Smuggled na sibuyas inihahalo sa ukay-ukay
SINABI ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So na may bago nang modus ang mga smuggler kung saan inihahalo na ang mga smuggled na sibuyas sa ukay-ukay.
Sa isang panayam sa radyo, idinagdag ni So na nadiskubre ang mga smuggled na sibuyas sa loob ng isang container van na ang laman ay mga ukay-ukay na damit sa Port of Manila.
“Dati nilalagay lang nila sa cold container, ngayon pati yung dry container… Two days ago may nahuli sa Port of Manila, kasama sa ukay-ukay,” sabi ni So.
Idinagdag ni So na huli na para mag-angkat pa ng sibuyas dahil sa nagsimula na ang anihan ng mga lokal na magsisibuyas.
“Kung magpapasok, hindi na kaya kasi it will take 15 to 20 days bago dumating aabot yung stocks sa anihan,” sabi ni So.
Base sa monitoring, umabot na sa P600 ang kilo ng sibuyas sa mga pamilihan dahil sa limitadong suplay.
Comments
Post a Comment