Solon tutol sa pagsasapribado ng EDSA bus carousel

TINUTULAN ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang plano ng Department of Transportation DoTr) na isapribado ang operasyon ng EDSA bus carousel sa pagsasabing magdudulot ito ng dagdag na pasakit sa mga mananakay sa harap ng inaasahang pagtaas ng presyo ng pamasahe.

“Papasok pa lang ang taong 2023 ay pahirap na naman ang sasalubong sa ating mga kababayan. Sana ay gobyerno na lang ang magpatakbo ng EDSA bus carousel panatiling libre ito at bayaran din ng nasa tamang oras ang mga bus drivers at konduktor na nagsisilbi dito,” sabi ni Castro.

Ito’y matapos namang sabihin ni Transportation Secretary Jaime Bautista na target ng DoTr na maisapribado ang operasyon ng bus carousel sa ikatlong bahagi ng 2023.

“What commuters need now is some relief due to the runaway high inflation. An extension at least of the free rides would be most welcome and not this planned privatization,” dagdag ni Castro.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2