Posts

Showing posts from August, 2022

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Image
INIHAYAG ng isang mambabasa ng PUBLIKO na payag siyang ampunin si Jerico Camparicio, ang honor student mula sa Roxas, Palawan na nagmakaawa sa netizens at sinabing gagawin ang lahat makapagtapos lang ng pag-aaral sa kolehiyo. Ayon kay A. Rivera, pag-aaralin niya sa Metro Manila at patitirahin pa sa kanyang bahay sa Caloocan City si Camparicio kung gugustuhin ng estudyante. Sa chat niya sa PUBLIKO, sinabi ni Rivera na isa siyang seaman at kaya niyang tustusan ang pag-aaral ng estudyante. “Pwede nyo po ako i connect sa kanya, I’m a seaman. Kaya ko sya pag aralin,” aniya. “Mga pasaway pamangkin ko hehe kaya baka sya na nlang po tulungan ko. Sa unit ko sya stay sa Caloocan kung ok sa kanya,” dagdag ni Rivera. Pinayuhan na lamang siya ng PUBLIKO na personal na padalhan ng mensahe si Camparicio sa pamamagitan ng social media. Matatandaan na sa open letter sa kanyang Facebook page, sinabi ni Camparicio na naghahanap siya ng magpapaaral sa kanya kapalit ng serbisyo bilang kasambahay. ...

Palasyo: Status quo muna sa alert level

Image
SINABI ni Press Secretary Trixie Angeles na mananatili muna ang umiiral na alert level sa bansa habang hindi pa nakakapagsesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na nakatakdang magpulong sa Lunes. Magtatapos dapat kahapon, Hulyo 15 ang Alert Level 1 sa Metro Manila at maraming lugar sa bansa. Patuloy naman ang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19). “The status quo holds for our alert levels, which the IATF will be reviewing on Monday, 18 July,” sabi ni Angeles.

Kaso ng dengue sa Calabarzon umangat ng 40%

Image
TUMAAS ng 40 porsiyento ang kaso ng dengue sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ayon sa Department of Health. Sinabi ni DOH-Calabarzon regional director Dr. Ariel Valencia na nagtala ng pagtaas ng kaso ng dengue ang Cavite, Laguna, Batangas at Rizal dahil sa tag-ulan at pagtaas ng mobility. Ayon sa report, nakapagtala ang Calabarzon ng 5,571 kaso ng dengue o 40 porsyentong mas mataas kaysa sa 3,989 na nairekord sa katulad na panahon noong 2021. May 12 ang naiulat na namatay. Ang Laguna ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso na pumalo sa 1,806 at sinundan naman ng Rizal na may 1,161 at Quezon, 987. Nakapagtala ang Cavite ng 802 kaso; Batangas, 745, at Lucena, 70. Lumabas sa datos ng DOH na ang edad ng mga pasyente ng dengue ay mula dalawa hanggang 60.

50M national ID pinamamadali na ni Marcos

Image
INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Development Authority (NEDA) Director-General and Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na tiyakin na maiimprenta ang 50 milyong national identification (ID) card sa unang bahagi ng 2023. Sa isang pakikipagpulong ni Marcos kay Balisacan habang nasa isolation, sinabi niya na dapat nang maipatupad ang national ID sa lalong madaling panahon. “During our meeting with NEDA Director-General Arsenio Balisacan, we discussed how we could speed up the printing and distribution of National ID cards to allow our countrymen to use it in the first half of 2023,” sabi ni Marcos sa isang post. Tinatapos na lamang ni Marcos ang kanyang quarantine matapos magpositibo sa Covid-19, bagamat inaasahang balik na sa face-to-face na mga aktibidad sa Biyernes nang magnegatibo na sa huling antigen test.

Vergeire itinalagang OIC ng DOH

Image
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge ng Department of Health (DoH). “Today, Dr. Rosario Vergeire has been designated as OIC of the Department of Health,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Noong isang buwan , itinalaga si Vergeire bilang pinuno ng National Vaccination Operations Center (NVOC). Samantala, itinalaga naman ni Marcos si dating Light Rail Transit Administrator Mel Robles bilang bagong General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Malacanang building kung saan nalaglag, nasawi ang kawani, may multo?

Image
MATAGAL nang pinaniniwalaan na may nagpaparamdam sa Mabini Hall, isa sa mga gusali sa compound ng Malacañang kung saan nahulog at namatay ngayong araw ang isang empleyado. Ayon sa kuwento, isang kawani ang nagbigti sa opisina ng isa sa mga diirektor sa ikatlong palapag ng Mabini Hall. Natagpuan ang bangkay kinabukasan ng kanyang mga katrabaho. Mayroon diumano isang sopa sa nasabing silid na kinatatakutan ng mga empleyado. Base sa mga bulung-bulungan, kahit sino raw na umidlip sa sopa ay binabangungot. Kahit pinabago na ang kutson at takip ng sopa, na isang antique, ay mayroon pa rin umano itong kakaibang vibes na dulot. Hindi na nalaman ang nangyari sa sopa. Naganap ang umano’y pagpapatiwakal ng nasabing empleyado noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Nitong tanghali ay inulat ng PUBLIKO na isang kawani sa Malacañang ay nasawi makaraang mahulog mula sa ikaapat na palapag ng Mabini Hall. Kinilala ang biktima na si Mario Castro, admininistrative aide ng Inform...

