Posts

Showing posts from July, 2022

Palasyo nagpaliwanag sa pag-veto sa Bulacan economic zone, freeport

Image
IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na i-veto ang panukalang batas na naglalayong magtayo ng special economic at freeport zone sa Bulacan Airport. Sinabi ni Press Secretary Trixie Angeles na bagamat nais ni Marcos na matuloy ito, kailangan muna umanong itama ang ilang mga probisyon ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on Audit to look into the financial transactions on the special economic zone and freeport,” sabi ni Angeles. Tiniyak ni Angeles na kung hindi nagdesisyon si Marcos na i-veto, magla-lapse bilang batas ang House Bill 7575 sa July 4 o 30 araw matapos na ipasa ang panukala sa Palasyo. “Without those necessary amendments indicated in the veto explanation, the law may be vulnerable to constitutional challenge. The delegation of rule-making power on environmental laws which is unique to the special economic zone is of particular concern,” d...

‘Butas ng karayom’ ang papasukin ni Bongbong

Image
ANG pormal na panunumpa ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas ay sinasabing hudyat ng isang magulo at watak-watak na pamahalaan na kinakailangang paghandaan ng bagong lider ng bayan. Umaasa ang mahihirap na mamamayan kabilang ang mahigit 31 milyong bumoto kay Bongbong na magiging maginhawa ang kanilang buhay dahil na rin sa inaasahang maayos na pamamalakad na gagawin ng pangulo. Pero ngayon pa lang, marami na ang nagsasabing mabibigo si Bongbong sa kanyang panunungkulan.  Ang mga problemang tulad ng mataas na presyo ng bilihin, unemployment, illegal drugs, corruption, West Philippine Sea at insurgency ay ilan lamang sa kailangang tugunan at lutasin ni Bongbong. Mabigat na pagsubok ang haharapin ng bagong pangulo para magtagumpay ang kanyang pamahalaan lalu na ang malaking problemang iniwan ni Pangulong Digong sa usapin ng trilyon trilyong pisong utang ng Pilipinas. Sakit din ng ulo ngayon ni Bongbong ang mga political forces na kalaban ng pamilyang...

Habagat’ magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

Image
MAGDUDULOT ng mga pag-ulan ang southwest monsoon o “habagat” sa ilang bahagi ng bansa, partikular na sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Batanes at Cagayan. Apektado namang ng easterlies ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao kung kayat magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, kasama na rin ang Dinagat Islands, Surigao del Sur, at Surigao del Norte. Samantala magiging maganda naman ang lagay ng panahon sa Metro Manila at sa iba pang parte ng bansa, na posible rin magkaroon ng localized thunderstorms. Wala rin inaasahang papasok na bagyo sa susunod na tatlong araw.

Absolute Divorce bill muling isinulong sa Kamara

Image
MULING isinumite ni Albay Rep. Edcel Lagman ang panukalang batas para gawing legal ang divorce. Sa kanyang House Bill No. 78, sinabi ni Lagman na hindi maaaring iabandona ng estado “ang mag-asawa at kanilang mga anaka sa isang tahanan na nasusunog na”. Ayon pa kay Lagman, ang panukala ay gaya lang din ng Reproductive Health Act na isang isyu ng karapatan ng mga kababaihan. “Not being able to get out of a loveless, unhappy, even abusive marriage is a human rights concern for women,” pahayag ni Lagman sa explanatory note ng kanyang panukala. “When there is physical violence in a relationship, women are almost always at the receiving end of a fist or an open palm and it is the obligation of the State to ensure this does not intensify to the use of a knife or firearm,” dagdag pa nito. Sa pamamagitan anya ng Absolute Divorce Act, ang isang “beleaguered and tormented wives can soon be liberated from irretrievably dysfunctional marriages or inordinately abusive marital relations.” Sa ...

Zagala pormal nang naupo bilang PSG chief

Image
PORMAL nang naupo si Colonel Ramon Zagala bilang Commander ng Presidential Security Group (PSG) matapos ang turnover ceremony ngayong araw na dinaluhan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “To the incoming PSG Commander, Colonel Ramon Zagala, you have my thanks for stepping up to the challenge of being the next leader of the PSG. I trust that under your leadership, the PSG will be able to continue the excellent provision of security to the Office of the President and the First Family as well as visiting heads of state and diplomats,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati. Pinasalamatan din ni Marcos si outgoing PSG Commander Brigadier General Randolph Cabangbang. “Under his steady and unwavering leadership, the PSG was able to provide security for the First Family. I also laud Brigadier General Cabangbang for taking steps towards ensuring the completion of several key PSG facilities including the PSG Station Hospital and the Women’s Auxiliary Corps barracks,” aniya.

