Posts

Showing posts from November, 2022

Marcos tiniyak suporta sa peace process

Image
TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos na mananatili ang suporta niya sa peace process. GInawa ni Marcos ang pagtiyak nang dumalo siya sa inagurasyon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotobato City nitong Huwebes. “As your President, I assure you, the BTA and all the Bangsamoro people, of this administration’s full and unwavering commitment to the peace process and to BARMM,” sabi ni Marcos. Kasabay nito, nanagawagan si Marcos sa regional government na magpasa ng mga kinakailangang batas na makabubuti para sa mga Muslim. “Given these new opportunities to deliver our commitments to the people of BARMM, I urge you to pass all the crucial legislations on fiscal policy, particularly taxation, and to facilitate the conduct of the elections in the BARMM in 2025. I also encourage the BTA to pass measures that will secure the welfare of the Moro people particularly in agri-fishery, healthcare, transportation, communication, digital infrastruc...

May kita nga sa POGO, reputasyon ng bansa apektado naman – Poe

Image
NANINIWALA si Senador Grace Poe na hindi sapat na dahilan na nakapagdadala ng malaking kita sa Pilipinas ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos) para manatili ang mga ito sa bansa. Ayon kay Poe, dapat isaalang-alang din ang mga negatibong epekto na naidudulot sa buong bansa dahil sa operasyon ng mga Pogos. Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on crimes, sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na umaabot sa bilyong piso ang naiuuwing revenue ng operasyon ng mga Pogos sa bansa. Ang pinakamataas na naitala ay P6 bilyon noong 2018. Pero ayon kay Poe, hindi dapat kita lang ang dapat ikinukonsidera sa pagpayag ng pamahalaan sa pagpapanatili ng mga Pogos sa bansa. “This is a good point to study. So we make P6 billion for Pogos, but the reputation of the country is also affected. [So] P6 billion is not enough to justify hosting them here,” ani Poe. “I mean, it’s good for some but 6 billion, but at what cost for our country?” dagdag pa ...

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

Image
INAPRUBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ngayong Biyernes ang dagdag-pasahe sa tradisyunal at modern public utility jeepneys, public utility buses, taxi, at transport network vehicle service kasunod ng hirit ng mga transport groups. Ayon sa LTFRB, nasa P1 ang inaprubahang umento sa pasahe sa traditional at modern jeepneys sa unang apat na kilometro kaya tataas sa P12 ang minimum fare sa tradisyunal na jeepney at P14 sa modern jeepney. Nasa 30 sentimos naman ang dagdag sa pamasahe sa bawat susunod na kilometro sa tradisyunal na jeepney at 40 sentimos sa modern jeepney. Aprubado naman ang P2 dagdag-pasahe sa mga bus kaya nasa P13 na ang minimum fare sa ordinary bus at P14 sa air-conditioned. Magiging P2.25 mula P1.85 ang singil sa bawat susunod na kilometro para sa ordinary bus, P2.65 mula P2.20 para sa may aircon, at P1.90 mula P1.55 sa provincial bus. Dagdag P5 naman ang flagdown rate ng mga taxi at TNVS. “Upon effectivity of the decision, the minimum...

1,700 daga nahuli sa rat to cash sa Marikina City

Image
UMABOT sa 1,700 daga ang nahuli sa inilunsad na rat to cash ng Marikina City. Sa isang panayam, sinabi ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na umabot na sa P300,000 ang nagastos ng lokal na pamahalaan at inaasahang aabot pa ng P1 milyon ang isinasagawang programa sa susunod pang dalawang araw. Tatagal ang hulihan ng daga hanggang bukas. “Kahapon ang binayaran doon sa rat to cash ay P300,000, may nagi-sponsor lang sana pero nag-disburse na rin kami kaya aabot tayo ng P1 million pero nakikita naman natin na ang kapalit nito ay pagkabawas ng kaso ng leptospiros,” sabi ni Teodoro. Aniya, nagpapahiram ang lokal na pamahalaan ng mga mouse trap sa nais na sumali sa programa. “Hanggang bukas, Biyernes ang program, kaya kagabi, ang daming nanghihiram ng mouse trap, nagpapahiram tayo ng mouse trap. Kung huhulihin ang daga, dapat nakaguwantes na disposable,” aniya.

Wow mali: Senate blue ribbon nag-imbita ng patay, maling eksperto

Image
MALI ang ekspertong inimbitahan ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senador Francis Tolentino para sa pagdinig ngayong Huwebes hinggil sa diumano’y overpriced na laptop na binili ng Department of Education para sa mga guro sa pampublikong paaralan. Sa pagdinig na mahigit anim na oras nang tumatagal, tinanong ni Tolentino ang National Bureau of Investigation (NBI) Cyber Investigation and Assessment Center Director Palmer Mallari tungkol sa mga specification ng laptop, kabilang na ang binili ng DepEd. Ngunit ayon kay Mallari, tila mali nang pagkakaunawa ang komite sa kung ano ang kanilang trabaho o expertise. “Ang amin pong expertise po is… actually, there seems to be a confusion. We thought that you invited us in our capacities as cybercrime investigators po,” sabi ni Mallari kay Tolentino. “Iba po kasi ‘yung cybercrime investigations and computer hardware po,” paliwanag pa ng NBI official. Sa kinalaunan ay nag-sorry si Tolentino kay Mallari at hindi na muli itong ...

Bilin na pasalubong ng yumaong kapatid ipina-tattoo

Image
NAGING emosyonal ang publiko sa TikTok video ng isang kuya na ipina-tattoo sa braso ang mga bilin na pagkain ng kanyang bunsong kapatid. Sumakabilang-buhay ang kapatid ni @raiinxxx noong June at isa sa natitirang alaala niya rito ang grocery list ng bata. Sabi niya sa video: “Sabi ko noon, my next tattoo will be my most memorable tattoo na hindi ko pagsisihan. “My youngest brother never failed to message me every payday. “Bago pa makapagpadala, may sarili na siyang listahan ng goods for his own. “Not until he died this June. “This was the last grocery list he wrote few days before he passed away. “I know a lot of people will make fun of this. “‘Bat may Yakult, doritos jan?’” “As expected, people will laugh at things they don’t understand but I don’t care that much. “For me, this is the most beautiful Masterpiece I’ve ever had. “You will forever be my always Li’l bro. “I miss you brother.”

