Posts

Showing posts from January, 2023

Tulong ng DSWD sa apektado ni ‘Paeng’ umabot na sa P4.1M

Image
UMABOT na sa P4.1 milyon ang tulong na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Paeng. Sinabi ng DSWD na may kabuuang P1.5 bilyon ito para magamit samantalang P445.2 milyon naman ang standby funds at quick response fund (QRF). Idinagdag ng DSWD na mahigit P1 bilyong halaga ng mga relief goods ang handa ring maipamahagi. Base sa ulat ng DSWD, umabot na sa 97,206 pamilya ang apektado ng pananalasa ng bagyong Paeng sa iba’t ibang rehiyon, kung saan 12,304 pamilya ang nasa iba’t ibang evacuation centers. Bukod sa Metro Manila, kabilang sa mga apektado ng bagyong Paeng ang Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Caraga Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Signal No.2 itinaas sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas

Image
ITINAAS na sa Signal No. 2 ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas na tutumbukin ng bagyong Paeng. Sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) itinaas na ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar: Catanduanes Albay Sorsogon Eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Goa, San Jose, Tigaon, Iriga City Saglya Buhi) Northern Samar Northern portion of Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo, Maslog, Dolores, Can-Avid, Taft)

Sanay po ako sa hirap–Zeinab Harake

Image
KAHIT milyong-milyon na ang kinikita niya sa pagba-vlog, hindi pa rin nakakalimutan ng kontrobersyal na online personality na si Zeinab Harake ang kanyang nakaraan. “Kung alam n’yo lang. Dati po dumadating ‘yung ilang araw na wala kaming makain. Kung hindi pa po magbibigay ng kapitbahay namin ng ulam, wala po kaming kakainin maghapon magkakapatid. Totoo po ‘yun,” ani Zeinab sa isang panayam. Kaya naman laking-pasalamat niya sa Diyos at kaya na niyang buhayin ang mga taong mahal niya. “Ngayon, nakakapag-provide na ako ng kung anong gustong kainin ng mga anak ko, mga kapatid ko. Lalo na ako, team ko,” paliwanag ni Zeinab. Maliban sa pamilya, tumutulong din siya sa mga kapus-palad dahil alam niya kung paano maging mahirap. “Number one po ‘don is ‘yung mga taong nakikita ko lalo na ‘yung nasa kalye. ‘Yung kahit walang camera. As long as nakita mo, kaya mong tulungan, tulungan mo. Sa mga contents ko sa pagtulong sa mga nasalanta, nasunugan. Masayang-masaya ako na ginagawa yun e,” dag...

616 aftershocks naitala matapos ang Abra quake—Phivolcs

Image
SINABI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na umabot na sa 616 aftershocks ang naitala matapos ang magnitude 6.4 na lindol sa Abra. “As of 7 a.m., we have recorded 616 aftershocks and pito dito are felt, yung maximum na nai-record ay magnitude 4.8,” sabi ni Phivolcs officer-in-charge (OIC) Teresito Bacolcol. Idinagdag ni Bacolcol na hindi aftershock ang nangyaring lindol matapos namang naunang maranasan ang magnitude 7 na pagyanig noong Hulyo 27, 2022. “Ang aftershock is one degree lower than the main shock, so the main shock was magnitude 7, on July 27, we would expect yung aftershock lang around six, eh ang nangyari was magnitude 6.4,” dagdag Bacolcol. Idinagdag ni Bacolcol na naitala ang lindol malapit sa West Ilocos Fault System. “Historically we recorded at least 40 earthquake from 1589 to 1995, that areas is very seismically active,” aniya.

61,869 katao apektado ng malakas na lindol

Image
UMABOT sa 61,869 indibidwal o 18,549 pamilya ang apektado ng magnitude 6.4 na lindol nitong Martes ng gabi, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Samantala, umabot na sa 1,813 kabahayan ang nakaranas ng pinsala samantalang walo ang totally damaged. Idinagdag ng DSWD na sa kasalukuyan, 22 pamilya o 76 katao ang nsa loob ng mga evacuation center, habang 161 o 327 katao ang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak. Umabot naman sa P196,9888 ang tulong na ibinigay ng kagawaran.

Mga tanong at pangamba

Image
PASIMPLEHIN natin ang komplikado. O pahirapan natin ang ating mga sarili: October 18, 2022, sumuko ang suspected gunman na si Joel Escorial sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Lapid Mabasa o mas popular sa pangalang Percy Lapid. Itinuro ni Joel ang mastermind na nasa National Bilibid Prison na pala. Practically, kung tutuusin solb na ang kaso. Kasi, ang huhulihin mong puno, kulong na. Kaya siguro sa isang radio interview na ibinalita ng Manila Times noong Oct. 23, sinabi ni Southern Police District Director BGen. Kirby John Kraft, case solved na, kahit patuloy pa ang imbestigasyon. Sa roundtable discussion ng Philippine Press Institute tungkol sa media attacks noong Oct. 19, dinefine ni PNP PIO Head Col. Redrico Maranan na sa PNP, solved ang krimen kapag arestado na ang suspek. Mali. Inaccurate at misleading. Kahit sinong ordinaryong tao, solved ang isang kaso kapag naaresto, kinasuhan at nasentensyahan ang mga suspek kasama ang mastermind sa krimen. Buo ang hustisya. ...

Bianca di apektado kahit konti vlog views

Image
DEDMA ang TV personality na si Bianca Gonzalez kung kokonti lang ang views ng kanyang YouTube videos Aniya, hindi clout ang habol niya sa kanyang mga videos. “Pa-isa nga lang. Dahil hot topic din naman ngayon ang YouTube, engagement at views. I often get this comment meant to insult or bash me: ‘Ay, walang views ang vlog niya.’ “Let me get one thing clear: iba-iba ng rason ang tao to create content on YouTube. “Some create content on YouTube as a full-time career, some as a creative outlet, some as a form of self-expression, and some, like me, create content to reach out to others and help. Iba-iba ng purpose ng tao sa YouTube and before starting a channel, that should be clear to you. “From the start, ang #PaanoBaTo ay para makatulong sa problema’t pinagdadaanan ng tao, to know they are not alone and to know that they will get through it, by sharing stories that inspire and empower. “Ngayon. Kung sa 2,300 na nanood ng video, may 1 o 5 o 10, o kahit 20 na gumaan ang bigat na na...

