Elon Musk magbibitiw bilang CEO ng Twitter

NANGAKO si Elon Musk na susundin nito ang naging desisyon ng Twitter poll na siya mismo ang nagpasimuno.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Musk na magbibitiw siya bilang CEO ng microblogging at social media platform sa sandaling makahanap na siya ng kapalit.

Ginawa ni Musk ang anunsyo manalo ang botong “yes” sa Twitter poll na kanyang inilunsad na nagtatanong kung dapat ba siyang magbitiw bilang CEO ng nasabing platform.

Umabot sa 57.5 percent ng 17.5 milyon na sumagot sa poll ang nagsabi na dapat ngang magbitiw bilang CEO ng Twitter si Musk habang 42.5 percent ang naniniwalang hindi.

“I will resign as CEO as soon as I find someone foolish enough to take the job!” tweet ni tweeted.

“After that, I will just run the software & servers teams,” dagdag pa nito.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2