Edu Punay itinalaga bilang OIC ng DSWD
ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si Social Welfare and Social Welfare Undersecretary Edu Punay bilang Officer-in-Charge (OIC) matapos ma-bypass si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sa ikalawang pagkakataon.
Pinirmahan ni Marcos ang appointment paper ni Punay noong Disyembre 23, 2022.
“Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby designated officer-in-charge, Department of Social Welfare and Development,” sabi ni Marcos.
Matatandaang nabigong makalusot si Tulfo sa CA sa harap naman ng final conviction na hatol laban sa kanya ng Korte Suprema kaugnay ng kasong libel laban sa kanya.
Isyu rin ang pagiging American citizen ni Tulfo.
Comments
Post a Comment