Martin iniyakan anak na may Autism Spectrum Disorder

Image
NAG-AALALA si Martin Nievera sa kinabukasan ng anak na si Santino na mayroong Autism Spectrum Disorder. Sa panayam ng “Magandang Buhay,” naiyak si Martin nang pag-usapan si Santino. “I have a special child and I am so proud, so proud and so scared at the same time because I’m not going to be here forever,” aniya. “When he’s already on his own, who is going to translate? Who’s going to tell people, not apologize but to tell people na ang ibig niyang sabihin ay gutom siya, na in-love siya sa mga mermaid,” dagdag ng singer. Aniya, isang malaking hamon ang kondisyon ng anak. “I’m still here to entertain everybody but my real life is a challenge, and that’s why I am always in the States so I can co-parent this special child,” sabi pa ni Martin. “Is God trying to tell me, ‘That’s it, that’s your 40 years. Maybe you have to start thinking what happens after. And it’s scary, it’s really scary,” pahayag pa ni “Concert King.”

Red flags: Job scammers

Image
KAHAPON , may mag-asawa na naman akong inasikaso sa aming opisina na biktima ng isang illegal recruiter na kanilang nakilala sa pamamagitan ng TikTok. Anila, ang nasabing illegal recruiter na ito ay diumano’y isang sub-agent ng pinagtatrabahuan kong POEA (now Department of Migrant Workers or DMW) licensed agency. Kapanipaniwala raw ang mga sinabi nitong kausap nila lalo’t binanggit ang aming employer na mag-aalok sa kanila ng training bago makaalis papuntang Canada. Sila ay pinagpamedikal sa isang clinic sa Leon Guinto, Manila, na ang resibong ibinigay lang ay ang dental at optical examination, samantalang maraming pinagawang medical-check up sa kanila. Umabot daw ng halos P8,000 ang kanilang nagastos, yan ay presyo para lamang sa isang tao. Bitbit ang kanilang mga damit, nagtungo sila sa aming ahensya sa paniwalang sila ay dapat magbayad na ng P7,000 kada tao para sa isang training para maging housekeepers. Ang ipinagtataka nila, itinuro sila sa isang lugar kung saan sila magbab...

Anak ni Tugade itinalaga bilang General manager ng MIAA

Image
ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos ang anak ni dating Transportation secretary Arthur Tugade na si Jose Arturo Maddela Tugade bilang general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA). Kinumpirma ni Office of Press Secretary office-in-charge Cheloy Garafil ang pagkakahirang sa nakababatang Tugade. Pinalitan ni Tugade si Cesar Chiong. Nagsilbi ang matandang Tugade noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Positivity rate sa NCR bumaba sa 11.6%–OCTA

Image
SINABI ng OCTA Research Group na patuloy ang pagbaba ng positivity rate sa Metro Manila kung saan naitala ito sa 11.6 porsiyento mula sa 14.6. Idinagdag ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na wala nang 500 ang seven-day average ng coronavirus disease (Covid-19) sa National Capital Region (NCR). “The reproduction number decreased to 0.74. The September wave in NCR was likely driven by XBB/XBC. Let’s hope the downtrend continues until the holidays,” dagdag ni David.

10 sugatan, ilang kabahayan sira sa Abra quake

Image
TINATAYANG aabot na sa 10 katao ang nasugatan bunsod ng 6.7 magnitude na lindol na yumanig sa Abra Martes ng gabi. Ayon kay Capt. Rigor Pamitan, spokesman ng 5th Infantry Division, meron na silang naitalang 10 sugatan mula apat na bayan sa lalawigan ng Abra. Ayon sa report, lima ang naitalang sugatan mula sa bayan ng Lagayan, habang tatlo naman sa San Juan, at tig-isa mula sa Daguioman at San Quintin. Samantala, 52 pamilya o 182 indibidwal ang inilikas mula sa Tubo, Abra, dagdag pa ni Pamitan. Patuloy naman ang isinasagawang assessment para mabatid kung ilan sa 58 paaralan sa lalawigan ang nasira ng pagyanig. Ang Abra-Kalinga Road sa Brgy Subagan, Licuan-Baay, ay pansamantalang hindi madadaanan dahil sa isinasagawang clearing operations. Ang Abra- Cervantes Road naman sa Brgy Bangnagcag, Bucay Abra, ay pwedeng daanan ng mga maliliit na sasakyan. Sarada naman sa trapiko ang Abra-Ilocos Norte Road (K0429+800, Nagparan, Danglan, Abra) dahil sa mga pagguho ng lupa, at ngayon ay isi...

Eastern Samar inuga ng magnitude 5.3 na lindol

Image
INUGA ng magnitude 5.3 na lindol ang Eastern Samar alas-11:08 Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naitala ang lindol na may lalim na limang kilometro, 46 kilometro ng Mercedes, Eastern Samar. Naramdaman ang Intensity IV sa Mercedes, General McArthur, Giporlos, Guiuan, Hernani, Quinapondan, at Salcedo, Eastern Samar. Naitala naman ang Intensity III sa Balangiga, at Lawaan, Eastern Samar; Tacloban City, Leyte; habang Intensity II naman sa Abuyog, Dulag, at Palo, Leyte. Hindi inaasahan na may pinsalang dulot ng lindol bagamat posibleng maranasan ang mga aftershocks.