Marcos muling nanawagan ng pagkakaisa

Image
MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos ng pagkakaisa matapos dumalo sa kauna-unahan niyang flag raising ceremony bilang presidente sa Palasyo ngayong Lunes. “Hindi naman kasi simpleng bagay ang trabahong ibinigay sa atin. Kaya naman kailangan natin at siguro naging tama talaga ang mensahe noong kampanya na magkaisa. Kaya’t pagkaisahan natin ito at kakayanin natin ito,” sabi ni Marcos. Binati rin ni Marcos ang mga empleyado ng Malacanang at sinabi na masisigla ang mga ito para sa bagong administrasyon. “And I’m very happy to see you all. Mukhang ready to go, very enthusiastic for this next administration. We need that, kailangan natin ‘yan. Keep it going. Keep up the good work that you have been doing for the years previous. And gawin lang natin ang ating mga trabaho. And siguro one or two steps beyond kung ano lang ‘yung trabaho natin dahil ‘yan ang inaasahan sa atin ng ating mga kababayan,” aniya.

Management sa likod ng ‘ka tawa-tawang’ birthday greeting billboard kay Imelda nag-sorry

Image
HUMINGI ng paumanhin ang nasa likod ng electronic billboard ni Imelda Marcos na pinagpiyestahan kahapon, matapos akusahan ng copyright infringement. Nag-tweet si Lauren Greenfield, direktor at artist ng “Kingmaker” documentary na ninakaw ang kanyang photo. “Clearly, whoever stole my image to wish Imelda Happy Birthday doesn’t understand copyright infringement,” tweet niya. Agad namang humingi ng tawad ang DOOH Management ukol dito. “We must confess that we were unaware of your copyright, and we appreciate that you brought the matter to our attention,” DOOH ayon sa pahayag ng Management. “Please be informed that as soon as we were made aware of the issue, we immediately took the greeting down,” dagdag pa nito. Ang picture na ginamit sa electronic billboard sa kahabaan ng EDSA ay kinuhanan mismo ni Greenfield para sa kanyang documentary. Ginawan naman itong katatawanan ng maraming netizens dahil sa halip na 93rd, 93th ang nakalagay sa greeting.

Bongbong sumaludo sa mga dating tauhan ng pamilya

Image
BINIGYANG-PUGAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga dating aides ng kanilang pamilya. Sa tinaguriang “walk of closure” na ginanap sa Malacanang grounds, sinaluduhan ni Marcos Jr. ang dating escort ng ama na si Lt. Col. Delmar Magno; dating security officer ng kapatid na si Irene na si 1st Lt. Menandro Espineli; at dating presidential nurse na si Lt. Col. Fe Castro. Hindi umano pormal na nakapagpaalam ang pamilya Marcos sa tatlo dahil kinailangan nilang agad makalabas ng bansa noong kasagsagan ng Edsa People Power Revolution noong 1986. Sumakabilang-buhay si Marcos Sr. sa Hawaii noong 1989.

Robin pasok sa cast ng ‘Maid in Malacanang’

Image
INANUNSYO ni Darryl Yap na kasali sa kontrobersyal niyang pelikulang “Maid in Malacañang” si Sen. Robin Padilla. “Yes. Senator Robin Padilla in #MAIDinMALACAÑANG,” ani Yap sa kanyang Facebook post. Ibinahagi rin ng direktor ang photo ng senador na nakasuot ng uniporme ng sundalo. Sa isa pang Facebook post, flinex ni Yap ang larawan nilang tatlo nina Robin at Cesar Montano, na gaganap bilang dating Pangulong Ferdinand Marcos sa “Maid in Malacanang.” Caption niya: “With Rizal and Bonifacio. “Waway and Anak ni Baby Ama. “With a Commander in Chief and a Filipino Soldier. “Pangatlong Taon ko pa lamang sa Industriya, sobrang laking karangalan.”

Obiena muling nakaginto

Image
NASUNGKIT ni EJ Obiena ang gold medal sa men’s pole vault event ng 2022 Jump and Fly tournament sa Hechingen, Germany ngayong Linggo. Nakapagtala si Obiena ng 5.80 metro para makuha ang ginto. Nakuha ni Huang Bokai ng China ang silver medal matapos magtala ng 5.50 metro samantalang naiuwi ang bronze ni Vincent Robbie ng Germany matapos makakuha ng 5.10 metro. Hindi naman nabura ni Obiena ang  Asian record niya na 5.94 metro matapos ang dalawang pagtatangka.

5-year term, reelection ng president, VP isinulong

Image
ISINULONG ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang limang taong termino sa Presidente, Vice President at mga lokal na opisyal na nangangailangan ng pag-aamyenda sa 1987 Constitution. Sinabi ni Gonzales na inihain niya muli ang Joint House Resolution Number 1 ngayong 19th Congress na naglalayong bigyan ng dalawang termino ang Presidente at Vice Presidente matapos hindi lumusot sa nakaraang 18th Congress. “Ipinangako ko ipa-file ko ang House Resolution Number 1. Yun po yung pagpapalawig ng tatlong taon sa limang taon, magiging dalawang termino na lang. Halimbawa sa President sa anim na taon sa ilalim ng 1987 Constitution, gagawin nating limang taon pero with reelection. Ganyan din po sa bise presidente. Pangalawa, kung ano ang boto ng presidente yun din ang boto ng vice president,” sabi ni Gonzales. Idinagdag ni Gonzales na magiging limang taon din ang termino ng mga kongresista at mga lokal na opisyal, bagamat hanggang dalawang termino lamang mula sa tatlong termino. “Para...

