Posts

Showing posts from December, 2022

Vhong babasahan ng sakdal sa Martes

Image
NAKATAKDANG basahan ng sakdal sa Martes ang actor-host na si Vhong Navarro sa kasong rape na inihain ng model na si Deniece Cornejo. Kasabay ng arraignment ang pre-trial conference sa nasabi ring kaso. Inisyu ni Taguig Regional Trial Court Branch 69 Judge Loralie Datahan ang kautusan. Gaganapin ang proceedings sa hall of justice ng siyudad. Kasalukuyang nakapiit sa National Bureau of Investigation detention facility si Navarro na kinasuhan din ng acts of lasciviousness ni Cornejo.

Makabayan bloc isusulong imbestigasyon Percy Lapid slay; mastermind ‘huhubaran’

Image
ISUSULONG  ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang imbestigasyon sa Kamara hinggil sa pagpatay sa beteranong broadcast commentator na si Percy Lapid kamakailan. Naniniwala si Brosas at ang buong Makabayan bloc na “pinatahimik” si Lapid dahil sa pagsusulong ng katotohanan, dahil dito nag-file si Brosas ng House Resolution 468 para imbestigahan ng Kamara ang ginawang pagpatay sa journalist. “We condemn in the strongest term the extra judicial killing of the veteran journalist Percival Mabasa. In fact nag-file po kami ng House Resolution 468 para paimbestigahan ito pong nangyari na ito… We believe he was silenced due to his advocacy for truth,” Ayon kay Brosas sa isang forum sa Quezon City nitong Biyernes. Hinimok din ng Makabayan bloc ang administrasyong Marcos na magkaroon ng konkretong hakbang para mapatigil ang media killings at iba pang pag-atake laban sa malayang pamamahayag at free speech. Si Lapid ang ikalawang journalist na pinatay sa ilalim ng kasalukuyang adminis...

Grab and Move It in hot water

Image
GRAB and Move It, which both operate via commercial mobile apps that provide everyday services like deliveries and mobility, are now in hot water. A Manila Representative has vowed to look into what he said was a ‘questionable and premature’ acquisition of Move It by Grab, to the detriment of the riders and the public in general, particularly those who avail their services. According to the statements made by Manila Third District Representative Joel Chua in a press conference, it is motu propio that an investigation will have to be done by the House of Representatives in aid of a law that would ensure the protection of riders and commuters alike. Chua’s action came after the Lawyers for Consumers’ Welfare and Protection headed by Atty. Ariel Inton and the Digital Pinoys led by Campaigner Ronald Gustillo wrote his office about certain issues. Chua happens to be a member of the committee on transportation in the Lower House. In the said press conference he jointly held with Inton,...

LTFRB may bagong OIC

Image
PINANGALANAN ng Department of Transportation nitong Biyernes si Riza Marie Paches bilang bagong officer-in-charge ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ay matapos magbitiw ang chairman ng LTFRB na si Cheloy Garafil na inilipat naman sa Office of the Press Secretary bilang OIC at undersecretary. “She shall perform and discharge all the functions and responsibilities pertaining to the position and be entitled to all benefits and allowances authorized therefore…” ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.

Marcos bagsak sa isyu ng mahal na bilihin

Image
MATATAAS ang grado na nakuha ni Pangulong Bongbong Marcos sa unang tatlong buwan ng kanyang panunungkulan hinggil sa mga national issues na kinakaharap ng kanyang administrasyon, maliban lamang sa isa. Nakakuha ng -11 rating si Marcos dahil sa palpak na performance sa pagtugon sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, o inflation na ngayon ay nasa 6.9 porsiyento nitong Setyembre, ang pinakamataas na naitala sa nakalipas na apat na taon. Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong Setyembre 17-21, matataas ang grado ni Marcos sa 12 pang mga isyu na tinukoy. Nakakuha ng +75 si Marcos sa mabilisan niyang pagresponde sa mga calamity-hit areas. Positive 44 percent naman ang nakuha niya sa pag-address sa sweldo ng mga mangagagawa, 45 percent sa job creation at 34 percent naman sa pagtugon sa kahirapan.