Pagtaas ng presyo ng mantika nakaamba na rin

Image
NAGBABALA sa publiko si Albay Rep. Joey Salceda hinggil sa unti-unting pagtataas ng presyo ng palm oil sa mga pamilihan. Dahil dito, hinikayat ni Salceda na dapat samantalahin ng Philippine Coconut Authority (PCA) na palaguin ang produksyon ng coconut oil sa bansa. “Coconut is the country’s top agri export. We are the world’s best in coconut production. So this is a super crop for us. And the opportunity is presenting itself,” sabi ni Salceda. Idinagdag ni Salceda ba tumaas na ang presyo ng palm oil ng 20 porsiyento. “So, I am calling on the Philippine Coconut Authority to find ways to market Philippine coconut oil as a viable alternative to palm oil as futures prices continue to rise, and to help our coconut farmers get into the export trade, or at least benefit from it,” aniya.

Xian kay Barbie: ‘Di ko ilalabas ang convo natin

Image
NANGAKO si social media personality Xian Gaza sa aktres na si Barbie Imperial na hindi nito ilalabas ang conversation nilang dalawa kahit pa mag-away ito. “Barbie Imperial, isa lang ang maipapangako ko sayo. Kahit mag-away pa tayong dalawa in the future, hinding-hindi ko ilalabas sa publiko ang mga private conversations natin,” sey ni Xian sa Facebook post. “Hindi ako tanga para gawin yun dahil wala nang magtitiwala sa akin. Pero sana huwag na tayong umabot sa puntong iyon,” dagdag pa niya. Promise din niya kay Barbie na pangangalagaan nila ang pagkakaibigan nilang dalawa. “Pangalagaan nating mabuti ang pagkakaibigan na ating nasimulan. I love you, Barbie, as a friend,” pahayag pa ni Xian.

Dating pulis itinalaga sa DOH: ‘Hindi kailangan maging doktor’

Image
NANGATWIRAN si dating PNP Chief Camilo Cascolan, na hindi isang doktor, na walang mali sa pagkakatalaga sa kanyang bilang undersecretary ng Department of Health. Ayon kay Cascolan, hindi kailangang maging doktor para hawakan ang isang mataas na posisyon sa kagawaran na mangangalaga sa pambansang kalusugan. “I’m not a doctor but one doesn’t need to be a doctor to be assigned in DOH,” ayon kay Cascolan. “Administration and [management] will always be a part of every department in government and I believe I will be of big help in this area,” giit pa niya kasabay ang pagpapasalamat kay Pangulong Bongbong Marcos. Paliwanag pa ng dating pulis na “I will inject ideas/strategies and additional initiatives” hinggil sa patuloy na paglaban ng bansa sa pandemya dala ng coronavirus disease. Nagtapos si Cascolan sa Philippine Military Academy noong 1986. Siya ay naging pinuno ng pambansang pulisya mula Setyembre hanggang Nobyembre 2020.

Marcos: Pinoy handa nang bumalik sa normal

Image
SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na handa na ang mga Pinoy na bumalik sa normal na buhay matapos ang mahigit dalawang taong epekto ng pandemya. “Hindi lang ng taga-Bacolod kung hindi lahat na talaga handang-handa na ang mga kababayan nating Pilipino na bumalik na sa normal na buhay at ipagpatuloy ang ating mga ginagawa para pagandahin natin ang buhay ng isa’t isa, para pagandahin natin ang Pilipinas,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng Masskara Festival sa Bacolod City nitong Linggo. Idinagdag ni Marcos na nababawasan na rin ang epekto ng pandemya. “Alam na natin kung papaano i-manage ang COVID at nakakatuwa naman na nandito tayo, nagkataon tayo na magsama ulit,” anya pa. “At ngayon ay hindi lamang para sa political cycle, para sa kampanya, kung hindi para mag-celebrate, para sumayaw, makinig ng magandang music, at mag-enjoy tayo sa mga performance ng ating mga napaka-talented na mga tiga-City of Smiles,” dagdag pa ni Marcos.

Deklarasyon ng ‘State of calamity’ sa San Miguel, Iloilo dahil sa ASF suportado

Image
SINUPORTAHAN ng isang agricultural group ang pagdedeklara ng state of calamity sa San Miguel, Iloilo dahil sa outbreak ng African Swine Fever (ASF). Sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Executive Secretary Jayson Cainglet na mabibigyan ng sapat na pondo ang lokal na pamahalaan para labanan ang ASF. “The declaration of the state of Calamity in San Miguel, in Iloilo is simply to equip the municipal and provincial governments with all the resources at their disposal to combat the further spread of ASF,” sabi ni Cainglet. Idinagdag niya na hindi apektado ang suplay ng baboy sa kabila ng pagdami ng kaso ng ASF. “The volume of the pigs culled is minimal to the overall stock of local hogs. These is no significant impact as to the supply and prices of pork as we approach the holiday season,” sabi ni Cainglet. Nagbabala naman si Cainglet na posibleng may pagsamantala sa sitwasyon. “There will be elements that may try to take advantage of this declaration. Processors have...

Presyo ng langis may bawas presyo

Image
MAGPAPATUPAD ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis kung saan aabot ng P1.10 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel. Aabot naman sa 35 sentimo kada litro ang ibababa sa presyo ng gasolina at 45 sentimo naman sa kada litro sa presyo ng kerosene. Noong isang linggo, umabot sa P2.70 kada litro ang itinaas ng presyo ng diesel, habang P2.90 naman sa kerosene at 80 sentimo sa gasolina.

GABMMC’S non-stop improvements; banning K- drama

Image
KUDOS to the Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) for its non-stop efforts in improving the services it offers to its patients, particularly the residents of District 1 (Tondo). GABMMC Director Dr. Ted Martin has previously proposed a new emergency department. Recently, he announced over social media that the construction of this proposed department will already start soon. According to Dr. Martin, the plan is in line with the continued efforts of the hospital to provide quality medical services to the residents of the city. Particularly, the construction of a new emergency department that will help the hospital accommodate more is aimed at addressing the ever-growing number of Manilans with urgent medical needs. The good doctor also stated that the new emergency department is just one of the many hospital projects that he had lined up and aim to finish one by one, with the purpose of expanding and improving further the medical services of GABMMC. Dr. Martin is ind...

Pamilya ni Percy Lapid gusto ng independent autopsy

Image
NAIS ng pamilya ng pinaslang na broadcaster na si Percy Lapid na isailalim sa independent autopsy ang bangkay ng sinasabing middleman na pinangalanan ng self-confessed gunman na si Joel Escorial. “Kami po’y nananawagan sa kung sino ang pwedeng tumulong sa amin na magkaroon ng independent autopsy sa labi ni Villamor,” ayon kay Roy Mabasa, kapatid ni Lapid. Ang tinutukoy ni Mabasa na naka nilang isa ilalim sa panibago at independent autopsy ay si Crisanto Villamor Jr. na kinilala ni Escorial na umano’y “middleman” sa pagpatay kay Lapid. Si Villamor ay kapareho ng Jun Villamor na namatay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Aniya, labis ang hinagpis ng pamilya ni Lapid matapos malaman na namatay si Villamor ilang oras matapos siyang pangalanan ni Escorial bilang middleman sa kontratang pumatay sa broadcaster. “Ang naging sama ng loob namin ng pamilya, nabalitaan namin na namatay ‘yung middleman number 1… Importante po para sa amin ‘yan,” ani Mabasa. “Makakatulong po ‘yan na mapaya...

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Image
SHOOT sa kulungan ang isang pari sa Solana, Cagayan dahil sa paulit-ulit umano nitong panggagahasa sa dalagitang youth minister ng simbahan. Kinilala ang pari na si Rev. Fr. Karole Reward Israel, assistant parish priest ng St. Vincent Ferrer sa Solana at residente ng Brgy. Tucalana, Lal-lo, Cagayan. Ayon sa biktima, 16, hindi niya agad isinumbong ang pari dahil natatakot siya sa banta nito na ikakalat ang video na kinuhanan nang palihim nang una siyang gahasain. Sinabi ng biktima na una siyang pinagsamantalahan ng pari sa isang motel noong Pebrero. Ilang beses na naulit ang panggagahasa sa motel, sa sasakyan ng suspek at sa loob ng mismong simbahan. Matapos ang pinakahuling insidente nitong Oktubre 15 ay nagdesisyong isiwalat ng biktima sa kanyang mga guro ang ginagawa sa kanya ni Israel. Humingi naman ng tulong ang mga guro sa National Bureau of Investigation na nagsagawa ng operasyon laban sa pari. Nang isakay ni Israel ang dalagita sa kanyang sasakyan nitong Martes ay sinun...

BuCor chief sinibak matapos mamatay ‘middleman’ sa Percy Lapid slay

Image
INIHAYAG ni Justice Secretary Boying Remulla na inatasan siya ni Pangulong Bongbong Marcos na suspindihin si Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Gerald Bantag sa harap ng pagkamatay ng sinasabing middleman sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid “He (Marcos) asked me to suspend Undersecretary Director General Bantag of BuCor so that there will be a fair and impartial investigation on the matter, so that all doubts will be laid to rest, that there are no sacred cows in the administration,” sabi ni Remulla sa press conference. Anya, ito ang sinabi ni Marcos nang mag-ulat siya hinggil sa development ng kaso ng pagpatay kay Lapid. Ayon pa kay Remulla, kahapon lamang niya nalaman ang pagkamatay ng middleman na kinalalang Jun Villamor matapos itong ipaalam sa kanya ni Interior Secretary Benhur Abalos. “I was never informed about this. Kahapon lang, nang sabihin ni Secretary Abalos na the person has died so I tried to find out,” dagdag pa ni Remulla. Sinabi pa ni Remul...

Kapatid ni Percy Lapid kumbinsido sa sumukong assassin

Image
KUMBINSIDO ang journalist na si Roy Mabasa na ang sumukong killer ang siya ngang bumaril at pumatay sa kanyang kapatid na broadcast commentator na si Percy Lapid. Ayon kay Mabasa, nakumbinsi siya na si Joel Escorial (hindi Estorial na nauna nang inilabas ng PNP) nga ang bumaril sa pinaslang na kapatid matapos niyang makausap ito nitong Miyerkules. Gayunman, hindi anya kaya pa ng kanilang pamilya na mapatawad ito sa ginawang pamamaslang sa kapatid. Kwento pa ni Mabasa na noong una ay may “reservation” siya sa suspek na iniharap ni Interior Secretary Benhur Abalos sa media dahil kakaiba ang kilos at hitsura nito kumpara sa inilabas mula sa CCTV camera. “He gave us important information that confirmed to us how it was planned. It all corroborates with the police CCTV footage,” ayon kay Mabasa sa panayam ng CNN Philippines.   “We were convinced that the information he gave us were accurate.” Sumuko si Escorial nitong Lunes dahil anya natatakot siya para sa kanyang buhay lal...

Hirit na dagdag singil sa tubig hindi makatao – Gabriela

Image
KINONDENA ng Gabriela Women’s party ang hirit na malakihang dagdag singil sa tubig ng Manila Water Company Inc. simula Enero 2023. “Hindi makatao ang pagtataas ng singil sa tubig sa kabila ng nagtataasang presyo ng bilihin at batayang serbisyo. Kung itutuloy ito, para na ring nilunod ang mga Pilipinong halos wala nang makain sa pang araw-araw,” sabi ni Gabriela Women’s party KJ Catequista. Base sa kahilingan na isinumite ng Manila Water, humingi ito ng karagdagang P8.04 kada cubic meter (m3). Sakaling maaprubahan, tataas ang singil sa P35.86/m3 mula sa kasalukuyang P26.81/m3. Nais din ng Manila Water na magpatupad ng taunang pagtaas kabilang ang P5/m3 sa 2024; P3.25/m3 sa 2025; P1.91/m3 sa 2026; P1.05m/3 sa 2027; at P0.97/m3 sa 2028. “Halos taon-taong tumataas ang singil sa tubig, pero halos taon-taon din naman ang serye ng service interruptions at bulok na serbisyo. Tapos ngayon, pilit na ipapalunok sa masa ang mataas na singil sa tubig,” dagdag ni Catequista.