Isko sa pamilya: Makakabawi na ako

Image
IBINAHAGI ni dating Manila Mayor Isko Moreno ang picture kasama ang kanyang pamilya sa unang araw niya bilang private citizen. “Sa 24 na taong paglilingkod ko sa bayan, naisantabi ko ang aking responsibilidad bilang ama sa aking pamilya dahil inuna kong tugunan ang mandato na ipinagkaloob sa akin ng taumbayan,” post ni Isko. “[M]akababawi na ako sa lahat ng sakripisyo na buong-puso at walang pagtutol na pinagdaan ng aking pamilya,” dagdag pa niya.

Ang Tatlong Halimaw

Image
Noong unang panahon, may tatlong halimaw na naghahari sa tatlong pinakamayaman at pinaka-makapangyarihang kaharian sa mundo ng mga hayop. Ito ang Kaharian ng Kalingga sa Asya, na pinamumunuan ng isang higanteng buwaya; ang Partaso sa hilagang kontinente, na pinamumunuan ng isang napakagahamang lobo, at; ang Atika sa Gitnang Silangan, na siya namang pinaghaharian ng ganid na buwitre. Dahil ang tatlong kahariang ito ay napakamakapangyarihan, sila ang siyang nagtatakda at nangangasiwa sa mga kalakal ng mga maliliit at mahihirap na kaharian. Kontrolado ng tatlong kahariang ito ang mga pinuno ng mga maliliit na kaharian, at ang sinumang lumihis at sumuway sa kanilang mga patakaran sa pangangalakal ay mayroong katapat na parusa. Ang bawat kaharian ay may sari-sariling hukbo ng mga mababangis na daneyo. Kung kaya, mas gugustuhin pa ng mga maliliit na kaharian na sundin ang mga patakaran ng tatlong Halimaw at tumahimik na lamang, kaysa magdusa sa kamay ng mga walang pusong daneyo. Sa kab...

2 empleyado ng Pasig tiklo sa P600K bribe money

Image
TIKLO ang dalawang empleyado ng Pasig City matapos maaktuhang tumatanggap ng P600,000 na suhol. “Sa unang araw pagkatapos ng Oath-taking, nagka-ENTRAPMENT OPERATION kami ng PNP. Naaresto ang 2 empleyado, caught-in-the-act na tumatanggap ng suhol na 600,000 pesos,” sabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang tweet. Nanumpa si Sotto noong Hunyo 30 para sa kanyang ikalawang termino.

Presyo ng langis bababa sa Martes

Image
MATAPOS ang sunod-sunod na taas presyo, bababa ngayong Martes, Hulyo 5 ang presyo ng mga produkyong petrolyo. Aabot sa P3.10 hanggang P3.30 kada litto ang bawas sa presyo ng diesel, samantalang maglalaro mula sa 20 hanggang 40 sentimo ang ibababa sa presyo ng litro ng gasolina. Ngayong linggo, umabot sa P1.65 kada litro ang itinaas ng diesel, samantalang 50 sentimo kada litro ang iniangat sa presyo ng gasolina at 10 sentimo naman sa kerosene.

BBM pinuri mga nagawa ng ama para sa PH

Image
NAGBIGAY ng tribute si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, sa kanyang inaugural speech Huwebes ng tanghali. “My father built more and better roads, produced more rice than all administrations before his. President Rodrigo Roa Duterte built more and better than all the administrations succeeding my father,” sabi ni Marcos. Kasabay nito, nangako si Marcos na tatapusin ang mga naumpisihan ni dating pangulong Rodrigo Duterte. “I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit, I want to build on success that’s already happening,” dagdag ni Marcos. Nangako si Marcos na maglalahad ng isang komprehensibong plano para sa imprastraktura para sa anim na taon ng kanyang panunungkulan.

Ex-Rep. Andaya natagpuang patay, may tama ng bala sa ulo

Image
NATAGPUANG patay si dating Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya sa kanyang silid Huwebes ng umaga. Sinasabing ikinasawi nito ang isang bala ng baril na tumama sa kanyang ulo. Siya ay 53. Ayon sa report ng pulisya, dali-daling nagtungo sa silid ng dating kongresista ang kanyang personal assistant matapos makarinig ng putok ng baril, at doon ay tumambad sa kanya ang walang-buhay nang si Andaya. Sa Facebook post kahapon, kinumpirma ng kanyang mga anak na sina Ranton at Katrina ang pagpanaw ng dating kongresista. “With deep grief and sadness, we announce the untimely death of our father, former member of the House of Representatives, Rolando “Nonoy” G. Andaya, Jr., this morning, June 30, 2022,” ayon sa post na inilagay sa Facebook page ng kanilang ama. “We request for your fervent prayers for his eternal repose, and to allow us, his family, to grieve privately our loss.”

Kapwa artista, fans nanlumo sa lagay ni Kris

Image
BINAHA ng mensahe ng suporta at panalangin si Kris Aquino makaraan niyang isiwalat na tinamaan siya at mga anak na sina Josh at Bimby ng COVID-19. Kasalukuyang nagpapagamot sa isang ospital sa Texas, USA si Kris para sa kanyang eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA) at autoimmune disease na chronic spontaneous urticaria. Kabilang sa mga celebrities na pinalalakas ang loob ng actress-TV host ay sina Angel Locsin, Angeline Quinto, Erik Santos, Darla, at Chef JP Anglo. Sa kanyang post sa IG, sinabi ni Kris na unang nagpositibo ang panganay niyang si Josh. Makaraan ang ilang araw ay nagpositibo na rin silang dalawa ni Bimby. Lalo namang nalungkot ang mga kaibigan at fans sa sinabi nitong kailangan niyang magpaalam nang maayos dahil marami ang nagdadasal para sa kanyang paggaling. “I need to say goodbye properly because so many have reached out to me, prayed for me and my sons and regardless of their political affiliation they have prayed for me to get better,” aniya. ...

Enrique Manalo itinalagang DFA Secretary

Image
HINIRANG na bagong Foreign Affairs Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos si dating acting DFA Secretary Enrique Manalo. Nagsilbi si Manalo, 69, bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York sa ilalim ng Duterte administration. Naging Undersecretary for Policy rin siya ng kagawaran at nagsilbing acting DFA Secretary mula Marso 9 hanggang Mayo 2017.

P10K ayuda ni Cayetano: Kung kayo kong ibigay, ibinigay ko na

Image
NAGPALIWANAG si Senador Alan Peter Cayetano na ang ipinangako niyang P10,000 ayuda sa publiko ay isang legislative proposal na kailangan aksyunan ng Kamara at Senado. Matatandaan na maraming nam-bash kay Cayetano dahil sa pangako nitong magbibigay ng P10,000 ayuda. Naging trending pa nga ang video ng isang netizen habang naispatan si Cayetano sa isang mall sa Makati City at doon hiningan ng P10,000 ayuda, ngunit nandedma ang senador. Sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga lokal na opisyal sa Taguig, ipinaliwanag din ni Cayetano na ang kanyang inihaing bill ay kakaiba sa privately funded na “Sampung Libong Pag-asa” program na namahagi ng P10,000 ayuda sa mga piling benepisyaryo. “Sa mga nangba-bash sa 10K ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tag-sasampung libo, binigay ko na sa kanila. Pero sa katotohanan ito’y isang legislative proposal,” ayon kay Cayetano. “So ang hinihingi ko po doon sa mga tumutuligsa sa programang Sampung Libong (Pag-asa) during the pandemic, tumulo...

6.1 magnitude na lindol yumanig sa Cagayan

Image
NIYANIG ang Cagayan ng magnitude 6.1 na lindol alas-2:40 Biyernes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivols). Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lokasyon ng lindol, na may lalim na 66 kilometro, 11 kilometro silangan ng Dalupiri Island Calayan, Cagayan. Naitala ang intensity 5, sa Claveria Cagayan; intensity 4 sa Laoag City, Pasuquin, Ilocos Norte; Gonzaga at Penablanca, Cagayan. Samantalang intensity 3 naman sa Vigan City, Sinait, Ilocos Sur. Ayon pa sa Phivolcs, inaasahan ang mga aftershocks.

Libreng sakay sa Edsa carousel bus tuloy; estudyante libre naman sa MRT, LRT, PNR

Image
PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ngayong Biyernes ang libreng sakay sa EDSA Carousel bus matapos aprubahan ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr). Bukod dito, libre rin ang sakay sa mga estudyante sa MRT-3, LRT-2, at PNR sakaling magsisimula na ang face-to-face classes sa Agosto. Nakipagpulong si Marcos kina Transportation Secretary Jaime Bautista at Executive Secretary Vic Rodriguez sa Palasyo ngayong araw. Mananatili ang libreng sakay sa EDSA Carousel hanggang Disyembre 2022. Ipatutupad din ng DOTr ang libreng sakay para sa mga estudyante sa MRT-3, LRT-2, at PNR. Una nang nagtapos ang libreng sakay sa MRT3 nitong Hunyo 30.

BBM, Sara magkasamang dumalo sa misa

Image
DUMALO sa misa ngayong Biyernes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte bago magtungo sa Palasyo para sa ikalawang araw ng kanyang termino bilang ika-17 Presidente ng Republika ng Pilipinas. Kasama rin nilang dumalo sa kauna-unahang misa ng bagong administrasyon ang mga miyembro ng Gabinete na pinangungunahan ni Executive Secretary Vic Rodriguez. Sa kanyang homily, nanawagan si Cardinal Advincula sa dalawang pinakamataas na lider ng bansa na gayahin ang dalawang katangiam mg Good Shepherd na “listening leadership at life-giving leadership.” “As we meet in our offices and conference halls asking questions in our heads, may we be mindful of our people who ask questions in their empty stomachs…May we be leaders who listen to our people, especially the poor and marginalized,” sabi ni Advincula. Kabilang sa mga nagsimba ay sina Special Assistant to the President Anton Lagdameo, Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo, Justice Secretary ...

Tips para matulungan ang anak sa pagkuha ng kursong kanilang gusto

Image
TOTOONG hindi biro magpaaral ng anak ngayon, lalo na at maliban sa online class ang set-up (next school year hybrid na or face-to-face), talaga namang bilang magulang inaalala natin ano ang kanilang magiging kinabukasan.  Marami rin haka-haka ang bawat magulang kung anong dapat kuning career path ng mga anak ukol sa kanilang pipiliing college degree. Yung iba, dahil nakitang yumaman ang kapitbahay nung nagkaroon ng anak na inhinyero, or chef sa isang malaking hotel, kukulitin na ang kanilang anak na kunin na lang ang mga kursong tinapos ng mga ito.  So, papaano natin matutulungan ang ating mga anak sa kanilang pagdedesisyon ng kukuning kurso para sa kanilang kinabukasan? Alamin dito sa tips natin: 1. Alamin ang hilig at talento ng bata  Hindi pera ang labanan dito kung hindi ano ba talaga ang nakikita ng inyong anak na magiging kabuhayan niya five years after graduation. Ikanga nung sila ay umattend na ng kanilang grade 12, dito na nadedetermine ng mga bata kung ano...

Bongbong Marcos opisyal nang nanumpa bilang ika-17 pangulo

Image
OPISYAL nang uupo bilang ika-17 pangulo ng bansa si Ferdinand “Bongbong” Marcos matapos siyang pormal na makapanumpa Huwebes ng tanghaling-tapat, Hunyo 30, 2022, sa National Museum grounds sa Maynila. Nanumpa si Marcos sa harap ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, hudyat ng pagbabalik ng mga Marcos sa Malacanang, 36 taon ang nakaraan matapos mapatalsik ang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Kasama ang kanyang misis at ngayon ay Firs Lady na si Louise Araneta-Marcos at kanilang tatlong anak na lalaki, sinaksihan din ng kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos at kapatid na si Senador Imee Marcos ang inagurasyon ni Marcos. Suot ni Marcos ang barong tagalog na dinisenyo ni Pepito Albert na inspired naman ng military uniform noong panahon ng pananakop ng Kastila.

‘I offended none of my rivals’

Image
HANGGANG sa kanyang inaugural address, isinentro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang thrust ng kanyang presidential campaign na pagkakaisa. Matapos kanyang pormal na panunumpa bilang ika-17 pangulo ng bansa, sinabi ni Marcos na ni minsan ay hindi siya nagsalita ng laban sa kahit sino mang kanyang nakatunggali sa presidential elections. “By your vote, you rejected the politics of division. I offended none of my rivals in this campaign. I listened instead to what they were saying and I saw little incompatibility with my own ideas—about jobs, fair wages, personal safety, and national strength,” ayon kay Marcos. Anya pa, nais niyang panindigan ang panawagan niya ng pagkakaisa sa buong kampanya. “When my call for unity started to resonate with you, it did so because it echoed your yearnings, mirrored your sentiments, and expressed your hopes for family, for country and for a better future,” dagdag pa ni Marcos, dahilan anya kung bakit nakuha niya ang majority vote ng publiko....

SEC tinuluyan ang Rappler

Image
IPINASASARANG tuluyan ng Securities and Exchange Commission ang news site na Rappler. Ito ay ayon mismo sa CEO ng Rappler at ng beteranong journalist na si Maria Ress. Sa isang statement na ginawa sa East West Center Conference sinabi ni Ressa na “SEC has affirmed its earlier decision to revoke the certificates of incorporation of Rappler Inc. and Rappler Holdings Corporation.” Base umano ang desisyon sa inilabas na order nitong Hunyo 28 ngunit hindi pa ito naisasapubliko. “We were notified by our lawyers of this ruling that effectively confirmed the shut down of Rappler,” sabi ni Ressa sa harap ng EWC. Anya pa, i-aapela pa rin umano nito ang naging desisyon, kasabay ang pagsasabi na ang nangyaring proceeding ay “highly irregular”.

Legacy ni Duterte: Suppression ng press freedom

Image
SA administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, naging pattern hanggang naghugis bakulaw ang panunupil sa malayang pamamahayag. Sa pinagsama-samang datos ng National Union of Journalists of the Philippines, Philippine Center for Investigative Journalism at Center for Media Freedom and Responsibility mula 2016, may 23 mamamahayag ang pinatay sa administrasyong Duterte, 37 libel cases at higit 100 media attacks kasama na ang pag-aresto, pagbabanta at iba pang harassments. Topnotch trophy niya syempre ang shutdown ng ABS-CBN at ngayong araw dito sa Pilipinas, pumutok ang balitang ipinasasara ng Securities and Exchange Commission ang Rappler. Alam na natin ang panggigipit na ginagawa niya sa Rappler at sa nagtayo nito na si Maria Ressa, maraming demanda at libel cases, inaresto, banned ang reporters nila. Habang sinusulat ko itong column, nagpost ang veteran journalist na si Luz Rimban sa FB, June 29: “Nobel Peace Prize 2021 laureate Maria Ressa announced that the Securities and Exc...

Marcos itinalaga si Calida bilang COA chief

Image
ITINALAGA ni President-elect Bongbong Marcos si outgoing Solicitor General Jose Calida bilang susunod na Chairman ng Commission on Audit (CoA). Inihayag ni incoming Press Secretary Trixie Cruz Angeles ang pagkakahirang kay Calida. Umupo si Calida bilang undersecretary ng Department of Justice noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula 2001 hanggang 2004. Samantala, uupo naman si Jose Arnulfo “Wick” Veloso bilang pinuno ng Government Service Insurance System (GSIS).

Pope Francis natuwa sa panalo ni BBM

Image
BINATI ni Pope Francis si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. isang araw bago ang inagurasyon nito. Ibinahagi ng Papal Nuncio kay Archbishop Charles Brown ang mensahe ng Santo Papa para kay Marcos. “I send my congratulations and cordial wishes to your excellency as you begin your mandate as the president of the republic,” ayon sa Pope. “In assuring you of my prayers that you will be sustained in wisdom and strength, I invoke Almighty God’s blessings of peace and prosperity upon the nation,” dagdag nito. Noong June 10 ay binisita at binati ni Brown si Marcos sa tagumpay nito. “He and his new administration can be sure of the collaboration and the support of the Catholic Church as he takes on the waiting responsibilities of his office,” ani Brown.

Parokya ni Edgar: Secondary lang ang music, friendship ang una

Image
IPINAGMAMALAKI ng lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na tunay silang magkakabarkada at magkakaibigan ng kanilang grupo. Bago pa ang pagiging magktrabaho nila, mas una ang kanilang pagkakaibigan, kung kayat tumagal ang kanilang samahan. “We are stronger as a team but more than that, we are really friends ng mga kabanda ko. More than being musicians, magkakaibigan talaga kami,” ayon kay Chito. “That’s why we never argue about music because we just love being in a band. We love being part of Parokya. And ‘yung music, hindi tulad ng ibang bands, they’re primarily musikero first. So if they outgrow each other musically, natural lang na maghiwalay sila,” dagdag niya.  “With us, music is secondary. Barkada lang muna kami so we never outgrow each other. So ‘yun ang tumagal.”

Si congresswoman “may-ari” ng bagong partylist group

Image
NABISTO na isa rin pa lang kongresista ang nagmamay-ari o nagpapatakbo ng isang nanalong partylist group sa katatapos na halalan. Si madam congresswoman daw, ayon sa aking spotter, ang nasa likod ng isang partylist group na medyo sikat sa kasalukuyan. Nabisto ang katotohanan nang magreklamo ang first nominee na sinipa sa kanilang grupo. Si Mr. First Nominee ang nagpakapagod sa kampanya, gumawa ng kanilang political plan and strategies pero nang manalo sa eleksyon ang grupo ay bigla siyang sinabihan na umalis sa pwesto. Ito ay para magbigay daan sa isang retiradong opisyal na maupo bilang kinatawan sa Kongreso ng kanilang partylist organization. Sinabi ng aking spotter na isang incumbent partylist representative rin ang nasa likod ng bagong partylist group na tinutukoy natin. Ito yung matagal ko nang sinasabi na isang malaking kalokohan ang partylist representation sa bansa dahil ginagawa lamang itong palabigasan ng ilang pulitiko. Hindi ko nilalahat dahil meron pa rin namang m...

Bagong babala ng DOH: Kaso ng COVID papalo sa 4,600 sa Hulyo

Image
NAGBABALA si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na aabot hanggang 4,600 ang arawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila sa kalagitnaan ng Hulyo. Ito’y sa harap naman ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. “Kapag ganito ang nangyari, by the middle of July, baka tumaas pa ang daily cases sa NCR, from 3,800 to 4,600, so ito yung bagong projection compared sa number daily cases sa ngayon,” sabi ni Vergeire sa panayam sa DZMM. Idinagdag ni Vergeire na bumababa ang mga nagpapabakuna at bumaba ng 20 porsiyento ang pagsunod sa mga health protocol. “Nakikita nga natin na tuloy-tuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa and nakita rin positivity rate ay tumataas,” dagdag ni Vergeire.

Tagabayad-utang

Image
PAALIS na nga lang, humirit pa si outgoing President Duterte ng loan sa World Bank na nasa $178.1 milyon o humigit-kumulang P9,776,739,356 batay sa kasalukuyang palitan na P54.9255 kada dolyar. Maganda naman ang intensiyon niya sa pangungutang dahil ilalaan umano ito sa pagsugpo ng malnutrisyon sa kabataan. Isa itong multisectoral project na ang tinitingnang magpapatupad ay ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD). Aasahan kaya natin ang pagbaha ng mga pagkaing fortified gaya noong mga nakaraang administrasyon sa ilalim ni dating Ferdinand Marcos Sr. at Fidel V. Ramos?   Batay sa loan directive ng WB, ang pautang “will increase the utilization of a package of nutrition-specific and nutrition-sensitive interventions and improve key behaviors and practices known to reduce stunting in targeted local governments.” May pag-aaral na noong nakaraang mga taon, halos 30 porsyento ng mga batang Pinoy na edad lima pababa ay hindi lumaki ...

