OFWs pinarangalan ni Bongbong

PINARANGALAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa isinagawang gift-giving sa Palasyo ngayong Biyernes.

Sa kanyang mensahe, nangako si Marcos na isusulong ang kapakanan at interes hindi lamang ng mga OFWs, kundi ang kanilang pamilyang naiwan sa Pilipinas.

“Malapit po sa akin ang mga OFW at ang kanilang mga pamilya. Kaya naman sa ating administrasyon, lalo nating pinagtitibay ang Department of Migrant Workers upang mas mabilis ang serbisyo at pagkalinga para sa ating mga bagong bayani,” sabi ni Marcos.

“Ngayon, higit kailanman ay napakahalaga ng papel na ginagampanan ninyo na maiahon ang ating ekonomiya at maiangat ang antas ng pamumuhay ng inyong pamilya at kapwa Pilipino,” the President added.

Itinaon ang gift-giving sa unang anibersaryo ng kakapirma ng Republic Act No. 11641, ang batas na nagtatatag sa Department of Migrant Workers (DMW) na pinamumunuan ni Secretary Susan Ople.

“Sa nakaraang taon ay nakita natin na buong sigasig na nagtatrabaho ang kagawaran upang siguruhin ang interes at kapakanan ng ating mga OFW,” sabi ni Marcos.

Iniulat ng DMW na mula Hulyo hanggang Disyembre tinatayang 766,290 OFWs ang nabigyan ng trabaho sa ibang bansa at naiuwi naman ang 6,341 OFWs na nangangailangan ng tulong.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2