94% Pinoy pabor sa 100% face-to-face classes – survey

Image
TINATAYANG 94 porsiyento ng mga Pinoy ang pabor sa 100 porsiyentong face-to-face classes. Base sa isinagawang survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Hunyo 24 hanggang 27, apat na porsiyento lamang ang ang hindi makapagsabi kung sila ay pabor o hindi at dalawang porsiyento ang tutol. Kabilang sa pabor sa in-person classes ang Class ABC (85%), D (96%), and E (92%). “Kung pakikinggan natin ang ating mga kababayan, makikita nating napakalakas ng panawagan para sa pagbabalik ng face-to-face classes. Hindi na natin maaari pang ipagpaliban ang pagbabalik ng ating mga kabataan sa paaralan at hindi na natin dapat hayaang mahuli ang sektor ng edukasyon mula sa pagbangon natin sa pandemya,” sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian. Nauna nang inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na balak nitong simulan ang 100% face-to-face classes sa Nobyembre.

My kids are my best friends–Marjorie Barretto

Image
ITINUTURING ni Marjorie Barretto na best friends sina Julia at Claudia na mga anak niya sa komedyanteng si Dennis Padilla. Sa isang social media post, ibinahagi ni Marjorie ang girls’ night out nila ng kanyang mga anak. “I’m finally able to catch up with my girls, it gets harder and harder to put us all together in one place lately, so this dinner date with them is extra special to me,” aniya. “Having adult conversations with them and keeping it positive and light just has a way of recharging me,” dagdag ni Marjorie. “This is one of the many reasons why I love being their Mom,” pahayag pa ng aktres.

DJ Loonyo bad trip kay Janine Berdin

Image
NA-BEAST MODE ang social media personality na si DJ Loonyo kay Janine Berdin matapos gawing cover photo ng singer ang screenshot ng isang petisyon na palitan ang NAIA ng “DJ Loonyo International Airport.” Agad nag-message si Loonyo kay Janine at ibinahagi sa kanyang social media account ang conversation nila. Sa post niya, dismayado siya sa ginawa ni Janine. “Nakakatakot yung utak ng mga gantong tao. Pag kayo ginanyan ISSUE, HEADLINE AND BASH AGAD. Katuwaan? ‘Tapos binabash and pinagttripan yung taong involved?” caption niya. “@janineberdin Ur better than that for sure. Godless your soul. Weird shit,” chika pa niya. Sa mensahe niya kay Janine, tinanong niya kung may nagawa ba itong mali para pagtripan ng singer. DJ Loonyo: Ma’am sorry A. May natitira pa po ba kayong respeto? may nagawa ba ako sayong mali?” Janine: Hala Kuya, Hello po! It’s really just a meme that I found super funny. I found it online. I didn’t really mean any harm. Ano po kaya context ng meme? i just thou...

15,000 pulis ikakalat sa unang SONA ni BBM

Image
AABOT sa 15,000 miyembro ng National Police at iba pang security forces ang ipakakalat sa nalalapit at kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo 25. Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, bubuuin ng iba’t ibang composite teams ng PNP at iba pang security forces ang mangangalaga ng seguridad at kaayusan sa SONA. “They will be fielding around 15,000 composite teams from the PNP and other security forces,” ani Fajardo. Bukod sa mga miyemrbo ng National Capital Region Police Office, kasama rin sa security contingent ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at Metropolitan Manila Development Authority. Ayon kay Fajardo, nakikipagpulong na ang mga opisyal ng NCRPO sa mga kinatawan mula sa cause-oriented groups para matiyak na magiging maayos ang mga kilos-protesta na gaganapin sa panahon ng SONA. Sinabi niya na ang mga militanteng grupo ay maaaring magsagawa ng mga rally sa Quezon City Memorial Circle. Hindi...

Toni Yulo-Loyzaga itinalagang DENR Secretary

Image
INIHAYAG ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang pagtatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos kay Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga bilang Secretary ng Department of Environment and Natural Resources. “The President has nominated Ms. Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga as Secretary of the Environment and Natural Resources. Her nomination will still be subject to the fulfilment of the required documents,” sabi ni Angeles. Umupong chairperson si Yulo-Loyzaga ng International Advisory Board ng Manila Observatory. Siya ang misis ng basketbolistang Chito Lozada.

‘Call me Robinhood’

Image
NAIS ni Senador Robin Padilla na tawagin siya sa kanyang tunay na pangalan na Robinhood Padilla sa lahat ng kanyang opisyal na komunikasyon. Sa sulat ni Padilla kay Senate Secretary Myra Marie Villarica noong Hulyo 6, sinabi ni Padilla na Robinhood C. Padilla ang dapat na itawag sa kanya. “This is to respectfully inform your good office of this Representative’s preference to be addressed as Robinhood C. Padilla for all Senate communications and correspondences,” sabi ni Robinhood. Ayon kay Padilla, mainam umanong gamitin ang kanyang tunay na pangalan kaysa sa kanyang screen name, bilang paggalang sa institusyon. “Mainam po kasi na tunay na pangalan ko po ang gamitin sa records ng Senado… sa mga opisyal na records lang po ng Senado bilang paggalang po sa institusyon,” ayon sa senador.