Bea sukang-suka sa isang ex-BF: ‘Ayoko siya ka-work’

Image
MALIBAN sa isa, payag si Bea Alonzo na makatrabaho ang kanyang mga ex-boyfriends. Sa interview ni Barbie Forteza, sinabi ni Bea na walang problema kung makakatrabaho niya ang mga dati niyang nakarelasyon, kabilang si Zanjoe Marudo. “(Pero) depende kung sinong ex. Kay Zanjoe, okay akong makipag-work. Isa lang naman ‘yung ayokong ex,” sey ni Bea. Ayon kay Bea, naghiwalay silang magkaibigan ni Zanjoe. “Hindi kami ugly breakup. Until now, we’re friends. It would be disrespectful to our relationship if we ended it badly,” paliwanag niya. Idinagdag niya na kaya niyang paghiwalayin ang pag-arte sa kanyang personal na nararamdaman. “Hindi ako takot sa gano’n because I know my boundaries as an actor,” sabi pa niya. Marami naman ang naniniwala na si Gerald Anderson ang isinusukang ex-boyfriend ni Bea. Matatandaan na na-“ghost” ang premyadong aktres ni Gerald dahil umano kay Julia Barretto.

COVID-19 cases tumaas sa 14 lugar sa MM

Image
SINABI ng OCTA Research Group na 14 sa 17 lugar sa Metro Manila ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19). Sa panayam sa Laging Handa, sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na inaasahan ding aabot hanggang 500 kaso kada araw ang maitatala sa Metro Manila. “So, in terms of increasing number of cases, actually most of NCR siguro mga 14 LGUs out of 17 ay nakikitaan natin ng pagtaas ng bilang ng kaso,” sabi ni David. Nauna nang nagbabala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng umabot sa 4,600 kada araw ang mga kaso ng Covid-19 sa Metro Manila sa kalagitnaan ng Hulyo. Umakyat na rin ang positivity rate sa NCR mula limang porsiyento hanggang pitong porsiyento. “Ibig sabihin, medyo mas mataas na rin siya doon sa recommended ng World Health Organization na less than 5%; kabilang dito iyong Batangas, Cavite, Laguna, Rizal; ang Pampanga rin ay nakitaan din natin ng pagtaas ng positivity rate. Sa Western Visayas naman, sa Iloil...

Department of Agriculture balasahin

Image
HINIMOK ni outgoing Senate President Vicente Sotto III ang papasok na administrasyon na i-reshuffle ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa gitna ng mga alegasyon ng smuggling activities dito. Ito ay matapos pangalanan ang ranggo ng mga opisyal ng DA at Bureau of Customs na nagsisilbing mga protektor ng mga smuggler ng mga produktong agrikultura, na nakapaloob sa isang intelligence report na isinumite sa Senado. “Dapat (i-reshuffle). ‘Yun ang pinag-usapan namin nung padating nating pangulo [Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.],” sabi ni Sotto. Si Marcos, na nakatakdang manumpa bilang ika-17 pangulo sa Hunyo 30, ay siya ring uupong Agriculture secretary. Kabilang sa mga pinangalanang opisyal na diumano’y sangkot sa smuggling ay sina Navotas Mayor Toby Tiangco, Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, Bureau of Plant Industry Director George Culaste, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Eduardo Gongona, at Customs Commissioner Leonardo Guerrero. Nasa P667.5 ...

Biden nagtalaga ng delegasyon sa inagurasyon ni BBM

Image
NAGTALAGA si US President Joe Biden ng delegasyon na dadalo para sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa Huwebes, Hunyo 30, 2022. Inihayag ng White House na pangungunahan nina Second Gentleman Doug Emhoff at Fil-Am Congressman Bobby Scott ang delegasyon. “President Joseph R. Biden, Jr. today announced the designation of a Presidential Delegation to attend the Inauguration of His Excellency Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. on June 30, 2022, in Manila, Republic of the Philippines,” sabi ng White House. Bukod kina Emhoff at Scott, kasama rin sa delegasyon sina Charge’ d’Affaires Heather Variava; Office of Management and Budget Deputy Director Nani A. Coloretti; Admiral James “Sandy” A. Winnefield Jr.; Special Assistant to the President Edgar D. Kagan; at Asian Development Bank US Director Chantale Y. Wong.

Lahar naranasan sa 3 barangay sa Sorsogon

Image
SINABI ng Sorsogon provincial government na naranasan ang lahar sa tatlong barangay sa lalawigan dahil sa mga pag-ulan. Kabilang sa mga inabot ng lahar mula sa Mt. Bulusan ay ang mga barangay Rangas, Anog at Calatagan sa Juban Idinagdag ng lokal na pamahalaan na kabilang sa inabutan ng lahar mula sa Mt. Bulusan ay ang Rangas, Anog at Calatagan sa Juban at Cadac-an River sa Irosin, Sorsogon. “Nagkaroon ng bahagyang lahar flow sa mga barangay ng Rangas, Anog at Calatagan sa bayan ng Juban at Cadac-an River sa bayan ng Irosin, ngayong gabi (Linggo). Ang nasabing lahar flow ay dulot ng natenggang abo sa ibang bahagi ng Bulkang Bulusan mula sa dalawa nitong phreatic eruption kamakailan na sinabayan na rin ng malakas na pag-ulan ngayong araw,” sabi ng lokal na pamahalaan. Nakapagtala naman ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng pitong volcanic earthquake sa nakalipas na 24 na oras.

