Vico ipinagbawal operasyon ng online gambling sa Pasig City

PINIRMAHAN ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Ordinance Number 55, series of 2022 na nagbabawal sa operasyon ng online gambling sa lungsod.

Sa ilalim ng ordinansa, meron na lamang hanggang 2023 para tapusin ng mga kasalukuyang establisimyento ang kanilang operasyon, samantalang hindi na bibigyan ng permit ang mga bagong nag-aaplay, kabilang ang mga POGO.

“I take it as a personal insult when there are alleged offers of bribes every permit renewal season, Kung lehitimo ba’t kailangang ng lagay-lagay,” sabi ni Sotto. 

Idinagdag ni Sotto na nakita na ang masamang epekto ng sugal, kabilang na ang pagsasangla ng isang nanay ng kanyang anak dahil sa pagkakautang sa online sabong.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding