Posts

Showing posts from October, 2022

93% ng asin sa Pinas imported

Image
BAGAMAT walang kakapusan sa suplay ng asin sa bansa, sinabi ng isang agricultural group na 93 porsiyento o 550,000 metric tons ng pangangailangan ng asin ay mua sa ibang bansa. Ito ay dahil sa patay o naghihingalong industriya ng asin sa bansa, ayon kay Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) President Danilo Fausto sa panayam ng DZBB. “Nakakahiya nga dahil one of the longest shoreline in world ang Pilipinas; 36,000 kilometers yan kahit sa 70 kilometers lang yan, makaka-produce na tayo ating asin,” sabi ni Fausto. Isa sa nakikitang dahilan ng pagkamatay ng industriya ng asin ay ang ASIN Law na nagmamandato na gawing iodized salt ang lahat ng asin. “Kasi may batas tayo noong 1995, nirerequire ang lahat ng salt production na may iodized salt at dapat ang DTI tumulong, according to the law, magbigay ng machine para ma-iodize ang produkto nila sa asin, hindi naman naibigay iyon so namatay yung industriya so now we are importing 93 percent of our salt requirements,” da...

Chie Filomeno nagluluksa sa pagyao ng alaga

Image
NAGDADALAMHATI ang TV personality na si Chie Filomeno sa pagkamatay ng kanyang fur baby na si Matty. Sumulat ng pamamaalam si Chie kay Matty sa Instagram. “I didn’t know angels came with four paws till I met you Mattyboo, thank you for completing our home, and thank you for completing me. “Si Matty kahit hindi ako umiyak alam niya kapag malungkot ako at alam niya paano ako pasayahin kahit matampuhin siya kasi madalas ako wala sa bahay but he still never fails to put a smile on my face. “Wala ng mangungulit at uutusan ako kunin yung bola niya. You’re so strong Matty, inantay mo pa din birthday ko. “Grabe no words can describe how painful it is to lose you but I know you’re no longer in pain now. Mahal na mahal kita Matmat. Run free.”

Kris Aquino may bago na namang autoimmune disease

Image
KINUMPIRMA ng kapatid ni Kris Aquino na si Ballsy Aquino-Cruz na may iba pang autoimmune disease ang actress-tv host matapos sumailalim sa mas maraming medical tests sa Estados Unidos. Sa ngayon ay patuloy pa rin umanong naghahanap ang medical team ni Kris ng gamot o procedure na angkop sa kanyang kalagayan, ayon pa kay Cruz. Ito ay bunsod na rin na maraming allergies din ang aktres na dapat isaalang-alang. “Unfortunately, they are still trying to give her the right, correct treatment. She has so many allergies that all the medicines they’ve been trying haven’t been working, or maybe they did but then the side effects—they were not too happy about,” ayon kay Cruz. Sa kabila nang dinadanas ng aktres, nananatiling determinado anya ang kanyang kapatid para sa kapakanan ng mga anak. “She has been in good spirits and she says that there are times—well because there was a time she was really feeling that she was about to give up because she was having such a difficult time. But then, ...

Sharon nabitin, humirit ng isa pa kay Coco

Image
UMAPELA si Megastar Sharon Cuneta kay Coco Martin na gumawa ng special episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil nabitin umano siya at ang publiko. Sey ni Sharon sa Instagram, mas okay kung may Book 2 ang action-drama teleserye para malaman kung ano ang nangyari sa mga karakter na sina Mara at Aurora. Ginampanan nina Julia Montes at Sharon ang mga nasabing papel. “Tinext ko ang anak kong boss namin na si @cocomartin_ph kahapon. Sabi ko gawa kami special episode kasi bitin loveteam nila ni Mara at pagkikita ng pamilya nila Oscar Aurora at Mara!” sey ni Sharon. “Natawa lang anak ko at miss na daw nila ako. Eh kasi sabi ko dami nabitin lalo na ako!” dagdag niya. “Coco anak, basahin mo comments sabi sayo bitin sila eh!”

Dalaga nagpanggap na nakidnap, kakasuhan

Image
PINAG-AARALAN na ng mga otoridad ang pagsasampa ng kaso sa isang dalaga sa Trento, Agusan del Sur na sinabi sa mga magulang na siya ay nakidnap. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na hindi totoong dinukot ang dalaga na nakilala sa alyas na Bebeng kundi bumisita lang ito sa kanyang boyfriend. Inamin naman ni Bebeng na sinakyan lang niya ang “trend” kaugnay sa mga nawawalang indibidwal. Matatandaan na kumalat ang balita online na nawawala si Bebeng, 19, residente ng Brgy. Sta. Maria noong nakaraang Linggo. Dinukot ang biktima, dagdag ng mga ulat, habang pauwi ito galing sa trabaho. Nagawa naman umano ng “biktima” na magsumbong sa mga magulang at sinabing isinakay siya ng mga di-kilalang lalaki sa itim na van. Sa labis na pag-alala, agad na humingi ng tulong ang mga kapamilya sa pulisya. Makaraan ang ilang araw ay lumutang si Bebeng sa kanilang bahay at inamin na hindi siya nakidnap kundi dinalaw lang ang kasintahan sa Bunawan, Davao City.

Agad-agad? Zubiri nilinis si Rodriguez sa sugar mess

Image
IGINIIT ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi sangkot si Executive Secretary Vic Rodriguez sa ilegal na tangkang pag-angkat ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal. “I absolutely do not believe that [Rodriguez] is part of this plan of coming out with an illegal order to import sugar,” sinabi ni Zubiri. “Why? Because he was the one who took [the matter] to the president and told the president about this particular plan, that they already signed an import order without the president’s approval,” dagdag pa niya. Tinutukoy ni Zubiri ay ang Sugar Regulatory Board Order No. 4 na pinirmahan ni dating Agriculture Undersecretary at Sugar Regulatory Administration Leocadio Sebastian noong Agosto 8 sa ngalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang importation order ay nilagdaan din ng tatlong dating mga opisyal ng SRA, na nagbitiw na sa kanilang mga puwesto sa gitna ng kontrobersiya. “If he was part of this plan, why would [the executive secretary] tell this to the presi...

Panukalang pagbibigay ng bagong prankisa sa ABS-CBN inihain

Image
INIHAIN ni Surigao del Norte Rep. Johnny Pimentel ang isang panukala na magbibigay ng bagong prankisa sa network giant na ABS-CBN. Sa kanyang House Bill 431, sinabi ni Pimentel na malaki ang papel na ginagampanan ng ABS-CBN sa paghahatid ng mga mahahalagang impormasyon at balita sa publiko. Huminto ng operasyon ang ABS-CBN noong Mayo 5, 202O matapos ipahinto ito ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa kuwetyunableng prankisa nito. Ibinasura rin ng Kongreso ang panukalang nagbibigay sa network ng panibagong prankisa dahilan ng pagsasara nito at pagpasok na lang sa block time partnership. “The news and public affairs program of ABS-CBN serves as the only avenue for crucial and relevant information for a great number of our countrymen. It is the source of information in the most far-flung areas of our country, keeping its far-reaches up-to-date with the relevant happenings,” paliwanag ni Pimentel sa kanyang bill.

Proposed Agri budget itinaas sa P184.1B

Image
ITINAAS sa P184.1 bilyon ang panukalang budget para sa Department of Agriculture (DA), ang kagawaran na pinamumunuan din ni Pangulong Bongbong Marcos. Ito ay mas mataas ng P81.6 bilyon kumpara sa kasalukuyang budget na P132.2 bilyon. Sinabi ni House Committee on Agriculture Chairman at Quezon 1st district Rep. Mark Enverga na itinaas ang budget ng DA ng 40 porsiyento ang itinaas ng DA budget base sa isinumiteng 2023 National Expenditure Program (NEP) ng Department of Budget and Management. “Masayang masaya kami coming from an agricultural sector magandang balita po para sa ating mga magsasaka yung 39 percent ang inincrease ng Department of Agriculture so this is good news to the farmers,” sabi ni Enverga.

Gay sex papayagan na sa Singapore

Image
HINDI na magiging isang krimen sa Singapore ang pakikipag-sex sa kapwa lalaki, ayon kay Prime Minister Lee Hsien Loong. Gayunman, klinaro nito na mananatili ang legal definition ng kasal sa pagitan lamang ng babae at lalaki. Dahil dito, ikinatuwa ng LGBTQ groups ang naging desisyon ni Lee na i-repeal ang Section 377A ng penal code ng Singapore na nagtatakda na bawal ang gay sex. Pero anila ang hindi pagpayag sa kasal sa pagitan ng same sex couple ay isa pa ring concern ng kanilang grupo dahil ito ay nanatiling isang porma na diskriminasyon sa kanilang hanay. Ginawa ni Lee ang pahayag sa taunang national day rally. Ani Lee ang mga Singaporean lalo na ang mga kabataan ay nagiging bukas na sa mga miyembro ng LGBTQ. “I believe this is the right thing to do, and something that most Singaporeans will now accept,” ayon sa Prime Minister. Hindi naman nilinaw kung kailan ire-repeal ang Section 377A.

Magat, Binga dam nagpakawala ng tubig

Image
NAGPAKAWALA na ng tubig sa Magat Dam sa Isabela at Binga Dam sa Benguet sa gitna ng patuloy na pag-ulan dala ng bagyong Florita. Sa isang abiso ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), nagpapakawala na ng tubig mula sa reservoir ng 554 cubic meters per second (cms). Alas-5 ng umaga ngayong Martes, nakabukas ang spillway gate ng 84 cms. Umabot na ang lebel ng Magat sa 186.62 metro, 3.3 metro na mas mababa sa spilling level nito na 190 metro. Samantala, 92.61 cms naman ang pinapakawalan na tubig sa Binga Dam. Sa kasalukutan, nasa 574.16 metro na ang lebel ng Binga, wala nang isang metro sa normal high-water level na 575 metro.

BBM gustong hiyain

Image
HINDI na bago sa bansa ang mga krisis na nararanasan natin ngayon lalo na sa kakulangan sa supply ng pagkain. Noong nakaraang linggo ay problema sa kakulangan sa supply ng puting sibuyas at asukal ang laman ng mga balita na agad namang natugunan ng pamahalaan. Mukhang totoo nga ang paalala ni presidential chief legal adviser Juan Ponce Enrile na mayroon talagang mga grupong gustong hiyain ang pangulo. Lalo pa’t ang pangulo rin ang siyang tagapangasiwa ng Department of Agriculture kung saan sumasailalim ang Sugar Regulatory Authority o SRA. Pero sorry na lang sa mga pasimuno ng balaking ito dahil nananatili ang suporta ng grupo ng mga negosyante sa pamahalaan at kaagad silang nagsabi na payag silang ibaba hanggang sa P70 per kilo ang presyo ng refined sugar hangga’t hinihintay ang sapat na supply nito sa merkado. Naalala ko ang kwento dati ni Enrile noong siya ay Defense minister pa ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nang magkaroon ng krisis sa supply ng asukal ay inimbita...

Pagbubukas ng klase napaghandaan pa sanang mabuti – Grace Poe

Image
NANINIWALA si Senador Grace Poe na sana ay napaghandaan pa ng mabuti ng pamahalaan ang pagbubukas ng klase kahapon, Lunes, Agosto 22. Ito ay matapos mapaulat na maraming mga batang mag-aaral ang walang classroom, walang mauupuan habang ang iba naman ay naipit sa kalsada dahil sa kakulangan ng transportasyon. “When we asked our students to return to classes amid the pandemic, all systems should have been in place to ensure that public utility vehicles are available, traffic flow is manned efficiently and health protocols are observed,” ayon kay Poe sa isang kalatas. “Classrooms are expected to have the basic facilities. Students should be sitting on chairs, not on the floor,” dagdag pa ng senador. Ayon kay Poe, dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang kalagayan ng mga mag-aaral at matiyak na ligtas at komportable sila sa pagbabalik nila sa klase matapos ang dalawang taon na online learning. “We hope concerned agencies will make up for the hitches encountered on Day One of face-to-f...

P1M shabu itinago sa inodoro ng fastfood restaurant

Image
NAREKOBER ng pulisya ang P1 milyon halaga ng shabu sa comfort room ng isang fastfood restaurant sa Naga City sa Camarines Sur. Nadiskubre ng crew ang plastic bag ng droga sa loob ng toilet bowl tank alas-12:45 ng umaga kahapon. Nakabalot ng masking tape ang plastic, ayon sa pulisya. Sinabi ng crew na binuksan niya ang tank dahil hindi nagpa-flush ang inodoro. Sa loob ay nakita niya ang plastic ng shabu na may bigat na 150 gramo kaya agad itong ipinagbigay-alam sa otoridad. Binubusisi na ng mga imbestigador ang security cameras sa establisimento para matukoy kung sino ang nag-iwan ng droga.

Malabon rape-slay suspect timbog

Image
SHOOT sa kulungan ang lalaki na itinuturong gumahasa at pumatay sa isang babae sa Malabon City nitong Lunes. Ayon sa pulisya, nadakip sa Malolos, Bulacan ang hindi kinilalang suspek. Maliban sa biktima, na walang saplot pang-ibaba nang madiskubre, pinatay rin ng salarin ang alagang aso nito. Napag-alaman na nagtungo sa bahay ng biktima ang kanyang kasintahan nang hindi ito sumasagot sa tawag at text. Nang silipin ang loob ng buhay, nakita ng lalaki na duguang nakahandusay ang biktima. Wala namang nakitang forced entry ang mga imbestigador bagaman magulo ang bahay dahil nanlaban umano ang biktima. Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek.

Pinoy workers wanted sa Thailand

Image
LIBO-LIBONG trabaho sa Thailand ang naghihintay sa mga manggagawang Pinoy, ayon sa Department of Tourism. Ayon sa ulat, nangangailangan ang Thailand ng mga staff hanggang middle managerial positions sa hospitality industry nito. Napag-alaman na kulang ang mga manggagawa ng Thailand para punan ang mga bakanteng posisyon sa pagbubukas ng turismo at pagtatanggal ng Covid-19 restrictions sa kanilang bansa. Inanunsyo ng DOT at Department of Labor and Employment na magkakaroon ng job fair para sa trabaho sa Thailand sa September 22 hanggang 24.

Pagkalaos ni Bea coming soon–Lolit Solis

Image
NANINIWALA si Lolit Solis na nalalapit na ang pagkalaos ni Kapuso actress Bea Alonzo dahil walang planning at management sa career nito. Sa Instagram post, muli ring pinuna ng veteran show biz columnist at talent manager ang itsura ni Bea sa bago nitong teleserye na “Start Up” na adaptation ng isang Korean drama “Tawa ako ng tawa sa reaction na mukhang tita ni Alden Richards si Bea Alonzo. Nag react daw ang Korea bakit mukhang matandang Tita ni Bae Suzy ang kinuha ng Pinas para sa Start Up. “Ano ba iyan, talaga bang labas na wrinkles ni Bea at kahit anong gawin make up talagang kita ng mukha siyang matandang tita? “Grabe naman hindi na matakpan ng make up at styling ng glam team niya ang edad ni Bea eh ang mahal ng bayad sa mga ito pero hirap pa rin ayusin ang edad. “At sobra naman iyon balita na kailangan mag mukhang matanda si Alden Richards para pantay tignan ang edad nila ni Bea Alonzo na mukhang tita talaga,” paulit-ulit na pahayag ni Lolit. Idinagdag niya na “mukhang mata...

TD Florita bahagyang lumakas; Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Isabela, Aurora, Cagayan

Image
ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ialng bahagi ng lalawigan ng Isabela, Aurora at Cagayan matapos bahagyang lumakas ang Tropical Depression Florita, ayon sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (Pagasa). Namataan si “Florita” 540 kilometro silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan na may taglay na hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso hanggang sa 70 kph. Pahilagang-kanluran ang takbo ni “Florita” na may bilis na 15kph at inaasahang mag landfall sa Cagayan o timog na bahagi ng Isabela Martes. Inaasahang magiging ganap na bagyo si “Florita” dahil sa inaasahan pang paglakas nito na aabot sa bilis na 75 kph. Nakataas ngayon ang Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod ng lugar: Northern portion ng Aurora (Dilasag) Eastern Portion ng Isabela (Dinapigue, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Palo, Cabagan,Tumauini, Ilagan City, San Mariano Eastern portion of Cagayan (Peñablanca, Baggao) Posibleng itaas naman sa Signal No.2...

Police patrol sa mga kalye

Image
NAKAKAALARMA na ang mga pagdami ng mga krimen– malaki at maliit. Bihira akong makakita ng mga pulis na nagpa-patrol sa mga hotspots na mga lugar ng barangay at mga commercial districts na kadalasang nagaganap ang mga krimen. Noong mga nakalipas na panahon, creative ang mga pulis lalo na yung mga nasa urban areas. May mga pulis noon na nagbibisikleta pa at rumoronda sa mga lugar na maraming tao. May mga naglalakad na dalawa hanggang tatlo at nakikipag-usap at nakikisalamuha sa publiko at kabisado ang pasikot-sikot ng kanilang area of jurisdiction. Naalala ko rin noon na mayroong ‘koban’ system na ginaya sa Japan. Ipinatupad ito sa Metro Manila at ilang urban enters sa bansa. Ang koban ay mga neighborhood police at maliliit na mga fixed police outposts na inilagay sa mga strategic na mga lugar upang may matakbuhan kaagad ang mga nabiktima ng krimen at magsilbing deterrent sa mga kriminal. Pero noong napalitan na ang mga police officials na nagpanukala nito, naglaho na rin ang mga ...

PUVS exempted sa number coding

Image
UPANG matiyak na hindi kukulangin ng sasakyan ngayong pagbubukas ng klase, pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na huwag isali ang mga sasakyang pampubliko sa number coding. Kasabay nito, pinaalalahanan ng MMDA ang mga PUV drivers na huhulihin pa rin sila para sa ibang violations. Nauna nang hiniling ng Department of Transportation and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang MMDA na i-suspend ang number coding at no-contact apprehension program para mas maraming PUV ang makabiyahe para sa pagbubukas ng klase. Matatandaan na nag-isyu ang LTFRB ng Memorandum Circular No. 2022-067 and 2022-068 para sa pagbubukas ng 33 bagong ruta para sa mga bus, at 68 naman para sa jeep at 32 sa UV express. Bibigyan ang mga PUV ng mga special permit para makabiyahe sa mga rutang ito.

9 trak ng sibuyas naharang sa MisOr

Image
INIHAYAG ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na siyam na trak ng puting sibuyas ang naharang sa Misamis Oriental noong isang linggo. Sa isang press conference, sinabi ni Panganiban na mga lokal na tanim ang mga nasabat na puting subuyas. Ito’y sa harap ng kakulangan ng puting sibuyas sa merkado dahilan para umabot ang presyo nito sa P450 hanggang P500 kada kilo sa mga supermarket. “Kasalukuyang nagsasagawa ng inspeksyon ang Bureau of Plant Industry para malaman kung marami pang itinatagong white onions sa mga cold storage facilities,” dagdag ni Panganiban. Aniya, magdedepende sa resulta ng inspeksyon ng BPI sa mga cold storage facilities kung kailangan pang mag-angkat ng puting sibuyas.

Villanueva, Ejercito, Binay nagpositibo sa COVID-19

Image
NAGPOSITIBO na rinsa Covid-19 sina Senador Joel Villanueva, JV Ejercito at Nancy Binay. “Tested positive for COVID-19 according to RT-PCR yesterday morning test, result of which was e-mailed late last night,” sabi ni Ejercito sa kanyang post. Idinagdag ni Ejercito na siya ay asymptomatic.. Huwebes ng gabi sinabi naman ni Villanueva na nagpositibo na rin siya sa coronavirus. Sinabi naman ni Binay na nagpa-antigen test siya matapos na ma-expose kay Villanueva na nagpositibo sa virus. Pitong senador na ang tinamaan ng virus simula nang magbukas ang sesyon ng Senado. Bukod kina Binay, Ejercito at Villanueva, nagpositibo rin sina Senador Imee Marcos, Alan Peter Cayetano, Grace Poe, at Cynthia Villar. Ipinag-utos ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pag-disinfect sa buong gusali ng Senado.

Bagong oil price hike nakaamba

Image
MULING magtataas ng presyo ang mga produktong petrolyo sa Martes matapos ang ilang linggong rollback. Batay sa ulat, tataas mula P2 hanggang P2.20 kada litro sa presyo ng diesel samantalang 10 hanggang 30 sentimo ang inaasahang itataas sa presyo ng gasolina. Matatandaang ilang linggo ring nagpatupad ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis.

Pinas may 2 bagong kaso ng monkeypox

Image
INIULAT ng Department of Health (DoH) na dalawa pang kaso ng monkeypox ang naitala sa bansa, dahilan para umabot na sa tatlo ang mga tinatamaan ng bagong virus. Sinabi ni DOH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na ang bagong kaso ay isang 34 at 29-anyos na bumiyahe sa mga bansang may kaso ng monkeypox. Idinagdag ni Vergeire na nagpositibo sa monkeypox and dalawa noong Agosto 18 at 19. Matatandaang inihayag ng DoH ang unang kaso ng monkeypox noong Hulyo 29. Ayon kay Vergeire, nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng dalawang bagong tinamaan ng monkeypox.

Vlogger niratsadahan si Supreme Court Justice Leonen

Image
HINDI pinalagpas ni Donnalyn Bartolome ang pagpuna ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa selebrasyon ng kanyang birthday party kamakailan. Sa Facebook, ipinamukha ni Donnalyn na “unprofessional” si Leonen dahil ipinalabas nito na wala siyang alam sa pagiging mahirap. Isa si Leonen sa mga nag-react sa “kanto-themed’ birthday ni Donnalyn dahil sa paggamit nito sa kahirapan para gawing konsepto sa party. “Instead of pretending to be poor through a lavish kanto themed party, why not understand what it is to be poor and find ways and means to assist.” ani Leonen. “To be poor is not something to celebrate by the rich. It is insensitive. Just saying.” Sinopla ng vlogger si Leonen at sinabing marami na siyang natulungan. “Who told you I never did anything to assist Sir? I celebrated my life by looking back at my past and not being ashamed of it. Did I pretend to be poor? Poor pa rin po ba sa inyo naka Bvlgari watch ako dun with diamond earrings and my imported P10,000 slip...