Foreign telesereye patawan ng mas mataas na buwis – Robin

Image
KUNG si Senador Jinggoy Estrada ay hirit na i-ban ang mga Koreanovela, iba naman ang nais mangyari ni Senador Robinhood Padilla. Ayon sa actor-turned-politician, dapat patawan ng mas mataas na buwis ang mga imported na pelikula at telenovela gaya ng K-drama na kinagigiliwan ng maraming Pilipino ngayon. Iminungkahi ni Padilla ang nasabing hakbang sa deliberasyon ng budget para sa Film Development Council of the Philippines nitong Martes. Anya, dapat bigyan ng mas mataas na tax ang mga gawang pelikula at teleserye sa ibang bansa na tatawaging “foreign teleserye tarification”. Ang pondong malilikom mula rito ay gagamitin para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa. “Maaari po bang gawan natin ng paraan na taasan ang tax nitong mga foreign series na pumapasok sa atin? Kahit paano po ang subsidy na makukuha, bigay natin sa workers sa industriya natin sa local… Sampahan natin itong mga pagpasok ng foreign dahil maraming nawawalan ng trabaho dit...

P178M pinsala dala ni ‘Neneng’ sa Ilocos Norte

Image
UMABOT na sa P178 milyon ang pinsalang idinulot sa agrikultura at inprastraktura ng typhoon Neneng nang salantain nito ang Ilocos Norte. Ayon kay Ilocos Norte Governor, sa pagtaya ng Provincial Disaster Risk Reduction Management and Resiliency Council (PDRRMC), umabot sa P82 milyon ang nawala sa agrikultura at P95 milyon naman ang napinsala sa imprastruktura sa lalawigan. Bukod dito, 111 barangay ang apektado ng bagyo sa 15 syudad at munisipalidad ng probinsiya na binubuo ng 4,300 pamilya na may katumbas na 17,000 indibidwal. Isang 70-anyos na lalaki na una namang naiulat na nawawala ang natagpuang patay nitong Martes, habang tatlo ang naiulat na nasugatan. Samantala, umabot na sa 1,200 food packs na nagkakahalaga ng P1 milyon ang naipamahagi sa mga komunidad na matinding tinamaan ng bagyo.

Panawagan para sa World Food Month

Image
NASADLAK sa lagim ng sunod-sunod na kalamidad, giyera at pandemya ang mundo kamakailan. As a consequence, nahaharap tayo sa banta ng malawakang taggutom. Sa description ng mga eksperto ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations, papunta na sa acute, catastrophic level ang sitwasyong ito partikular sa mahihirap na mga bansa sa daigdig. Ang kalagayang ito ay tinatayang higit pang titindi sa parating na dalawang taon. At walang ligtas sa paparating na delubyong ito ng malawakang taggutom ang mayaman man o mahirap na bansa. Wala kasing humpay ang pagtaas ng presyo sa gamit sa produksyon na pinalulubha pa ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, gayundin ng sigalot sa ilang teritoryo ng magkakapitbahay na mga bansa na ganap nang nagsasadlak sa malaking bahagi ng mundo sa recession, o kagipitan sa aspeto ng pangkabuhayan at kaguluhan sa pananalapi at kalakalan. Papunta na rin ang Pilipinas sa “un-exciting” scenario na ito. Bagamat bansang agrikultural at itinuturi...

Postponement ng Barangay, SK elections kinuwestyon sa Korte Suprema

Image
NAGHAIN ng petisyon ang election lawyer na si Romulo Macalintal na kumukwestyon sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan polls na dapat ay gagawin sana sa Disyembre 2022. Sa 27-pahinang petisyon, kinuwestyon ni Macalintal ang constitutionality ng Republic Act No. 11935 na nagpapaliban sa halalan at pagtakda nito sa 2023. Ayon sa abogado, hindi maaaring payagan ang Kongreso na ipagpaliban ang eleksyon o pi-extend ang termino ng mga opisyal ng barangay. Anya, magagawa lamang ito kung maisasabatas ang pagsasaayos ng termino ng mga nasabing opisyal. “The power to postpone elections is within the exclusive jurisdiction of the Commission on Elections (Comelec) after it has determined that serious causes, as provided under Section 5 of the Omnibus Election Code (OEC), warrant such postponement,” paliwanag ni Macalintal. “Thus, by enacting a law postponing a scheduled barangay elections, Congress is in effect executing said provision of the OEC or has overstepped its constitut...

274 kaso ng Omicron XBB, XBC naitala

Image
KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) na 81 kaso ng Omicron subvariant XBB ang naitala sa dalawang rehiyon at 193 kaso ng XBC naman ang nairekord sa 11 rehiyon sa bansa. Sinabi ng DoH na 70 sa mga tinamaan ng XBB ang gumaling na samantalang walo ang nananatiling nasa isolation at ang tatlo ay bineberipika pa. Samantala, 176 na pasyenteng tinamaan ng XBC ang nakarekober na, tatlo ang nananatili sa isolation, lima ang namatay at siyam ang patuloy na bineberipika pa. Sinasabing mas mabilis kumalat ang dalawang bagong subvariant at hindi tinatablan ng mga bakuna.

Kapatid ni Percy Lapid duda sa self-confessed gunman

Image
DUDA ang kapatid ng napatay na broadcast commentator na si Percy Lapid sa naging salaysay ng sinasabing gunman. Sa isang panayam sa DZMM, idinagdag ni Roy Mabasa na nais niyang makaharap mismo ang sinasabing self-confessed killer na si Joel Estorial. “Narinig ko na sa kanila yan pero hindi tayo kumbinsido sa narration nitong suspek. Unang-una kung may CCTV, ipag-match natin ang dalawang taong ito parang hindi magkamukha. I am just a layman, I am a journalist, I covered the police for quite some time pero hindi naman siguro mahina ang ating paningin pagdating sa ganyang mga bagay,” sabi ni Mabasa. Aniya, ikinumpara niya ang mga CCTV sa suspek at hindi magkamukha ang dalawa. “Again, I don’t want to criticize the work of our police but medyo magpakatotoo tayo ng konti. Sana man lang nagkaroon ako ng pagkakataon na masilayan ko ang pagmumukha nito. Tinitingnan ko ang mga CCTV footages, hindi ko nakikita ang pagkakahawig,” aniya. “Sana magkaroon sila ng walkthrough, palakarin natin y...

Pinay beauty wagi sa Miss Supermodel Worldwide

Image
TINANGHAL bilang MIss Supermodel Worldwide ang Filipinang si Alexandra Mae Rosales nitong Linggo sa Leela Palace Hotel sa India. Tinalo ni Rosales ang 16 iba pang mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa. Si Rosales ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng korona para sa nasabing patimpalak. Wagi rin si Kaylee Roxanne Porteges Zwart ng Netherlands bilang first runner-up habang si Miss Indonesia Nova Retalista ang second runner-up. Nasa ika-apat at ika-limang pwesto naman sina Miss France Sonia Alt Mansour at Miss Kazakhstan Alina Cheveleva. Ang 26-anyos na si Rosales ay mula sa Laguna at nagtapos ng Tourism sa Malayan Colleges at De La Salle-College of Saint Benilde.

Boying Remulla nanindigang malinis ang konsensya, hindi magbibitiw

Image
NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na hindi siya magbibitiw sa pwesto dahil lang sa pagkakaaresto ng kanyang anak para sa P1.3 milyon halaga ng high grade marijuana. Giit pa ng kalihim na malinis ang kanyang konsensiya at ang tanging makapagtutulak sa kanya para magbitiw ay sa sandaling hingin ito ni Pangulong Bongbong Marcos. “Resignation (over my son’s case) never entered my mind and it will not. Because I have a clear conscience, and this is probably the best example of the justice system working,” pahayag ni Remulla sa isang livestream interview nitong Linggo. “The son of a justice secretary himself is facing charges… Is there anything heavier than that?” dagdag pa niya. Inaresto ang anak ni Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III noong isang linggo sa isang drug operation sa Las Pinas City. Nakumpiska sa kanya ang P1.3 milyon halaga ng kush o high grade na marijuana. “(There’s) only one thing that can make me resign: when President Marcos him...

Piso muling nagsara sa P59 versus dollar

Image
MULING nagsara sa P59 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong Lunes, Oktubre 17. Nagbukas ang palitan ng piso sa P58.97 laban sa dolyar at umabot ng P58.92 bago tuluyang nagsara sa P59. Pinangangambahang lalo pang bababa ang halaga ng piso at posibing umabot pa sa P60 hanggang P65 kada dolyar sa harap naman ng pinangangambahang recession sa buong mundo.

DepEd pinayagan private schools sa blended, full distance learning

Image
PINAYAGAN ng Department of Education ang mga pribadong eskwelahan na ipagpatuloy ang blended at full distance learning mode matapos ang Nobyembre 2. Ito ang inanunsyo ng DepEd nitong Lunes kasabay ang pag-amyenda nito na kautusan na nag-aatas sa mga pribadong paaralan na mag-transition sa face-to-face classes. Sa amended order, sinabi ng DepEd na hahayaan na nito ang mga pribadong paaralan, mga estudyante at kanilang mga magulang na magdesisyon kung anong modality ang ipatutupad sa eskwela. “DepEd is cognizant of the current situation of the private sector due to the impact of the Covid-19 pandemic — the amount of investment in online learning technologies, the development and institutionalization of best practices on blended learning, and the unfortunate closure of small private schools because of losses,” ayon sa kagawaran sa isang kalatas. Gayunman, nanindigan ang DepEd na malaking benepisyo sa mga mag-aaral ang sumailalim sa face-to-face classes dahil ito ay nakakapag-promote ...

Ogie tinalakan bashers ng pumila para sa iPhone 14

Image
NIRATRAT ni Ogie Diaz ang mga netizens na pinintasan ang mga tao na pumila sa launch ng iPhone 14 nitong Huwebes ng gabi. Sa Facebook, pinayuhan ni Ogie ang mga bashers na manahimik na lang. “Mga tao nga naman. Hayaan nyo kaya sila. Pera nila yon inutang man nila yon o tiniis nilang wag kumain para makabili lang ng iphone 14,” aniya. “Kaligayahan nila yan. Yung fact na nauna silang nagkaroon. Yung nakisali sila sa pilahan — kumbaga, history yung pagpila at pagbili at pagkakaroon ng bagong modelo ng iphone para sa kanila,” dagdag niya. Ipinunto rin niya na wala namang pakialam ang mga bashers kung mahal na cellphone ang gustong bilhin ng mga tao. ‘Hangga’t di naman NINAKAW ang ipinambili nila diyan, ano naman pakialam nyo? Problema nila yon kung maputulan man sila ng kuryente o di makabayad ng inuupahang bahay o tiisin nila ang sikmura nila,” hirit niya. Naniniwala naman si Ogie na naiinggit lang ang mga namimintas. “Napaghahalata lang tuloy yung inggit porke di makabili. Yung ...

Porke di nakihalubilo sa fans maarte na? May pandemya pa po–Sunshine

Image
HINDI pinalagpas ni Sunshine Cruz ang komento ng isang residente ng Quezon City na tinawag siyang maarte dahil hindi siya nakihalubilo sa mga fans nang minsang mag-taping ito para sa teleserye ng GMA. Sey ng netizen: “Hay nko ang arti nyan di nga namamansin,,,yan eh ang arti.” “Di manlang nagpapasalamat sa mga barangay nong lumabas galing looban hahaa,” dagdag nito. Sinagot naman ng aktres ang paratang at sinabing bawal ang mga negative comments sa kanyang Facebook page. “On behalf of our production pasensya na… GMA is after the safety of everyone. Naka-bubble po ang taping. Meaning hindi po kami pwede makihalubilo sa iba gawa ng pandemia. Huwag na po mainit ang ulo. Hindi po yan maganda sa ating heart. Wag nyo i-flood ng negativity aking page,” sey ni Sunshine. Ipinaliwanag din ni Sunshine na hindi masama ang ugali niya dahil lang hindi niya napagbigyan ang kagustuhan ng netizen. “I will remember your face next time para mabati na kita Ate. Pasensya na po pero hindi ako maarte...

Lola ninakawan, grinipuhan ng dalagita

Image
DINAKIP ang 14-anyos na dalagita na sinaksak umano ang senior citizen na ginang na kanyang pinagnakawan nitong Huwebes sa Minglanilla, Cebu. Hindi kinilala ang suspek, isang Grade 8 student sa isang private school sa siyudad at residente ng Naga City. Nasakote siya ilang oras makaraan ang krimen. Narekober sa kanya ang P10,500 cash na ninakaw sa biktima. Nagtamo ng pitong saksak sa katawan si Loreta Istal, 65, at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa Talisay City. Ayon sa ulat, pinasok ng suspek ang bahay ni Istal sa Poblacion Ward 4 alas-12 ng tanghali na armado ng mahabang kutsilyo. Pinagbantaan niyang sasaksakin ang matanda kung hindi magbibigay ng pera pero nagmatigas ang biktima kaya ilang ulit itong tinarakan ng suspek. Tumakas ang kawatan nang makuha ang itinatagong pera ni Istal. Agad namang nasoklolohan ng mga kapitbahay ang biktima at nadala sa pagamutan. Nai-turn over na sa Department of Social Welfare and Development ang suspek.

GMA-7 suportado si Bea vs bullies

Image
NAGPAHAYAG ng suporta ang GMA-7 sa aktres na si Bea Alonzo laban sa serye ng pambu-bully rito ng ilang entertainment writers, partikular si Lolit Solis. “Nananatiling buo ang suporta at pagpapahalaga ng GMA Network kay Ms. Bea Alonzo bilang isang aktres at aming Kapuso. “Masaya kami sa magandang pagtanggap ng Filipino audience sa Start-Up PH at sa mahusay na pagganap ni Bea sa kaniyang role katambal ni Alden Richards. “Nagpapasalamat kami sa fans, supporters, at followers ni Bea at ng GMA Network sa patuloy na pagmamahal. “Wala sa kultura ng Kapuso ang paninira sa kahit sino man at hindi rin namin pinapayagan na pagsalitaan ng hindi totoo ang aming mga artista at programa. “Maliit ang industriya ng show business, hangad namin ang masaya, mabuti, at maayos na pakikitungo sa bawat isa,” ayon sa kalatas ng network giant. Mula sa ABS-CBN ay lumipat sa Kapuso Network si Bea noong July 2021.

Presyo ng langis muling tataas

Image
MULING tataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes kung saan inaasahang aabot sa pagitan ng P2.70 hanggang P3 kada litro ang iaakyat sa presyo ng diesel at kerosene. Ayon sa mga industry sources, aabot naman sa 80 sentimo hanggang P1.20 kada litro ang ipatutupad na dagdag presyo ng gasolina. Ngaying linggo umabot ng mahigit P6 ang itinaas sa presyo ng diesel. Inaasahang magtutuloy-tuloy pa rin ang pag-akyat ng presyo ng petrolyo sa harap naman ng desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ang produksyon ng langis dahil sa napipintong recession sa buong mundo.

Batang henyo nasa kolehiyo na Industrial Engineering, Systems Engineering pinagsasabay

Image
SA edad na lima ay nakapagtapos na si Adhara Perez sa elementarya; walo, sa high school at ngayong 10-anyos na siya ay pinagsasabay niya ang mga kursong Industrial Engineering at Systems Engineering sa kolehiyo. Si Perez ng Mexico City, Mexico ang pinaniniwalaan na pinakabatang pinakamatalino sa mundo. Sa sobrang talino, mas mataas pa ang IQ niya kumpara sa mga physicists na sina Albert Einstein at Stephen Hawking. Dahil sa pagiging “special” ay ipinasok si Adhara ng kanyang mga magulang sa Center for Attention to Talent (CEDAT), isang paaralan para sa mga gifted children. Doon ay nadiskubre na isang certified genius ang bata dahil sa kanyang 165 IQ na mas mataas sa 160 IQ nina Einstein at Hawkings. Ayon kay Adhara, nais niyang makapagtrabaho sa NASA upang makapunta ng space at ma-colonize ang Mars.

‘Boying resign’ call walang basehan — Bongbong

Image
IBINASURA ni Pangulong Bongbong Marcos ang panawagang pagbibitiw ni Justice Secretary Boying Remulla matapos masangkot ang anak nito sa ilegal na droga. “I think the call for him to resign has no basis. You call for somebody to resign if he’s not doing his job or that they have misbehaved in the job,” sabi ni Marcos. Nauna nang kinumpirma ni Remulla na anak niya ang naarestong si Juanito Jose Diaz Remulla III. Nakuha kay Remulla ang P1.3 milyong halaga ng kush o high grade marijuana noong Martes, bagamat isinapubliko nito lamang Huwebes.

Bagets tinodas sa burol; rap battle motibo

Image
BINARIL at napatay ang 18-anyos na lalaki sa burol sa Caloocan City nitong Huwebes ng umaga. Dead on the spot si Jec-jec Ramos, ng Brgy. 153, Bagong Barrio, Caloocan, dahil sa tama ng bala sa katawan. Base sa CCTV footage, nakikipaglamay sa Jec-jec sa isang kabarangay nang lapitan ng dalawang lalaki alas-3 ng madaling araw. Walang sabi-sabing naglabas ng baril ang isa sa mga suspek bago pinutukan sa dibdib ang biktima. Ayon sa mga saksi, ilang minuto ding minatyagan ng mga suspek ang biktima bago ito pinaputukan. Naniniwala naman ang pulisya na alitan sa rap battle ang ugat sa pagpatay.