2 Pinoy laglag sa ‘billionaires’ list’ dahil sa Lucky Me!

Image
INIULAT ng Forbes na nawalan ng dalawang bilyonaryo ang Pilipinas matapos na “masunog” ang $436 milyon P24.4 bilyon sa stock market ng pinakamalaking instant noodle maker na Monde Nissin dahil sa kinakaharap na product recall ng flagship brand nito na Lucky Me sa Europe at Taiwan. Dahil dito nalaglag sa billionaires’ list ang Betty Ang, co-founder ng Monde Nissin at ang company chairman nito na si Hartono Kweefanus. Matatandaan na nag-isyu ng product recall ang maraming bansa sa Europa at maging sa Taiwan laban sa mga brand ng Lucky Me! matapos makitaan umano ng ethylene oxide ang instant noodles. Kabilang sina Ang at Kweefanus sa Philippines’ 50 Richest, na inilabas noong Setyembre 2021. Kasama rin sila sa Forbes’ World Billionaires list ngayong taon na may $1.2 bilyong net worth. Umabot na lamang ang net worth ni Ang sa $982 milyon mula sa $1.2 bilyon noong Abril. Bumagsak din ang net worth ng bayaw ni Ang na si Kweefanus, sa $982 milyon mula sa $1.2 bilyon. 

Pader gumuho sa Tagaytay, 6 patay

Image
ANIM na construction worker ang nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos gumuho ang pader sa Hortaleza farm sa Tagaytay City alas-6 Martes ng gabi. Sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na nagtatalo pa ang dalawang kompanya na nakakasakop sa gumuhong pader kung sino ang mananagot sa gastos. Idinagdag ni Tulfo na nakikipag-ugnayan na ang DSWD Region 4 sa pamilya ng mga biktima para sa P25,000 burial assistance at P10,000 karagdagang tulong para sa mga naulila ng mga biktima. “Mag-ingat po tayo ngayong tag-ulan dahil malambot po ang lupa na nagiging sanhi ng mga pagguho,” dagdag ni Tulfo.

Nasawi sa dengue ngayong taon pumalo sa 274

Image
INIULAT ng Department of Health (DoH) na nakapagtala na ng 64,797 kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang June 25, 2022, mas mataas ng 90 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.  Base sa datos mula sa DOH, umabot lamang sa 34,074 ang mga kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2022. Ayon pa sa kagawaran, mula Mayo 29 hanggang Hunyo 25, 2022, tinatayang 21,115 kaso ng dengue ang naitala, karamihan ay Central Luzon, na may 3,902; Central Visayas, 2,316 at Metro Manila, 1,997.   Umabot naman sa 274 ang mga nasawi dahil sa dengue, kung saan 63 rito ay naitala noong Mayo.

CR sa MRT-3 kakabitan ng bidet

Image
IPINAG-UTOS ni Transportation Secretary Jaime Bautista na kabitan ng bidet ang mga restroom sa lahat ng istasyon ng MRT-3. Sinabi ni Bautista na sa kanyang pagbisita sa mga istasyon ay nadiskubre niyang malinis at maayos naman ang mga restrooms pero kulang sa mga amenities. “Nakita ko na malinis na ‘yung ating mga comfort rooms pero kulang ng amenities, so I already discussed this with Usec. Cesar Chavez and immediately they will install bidet doon sa mga comfort rooms natin,” aniya. Idinagdag niya na ilalabas mula sa paid area ang customer assistance desk para mas marami ang maka-access dito. “Yung mga customer service area nila, nandoon lang sa tinatawag na paid area, so ‘yung makapagtanong lang ay ‘yung mga nakapagbayad na, ‘yung mga nakapila, hindi nila makakusap ‘yung mga employees ng MRT,” ani Bautista. Ipinag-utos din niya na lagyan ng medical equipment para sa emergency cases ang lahat ng 26 istasyon ng MRT-3. “‘Yung equipment na ‘yan hindi naman masyadong mahal para we...

The age of anxiety

Image
NAKI-MARITES ako sa ilang nanay kamakailan over a cup of coffee and some pastries. May baon akong Cadbury fruits and nuts to lighten the mood, sakaling mag-ala Nostradamus ang mayorya sa mga grim topic na pinag-uusapan. Pero karamihan sa kanila ay diabetic na, kaya walang kumagat sa aking panukso. Yung isang kaibigan na dati ay feeling dugong bughaw, nag-iba na ng linya. “We are all walking around frightened, amiga,” bungad niya. Aniya, nag-iisip na ang kanilang pamilya na bumalik sa probinsiya, kung saan mura ang bilihin at puwede pa silang magtanim o mag-farm at lumanghap ng libre at mas sariwang hangin. At nasentro ang usapan namin sa bagsak na halaga ng piso, sadsad na stock prices sa merkado, sa pumailanlang na unemployment, at ang pagiging praning at aburido ng karamihan dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo, at ng bansa sa partikular. Ito ang landscape ngayon sa tinatawag na “Age of Anxiety”. Resulta ng malawakang pagdausdos ng ekonomiya sanhi ng maraming salik; man-made...