Magsasaka umawat sa away, todas sa crowbar

Image
DEAD on the spot ang magsasaka na hinataw ng crowbar sa ulo at leeg ng kanyang pamangkin na nakikipag-away sa ina sa Santo Niño, Cagayan. Kinilala ang biktima na si Herminio Tarampi, 73, ng Brgy. Masical. Agad namang nasakote ng mga pulis ang suspek na si Ronald Cabaruan, 45, na hinihinalang isang drug user. Ayon sa ulat, umuwing lasing si Cabaruan nitong Martes ng gabi. Nagwala ito nang walang madatnan na pagkain. Tinangkang saktan ng suspek ang ina pero naawat ito ng mga kapamilya, kabilang si Tarampi. Lalong nagalit ang suspek at kumuha ng bareta at paulit-ulit na hinataw ang tiyuhin. Napag-alaman na noong 2018 ay inireklamo ng ina ang suspek matapos siyang ikulong nito sa kanilang bahay. Ganti umano ito ng suspek sa matanda sa ginawa nitong pagsusuplong sa pulisya kaugnay sa kanyang pagdodroga.

#ML50: X-tibak

Image
MINSAN , sa isa sa maliligalig na gabi nung First Quarter Storm, nakatutok si Ester sa pakikinig sa Radyo Patrol. Halatang hindi mapakali at aburido. Pabalik-balik sa pwesto- iinom ng tubig, uupo at makikinig. Then, tatayo ulit palakad-lakad. Feel na feel ang pakikinig sa kung anupamang dahilan. Lalapit sa radyo at lalakasan ang volume tapos hihinaan pag maingay ang mga pagsabog ng molotov cocktails at putukan ng mga baril. Ibinalita na nagkasalpukan ang mga anti-riot police at mga estudyante sa demonstrasyon sa Caloocan at maraming kabataan ang nasaktan. Natahimik siya nang banggitin ang mga sugatan sa riot. Pero may isang tumatak sa memorya n’ya sa detalye ng 761 Metrica St., Sampaloc, Maynila. Address yan ng bahay nila Ester. Address ng isa sa mga nasugatan sa demo ay nagngangalang “Lyn Guerrero”. Pagkatapos ng isang oras, may dumating na dalawang sasakyan ng Metrocom sa tapat ng bahay nila Ester. Hinahanap si Lyn Guerrero. Dahil wala namang Lyn Guerrero sa kanilang bahay,...

WATCH: No bag day sa isang school bumenta sa social media

Image
[embedded content] Bumenta sa publiko ang #NoBagDay ng Saint Joseph Academy sa Sariaya, Quezon. Sa event, bawal magdala ng bag. Kaya ang binitbit ng mga estudyante at guro ay kung ano-ano, na kinaliwan naman ng mga netizens sa social media.

NEOLIBERALISMO

Image
BUKAMBIBIG ng mga kritiko ng pamahalaan ang neoliberalismo. Ito ang sinisisi kung bakit wala sa tamang direksyon ang landas ng pamamahala; kung bakit hindi humuhupa ang kahirapan; ang tiwaling gawain; ang matinding implasyon at samut-saring delubyo sa sitwasyon ng pambansang ekonomiya. Bago sa pandinig ng ordinaryong mamamayan ang neoliberalismo. Pero sa mga sosyalista at mga nasyonalista, ang neoliberalismo ay matandang polisiya na nagpapatuloy kahit pa tinutuligsa ito sa napakahaba nang panahon.  Ano ba ang mali sa neoliberal policy? Tumutukoy ito sa pang-ekonomiya at panlipunang mga polisiya na pumapabor sa pagbibigay ng kontrol sa mga pribadong negosyante na nagreresulta sa mas limitadong regulasyon mula sa pamahalaan. Saan napunta kung ganun ang pagiging parens patriae (guardian of the people) ng gobyerno? Sa isang neoliberal na setup, ang mga private businesses ay may mas malawak na papel sa pambansang ekonomiya dahil meron silang malayang kamay o kumpas para sa mga ne...

JV Ejercito nakabuntis? It’s a big lie

Image
MARIING itinanggi ni Senador JV Ejercito ang kumakalat na chismis na nakabuntis diumano siya ng kanyang staff. Sinagot ng diretso ni Ejercito ang tanong ng isang netizen sa Twitter hinggil sa pagkakabuntis diumano niya sa kanyang Chief of Staff. Sa Twitter post may nagtanong na: “Hahaha tahimik ka ata @jvejercito. Busy mag settle sa nabuntis mong chief-of-staff? Lol.” At hindi naman ito pinalagpas ni Ejercito at agad din itong sinagot. “Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao,” ayon kay Ejercito na ang tinutukoy ay ang babaeng staff sa kanyang opisina. “Nanahimik kami, ang nagtatrabaho, wag kami idamay sa ganyang chismis. Be responsible,” dagdag pa ng senador.

‘Katips’ ayaw pakabog sa ‘Maid in Malacañang’; may pa-world tour’ din

Image
INANUNSYO ni Vince Tañada na ipalalabas sa ibang bansa ang pelikula niyang “Katips” simula Setyembre 13. “#KatipsTheMovie will start its World Tour on September 13 and will end on December 15, 2022,” sabi ni Tañada sa Facebook post. Mapapanood, aniya, ang “Katips” sa Middle East (Setyembre 14-22), New Zealand (Setyembre 18), Japan (Setyembre 19-24), Australia (Setyembre 28-Oktubre 9), Spain (Oktubre 16), United Kingdom (Oktubre 18-20), Germany (Oktubre 22-25), Switzerland (Oktubre 28-29), Italy(Oktubre 31-Nobyembre 2), USA Mainland (Nobyembre 4-Nobyembre 24), Canada (Nobyembre 27-Disyembre 11), Hawaii (Disyembre 12), at Hongkong (Disyembre 17-18). Sa Middle East, ipalalabas ang pelikula sa Dubai, Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE), Bahrain, Kuwait, at Oman. “Sa lahat ng aming kababayan, see you all there!” dagdag niya.

Marcos picks questioned

Image
(Editor’s note: Aldrin Cardona is a veteran journalist.) TWO events last week most likely went unnoticed by the common Filipino electricity consumer but these would be crucial for him in the coming weeks as prices of energy continue to spike due to many causes. At the center of these events was the Aboitiz family head, Sabin Aboitiz, who was recently named as head of Malacañang’s Private Sector Advisory Council– a powerful position that has President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.’s ears. Last Friday, Mr. Marcos was his special guest for the inauguration of the UnionBank Innovation Campus. The Aboitiz Group president and CEO laid out the red carpet for the President’s visit to the five-story campus built on a one-hectare property in Magsaysay, San Pedro, Laguna. It was, for all intents and purposes, a grand show of the Aboitizes’ political clout. Extracting the President from his busy schedule was no mean feat, of course. Besides, news sources described the campus as a “hub f...

Pagsusuot ng face mask sa open at non-crowded spaces pwede na

Image
PINAPAYAGAN na ng pamahalaan ang hindi pagsusuot ng face mask sa mga uncrowded na open spaces sa buong bansa. Ito ang nakapaloob sa Executive No. 3 na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ngayong Lunes, Setyembre 12, 2022. Samantala, mananatili ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa hanay ng mga senior citizens at may comorbidites at mga indibidwal na walang bakuna laban sa coronavirus disease. “The voluntary wearing of face masks in open spaces and non-crowded outdoor areas with good ventilation is hereby allowed, provided that not fully-vaccinated individuals, senior citizens and immunocompromised individuals are highly encouraged to wear their masks, and physical distancing will be observed at all times,” sabi ni Marcos sa kanyang EO. Idinagdag ni Marcos na tuloy pa rin ang pagsusuot ng mask sa mga indoor na pribado at pampublikong establisimyento, kasama na ang mga pampublikong transportasyon, sa eroplano, sa mga sasakyang pandagat at sa mga outdoor setting na hindi...

DA: Mag-ingat sa karne na nabibili online

Image
NAGBABALA si Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista laban sa mga nabibiling frozen na karne sa online. Ayon kay Evangelista, sa isang panayam sa DZBB, ang mga frozen meat na ibinibenta online ay hindi dumadaan sa meat inspection ng departamento. “With the help of our stakeholders, meron silang ipinapadala sa amin madalas po online selling ang nangyayari. Some meat are being sold, mga frozen, minsan mga chicken,” sabi ni Evangelista sa isang panayam sa DZBB. “Our separate team is looking into the legality of those produce. How it got into the country, kami naman ay yung food safety sa consumers. Para bibili ka ng pack ng manok online, alam mo ba how that was handled. Yung meat na frozen tapos dinifroze mo na, ipa-freeze mo ulit, may health implication,” aniya. Idinagdag ni Evangelista na posibleng mga smuggled ang binibiling karne sa online. “We’ve seen there were some misdeclaration, pagbukas, iba pala ang laman,” dagdag ni Evangelista.

Real sweethearts Kim Chiu and Xian Lim back in big screen together

Image
MULING magtatambal sa pelikula ang real sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim para sa adaptation ng South Korean film na “Always”. After eight years since nagkaroon ng movie ang magkasintahan. Ipalalabas ang kanilang reunion movie sa September 28. Sa kanyang Instagram page, excited na isinapubliko ni Xian ang balita na meron silang binbuong pelikula ng kanyang girlfriend. “I missed you [Kim Chiu]. After 8 years, we’re back on the big screen. I see you,” sey ni Xian sa kanyang post, kasama ang tease ng pelikula. Ang pelikula na “Always” na ipinalabas noong 2011 ay isang South Korean drama na pinagbidahan ni So Ji-sub at Han Hyo-joo. Kwento ito ng isang dating boksingero na isinara ang kanyang puso sa pag-ibig at isang telemarketer na unti-unting nawawalan ng paningin.

Mariel Padilla pumirma ng kontrata sa AllTV

Image
PASOK na rin ang aktres at TV host na si Mariel Padilla sa magbubukas na broadcast network na pag-aari ng mga Villa na AllTV. Pumirma ng kontrata ang misis ni Senador Robin Padilla sa Advances Media Broadcasting System na pag-aari ng dating senador at negosyanteng si Manny Villar. Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Mariel na hindi na niya pinag-isipang mabuti ang pagsali sa AllTV. “The easiest decision I have ever made. I knew right away I wanted to be part of AllTV. Extremely grateful!!!! Thank you soo much AMBS for the trust,” pahayag ni Mariel. Sa pirmahan ng kontrata, kasama ni Mariel ang kanyang manager na si Boy Abunda, si Villar at anak nitong si Las Pinas Rep. Cammile Villar, AMBS Chief Finance Officer Maryknoll Zamora at AMBS President Maribeth Tolentino. “To my husband, children and my whole family who have given me their blessings… thank you! So excited for the infinite possibilities we can do together!!!!,” dagdag pa ni Mariel.

Alex Eala pasok sa US Open Girls’ Singles Finals

Image
MAGLALARO sa championship game ng US Open Girls’ Singles ang Pinoy tennis star na si Alexandra “Alex” Eala. Si Eala na No. 10 seed, ang kauna-unang Filipino na nakapasok sa junior grand slam singles final matapos talunin ang No.9 seed na si Victoria Mboko ng Canada, 6-1, 7-6 (5), sa semifinals nitong Biyernes sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York City.

PH pinababasura sa ICC probe versus Duterte

Image
HINILING ng Office of the Solicitor General sa International Criminal Court na ibasura ang kahilingan ng prosecutor na ituloy na ang imbestigasyon kaugnay ng giyera kontra droga ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas. “The alleged murder incidents that happened during the relevant period do not constitute crimes against humanity,” sabi ni Guevarra. Idinagdag ni Guevarra na hindi saklaw ng article 17 ng Rome Statute ang sitwasyon sa bansa.  Kinasuhan si Duterte sa ICC kaugnay ng mga umano’y pagpatay sa mga nasasangkot sa ilegal na droga sa bansa.

P1K incentive sa public school teachers ngayong National Teachers’ Month

Image
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) ngayong Huwebes na tatanggap ng tig-P1,000 bilang insentibo ang mga guro bilang bahagi ng selebrasyon ng National Teachers’ Month. Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, tuloy ang pagbibigay ng World Teacher’s Day Incentive Benefit (WTDIB) sa mga kwalipikadong gruo mula sa mga pampublikong paaralan. “Yes po. We will continue with the P1,000 incentive para sa pagpupugay sa ating mga teachers,” ayon kay Poa. Ang National Teachers’ Month ay sinimulan nitong Setyembre 6 at magtatapos sa Oktubre 5. Sa isinagawang kick-off event nitong Martes, pinasalamatan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga guro dahil sa kanilang sakripisyo para maturuan ang mga mag-aaral, maging online man on in-person.

Minority maglalabas ng sariling report sa sugar scandal

Image
ASAHAN na kokontrahin ng minority ang inilabas na report ng Senate blue ribbon committee na nagrerekomenda ng pagsasampa ng kaso laban sa apat na opisyal ng Department of Agriculture at Sugar Regulatory Administration, at paglilinis naman kay Executive Secretary Vic Rodrdiguez, kaugnay sa sugar importation scandal. Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na maglalabas sila ng sariling report hinggil sa isinagawang tatlong araw na imbestigasyon ng blue ribbon committee na pinangungunahan ni Senador Francis Tolentino hinggil sa Sugar Order No. 4. Nauna nang sinabi ng opposition Senator na si Risa Hontiveros na “fall guys” ang apat na opisyal na inirekomendang kasuhan ng komite. Sa report na inilabas ng komite ni Tolentino, pinasasampahan sa Ombudsman ng kasong graft sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica, at board members Roland Beltran and Aurelio Valderrama Jr. dahil sa diumano’y corrupt practices, paglabag ...

Comelec chair pabor sa pagpapaliban ng barangay, SK polls

Image
PABOR si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa pagpapaliban ng barangay at Sanggunian Kabataan elections na nakatakda sanang gawin sa Disyembre 2022. “We should postpone your honor to allow more voters to vote and more voters to choose their leaders for the SK and the barangay elections,”sabi ni Garcia sa pagdinig ng House Committee on Appropriations. Iginiit naman ni Garcia na mangangailangan ang Comelec ng karagdagang P9.5 bilyon kung gagawin ang eleksyon sa Mayo 2023 at P10.858 billion kung ito ay ililipat sa Disyembre 2023. “In the event the postponement will happen, and the event Congress will determine that the postponement will be held by May 2023, we will be needing P17,093,550 or there is a deficiency of P9,510,204. However, if the event that the election will be postponed and reset to December 2023, we will be needing P18,441,376 or a deficiency of P10,858,030,” esplika ni Garcia. Nangako naman si Albay Rep. Edcel Lagman na haharangin ang pagpasa n...

Delubyo kasunod ng pagdami ng isda sa Iloilo?

Image
NANINIWALA ang ilang netizens na may parating na delubyo kaya lumangoy sa tabing-dagat ang libo-libong tamban sa Concepcion, Iloilo nitong Lunes ng hapon. Nitong Miyerkules ay iniulat ng PUBLIKO na tila kusang nagpahuli ang mga tamban sa mga residente ng Sitio Sitio Botlog, Brgy.Tambaliza sa Sombrero Island. Kung marami ang nagsabi na isang grasya mula sa langit ang pangyayari, mayroon ding nagpahayag na hindi ito dapat ikagalak dahil isa umano itong senyales na may paparating na sakuna. “Dati ng nagkaganun may bulkan na pumutok…..dahil mababa na ang oxygen sa dagat..kaya ingat mga kapatid at mgdasal lagi.” “Hindi grasya yan, may sinyalis ang mundo.” “Mag ingat sa malaking delobyo na paparating.” “Bago yan pumunta sa gilid ,nabulabog yan sa tirahan nila.” “One of the signs ng Global warming.” “May pahiwatig yan..magingat.” “Uminit Ang kalaliman Ng dagat Kya sguro lumitaw cla.”

Rhian ayaw sa lalaking may mahabang…

Image
ISA sa mga bagay na pinandidirihan ni Rhian Ramos ay ang mahabang kuko. Sa isang game show, tinanong ang aktres kung ano ang pinakaayaw niya sa lalaki: mahabang kuko o mahabang buhok o mahabang leeg. “Ang totoo diyan, ayaw ko ng mahabang kuko,” ayon sa Kapuso star. Sey ni Rhian, isa lamang ang purpose ng mahabang kuko: pangulangot. “Matindi ‘yung imagination ko so kapag nakakakita ako ng mahabang kuko sa lalaki lalo na kung isa lang…naiisip ko na ‘yung purpose no’n. Tapos nai-imagine ko na lagi,” paliwanag niya.

Juliana kinasuhan na ng libel ng ‘Katips’ producers

Image
SINAMPAHAN na ng kasong cyberlibel ni Atty. Vince Tañada at iba pang producers ng pelikulang “Katips” ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia. Ayon kay Tañada, nag-ugat ang kaso sa mga malisyosong social media post ni Juliana kaugnay sa panalo ng “Katips” sa nakaraang FAMAS Awards. Aniya, naihain na ng kanyang mga co-producers sa piskalya ang kaso. “Ang alam ko nai-file na nila ‘yon sa piskalya at hinihintay na lang natin yung decision about that,” dagdag ni Tañada. “Nasaktan sila dahil libelous nga naman ‘yung sinabi ni Juliana Parizcova,” aniya pa. Humirit pa si Tañada na kailangang turuan ng leksyon si Juliana at iba pang nagpapakalat ng fake news para mabawasan ang disinformation. Matatandaan na nagpahiwatig si Juliana na marami ang nahakot na awards ng “Katips” sa 70th FAMAS dahil si Tañada ang direktor ng awards night noong nakaraang taon. “Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in...

PH humiling ng executive clemency para kay Mary Jane Veloso

Image
PORMAL na nakiusap ang Pilipinas sa Indonesia na bigyan ng executive clemency ang Pinay death row convict na si Mary Jane Veloso, ayon sa Malacañang. Ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, binanggit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang hiling sa Indonesian counterpart nito noong Setyembre 4. Naganap ang pag-uusap sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Indonesia. “Ayon kay Minister Marsudi, ihahain nila at isasangguni sa kanilang Ministry of Justice,” dagdag ni Angeles. “On that we can confirm because Secretary Manalo did announce that. But the talks continue. So that is the only thing that we can confirm right now,” aniya pa. Nabigo naman kumpirmahin ng opisyal kung naging bahagi ang kaso ni Veloso sa naging bilateral talks sa pagitan nina Marcos at Indonesian President Joko Widodo. Nauna nang sinabi ni Department of Migrant Workers Susan “Toots” Ople na si Manalo ang siyang hahawak ng kaso ni Veloso. Bago ito ay nanawagan ang pamilya ni Veloso kay Marcos na hilingin...

Kotse regalo ni Whamos sa GF

Image
NIREGALUHAN ng kotse ng social media personality na si Whamos Cruz ang kanyang live-in girlfriend na si Antonette Gail del Rosario sa kanilang 14th monthsary. Sa vlog, sinabi ni Whamos na gagawin niya ang lahat mapasaya lang si Antonette. “This time dahil monthsary namin, 14th monthsary namin ni Antonette, isu-surprise ko siya ng isang magandang surprise,” aniya. “Noong mga nakaraang araw wala akong naibigay sa kanya pero ngayon, bibigyan natin siya ng siguradong magugustuhan niya,” dagdag ni Whamos. “Binili ko to para kay Antonette para kung may pupuntahan siya pwede niya ito gamitin. Ginagawa ko to dahil sobrang mahal na mahal kita,” sey pa ng vlogger. Sagot naman ni Antonette nang makuha ang susi ng sasakyan: “Thank you so much mahal ko, Happy 14th months of love.Thank you sa NEW CAR!!!! Mahal na Mahal ko kayo ni BABY METEOR.” “Madami pa tayo pagdadaanan mahal, sabay nating abutin mga achievements natin na kasama si baby meteor. more power & grind lang tayo mahal,” aniya...

Carlos Agassi naaksidente, di makalakad

Image
HANGGANG higa at upo lang ang kayang gawin ng aktor na si Carlos Agassi dahil hindi niya maigalaw ang kanyang mga binti makaraang maaksidente habang naglalaro ng basketball. Aniya sa Instagram post: “Can’t believe I can’t stand, or walk, or bend.” Dahil dito ay humihingi siya ng dasal sa publiko. “Please pray for me,” sey niya. Kuwento ng aktor, nagba-basketball siya nang biglang bumigay ang kanyang mga tuhod. “Had a bad landing and my knee gave and swayed side to side, can’t walk or move my leg,” aniya. Umaasa naman siya na maaayos pa ang nga tuhod sa therapy. “Sana speedy recovery and no need for surgery… Freak accident before my 43rd birthday, I guess I’m retired na from basketball,” sabi ni Carlos.

SIM card registration lusot sa House panel

Image
APRUBADO na sa House committee on information and communications technology ngayong Lunes ang pinagsama-samang panukalang batas kaugnay ng mandatory subscriber identity module (SIM) registration na na-veto noon ni dating Pangulong Duterte. “The mother bill is HB No. 14 filed by Speaker Martin Romualdez, the exact version approved in the last Congress,” sabi ni Navotas Rep. Toby M. Tiangco, na siyang pinuno ng komite. Idinagdag ni Tiangco na layunin ng panukala na mapatigil na ang mga scam at kriminal na aktibidad. Matatandaang ibinasura ni Duterte ang panukala matapos namang kuwestiyunin ang ilang probisyon nito. Sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na sa ilalim ng Rule 10, Section 48, maaaring iprayoridad ng Kamara ang pagdinig sa mga panukalang nauna nang nakalusot sa ikatlong pagbasa.

Parak nanghalay ng paslit, timbog

Image
ARESTADO ang pulis na umano’y ginawang sex slave ang 9-anyos na anak ng kanyang live-in partner sa Dalandanan, Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang suspek na si Cpl. Reynold Aggabao Panao, 38, ng Sub Station 6-Valenzuela City Police Station member. Kinasuhan na ng statutory rape sa piskalya si Aggabao at sumasailalim na sa summary dismissal proceedings. Ayon sa ulat, ilang beses na umanong hinalay ng suspek ang paslit at ang pinakahuli ay nitong Sabado ng gabi. Ginagawa ng pulis ang pambababoy sa bata tuwing wala ang ina nito. Muli umano niya itong tinakot na sasaktan ang ina kapag nagsumbong ito. Subalit sa takot na muling gawan ng masama ay naglakas-loob ang biktima na magsumbong na sa magulang. Agad namang nagreklamo sa otoridad ang mag-ina kaya nadakip ang suspek.

PNP kukuha ng 14,208 bagong pulis sa 2023

Image
PLANO ng Philippine National Police (PNP) na kumuha ng 14,208 bagong pulis para sa 2023. Sinabi ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na maglalaan ng P5.18 bilyon para sa mga sweldo ng mga bagong pulis. “Siyam sa bawat sampung krimen ang lulutasin. ‘Yan ang promissory note ng PNP. Nangako rin sila na kapag nag-S.O.S. ka sa pulis, wala pang kinse minutos, nandyan na sila,” dagdag ni Recto. Kapag pinayagan, aabot na sa 227,410 ang kabuuang pwersa ng PNP.

Malaking raket sa bentahan ng mamahaling SUV

Image
SA aming vlog na Tres Bandidos na mapapanood sa YouTube at Facebook ay tinalakay namin ang raket ng ilang car dealership. Partikular dito ang pagtatago ng ilang sought after o yung mga in demand units ng mga casa. Kamakailan ay bumili ng isang mamahaling sports utility vehicle ang aking kaibigan. Humigit-kumulang sa P6 milyon ang manufacturer’s suggested price (MSRP) nito sa casa. Pero dahil mataas ang demand nito nagbigay ng dagdag na P1 milyon ang aking kaibigan para lamang matiyak na makukuha niya ang gusto niyang sasakyan sa lalong madaling panahon. Walang resibo yung extra P1 Million na sa tingin ng kaibigan ko ay pinaghatian ng mga taga-casa. Wala siyang reklamo sa dagdag na bayad dahil willing naman siyang bayaran yun. Tama ba o mali ang kanyang ginawa? Mali dahil walang resibo. Tama para sa kanya dahil gusto niya talaga ang unit na binibili niya at handa siyang magbayad ng mas mahal para lamang makuha ang gusto niyang sasakyan. Ang raket ng ilang car dealer sa ganit...

Marcos pa-Singapore na

Image
PATUNGO na sa Singapore si Pangulong Bongbong Marcos ngayong Martes matapos ang naging produktibong state visit sa Indonesia, ayon kay Press Secretary Trixie Angeles. “It was very productive, extremely so because the President did not expect that the talks between him and President Widodo would progress so rapidly in such a short time,” sabi ni Cruz-Angeles. Mananatili si Marcos sa Singapore hanggang Miyerkules, Setyembre 7, 2022, bago tumulak pabalik sa bansa. Sinabi naman ni Marcos na kumpiyansa siyang patuloy na tatatag ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia. “So much so that in actual fact, our discussions progressed so rapidly that we, the President and I, have agreed to organize task forces already to meet and discuss even at a technical level, no longer at the political or the diplomatic level, but at a technical level, so as to be able to take a full advantage of the opportunities that we feel that are available to us and that we will need to exploit to succeed...

Ex-DFA Secretary Locsin itinalagang ambassador sa UK

Image
ITINALAGA bilang ambassador ng bansa sa United Kingdom si dating Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. Inihayag ang nominasyon ni Locsin nitong Agosto 30. “Pursuant to the provisions of Section 16, Article VIl of the 1987 Constitution and existing laws, you are hereby nominated Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, with concurrent jurisdiction over Ireland, Isle of Man, Bailiwick of Jersey, and Bailiwick of Guernsey,” ayon sa liham na ibinigay kay Locsin. Nakasaad din sa liham ang sweldo at emoluments ni Locsin para sa isang Chief of Mission, Class 1. “By virtue hereof, and upon consent by the Commission on Appointments, you may qualify and enter upon the performance of the duties of the office, furnishing this Office and the Civil Service Commission with copies of your oath of office,” ayon kay Press Secretary Trixie-Cruz Angeles. “We confirm the appointment of Teodoro Lopez Locsin Jr. as the Ambassador Extraordi...

1 pa bagyo papasok sa bansa ngayong Setyembre

Image
PANIBAGONG bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong Setyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon kay PAGASA weather forecaster Obet Badrina, sa kabuuan, tatlong bagyo ang inaasahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility. “Ngayong Setyembre, tatlong bagyo ang maaaring mabuo sa PAR,” ayon kay Badrina sa panayam sa DZMM. Nauna nang pumasok at nakaapekto sa bansa ang bagyong Gardo at Henry. “Nasa southern part na ng Korea ang bagyong Henry o sa western part ng Japan, magiging maulap naman ang malaking bahagi ng Ilocos region, kasama ang batanes, Babuyan, gayundin sa Zambales at Bataan,” dagdag ni Badrina.

Ogie nagreklamo sa taas-presyo ng bilihin

Image
SINALUBONG ng show biz writer at vlogger na si Ogie Diaz ang pagpasok ng “ber months” ng reklamo ukol sa pagtaas ng mga bilihin. Sa kanyang on-line talk show, sinabi ni Ogie na dasal at pagtitipid na lang ang magagawa ng publiko kung gusto nilang maipagdiwang nang maayos ang Pasko. “Siyempre tayo po ay patuloy pa rin sa pagdarasal at pagtitipid at the same time dahil pamahal po nang pamahal ang bilihin ganitong papalapit na ang Pasko,” aniya. “Hindi na po natin maaawat ‘yan no? Nakakaloka ng taon,” dagdag ni Ogie. Inihayag din niya na imbes umasa sa pamahalaan, kailangang magsipag ng mga Pinoy. “’Wag natin iasa sa ibang tao, o sa gobyerno ang ating pamumuhay. Kilos-kilos pa rin tayo,” dagdag ng talent manager.

Pagreretiro sa showbiz ni Jaclyn hindi tuloy

Image
INANUNSYO ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose na hindi matutuloy ang kanyang planong pagreretiro sa show biz. Ang dahilan: mayroon pa siyang dalawang taon na kontrata sa GMA-7. “I wanted to but I still have two-year contract with GMA,” ani Jaclyn sa isang panayam. Matatandaan na noong isang linggo ay ginulat ng Cannes Film Festival best actress ang publiko nang sabihin niyang magku-quit na siya sa pag-arte. “I am retiring… marami po salamat…masakit but I have to go,” aniya sa Facebook post. Hindi naman niya klinaro kung bakit tatalikuran na niya ang industriya makaraan ang mahigit apat na dekada. Itinuturing si Jaclyn bilang isa sa greatest Pinoy actresses.

Toni Gonzaga may bagong tahanan

Image
PUMIRMA na ng kontrata ang TV host-actress na si Toni Gonzaga sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS). Ibinahagi ni Toni ang mga snaps ng kanyang contract signing with AMBS. “Thank you for the warm welcome AMBS. I’m so happy to be part of your family! I’m so excited for our partnership and I can’t wait to share with you ALL what we have been working on in the coming days,” ani Toni sa kanyang Instagram post. Kasama rin niyang lumagda ng kontrata sa network na pag-aari ng pamilya Villar ang asawang direktor na si Paul Soriano.

Ang Diwata at ang Pawikan

Image
NOONG unang panahon, ang mundo ay hindi pa katulad ng mundong alam natin ngayon. Sa halip na lupa, karagatan at langit, ang mundo ay tanging alapaap at tubig lamang. Sa itaas ay ang kalangitan kung saan naroroon ang Mundo ng Alapaap, at sa ibaba nama’y ang Mundo ng Tubig. Sa Mundo ng Alapaap mayroong malawak, asul na espasyo hanggang sa nakikita ng mata, at ang mga nilalang ay naglalakad at lumulutang sa gitna ng mga ulap. Sa Mundo ng Tubig, mayroon lamang tubig, at ang mga nilalang dito ay lumalangoy at sumisisid. Isang araw, may isang Batang Diwata mula sa langit ang naisipang mamasyal. Naglakad siya’t nilibot ang langit, at pagkaraan ng kalahating araw, napagod siya. Kaya’t naupo siya upang magpahinga sa isang tambak ng mga ulap, at doon siya nakatulog nang mahimbing. May nagsasabi na nakatulog ang Batang Diwata nang napakahabang panahon. Habang siya ay natutulog, napanaginipan ng Batang Diwata ang isang mundong hindi pa nakikita ng sinuman, isang mundong napakakulay at napak...

Comelec spokesman James Jimenez magreretiro na

Image
INAPRUBAHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang early retirement ng spokesperson nito na si James Jimenez. Inihayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Sabado na inaprubahan ng Commission En Banc ang kahilingan ni Jimenez na makapagretiro nang magaa. “This effectively grants Dir. Jimenez’ intent to avail of the optional retirement,” sinabi ni Garcia. Epektibo ang retirement ni Jimenez bilang Director IV ng Education and Information Department (EID) sa Setyembre 15, 2022. “The whole Comelec family expresses its gratitude and appreciation to Dir. Jimenez for his long exemplary service to the Nation through the Commission,” ayon kay Garcia. “We wish him all the best as he embarks on this new chapter in his life,” dagdag pa niya. Kasalukuyan pa ring naghahanap ang komisyon ng kapalit ni Jimenez, ayon kay Garcia.

Tulfo may P500K ayuda sa biktima ng pamamaril

Image
BIBIGYAN ni Sen. Raffy Tulfo ng P500,000 cash ang mga pamilya ng tatlong tao na namatay sa insidente ng pamamaril noong isang linggo sa Taguig City. Sumuko ang suspek na si Julian “Jimboy” Paningbatan Jr., isang dating opisyal ng Philippine Navy, sa public affairs program na “Wanted sa Radyo” ni Tulfo nitong Huwebes. Nasawi sa insidente sina Marie Angelica Belina, 25; Mark Ian Desquitado, 35, at Tashane Joshua Branzuela, 22. Sinabi ni Tulfo na magbibigay siya ng P500,000 para sa libing ng mga biktima at iba pang gastusin. Nangako rin siya na tututukan ang kaso. “Makakaasa po kayo na…siguradong gugulong ang hustisya at magiging maayos ang takbo ng kaso sa korte. I assure you that justice will be served,” ayon sa senador. Maliban sa mga kasong may kaugnayan sa pagpatay, inaresto ng mga pulis ang suspek dahil sa carnaping at robbery with violence cases.

Pagtanggal ng face mask di pa panahon–DOJ

Image
DAPAT munang ma-stabilize ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa Pilipinas bago alisin ng pamahalaan ang mandatory face mask policy, ayon sa Department of Health. “Kailangan po nakita natin stable na po ‘yung mga kaso dito sa ating bansa. When we say stable, nakikita natin acceptable na po ‘yung mga bilang ng mga kaso sa atin,” sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire. Sinabi ni Vergeire na wala pa sa endemic stage ang Covid-19 sa bansa. “When we talk about endemic stage, ang ibig sabihin niyan, ang mga kaso ay stable na at pangalawa mataas ang immunity ng population,” paliwanag niya. Idinagdag ng opisyal na kahit pa mababa na ang kaso ng severe cases sa bansa, hindi pa naaabot ng gobyerno ang target na bilang ng kailangang mabakunahan. “And there is evidence na nagpapakita na mukhang bumababa na ‘yung immunity ng ating populasyon. So kailangan ‘yung safeguards natin, nandyan pa rin hanggang makita natin na mataas na ‘yung immunity ng population,” ani Vergeire. Nit...

LOOK: Si Teacher nagpa-burger, niregaluhan ng suman ng pupil

Image
LAKING-TUWA ng mga estudyante at kanilang mga magulang sa Grade III teacher sa Tigaon, Camarines Sur na nanlibre ng hamburger at spaghetti sa unang araw ng klase. Kaya bilang pasasalamat, binigyan ang teacher na si Emmanuel Nico Cronico ng Tigaon North Central School ng isang supot ng suman ng kanyang pupil. “I asked him why he’s giving me these, he quickly replied: ‘Pasasalamat po sir. Tig patao po ni mama ta tig pa Jollibee mo po kaya kami kan Martes’,” ayon kay Cronico. Bago ito, sinorpresa ng guro ang kanyang 30 estudyante ng burger at spaghetti sa pagsisimula ng klase noong August 22. “Yung pa-Jollibee is parang pang welcome sa kanila to make them feel happy and at ease during the beginning of school year. Actually, [some of] my pupils po pala first time naka-Jollibee nung tinanong ko,” dagdag niya. Inihayag naman niya na marami ang tumulong sa kanya para mapakain ang mga estudyante “Di ba po, kindness is contagious? Nahihiyakat ‘yung iba to take part,” ani Cronico. “I ha...

11 insunto ng parricide sa pagsunog sa 84-anyos na lola

Image
KINASUHAN na ng parricide ang 11 miyemrbo ng isang pamilya matapos ang panununog sa isang 84-anyos na lola sa Misamis Oriental noong Agosto 30, 2022. Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Misamis Oriental Provincial Police Office OIC Police Col. Gonzalo Villamayor Jr. na away sa kulto ang inituturong ugat ng ginawang panununog sa biktima na nakilalang si Teofila Camungay. “Isang anak na lalaki, tatlong anak na babae, grandchildren, in-law, kapatid ng in-law. Confirmed lahat na mga kamag-anak ang nanunog,” sabi ni Villamayor. Ayon kay Villamayor, nais umano ng mga suspek sa pamumuno ng apong si Crisanto Ercilla na magtayo ng hiwalay na kulto. Hindi umano pumayag ang biktima na humiwalay sa orihinal na kulto kayat nagalit ang kanyang mga kaanak. Sinabi ni Villamayor na nagsagawa pa ng ritwal ang mga suspek bago ihagis ang biktima sa apoy.