Inagurasyon ni BBM posibleng ulanin

Image
MAGIGING maulan ang maraming lugar sa bansa sa Linggo ng ito matapos mamataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang weather disturbance. Sinabi ng PAGASA na posibleng magdulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa  ang low-pressure area at ang southwest monsoon lalo na sa mga huling araw ng buwan. Ang low-pressure area, idinagdag nito, ay maaring mabuo ngayon sa silangang Visayas at magdulot ng pag-ulan sa karamihan ng bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.  Gayunpaman, mababa ang posibilidad na maging isang bagyo ito. Ayon sa PAGASA, patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas at kanlurang bahagi ng Mindanao ngayong linggo hanggang sa simula ng Hulyo ang easterlies. Ang easterlies at localized thunderstorms ay makakaapekto rin sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.  Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng matindin...

15K pulis idedeploy sa inagurasyon ni Marcos

Image
AABOT sa 15,000 pulis ang ipakakalat sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa Huwebes, Hunyo 30, 2022. Sa isang panayam sa DZBB, sinabi ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo na ang nasabing bilang ay bukod pa sa mga idedeploy na sundalo ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard. “Humigit kumulang nasa 12,000 to 15,000 ang idedeploy natin higit pa diyan ang kinatawan ng Armed forces at Philippine Coast Guard. Diyan sa peripherical at palibot ng National Museum ay halos 7,000 at yung iba naman doon sa other areas like PICC na magiging staging area (ng mga rali) at doon sa entry points,” sabi ni Fajardo. Aniya, magiging ground commander si National Capital Region Police Office (NRPO) MJ Felipe sa gagawing seguridad. “Sa mga entry points papuntang Metro Manila ay magko-conduct tayo mga checkpoint to make sure hindi nga tayo malulusutan ng mga nagbabanta dito sa gagawing inauguration sa Huwebes,” ayon pa kay Fajardo. Aniya, sisimulan ipatupad ang Manil...

Kris Aquino hindi matunton ng mga reporters

Image
CLUELESS ang publiko kung saang ospital sa US naka-confine si Kris Aquino. “Meron akong kaibigan na nasa Dallas, three hours away from Houston. Siya ay isang head nurse, pero wala siyang clue kung nasaang ospital si Kris Aquino ngayon,” ani Cristy Fermin. Idinagdag ng veteran showbiz columnist at host na may mga TV networks na nagpadala ng kanilang reporters sa US para alamin kung saang ospital naka-admit si Kris. “May mga nagpadala na raw ng mga reporters ng iba’t ibang network, talagang ginagalugad nila ‘yung mga ospital kung nasaan si Kris Aquino, negative,” ani Cristy. Naniniwala naman siya na hindi talaga pinapangalanan ng mga ospital ang kanilang mga pasyente kaya walang makukuhang impormasyon ang mga reporters sa mga ito. “Hindi rin pupwedeng sabihin kung ano ‘yung diagnosis, ‘yung treatment, ‘yung mga sinasailaliman na mga procedures kasi bawal ‘yun sa kanila dahil sa kanilang tinatawag na (Hospital Insurance Portability and Accountability Act),” dagdag ni Cristy. Sinab...

Target na 77M Pinoy na fully vaccinated hindi maaabot- Cabotaje

Image
BIGO ang administrasyong Duterte na abutin ang target nito na mabakunahan ang 77 milyong Pinoy sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, 2022. “Hindi na maaabot yung 77 millyon, yun yung 70 percent ng 111 million population,” sabi ni Cabotaje sa panayam ng DZBB. Idinagdag ni Cabotaje na umabot pa lamang ang fully vaccinated na Pinoy sa 70.3 million. “We are calibrating our target. About 10 million are abroad, yung below five (years old), hind pa mababakunan, na sinama sa estimate ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Anak ni Dennis nagsalita na: ‘Do you enjoy hurting your kids, papa?’

Image
Masama ang loob ni Leon Barretto sa kanyang ama na si Dennis Padilla dahil sa mga ipino-post nito sa social media na nakakasakit sa kanya at sa mga kapatid niyang sina Julia at Claudia. Sa isang sulat na ibinahagi niya sa Instagram, sinagot ni Leon kung bakit hindi nila binati ang ama nitong Father’s Day. “Sorry if I wasn’t able to greet you a ‘Happy Father’s Day.’ It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year. I’ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dads a ‘Happy Father’s Day’,” ani Leon. Ang rason aniya kung bakit dinedma nila ang ama sa Father’s Day: “For the past ten years we have been trying so hard to slowly build bridge you continuously burn everytime you talk about our private matters in your presscons, interviews and social media.” “Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on ...