Local onion producers: Suplay ng red onion sapat hanggang Pasko

Image
TINIYAK ng mga local onion producers na sapat ang suplay ng pulang sibuyas hanggang sa Kapaskuhan sa kabila ng kakulangan sa suplay ng puting sibuyas. Sa panayam sa DZBB, sinabi ni Katipunan ng mga Samahan ng mga Magsisibuyas ng Nueva Ecija General Manager Arnel Llamas na base sa konsultasyon ng mga magsisibuyas sa Bureau of Plant Industry (BPI), aabot ang suplay ng pulang sibuyas hanggang katapusan ng Disyembre. “Base po sa pakikipag-usap namin sa Plant Industry (BPI), aabot ng December 2022 ang suplay ng sibuyas,” sabi ni Llamas. Inamin naman ni Llamas na noon pang Hulyo naubos ang suplay ng puting sibuyas sa kanilang mga cold storage. Aniya, umabot ng 350,000 bag ng sibuyas ang naani mula Pebrero hanggang Marso ngayong taon, kung saan 50,000 rito ay puting sibuyas. “Sa ngayon po wala na po tayong stocks ng puting sibuyas sa mga storage natin,” aniya. Base sa monitoring ng Department of Agriculture, naglalaro ang presyo ng pulang sibuyas mula P110 hanggang P160 kada kilo sa m...

Sugar warehouse sa Pampanga sinalakay; libo-libong sako ng asukal nadiskubre

Image
LIBO-LIBONG sako ng asukal ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) matapos salakayin ang isang warehouse sa Clark, Pampanga. Isinagawa ang raid sa Lison Building kung saan matatagpuan ang New Public Market sa Barangay Del Pilar. Ito’y sa harap ng panawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na ipag-utos na i- raid ang mga bodega na nagtatago ng mga asukal. Nadiskubre ng mga miyembro ng BOC ang libo-libong asukal na inimport galing Thailand. Bukod dito, nakumpiska rin ang daang-daang mga asukal sa mga delivery van. Isang Chinese-Filipino na nagngangalang Jimmy Ng ang nagmamay-ari ng warehouse. Nakumpiska rin ang mga sako ng corn starch mula sa China, mga sako ng harina, plastic products, langis na nasa plastic barrels, motorcycle parts, wheels, helmets, LED Televisions sets at pintura. Binigyan ng 15 araw ang mga may-ari ng bodega para makapagpresinta ng mga dokumento na legal ang pagpasok ng mga produkto sa bansa. Nahaharap naman sila ng kaso smuggling sakaling mab...

AJ Raval hinangaan sa paghawak ng balisong

Image
NA-IMPRESS nang husto ang direktor na si Roman Perez Jr. sa stunts na ginawa ng sexy actress na si AJ Raval para sa pelikula nilang “Sitio Diablo” ng Vivamax. Ayon kay Perez, parang eksperto rin si AJ sa paghawak ng balisong. “Ang galing na niyang humawak ng balisong. Nakaka-proud siya kasi ang daming stunts, may scenes na ang dami niyang mga kalaban, pero lahat, kinaya niya,” ani Perez sa isang panayam. “She really prepared for this project. Nag-aral siya ng stunts, barilan, bakbakan at knife fighting,” dagdag niya. Sinegundahan naman ito ni AJ na sinabing hindi siya nagpa-double sa mga action scenes. “Ako mismo ang gumawa ng action scenes ko at fight routines dito. Hindi po ako nagpa-double kasi I really want to prove na kaya kong mag-action,” sey ng kontrobersyal na aktres. Itinanggi naman ni AJ na kinarir niya ang stunts para matahimik ang isyu na buntis siya. “Hindi ko po ginawa ito para lang sa mga naninira sa akin,” aniya.

Mariel na-inspire sa pagpayat ni Claudine

Image
SA kanyang pagbabalik-alindog, inspirasyon ni Mariel Rodriguez ang aktres na si Claudine Barretto. Sa Instagram photos ng slim na slim na Claudine, isa si Mariel sa mga nagkomento. “You are an inspiration ate,” sey ni misis ni Sen. Robin Padilla. Sensitive topic para kay Mariel ang kanyang figure. Kamakailan lang pinuna niya ang isang netizen na nagtatanong kung bakit lumaki nang husto ang kanyang kaha. “Napakasama naman nitong tao na ‘to. What happened to your body daw? Okay nanganak ako two times. Okay? Ikaw, what happened to your attitude?” sagot ni Mariel.

Alice Dixson: Di ako gatecrasher sa GMA gala

Image
TINARAYAN ni Alice Dixson ang mga bashers na sinabing sinira niya ang black and white theme ng GMA Gala dahil sa suot niyang yellow gown. “It has come to my attention na may mga nagalit, nainis [at] nagba-bash tungkol sa lovely bright [Gakuya by Kim Gan] canary yellow gown ko na suot ko noong [GMA Gala Night],” ani Alice. “At ang sabi pa daw ay gate crasher pa ang dating ko, at nasira ko ang magandang preparation ng gala; Really?!” dagdag niya. Paliwanag niya, hindi nakasaad sa invitation na required ang pagsusuot ng white at black. “For me (and I also looked it up ha!) ang isang Formal Black and White event is simply that—a formal event. [And nowhere] on any of my invitations that I received did it say you could only wear black and white!” dagdag ng aktres.