Agency head waldas sa pera ng gobyerno; ipinitesyon ng mga kapwa opisyal 

Image
NASA hot seat ngayon ang pinuno ng isang ahensya ng pamahalaan dahil sa akusasyon ng labis na paglustay sa pondo at katangahan. Ayon sa petition letter na nakuha ng aking spotter, mahilig pa lang magpabook sa mga mamahaling hotel si Sir na kung minsan ay tinatawag ring “Madam” ng kanyang mga staff. Ginagawa niya ito kapag siya’y nag-iikot sa mga lalawigan para bisitahin kuno ang kanilang mga regional offices. Nakalagay rin sa pirmadong petisyon ng mga regional heads ng ahensyang pinamumunuan ni Sir na madalas na kasama sa kanyang mga out of town trips ay mga kabarkada. Kung baga ay wala namang kinalaman sa kanyang opisyal na trabaho na maghatid ng mga detalyadong accomplishment ng gobyerno. Pasyal, ayon sa mga regional heads ang madalas na gawin ni sir sa kanyang pagbisita sa mga lalawigan. Laman rin ng petisyon ang rebelasyon tungkol sa madalas na paghirit ng ating bida ng mga giveaways at ilan pang perks sa kanyang mga biyahe courtesy syempre ng kanilang regional offices. Ma...

Solo winner ng P401M lotto jackpot tumaya sa Iloilo City

Image
SA Iloilo City tumaya ang solong nanalo sa P401 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Samantala, isang taga-Naic, Cavite naman ang nakatumbok sa winning numbers sa Lotto 6/42 at mag-uuwi ng premyong P5.9 milyon. Nagwagi ang dalawang bettors sa bola nitong Sabado ng gabi. Para makubra ang kanilang panalo, kailangang magtungo ang mga lucky bettors sa PCSO main office sa Mandaluyong at iprisinta ang kanilang lucky tickets at dalawang valid IDs. Mayroong isang taon sila para makuha ang mga premyo nang hindi ito napo-forfeit. Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Opis ng Vice President ililipat sa Mandaluyong

Image
LILIPAT ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa Mandaluyong City. Ito ang kinumpirma kamakailan ng tagapagsalita ni Duterte na si Reynold Munsayac. “The OVP confirms that it is preparing to move to a new office in Mandaluyong City. The new location will be able to accommodate all the co-term, casual, and permanent employees of the OVP,” paliwanag ni Munsayac. Ayon pa kay Munsayac, ang paglalagay sa mga empleyado ng OVP sa isang lugar “will enhance efficiency, economy, and result in streamlined processes.” Gayunman, wala pang ibinigay na kumpletong detalye kung saan ang magiging bagong tanggapan ng bise presidente. Ang kasalukuyang OVP ay nasa Quezon City Reception House kung saan nag-opisina si dating Vice President Leni Robredo.

Gary V nagmakaawa kay Lord: Please heal me

Image
MANIKLUHOD na nagsusumamo sa Diyos si Gary Valenciano na pagalingin siya sa iniinda niyang sakit sa lalamunan. “Lord…you know I’ve been struggling with my voice and throat for weeks now…’Joseph the Dreamer’ in in 8 days. I need your help Lord,” tweet ng singer. “Thank you for your faithfulness. I know you will never put me to shame. Pls come, heal, and restore my voice. In your name Jesus I pray…Amen,” dagdag niya. Kasama si Gary sa mga performers sa musical na “Joseph the Dreamer na pinagbibidahan ni Sam Concepcion.

Granada sumabog sa Davao Sur; bata patay, 1 pa sugatan

Image
PATAY ang 7-anyos ng batang lalaki habang sugatan naman ang 5-anyos niyang kapatid matapos sumabog ang granada na kanilang pinaglalaruan Huwebes ng hapon sa Malalag, Davao del Sur. Dead on the spot ang biktimang si Christian Jay Gaspas nang sumabog ang granada alas-11:05 ng umaga sa Purok-6, Sitio Buongan, barangay Rizal. Isinugod naman sa ospital ang kapatid niyang si Kent Gaspar. Nakita umano ang magkapatid na naglalaro ng pampasabog malapit sa isang puntod.

Mayor Honey wants a clean Manila inside out

Image
MANILA Mayor Honey Lacuna is off to a good start. Her first speech to address her co-workers at the City Hall during the first flag raising ceremony that she and Vice Mayor Yul Servo attended on July 5 was marked by a call for overall cleanliness within the city of Manila. This is to bolster her issuance of Executive Order Number 6, declaring every Friday of the week as “Cleanup Day” in the city of Manila. The EO states that all departments, offices and bureaus under the Manila local government are enjoined to tidy up their areas of jurisdiction and their immediate vicinities as well.  Mayor Honey, a lady mayor, a mother and a doctor, said she believes that “cleanliness is next to Godliness” and that the appearance of one’s workplace and surroundings is a reflection of the kind of character one has.  In the case of public servants, the work area’s conditions, to her, are highly reflective of the kind of service that an office or official offers and a clean one conveys t...

