Klase, pasok sa Maynila suspendido sa Enero 9

SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas at pasok sa tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Enero 9, 2023 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Itim Na Nazareno.

Ipinalabas ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang Executive Order Number 1 kaugnay ng suspensyon ng klase at trabaho sa cityhall ng Maynila.

Ipinauubaya naman ni Lacuna-Pangan sa pribadong tanggapan sa Maynila kung isususpinde ang pasok.

Nauna nang ipinag-utos ni Lacuna-Pangan ang liquor ban sa lungsod mula Enero 7 hanggang 9.


Comments

Popular posts from this blog

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

GMA-7 suportado si Bea vs bullies

Marcos sinabing kontrobersiyal na importasyon ng 300,000 MT asukal ‘procedural mistake’