Maggie Wilson may bagong kaso

Image
MALIBAN sa kasong adultery, sinampahan umano ng iba pang kaso ang TV host at ex-beauty queen na si Maggie Wilson ng kanyang estranged husband. Inanunsyo ni Maggie sa bagong ganap sa masalimuot niyang buhay sa isang post sa Instagram. “Hey everyone. I wanted to extend my sincerest gratitude to all of you who have sent me messages of love and support,” intro niya sa statement. Dagdag niya, naghain ng bagong kaso laban sa kanya ang ex-husband na hindi naman niya pinangalanan. “It’s been an extremely exhausting six weeks on my emotional and mental well-being as further legal cases have been filed against me over the weekend while he was busy #livinghisbestlife that again have no grounds,” ani Maggie. Hirit ng TV host, hindi niya aatrasan ang mga bagong asunto. “Still, I am fighting and will continue to do so with everything I’ve got for myself and, more importantly, Filipino women and children. Until I am in the ground, six feet under, I will make it my personal mission to pursue t...

Postponement ng barangay, SK elections aprub sa House body

Image
INAPRUBAHAN ng house committee on suffrage and electoral reforms ang panukalang i-postpone ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sanang gawin sa Disyembre. Sa inaprubahang panukala, ipagpapaliban ang halalan ng isang taon na inaasahang gagatusan ng pamahalaan ng mahigit P5 bilyon. Sa isinagawang pagdinig nitong Martes, 12 miyembro ng komite ang pumayag na ilipat ang halalan sa Disyembre 4, 2023. Ikalawang pagpapaliban na ito, nauna nang na-postpone ang nakatakda sanang eleksyon noong Mayo 2018.

Kaibigan na-stroke, Sharon heartbroken

Image
NANGHIHINGI ng dasal si Sharon Cuneta para sa kaibigan na na-stroke kamakailan. Ayon kay Megastar, hindi pa siya handang mawalan ng isa pang kaibigan makaraang sumakabilang-buhay sina Fanny Serrano at Cherie Gil. “After Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke’,” ani Sharon sa Instagram. Kaya nakikiusap siya sa publiko na ipagdasal ang kaibigan na hindi niya pinangalanan. “Please, please pray with me for her healing…Lord kahit a few more years na lang po idagdag N’yo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray. My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit. Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves...

Anak ni Cherie Gil nag-party, na-bash

Image
BINUTATA ng anak ni Cherie Gil na si Bianca Rogoff ang netizen na pinuna ang pagpunta niya sa party kahit kamamatay lang ng ina. Sey ni Bianca, walang masama kung mag-party man siya kahit wala pang isang buwan mula nang sumakabilang-buhay si Cherie. Hirit ng netizen: “Your mom just passed away and your in a party now?”  Walang pakiyeme namang umamin si Bianca. “Absolutely,” sey niya. “Life is sacred and should be valued and honored, and most importantly, lived. And if you knew her (Cherie), she’d be the first one to tell anyone to live their life adventurously and joyfully,” paliwanag ni Bianca. Aniya pa, nagluluksa siya sa pagkamatay ng ina, “but it is not my job to show you that.” “I love my mother and am allowed to grieve as publicly or privately as I wish. I am not here to perform for those who chose to follow me,” sabi pa niya.

WVSU law students ‘ipinagluksa’ pagpasok ni Madam Liza

Image
NAGSUOT ng itim na t-shirt ang ilang mag-aaral ng West Visayas State University College of Law sa Iloilo bilang protesta sa nakatakdang pagtuturo roon ni First Lady Liza Araneta-Marcos. Sa ginanap na orientation, ilang students ang nagsuot ng itim na t-shirt na mayroong nakasulat na sari-saring hashtags na anti-Marcos. Kabilang rito ang #NEVERAGAINTOMARTIALLAW, #NeverForget, #NeverAgain, #MarcosNotWelcome, #RejectAndResist #LAWbanWVSU, #WVSUCOLlective, at #ForeverQuezonHallNeverMarcosHall”. Bago ito, ipinahayag ng mga mag-aaral ng WVSU ang kanilang pagkontra kay Araneta-Marcos bilang faculty member ng College of Law. Ayon sa mga estudyante, magkakaroon lamang umano ng bagong platform para linisin ang pangalan ng pamilya Marcos. “As students who value and live by the words ‘Excellence is a tradition,’ we are firm in our resistance towards the College of Law’s acceptance of Lisa Araneta-Marcos’ application as part-time faculty of the College to teach Criminal Law 1,” ayon sa state...

Mga pabibo at pabida

Image
BUHAY NA BUHAY ang career ni Marites ngayong pandemic. Kaliwa’t kanan kasi ang blunders at mga milagro na ginagawa ng ilang pabibo at bida-bidang government officials na kumukurap-kurap at uma-unli fools kaya tumi-trending. Ang media na nagbabalita, ay balita rin parati dahil sa press suppression na may iba-ibang mukha at porma. Sa mga kumukurap-kurap, tuma-topnotcher ang Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM). Namili sila ng 39,583 DepEd laptops sa halagang P2.4 billion pero slow at outdated naman, kahit merong mas mura at mabilis, pahirap sa teachers. Nabudol ang mga nagbabayad ng buwis dyan nung May 2021, Duterte admin yarn. Mula P35,046.50 original request ng DepEd, tumaas ang presyo sa P58,300 na pinayagan namang bilhin ng departamento. Hashtag Never Forget, PS-DBM din ang sangkot sa humongous P11bilyon Pharmally scandal, again, nangyari rin sa Duterte administration. Namumuro. Taga-budget na naturingan pero wagas na waldasero. Grabe siya. Pinak...