Presyo ng langis may big time rollback

Image
MAGPAPATUPAD ng malakihang rollback ang mga kompanya ng langis simula Martes, 12 July 2022. Sinabi ng Unioil na batay sa pagtataya, posibleng umabot mula sa P5.90 hanggang P6.00 kada litro ang magiging bawas sa presyo ng diesel habang aabot naman sa P5.50 hanggang P5.70 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina. Ito na ang ikalawang linggo na nagpatupad ng big-time rolbak sa presyo ng diesel. Ngayong linggo, umabot sa mahigit P3 ang ibinaba ng presyo ng diesel.

Lolit kay Kris: Tahimik ka muna

Image
PINAYUHAN ni Lolit Solis si Kris Aquino na manahimik muna at unahin ang pagpapagaling. Sa kanyang Instagram page, sinabi ng veteran show biz writer at talent manager na huwag nang sagutin ang mga intriga na kinahaharap niya. “Ewan ko naman bakit may mga bashing pa ring natatanggap si Kris Aquino. Sa kalagayan niya ngayon na nasa ibang bansa na nga para magpagamot dapat siguro sa kanya medyo tahimik na lang para malayo sa intriga,” sabi ni Lolit. Aniya, hindi makabubuti sa kalusugan ng Queen of All Media ang stress na dulot ng intriga. “Lalo na nga ngayon na meron siyang sakit, at nasa gitna ng political change kaya madalas mabanggit ang pangalan Aquino. Mas mabuti para kay Kris Aquino ang tahimik lang para hindi madamay sa usapan ang kanyang pangalan,” dagdag ni Lolit. “Harapin niya muna ang pagpapagaling at saka na niya sagutin mga intriga. Hindi puwede sa sitwasyon niya ang ma stress o magkaruon ng anxiety,” paliwanag niya. Huling mensahe ni Lolit kay Kris: “Pagaling ka, stay...

Jodi dumalo sa binyag ng anak ng ex-husband

Image
ISA umano si Jodi Sta. Maria sa mga ninang ng bunsong anak ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson at partner nitong si Iwa Moto. Sa ipinost na mga larawan ni Iwa sa kanyang Instagram page, makikita si Jodi kasama ang anak kay Pampi na si Thirdy sa binyag ni Caleb Jiro. Caption ni Iwa: “Thank you ninong and ninangs!!! We love you!! CJ you are lucky that you are surrounded with prople that love you so much. Anak alam mong mahal na mahal ka namin. And we will always be here for you. Always and forever. To infinity and beyond.” Co-parenting sina Jodi at Pampi kay Thirdy habang malapit na rin ang Kapamilya actress kay Iwa kaya hindi na kakatwa na makita silang magkakasama.

1 wagi ng P401M sa Grand Lotto; publiko napasanaol

Image
NASOLO ng isang maswerteng mananaya ang P401 million jackpot, ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Grand Lotto 6/55. Natumbok ng lone bettor ang winning combination (in any order) na 02-18-49-07-19-47. Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa inaanunsyo ng PCSO ang lugar kung saan tumaya ang nanalo. Gayunman, sinabi ng PCSO na 71 bettors ang nakakuha ng lima sa anim na winning numbers at nanalo ng tig-P100, 000 habang 5,011 ang nakahula ng apat sa anim na winning numbers at mag-uuwi ng tig-P1,500, at 110,867 naman ang kukubra ng tig-P60 makaraang matamaan ang tatlo sa anim na winning numbers. At gaya ng inaasahan, napasanaol ang mga netizens sa swerteng dumating sa winner at agad nila itong hiningan ng balato. “Paki gcash nalang po yung balato tanx.” “Congratulations Po … Balato Po kahit pamalengke lng.. Puede na Po sa Gcash. pm is the Key… Advance Maraming Salamat Po.” “Kahit tig 10k lang sa bawat pamilya gaya ng pangako ni allan peter cayetano.” “Balato po.” “P...

Ex-Japan Prime Minister Shinzo Abe binaril

Image
AGAW-BUHAY ngayon ang dating Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe matapos itong barilin sa Nara City Biyernes ng umaga. Ayon sa mga inisyal na ulat, dalawang putok umano ang narinig at pagkatapos ay biglang bumagsak si Abe habang nagtatalumpati para sa isang kandidato sa darating na halalan. Naganap ang insidente alas 11:30 ng umaga (Japan time). Sinasabi na binaril si Abe mula sa likuran, at may tama ito sa dibdib. Naaresto naman agad ang gunman, ayon pa sa mga ulat, habang isinugod naman sa ospital ang dating opisyal at sinasabing hindi ito makitaan ng vital signs.

Bakit single pa rin si Piolo? ‘Naniniwala ako sa destiny’

Image
KAHIT 45 anyos na siya, kuntento si Piolo Pascual sa pagiging single. Sa isang panayam, sinabi ng Kapamilya actor na nag-iba na ang pananaw niya sa pag-ibig dahil sa pandemya. “During this pandemic, I realized, it’s not about having a partner per se but it is about having the independence to just live your life one day at a time,” ani Piolo. “This pandemic has taught me a lot about discipline and it taught me to just appreciate life for whatever it gives you by the day,” dagdag niya. Klinaro rin ng aktor na hindi siya naghahanap ng love life. “Hindi kasi ako naghahanap…I believe in something that happens out of fate, something that happens with divine intervention or divine appointments. I believe in magic. I believe in something electrifying,” pahayag ni Piolo. “Of course, when that person comes, that person will be the ideal partner. Values and your heart is in the right place, and love for family, country, and just having that relationship with the Lord,” dagdag niya.