Maxene Magalona kumpirmadong single na

Image
KINUMPIRMA ni Maxene Magalona na hiwalay na sila ng asawa niya na dating model na si Robby Mananquil. Sa Instagram post, ibinahagi ni Maxene ang mga bagay na nagagawa niyang ngayong single na siya. “Perks of being single and childless: You have full control of your schedule. You can literally do anything you want on any day at whatever time. “I watch movies in the cinemas alone, take myself out on dates and go on long solo drives especially when my vibration is low. “One time, I even felt the sudden urge to buy crystals for extra protection and I was able to do it easily because I have no one else to think of but myself. Life is all about perspective. Do you see your glass half empty or half full? I see mine overflowing,” aniya. Kamakailan ay naging isyu ang pag-alis ni Maxene ang apelyidong ng asawa sa kanyang Instagram account at pag-unfollow niya rito sa social media. Ikinasal sina Maxene at Robby noong 2018.

Tulfo nanghamak ng delivery boy, kinuyog ng netizens

Image
INULAN ng puna mula sa netizens ang ginawang tila pangmamaliit ng broadcaster na si Ramon “Mon” Tulfo sa isang delivery boy na iginiit na dapat magbitiw sa puwesto si Justice Sec. Crispin “Boying” Remulla makaraang maaresto sa drug raid ang anak nito. Sa kanyang Facebook post, ipinagtanggol ni Tulfo si Remulla at sinabing hindi ito dapat sisihin sa pagkakamali ng anak na si Juanito Jose Diaz Remulla III na nadakip sa umano’y pag-aangkat ng P1.3 milyong halaga ng imported marijuana o kush. “Si Juanito ay 36 at di na bata. Kung nagkamali man siya ay hindi kasalanan ng kanyang ama. Sino ba ang ama na matino ang pag-iisip na magudyok sa anak na lumabag sa batas? Lalo pa’t ang ama ay justice secretary,” ani Tulfo. “Kahit na anong disiplina o pangaral ang gawin ng isang magulang sa kanyang anak ay may hangganan kapag ang anak ay malaki at matanda na,” paliwanag pa niya. Marami naman ang kumontra sa kanyang opinyon. Isa rito si Laklak Portes na sinabi na, “Di po siya ordinaryong tao, s...

Lolit Solis is vile, toxic, bully–Bea Alonzo manager

Image
PARANG bulkang sumabog si Shirley Kuan, ang manager ng aktres na si Bea Alonzo kaugnay sa mga pambu-bully umano rito ng beteranang show biz columnist at talent manager na si Lolit Solis. Sa isang panayam, tinanong ni Kuan kung ano talaga ang problema ni Lolit kay Bea dahil nagsimula itong banatan ng kolumnista sa diyaryo at social media noon pang pumirma ng kontrata ang aktres sa GMA-7 noong 2021. “All this barrage of vile and toxic attacks is totally unprovoked from our end,” giit ni Kuan. Dagdag niya, lalo pang tumindi ang mga paninira ni Lolit kay Bea nang hindi ito imbitahan kasama pa ng dalawang show biz writer sa presscon ng ineendorsong produkto ni Bea na Beautederm ngayong taon. Paliwanag ni Kuan, siya ang promotor kung bakit hindi inimbita ang grupo ni Lolit. “I didn’t want them invited, the three of them. They’re in cahoots, they’re in a team, you know. It doesn’t take a genius to figure it out,” sey niya. Dagdag niya: “Bea had nothing to do with it…It’s my job as a m...

School principal tinodas

Image
NASAWI ang principal ng Pio Duran National High School sa Polangui, Albay makaraang barilin ng dalawang lalaki sa loob ng kanyang bahay nitong Miyerkules, ayon sa pulisya. Dead on the spot si Beverly Cabaltera, 53, na nagtamo ng tama ng bala sa leeg. Base sa inisyal na imbestigasyon, nagising ang mga kasama sa bahagly ni Cabaltera nang makarinig ng putok alas-3 ng umaga. Nang tunguhin ang pinangalingan ng putok ay tumambad sa kanila ang katawan ng biktima. Nasapul ng cctv camera ang mga suspek habang inaakyat ang bahay ng biktima. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Joyce Pring nag-trending: Non-believers will suffer in eternity

Image
NAPA-REACT ang publiko sa mga pahayag ng aktres na si Joyce Pring sa podcast ukol sa sasapitin ng mga tao na hindi naniniwala sa Diyos. Sa panayam ng vlogger na si Wil Dasovich ay natanong si Joyce ukol sa kung ano ang mangyayari sa mga aetheists kapag namatay sila. Will: Do you believe the non-believer can go to heaven? Joyce: A non-believer… as in somebody who doesn’t believe in Jesus? Wil: Yeah Joyce: No Wil: Damn…What will happen to them? Joyce: They gonna face judgment. Will go to hell. Wil: My God, that is so brutal! Joyce: What? You’re asking me honest questions, I’m giving you an honest answer. Wil: And what would they do in hell? Joyce: Suffer in eternity? Forever.

Positivity rate sa MM bumaba sa 16.9%; kaso tumataas sa iba pang lugar

Image
PATULOY ang pagbaba ng kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa Metro Manila matapos maitala ang positivity rate nito sa 16.9 porsiyento mula sa dating 19.14 porsiyento, ayon sa OCTA Research Group. “Nakita natin na bumababa iyong positivity rate at magandang balita iyan kasi kapag bumababa iyong positivity rate, ang alam natin ay bumababa iyong bilang ng kaso,” sabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David. Idinagdag ni David nakitaan naman ng patuloy na pagtaas ang mga lugar sa labas ng Metro Manila. “May mga nakita natin na medyo significant iyong pagtaas, kasama dito Camarines Sur na nasa 46 percent iyong positivity rate; sa Tarlac na nasa 52 percent positive rate – 51.8 percent; Zambales nasa 33.6 porsiyento positivity rate; sa Cotabato, 26.2 porsiyento although sa South Cotabato parang medyo bahagyang bumaba, pero iyon nga, mataas pa rin iyong positivity rate; tapos Misamis Oriental, may nakita rin tayong pagtaas ng positivity rate; at saka sa Iloilo. So in many parts ...