Grace Poe nadale na rin ng COVID-19

Image
INANUNSYO ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagpositibo si Sen. Grace Poe sa COVID-19. “Senator Grace Poe, ma’am, please get well soon from your COVID-19. We pray in the Senate that you stay safe and that you can hurdle COVID-19. I’m sure you will do well,” sinabi ni Zubiri sa plenary session ngayong Miyerkules. Simula nitong Agosto, apat na senador na ang nagpositibo sa COVID-19. Ang tatlong nauna ay sina Senador Alan Peter Cayetano, Imee Marcos at Cynthia Villar.

SRA administrator Serafica nagbitiw na rin sa pwesto

Image
MATAPOS ang kontrobersya hinggil sa planong importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal, nagbitiw na rin sa kanyang pwesto admistrador Sugar Regulatory Administration na si Hermenegildo Serafica. Isa si Serafica na lumagda sa resolusyon ng Sugar Regulatory Board para sa importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal na kinansela naman ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa isang liham na may petsang Agosto 13, sinabi ni Executive Secretary Vic Rodriguez kay Serafica na ang kanyang pagbibitiw ay tinanggap na ni Marcos Jr.  Si Serafica ang ikatlong pumirma sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4 na nagbitiw sa kanyang puwesto, matapos ituring ng Malacañang na ‘ilegal’ ang nasabing resolusyon. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi nila alam na ang order ay na-upload sa website ng SRA. Una nang nagbitiw si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, na siya umanong nag-apruba ng resolusyon base umano sa utos ni Marcos. 

Birthday party ni Donnalyn inokray ng netizens

Image
KINASTIGO ng netizens ang “kanto-themed” birthday party ng singer-actress Donnalyn Bartolome na dinaluhan ng mga kapwa niya celebrities. Hirit ng mga netizens, ginawang theme ni Donnalyn ang pagiging mahirap. Anila, insensitive umano ito dahil ang kahirapan ay isang “real life problem.” Matatandaan na nitong weekend ay ipinost ni Donnalyn sa Facebook ang mga larawan ng kanyang party. Aniya: “My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable.. pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi.  “So I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang wala pa ako.. pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas butas ang shorts.. at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin,” dagdag niya ukol sa “pinakasimple pero pinakamasayang birthday ko.” Kabilang sa mga dumalo sa celebration sona Ella Cruz, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra B...

Ice Seguerra: Buhay pa po ako

Image
MAKARAANG mataranta ang publiko sa black and white photo ni Ice Seguerra na ipinost sa Instagram, klinaro ng singer na buhay pa siya. Sa Facebook, ni-repost ni Ice ang nasabing larawan. “Kalma lang kayo guys. Ako lang ‘to. At buhay pa ako,” aniya. Nag-viral ang nasabing larawan makaraan itong i-post ni Ice sa Instagram noong August 11. Maraming followers naman ang agad na nag-react sa photo. “Ang hirap pala mag post ng black and white photo sa IG. May phobia na mga tao,” sabi ni Ice.

5 rehiyon sa bansa apektado ng ASF

Image
LIMANG rehiyon sa bansa ang ngayon ay apektado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa Department of Agriculture. Sa isang press conference, sinabi ni DA Bureau of Animal Industry (BAI) Assistant Director Dr. Jonathan Sabiniano na kabilang sa mga apektado ng outbreak ng ASF ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 3, 8, 9 and 12. “As of August 4, 2022, from 14 regions, only five regions are now affected by the African Swine Fever,” ayon kay Sabiniano. Tiniyak ni Sabiniano na patuloy ang hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng ASF. “We are succeeding in controlling the spread as the repopulation program is ongoing,” sabi ni Sabiniano. Hinimok din ni Sabiniano ang mga magbababoy na ipasok sa insurance program ang mga alaga para mabayaran sakaling tamaan ng ASF.

3 pulis Maynila iniimbestigahan dahil sa extortion

Image
PINAIIMBESTIGAHAN na ni National Police chief General Rodolfo Azurin ang tatlong pulis na inaresto dahil sa pangingikil. Inatasan na ni Azurin ang PNP Internal Service Affairs na imbestigahan ang tatlong pulis na nakatalaga sa Station 5 ng Manila Police District na inaresto sa isang entrapment operation nitong Lunes. “As a matter of standard procedure, I am directing our IAS to probe the alleged extortion involving our personnel. We don’t tolerate rogue cops in our organization, so we will let them answer the allegation,” ayon kay Azurin. Ang tatlong pulis na posibleng masibak sa serbisyo ay sina PSSg Erwin Licuasen, Pat Leopoldo Tuazon at PCpl Chimber Importa. Inireklamo ang tatlo matapos manghingi umano ng pera kapalit sa pag-release ng na-impound na tricycle na nahuli dahil sa paglabag sa trapiko.

Hoarding, profiteering, kartel gawing economic sabotage- Salceda

Image
ISINUSULONG ni Albay Rep. Joey Salceda na gawing economic sabotage ang pagho-hoard, profiteering, at kartel sa mga produktong agrikultura. Nais din ni Salceda na magtayo ng Task Force on Hoarding na siyang magri-raid ng mga warehouse. Sinabi ni Salceda na ihahain niya bukas ang isang panukalang batas na naglalayong ipataw ang habambuhay na pagkabilanggo sa mga sangkot sa malakihang hoarding. “It’s time to put greater teeth on the provisions of the Price Act as far as they apply to agricultural products. There is no economic crime more contemptible than knowingly depriving the people of food. That is the lowest depth of social evil,”sabi ni Salceda. Sa ilalim na panukala ni Salceda pasok sa maaaring patawan ng economic sabotage ang mga nagtatago ng asukal, mais, baboy, manok, bawang, sibuyas, carrot, isda at iba pang mga gulay. Aniya, pasok sa economic sabotage ang mga nagtatago ng produktong agrikultura na nagkakahalaga ng mula P1 milyon hanggang P10 milyon. “I want to give the...

Grand Imam ng Marawi binawi suporta kay Robinhood

Image
INIURONG na ng Grand Imam ng Marawi Grand Mosque at ng kanyang mga miyembro ang suporta nila kay Senador Robinhood Padilla kasabay sa pagkondena sa isinusulong nitong “same sex marriage”. Inilabas ng Office of the Grand Imam of the Marawi Grand Mosque na si Alim Abdulmajeed Djamla ang kanilang pahayag ng pagkondea sa Senate Bill No. 449 o “An Act Institutionalizing Civil Unions of Same Sex Couples, Establishing Their Rights and Obligations, and For Other Purposes.” “I regret to inform all Muslims in general and the Muslims in the Philippines that I and those who follow me have withdrawn our support for Senator Robin Padilla and strongly condemn his sponsorship of Same-Sex Marriage Bill No. (449) Civil Unions Acts in the Senate,” ayon kay Djamla. “This is based on the doctrine that same-sex marriage is considered immoral by all religions and is forbidden (Haram) under Islamic law,” dagdag pa ng Grand Imam. Paliwanag niya, ang paniniwala o silang gumagawa ng ganitong gawin (same se...

Isa pang opisyal ng Sugar Regulatory Board nagbitiw

Image
NAGBITIW ang isa pang opisyal na sangkot sa kontrobersyal na paglalabas ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Resolution Number 4 kaugnay ng tangkang pag-aangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal. Isinumite ni SRA Board Member Atty. Roland Beltran ang kanyang resignation letter kay Executive Secretary Vic Rodriguez noong Agosto 14, 2022. Idinahilan ni Beltran ang kanyang kalusugan sa kanyang desisyon na umalis na sa SRA Board. Ayon kay Beltran, Hulyo 1, 2022, nang nagpaalam na siya, bagamat ipinaalam sa kanya noong Hulyo 29, 2022 na siya ay mananatili bilang holdover capacity. Bumalik si Beltran sa kanyang pwesto noong Agosto 1, 2022. Nauna nang nagbitiw si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian sa kanyang katungkulan matapos namang pumirma para kay Pangulong Bongbong Marcos. Bukod kina Beltran at Sebastian, kabilang sa mga pumirma sa SRA Board Resolution ay sina SRA Administrator Hermenegildo Serafica bilang SRA Board Vice-Chairperson at Aurelio Gerardo J. Valderr...

Press Secretary Angeles positive sa COVID-19

Image
KINUMPIRMA ni Press Secretary Trixie Angeles na nagpositibo siya sa COVID-19. “Ngayong araw, lumabas po ang resulta ng ating RT-PCR test para sana sa isang official engagement at lumabas po itong positive,” sabi ni Angeles. Sa kabila naman nito, sinabi ni Angeles ni tuloy pa rin ang kanyang trabaho. “Tayo po ay asymptomatic at magpapatuloy tayo sa pagtatrabaho habang naka-isolate para maka-recover,” dagdag ni Angeles, Hinimok din ni Angeles ang lahat na magpabakuna laban sa virus.

Pops: Wala kaming away ni Zia Quizon

Image
ITINANGGI ni Pops Fernandez na mayroong bad blood sa pagitan niya at ni Zia Quizon, ang daughter nina Dolphy at ZsaZsa Padilla na ex-boyfriend ng anak niyang si Robin. Kamakailan ay ikinasal si Zia sa fiance nito sa Serbia. Nag-post siya ukol sa wedding at isa si Pops sa mga bumati sa bagong kasal. Pero sa karamihan ng nagkomento, kay Pops lang walang reply si Zia. Sa katunayan, sinagot nito ng emojis ang comment ni Martin Nievera, ama ni Robin at ex-husband ni Pops. Nilinaw naman ni Pops na walang something sa kanila ni Zia. “I love Zia. She’s such a sweet, nice girl. Napakabait na bata,” ani Pops. “Baka na-miss-out lang niya yun. But as far as I know, we’re very okay,” dagdag ng singer ukol sa umano’y pandededma ni Zia sa kanyang comment. “Siyempre, baka naman sa sobrang dami rin ng nag-message, hindi na niya nabasa lahat. So, you know, at the end of the day, things happen for a reason and sometimes they happen for a better reason,” aniya pa.

Babala: Ilang school supplies toxic

Image
SINABI ng environmental health group na EcoWaste Coalition na nadiskubre nito na may mga mapangapanib na kemikal ang matatatagpuan sa mga ibinibentang school schools sa merkado. Sinabi ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na base sa 85 iba’t ibang mga school supply at accessory na sinuri mula sa Manila, Quezon City, Cagayan de Oro, Davao, Iligan City and Lipa City mula noong Hunyo 4 hanggang Hulyo 9, 38 rito ang nagtataglay ng mataas na lebel ng lead at cadmium. “Our recent market investigation shows that school supplies and accessories made of polyvinyl chloride (PVC) or vinyl plastic and those coated with paint may contain toxic cadmium and lead, and are sold with no warning labels,” sabi ni Lucero. Idinagdag ni Lucero na 31 sa 40 eraser na ipinasuri ng grupo sa Wonjin Institute of Occupational and Environmental Health (WIOEH) sa South Korea, nadiskubreng nagtataglay ng toxic phthalates, kabilang ang DEHP, na posibleng carcinogen. “Lead and cadmium belong to...