Angat Buhay Foundation kakasuhan si Badoy sa red-tagging

Image
PINAG-AARALAN na ng Angat Buhay Foundation ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Communications Undersecretary Lorraine Badoy dahil sa umano’y pagre-red tag nito sa grupo. Kinondena ng foundation, na pinamumunuan ni dating Vice President Leni Robredo, ang “utterly baseless and completely false” na pahayag ni Badoy sa isang TV program. “As soon as our attention was called to the matter, we referred the same to our lawyers who are now in the process of preparing possible legal actions to protect the integrity of our organization and our work and, more so, to protect our volunteers and partners,” ani Angat Pilipinas Executive Director Raphael Martin Magno sa kalatas. “To our friends and supporters, rest assured that we are not taking this sitting down. We will not allow these efforts to sabotage our work to prosper. The time to stand up to fake news and hold its purveyors to account is now,” dagdag ni Magno. Hindi naman inihayag ni Magno kung ano ang sinabi ni Badoy, pero base sa...

CA ipinagtibay hatol vs Maria Ressa

Image
IPINAGTIBAY ng Court of Appeals ang hatol kaugnay sa kasong cyber libel laban sa Rappler CEO na si Maria Ressa at dating Rappler writer-researcher na si Reynaldo Santos Jr. na may kaugnay sa negosyanteng si Wilfredo Keng. Ibinasura man ang apela ni Ressa, ibinaba naman ng CA sa anim na buwan at isang araw mula sa anim na taon at walong buwan ang parusa sa dalawa. Matatandaan na hinatulan sina Ressa at Santos na makulong ng anim na taon noong June 2020 ni Manila Regional Trial Court Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Branch 46. Nag-ugat ang kaso sa isang article na lumabas sa Rappler noong 2012 kung saan idinawit si Keng kay dating Chief Justice Renato Corona, na noon ay humaharap sa impeachment trial.

Lucky Me! sa Pinas ligtas pa rin kainin – DOH

Image
SINABI ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ligtas pa ring kainin ang Lucky Me! instant noodles sa Pilipinas sa pagsasabing sa bansa ginagawa ang mga produktong ibinebenta rito. “Gusto ko po nating klaruhin na ito pong nangyari at isang insidente na lumabas na report kahapon ay nangyari po sa European countries, hindi po dito sa ating bansa. Mayroon po tayong local manufacturer ng food product na ito, kung saan ang atin pong mga ginagamit na mga sangkap nito at saka iyon pong pagsasagawa ay dito po sa atin sa Pilipinas,” paliwanag ni Vergeire. Gayunman, aniya pa, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Food and Drug Administration kaugnay ng isyu.

BBM bibisita sa China

Image
TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbitasyon ng China na bumisita sa naturang bansa. “There was an invitation but there is no date as of yet,” sabi ni Press Secretary Trixie Angeles. Idinagdag ni Angeles na tinanggap ni Marcos ang imbitasyon matapos silang mag-usap sa Palasyo ni Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi sa Palasyo kamakailan.

Bakit nga ba napaiyak si Hipon sa Bb. Pilipinas ‘Meet the Press’?

Image
NAGING emosyonal si Herlene Nicole “Hipon” Budol sa ginanap na press presentation para sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2022. Makaraang rumampa suot ang swimwear at casual wear, isa-isang nagbigay ng mensahe kay Herlene ang mga kaibigan. Napahagulgol naman si Herlene, representative ng Angono, Rizal, nang makita ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino at kaibigang komedyana na si Mosang at maalala ang namatay niyang lola. “Akala ko birthday ko ‘to. Sayang wala si nanay, kumpleto na ako e. Sobrang kumpleto na ako, sobrang kumpleto na po ang buhay ko. “Hay naku. Happy po ako sa nangyayari sa buhay ko pero hindi po ako titigil. Baka himatayin na ‘ko. “Nanay, nasaan ka man, ‘I love you’. “Hindi pa rin po ako titigil. Ako’y taong hindi marunong makuntento dahil alam ko kapag nakuntento ako, hanggang dito na lang ako. “So, kung araw-araw akong natututo, araw-araw akong may naa-achieve, para sa pamilya ko, para sa mga taong naniniwala sa akin. Kaya maraming-maraming salam...

Kris Aquino kinakarma, ayon sa netizen; Janno na-beast mode

Image
INIREKLAMO ni Janno Gibbs sa pamunuan ng Facebook ang isa umanong abogado na nagpahiwatig na karma at sumpa ang pagkakasakit ni actress-TV host Kris Aquino. “To suggest that Kris Aquino is sick as a family curse and seemingly deserves it is just Pure Evil. No other words to describe,” ani Janno sa Facebook kung saan inilakip niya ang mga na-screen shot niyang post ng basher sa nasabi ring social media platform. Makikita sa isa mga post ng di-pinangalanang netizen ang magkatabing larawan ng pamilya Marcos sa inagurasyon ni Pangulong Bongbong at ang puntod nina dating Sen. Ninoy Aquino at mga dating pangulog Cory at Noynoy na kasama ang litrato ng may sakit na si Kris. Caption ng netizen: Magtataka ka pa ba kung bakit. Humingi rin si Janno ng saklolo sa Facebook para ma-ban ang nasabing account ng basher. “Pure evil. How can @facebook allow this account to continue doing this,” sey ng singer-actor. “And the language. This coming from a lawyer. Is this the Filipino today?” dagdag ...