Vivian tinawag na genius si Vince Tañada

Image
INILARAWAN na genius ng aktres at dating Film Academy of the Philippines director general Vivian Velez si Vince Tañada makaraan nitong mapanood ang pagtatanghal ng Philippine Stagers Foundation na brainchild ng “Katips” director. Ani Vivian sa Facebook post: “I had an amazing experience at Black Box Theatre of the Philippine Stagers Foundation last Saturday.” “If you’re not familiar with black box theater, it is an intimate way to experience theater. It provides the grounds for a more emotionally raw connection with the audience. With seating for up to 100 patrons only, PSF is a one-of-a-kind space, all-in-one theater experience,” paliwanag niya. “What’s interesting and different about PSF black box theatre? Well, it’s Atty Vince Tañada’s genius mind. He was able to merge entertainment, pop culture with a fundamental theatrical values in a span of 4 hours. Effectively showed us that theatre arts can also be a powerful tool for social transformation and empowerment,” dagdag niya. ...

Gorbachev pumanaw

Image
PUMANAW na ang huling lider ng Soviet Union na si Mikhail Gorbachev sa edad na 91. Ayon sa Russian state news agencies, namatay ang dating presidente ng Soviet dahil sa matagal na iniindang sakit. “Mikhail Sergeevich Gorbachev died this evening after a severe and prolonged illness,” pahayag ng Central Clinical Hospital. Si Gorbachev ang nagsulong ng mga pangunahing political at economic reforms sa USSR at tumulong para magwakas ang Cold War. Samantala, nagpahayag na ng kanyang pakikiramay si Russian President Vladimir Putin sa pagpanaw ng dating lider.

Seth Fedelin ayaw maikumpara kay Daniel Padilla

Image
TODO-DENY si Seth Fedelin na ginagaya niya si Daniel Padilla. Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi ni Seth na naapektuhan siya kapag sinasabi na sadya niyang tinutularan ang kilos, itsura at pananamit ni Daniel. “Alam ko sa sarili ko na hindi ko ginagaya… Kapag napapanood n’yo po si Kuya DJ at tumayo siya sa harapan n’yo, napaka-manly niya po tingnan at ako po ay hindi po ako ganun. Kapag tumayo po ako sa harapan niyo, mukha akong totoy. Kapag nagsalita ako, kapag nakipagkulitan ako sa inyo ay mukha akong totoy, mukha lang akong lumaki sa kanal. Pero ang dami nilang sinasabi,” aniya. Dagdag niya, nagagalit siya tuwing ikinumpara siya kay Daniel. “Kasi ang dami nilang sinasabi. Kasalanan ko po ba na nakikita n’yo po sa akin? Siguro po, hindi ko po kasalanan, hindi ba po? Kaya minsan kapag may nagsasabi sa akin na ‘para kang si ano’ minsan napapaisip ka na good ba ito o bad?” paliwanag ni Seth. Pero, dagdag niya, kung mayroon man siyang gustong gayahin kay Daniel ay ang kasikatan nito...

Bakit di dapat maging kampante sa pag-apply ang dating nakapag-abroad na

Image
MAYROON mga “ex-abroad” (sila na nakapagtrabaho na sa ibang bansa) na maayos kausap at alam ang kalakaran ng pag-aaplay sa pagtrabaho muli sa ibang bansa. Ngunit, napapansin ko na may mga aplikanteng ex-abroad na feeling “superior race” at igigiit nila sa mga recruiter na dapat sila ang kunin para sa trabaho dahil sa kanilang past experience. Tama naman na may mga advantage na sila sa pagtatrabaho abroad, lalo na ang bansang kanilang napuntahan ay magkakaroon na naman ng bakante na sa palagay nila ay naangkop sa kanila. Ngunit, ito ang isang attitude na minsan ay napapangiwi na lang ako — lalo na kapag sinabi mo na hindi sila fit sa isang trabaho base na rin sa requirements ng employer. Sa palagay ko ang pag-uugaling ganito na mapagmalaki ang dapat iwasan ng isang “ex-abroad”. Totoo naman na sila ay isang matuturing na bayani dahil sa kanilang sakripisyo, ngunit ang ganitong pag-uugali ng mga iba ay hindi nakakaaya sa mga rason na ito: 1. Paggigiit na sila dapat ang priority na...

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding

Image
HINDI na exempted sa expanded number-coding scheme ang mga senior citizens at persons with disabilities, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority. “The exemption was removed because we now have window hours,” ayon kay MMDA spokesperson Crisanto Saruca Jr. “Our number-coding is implemented only from 7 a.m. to 10 a.m. and 5 p.m. to 8 p.m. So the window hours, which are from 10:01 a.m. to shortly before 5 p.m., can be used by our senior citizens and PWDs,” paliwanag pa nito. Sinimulan ang pagpapatupad ng expanded number coding noong Agosto 15, kasabay ng pagbubukas ng mga klase. Samantala, bumaba na rin anya ang bilang ng mga nahuhuli na lumalabag sa number coding. Anya mula sa 1,000 huli kada araw sa unang linggo ng implementasyon ng expanded number coding, nasa 200 na lamang ito ngayon.

Mag-inang Pinoy sa Canada todas sa saksak

Image
PATAY ang mag-inang Pilipino makaraang pagsasaksakin sa loob ng sasakyan sa Toronto, Canada nitong Biyernes. Ayon sa ulat, naganap ang pagpatay sa 44-anyos na si Elvie Sig-Od at 20-taong-gulang niyang anak na si Angelica sa panulukan ng Bathurst st. at Ellerslie Ave. alas-3 ng hapon. Nasawi ang mga biktima habang ginagamot sa ospital. Naaresto naman ang suspek na si Godfrey Sig-od, dating asawa ni Elvie. Inaalam pa ng mga imbestigador kung Pinoy rin ang suspek. Hindi pa rin madetermina kung ano ang nagtulak sa suspek na gawin ang krimen. Kinasuhan ang suspek ng dalawang counts ng second-degree murder.