ‘yan until next year,” ayon kay Castelo.
Aniya, naglabas ang DTI ng listahan ng Noche Buena product mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal.
“Gumawa tayo ng range ng pinakamura hanggang sa pinakamahal para makapili sila from that list, kung ano po ‘yung kakasya sa budget at kung ano ‘yung mga choices nila,” dagdag pa ni Castelo.
Matatandaang sinabi ni Castelo na kasya ang P500 budget ng pamilyang may limang miyembro para sa Noche Buena na binatikos naman ng iba’t ibang grupo.
Write to publiko
Comments
Post a Comment