Gun attack sa daycare center sa Thailand; 22 bata at ilang iba pa patay

Image
DALAWAMPU’T dalawang bata at 12 na iba pa ang nasawi nang pagbabarilin at pagsasaksakin ang mga ito ng isang dating pulis sa daycare center sa Bangkoko, Thailand nitong Huwebes. Pinatay din ng suspek ang kanyang asawa at anak bago siya nagpakamatay, ayon sa district officer na si Chakkraphat Wichitvaidya. Ayon sa report ng Reuters, 22 ang napatay ng suspek na nadismis sa pulisya noong isang taon dahil sa kasong droga. Sinabi ng mga nakasaksi, armado ang suspek ng baril habang nanghahalibas ng patalim sa mga nakakasalubong nito sa center. Kaunti pa lamang ang mga batang nasa center nang dumating ang suspek dahil sa maulan. “The shooter came in around lunch time and shot four or five officials at the childcare centre first,” ayon sa opisyal. At isa rito ay guro na buntis.

Gov’t tutulong sa pagresolba sa kaso ng pinaslang na broadcast commentator

Image
HANDANG tumulong ang pamahalaan sa pamilya ng pinaslang na beteranong broadcast commentator na si Percy Lapid. Ito umano ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamilya ni Lapid, President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na personal na nagtungo sa lamay ni Lapid sa Paranaque City Huwebes ng umaga. “We are ready to help. The President wants to send that message,” pahayag ni Bersamin sa asawa’t anak ng biktima. Iniutos na rin anya ng pangulo na bantayan ang imbestigasyon sa pamamaslang kay Lapid, at nangako na “everything will be done to get to the bottom of the crime.” Una na ring nangako ang pulisya na bibigyang hustisya ang pagpatay kay Lapid at nagbuo na ito ng task force na siyang tututok sa kaso ng nasawing beteranong journalist.

Photo ng ‘person of interest’ sa Percy Lapid slay inilabas

Image
NAGLABAS na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng litrato ng person of interest kaugnay ng pagpatay sa veteran journalist na si Percy Lapid base sa mga nakuhang CCTV sa pinangyarihan ng krimen. Makikita sa larawan ang isang lalaki na naglalakad na kapareho naman ng litrato ng nakasakay sa motorsiklo na siyang bumaril kay Lapid. Nag-alok na ang pulisya ng P1.5 milyog pabuya para sa mga makapagbibigay ng impormasyon para mahuli ang mga nasa likod ng pagpatay.

P11.5B ONE COVID-19 allowance ng healthcare workers inilabas na rin

Image
INAPRUBAHAN na rin ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P11.5 bilyong One COVID-19 allowance para sa mga healthcare workers. Aabot sa 1.6 milyong pampubliko at pribadong heathcare at non-healthcare workers ang makikinabang sa nasabing pondo. “Our health care workers deserve all the support and assistance from their government. They’ve been risking their lives to save and protect our people amidst this still prevailing pandemic. This is the least we can do for them,” sabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman. Nauna nang inaprubahan ng DBM ang pagpapalabas ng P1.04 bilyong pondo para sa special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers.

2 pipi’t bingi nangholdap, kalaboso

Image
SHOOT sa kulungan ang dalawang lalaki na pipi at bingi makaraan nilang mangholdap umano sa Quezon City. Nasakote ang dalawa ng mga rumespondeng pulis makaraang hindi umandar ang sinasakyan nilang motorsiklo. Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima sa alas-3:00 ng madaling araw sa Brgy. Commonwealth nang harangin ng mga suspek. Tinutukan ng patalim ng mga kawatan ang biktima saka inagaw ang cellphone nito bago sila tumakas. Nakahingi naman kaagad ng saklolo ang biktima sa mga rumorondang pulis. Naaktuhan ng mga otoridad ang mga suspek sa isang madilim na bahagi ng kalsada na pilit na pinaandar ang tumirik nilang motorsiklo. Sa presinto, kinailangan pa ng mga pulis ng interpreter para “makausap’ ang mga suspek.