Bilang ng jobless Pinoy pumalo sa 2.93M

Image
UMAKYAT sa 2.93 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho ang naitala ngayong Mayo 2022 matapos pumalo ang unemployment rate sa 6.0%. Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ng .03 porsyento ang unemployment rate kumpara sa 5.7 porsyento na naitala noong Abril 2022. Gayunman, mas mababa ito kumpara sa unemployment rate na naitala noong Mayo 2021 na nasa 7.7 porsyento. “The number of unemployed persons in May 2022 was estimated at 2.93 million compared to 3.74 million in the same period last year. In April 2022, the number of unemployed persons was reported at 2.76 million,” dagdag ng PSA.

SIKAT NA PINOY INSTANT NOODLES MAY HARMFUL CHEMICALS?

Image
PINATANGGAL sa mga pamilihan sa ilang bansa sa Europe ang ilang batch ng sikat na Pinoy instant noodles brand dahil kontaminado umano ang mga ito ng harmful chemicals. Nagbabala rin ang mga pamahalaan ng France, Ireland at Malta sa kanilang mga mamamayan na huwag kumain ng nasabing instant noodles brand dahil mayroon itong mataas na lebel ng ethylene oxide. Ayon sa babala, ang mga kuwestiyunableng instant noodles ay gawa sa Thailand. Kabilang sa mga ipina-recall na flavors ay “original,” “beef noodles,” “kalamansi, “hot chili,” at “chilimansi.” Ang ethylene oxide ay ginagamit sa paggawa ng pesticides at disinfectants. “Although the consumption of the contaminated product does not pose an acute risk to health, there may be health issues if there is continued consumption of ethylene oxide over a long period of time. Therefore, exposure to this substance needs to be minimised. Point-of-sale recall notices will be displayed in stores supplied with the implicated batch,” ayon sa advi...

Bagets sinuntok ng naalimpungatang kaklase, todas

Image
NASAWI ang 17-anyos na mag-aaral makaraang suntukin sa leeg ng kaklase na kanyang ginising sa Guinayangan, Quezon kamakailan. Dead on arrival sa pagamutan ang biktima dahil sa respiratory failure secondary to blood trauma to the throat. Ayon sa mga doktor, napuruhan ang Adam’s apple ng biktima nang suntukin ng suspek. Napag-alaman na nag-overnight sa isang resort ang biktima at ang suspek kasama ang iba pa nilang kaklase para ipagdiwang ang kanilang senior high school graduation. Kinabukasan ay ginising ng biktima ang suspek dahil uuwi na sila nang naalimpungatan ang huli at sinuntok ang kaklase sa leeg. Nang makitang nahihirapang huminga ang biktima ay agad itong dinala sa ospital ng mga kaklase. Itinanggi naman ng suspek na sinadya niya ang pagpatay.

Pamilya idinamay sa pamba-bash; Ella Cruz pumalag

Image
PINALAGAN ng aktres na si Ella Cruz ang pagdamay sa kanyang pamilya sa serye ng pambabash sa kanya bunsod ng kontrobersyal niyang pahayag tungkol sa history. Partikular na inalmahan ni Ella ay ang ginawang pang-iinsulto umano sa kanyang ama sa post ng isang Facebook page na House of Representa-thieves: Butasang Pambulsa. “Bash me all you want pero wag ninyong idadamay ang pamilya ko,” hirit ni Ella. Ito ay matapos mag-post ng nasabing Facebook page hinggil sa tatay ng aktres. Ayon sa post: “Nagsalita na yung tatay ni Ella Cruz yung naka 2% lang noong eleksyon. Kaya hindi umabot ng isanglibo ang bumoto sa yo kc ang turo mo wag masyado matalino sa school ang kailangan ng bayan natin ay matalino na kayang solusyunan ang mga problema ng bayan.” Matatandaan na sinabi ni Ella, na kabilang sa mga gaganap sa pelikulang ‘Maid in Malacanang’, na ang history ay gaya lang ng chismis.

Umano’y hazing sa UP Diliman pinaiimbestigahan

Image
HINILING ng University of the Philippines (UP) Diliman Student Council (USC) sa Office of Student Ethics (OSE) na imbestigahan ang alegasyon ng diumano’y insidente ng hazing sa unibersidad. Sa isang sulat na naka-address kay OSE Chair Atty. Rosalio A. Aragon Jr., sinabi ng USC na isang anonymous Twitter account na @UPSILONLEAKS ang nag-tweet noong Hulyo 3 kaugnay ng mga larawan at video ng umano’y mga insidente ng hazing. “Since the images and information contained in the account cannot be verified at this time, we are requesting intervention from your good office to conduct fact-finding investigation,” sabi ng USC.

Tirso Cruz, Mark Lapid may mga pwesto sa BBM administration

Image
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anak ni Senator Lito Lapid na si Mark Lapid bilang Chief Operating Officer ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority. Bukod kay Lapid, kabilang sa mga bagong binigyan ng pwesto ay ang aktor na si Tirso Cruz III na ininalaga bilang chairperson and chief executive ng Film Development Council (FDC). Kabilang din sa mga bagong talaga ay si Junie Cua bilang chairperson ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO); Antonio Manuel Lagdameo bilang Ambassador at Permanent Representative of the Philippines to the United Nations; Romeo Lumagui, Jr, Deputy Commissioner for operations ng Bureau of Internal Revenue (BIR); Juan Revilla, board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB); at Ambassador Jose Manuel Romualdez na muling itinalaga bilang Philippine Ambassador to United States. Pormal silang nanumpa kay Marcos kasama sina Abdulghani Salapuddin bilang Southern Philippines Development A...

Vilma sa fans: Please stop bashing Nora!

Image
PINAGALITAN ni Vilma Santos ang kanyang mga fans na patuloy na bina-bash si Nora Aunor sa pagkakahirang dito bilang National Artist. Ayon sa isang source ng PUBLIKO, ginawa ni Vilma ang panenermon sa kanyang mga tagahanga sa isang Facebook private group chat. Sey ng tinaguriang Star for All Seasons: “Vilmanians!! Pls stop!! Count your blessings!! Congratulate the winners!!” Idinagdag ni Vilma na mas maraming dapat ipagpasalamat siya at ang mga fans niya kaya: “Stay happy and healthy! Thank God for that!!” “Love you all forever my vilmanians!!” mensahe pa ni Vilma sa mga fans. Bago ito ay pinakalma na ng dating gobernador ng Batangas, mayor ng Lipa City, at kinatawan ng 6th district ng lalawigan ang kanyang mga tagahanga na nalungkot dahil hindi siya nabigyan ng katulad na pagkilala. “Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way. And yes, there is always a time for everything,” ani Vilma. “Maraming salama...

Pope Francis magbibitiw nga ba?

Image
ITINANGGI ni Pope Francis na may plano siyang magbitiw sa pwesto dahil umano sa kanyang seryosong karamdaman. “It never crossed my mind,” sabi ni Francis. Aniya, wala siyang planong gayahin ang kanyang pinalitan na si Benedict XVI, na nagbitiw. “For the moment, no. For the moment, no. Really!” ayon pa sa Papa. “We don’t know. God will say,” dagdag ni Pope Francis. Itinanggi niyang siya ay may stomach cancer matapos na maoperahan sa colon noong Hulyo 2021. Nakatakdang bumiyahe si Pope Francis sa Canada ngayong buwan. Nais din niyang bumiyahe sa Moscow at Kyiv. Nauna nang nagsabi ni Pope Francis na nakahanda siyang pumagitna sa nagaganap na gera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Inflation rate sa PH sumirit sa 6.1% nitong Hunyo

Image
SINABI ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis ang inflation rate sa bansa sa 6.1 porsiyento sa Hunyo 2022. “The Philippines’ annual headline inflation continued to move at a faster pace of 6.1 percent in June 2022,” sabi ng PSA. Idinagdag ng PSA na ito na ang pinakamataas na inflation rate simula noong Oktubre 2018. Ayon kay National Statistician Dennis Mapa mas bumaba na ang purchasing power ng piso ngayon kumpara noong 2018. Anya ang halaga ng P1 noong 2018 ay 87 sentimo na lang nitong Hunyo. Umabot naman sa 4.4 porsiyento ang inflation rate sa nakaraang anim na buwan ng 2022. “The uptrend of inflation for June 2022 was primarily brought about by the higher annual growth rate in the index for food and non-alcoholic beverages at 6.0 percent, from 4.9 percent in the previous month,” dagdag ng PSA.

Fuel subsidy extension inihirit ni BBM; isasama tricycle driver

Image
NAIS ni Pangulong Bongbong Marcos na i-extend ang pagbibigay ng ayuda sa transport sector, at isasama na rin ang mga tricycle driver sa nasabing programa. Isa ito sa mga pangunahing agenda na pinag-usapan sa kauna-unahang Cabinet meeting ng bagong adminisrtasyon ngayong Martes. Ayon kay Marcos, napag-usapan na rin ang budget para sa expanded program ng Pantawid Pasada. “We just discussed that we are going to try not only to continue the fuel subsidy for the transport sector but [also] to expand it to include the tricycles, which up to now have not been included,” ayon kay Marcos sa una niyang press briefing sa Palasyo. “We talked about in the Cabinet meeting the funding — where it can come from and how we are going to manage the funding for the additional fuel subsidy,” dagdag pa ni Marcos.

BBM, Sara: 100% F2F classes sa Nobyembre posible

Image
POSIBLENG gawing 100 percent na ang face-to-face classes sa Nobyembre, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos nitong Martes. Anya, ito ang tinitingnan ngayon ng Department of Education bilang paghahanda sa pagbubukas ng kalse sa Setyembre. Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos ang kauna-unahan niyang Cabinet meeting. “There are some things immediately accessible we can start doing something about it already,” ayon kay Marcos sa pagharap niya sa media matapos ang meeting sa kanyang Gabinete. “The first thing that is an example of that is Inday Sara’s announcement that we have a plan for full face-to-face by November of this year,” anya.