Conversation with your young adult: Preparasyon para sa kanyang OJT

Image
LAST WEEK , napag-usapan namin ng aking panganay ang pagpu-fulfill n’ya sa kanyang remaining requirements para sa Grade 12 – ang pagkuha ng tinatatawag na “On The Job Training” or simply OJT. Dahil nais natin na maging kapaki-pakinabang ang matututunan ng mga papasok sa ganitong kurikula, narito ang maaring gabay na maibibigay ninyo sa inyong mga anak para sa pakikibaka nila sa mundo ng korporasyon: 1. Alamin industriyang papasukan niya Paghandaan ang paghahanap ng industry na related sa kanyang kurso at ipra-praktis. Halimbawa, ang kursong journalism or communication arts ay swak mag-OJT sa mga news agency, broadcast media stations, advertising agencies or di kaya sangay ng isang korporasyon na tinatawag na “corporate communications.” Dapat ma-expose siya sa tunay na set-up ng papasukin niyang industriya kapag natapos na niya ang kanyang pag-aaral. 2. Get your child ready emotionally and physically Ihanda ang inyong anak “emotionally at physically”. Ang ibig kong sabihin dito a...

Bilang ng Pinoy na walang trabaho umakyat sa 2.68M

Image
MAS dumami ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong Agosto kumpara sa naitala noong Hulyo 2022. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na sa 2.68 milyon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho matapos makapagtala ng 5.3 porsiyentong unemployment rate noong Agosto 2022. Mas mataas ito kung ikukumpara sa naitala noong Hulyo na 2.6 milyon o 5.2 porsiyento. Paliwanag ng PSA, katumbas ito ng 78,640 na nadagdag sa mga walang trabaho sa loob lamang ng isang buwan. “In terms of rates, a lower unemployment rate of 5.3 percent was posted in August 2022 compared with the 8.1 percent recorded in the same period last year, but it was 0.1 percentage point higher than in July 2022,” dagdag ng PSA.

SC naglabas ng show cause order laban kay Lorraine Badoy

Image
PINAGPAPALIWANAG na ng Korte Suprema si dating Former National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-Elcac) spokesperson Lorraine Badoy kung bakit hindi siya dapat patawan ng indirect contempt hinggil sa kanyang naging pahayag laban kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar. Binigyan ng korte si Badoy ng 30 “non-extendible calendar days” si Badoy para ipaliwanag ang apat na bagay para hindi siya ma-contempt. Ang mga ito ay ang sumusunod: “If she posted statements attacking the resolution issued by Manila RTC Judge Magdoza-Malagar; “If her social media post “encouraged more violent language against the judge concerned in any or all of her social media platforms; “If her post “in the context of social media and in the experience of similar incendiary comments here or abroad, was a clear incitement to produce violent actions against a judge and is likely to produce such act; and “If her statements on her social media accounts, “implying violence on a judge,...

Pagpaslang kay Percy Lapid pinaiimbestigahan na ng Palasyo

Image
INIUTOS ng Malacanang na imbestigahan ang pagpaslang sa broadcaster commentator na si Percy Lapid sa Las Pinas Lunes ng gabi. Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na inatasan na ng tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos ang PNP para alamin ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na pumatay sa journalist. “The Office of the President, particularly President Marcos, is concerned with what happened to Percy Lapid,” sinabi ni Guevarra. “In fact we have been instructed to take a look at the conduct of the investigation on the ambush of him last night,” dagdag pa niya. Nakikipagpulong naman si Guevarra sa mga awtoridad ukol sa kaso ni Lapid. “I was in communication with certain officials who advised me that the Southern Police District has created a task force on Percy Lapid,” aniya ni Guevarra.

Decency at sensitivity

Image
Grand-Coming-Out-Of-Covid Party. Yan ang hype ng Singapore sa pagbabalik ng Grand Prix matapos mag-absent ng dalawang taon dahil sa pandemic. Isa sa pinaka-prestigious Formula 1 race ang Singapore edition. Of course, pinaka-advance at paborito pa rin pagdating sa F1 ang race track, facilities at perks ng Morocco kaya dinadayo ito maski ng mga international celebrities. Ang bottom line pa rin, ang F1 ay sports ng mga elitista even if pwedeng spectators ang can-afford bumili ng tickets dahil sa high adrenalin pump na ibinibigay nitong thrills. Kaya naman inulan ng batikos si Marcos Jr. nang pumunta siya kasama ang asawang si Liza, anak na congressman na si Sandro, House Speaker Romualdez at iba pa. Sa report ng Bilyonaryo.com nung Sept. 28, 2022, inimbitahan si Marcos Jr ni Singapore Premier na maki-party-party. Hanggang sa nakaalis ng Pilipinas, ayaw mag-reak ng Palasyo para i-confirm kung tumuloy nga o hindi si F1 enthusiast Marcos Jr. Sabi ni Spokesperson Trixie Angeles, wala ...

Vic Rodriguez: Totally out na sa Marcos admin

Image
KINUMPIRMA ni Atty. Vic Rodriguez na “ganap na siyang umalis” sa administrasyon ni Pangulong Bongbong” Marcos matapos magbitiw bilang Executive Secretary noong nakaraang buwan. Aniya, nais niyang makasama ang kanyang pamilya. Sinabi niya na kinausap niya ang Pangulo ukol sa kanyang desisyon. “I confirm that I have completely exited the administration of President Bongbong Marcos, after having spoken to him at length about my wish to spend most of my time with my family…a very personal decision that was happily made,” ayon kay Rodriguez sa isang Facebook post. Ikinatwiran ni Rodriguez na “absolutely privileged” ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Pangulo kaya’t tahimik lang siya noong nagbitiw.  “I have been ridiculed, maligned and subjected to baseless and unfair commentaries on all conceivable platforms, but I take solace in the legal aphorism, ‘Men in public life may suffer under a hostile or unjust accusation; the wound can be assuaged with the balm of a clear conscienc...

Pagpupugay sa 5 Bulakenyong rescuer

Image
SA oras ng sakuna, aksidente at lalo na tuwing may kalamidad ay nandyan ang mga tunay na lingkod-bayan na hindi ka iiwan. Sila ang mga kasapi ng rescue team mula sa inyong mga bayan, lungsod o lalawigan. Noong isang linggo ay laman ng mga balita ang pagkamatay ng aking mga kalalalawigan sa Bulacan na mga kasapi ng Bulacan Rescue Team. Sila ang mga frontliner sa pagliligtas ng buhay at handang ilagay sa kapahamakan ang kanilang mga sarili. Tunay na bayani sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurrecion, at Narciso Calayag Jr. Namatay sila sa pagganap ng tungkulin sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Oo nga at bumuhos ang pagkilala pati na ang tulong sa kani-kanilang mga pamilya pero kailanman ay hindi matutumbasan ng pera ang kanilang buhay. Magsilbi rin sanang wake up call sa atin ang pangyayaring ito sa tuwing may kalamidad tulad ng bagyo lalo na sa mga nakatira sa mga tinaguriang high risk areas. Kapag sinabi ng mga otoridad na lumikas ay lumikas n...

Kumpirmado: Marcos nanood ng F1 Grand Prix

Image
KINUMPIRMA mismo ni Singaporean Minister for Manpower Tan See Leng na nanood nga si Pangulong Bongbong Marcos ng F1 Grand Prix. Ayon kay Tan nagkausap din sila ni Marcos sa sideline ng car race kasama rin ang pangulo ng Palau na si Surangel Whipps Jr. at ilan pang mga opisyal mula sa Cambodia at Saudi Arabia. “Happy to meet various Heads of States, Ministers and foreign dignitaries including Bongbong Marcos… to affirm our bilateral economic relationships and strengthen collaborations in energy cooperation as well as exchange views on manpower policies on the sidelines of the race,” post ni Tan sa kanyang social media account. “I hope everyone had a chance to soak in the Singapore Grand Prix activities, whether it is the race or lifestyle experiences happening in town and within our community,” dagdag pa nito.

Taas pasahe epektibo ngayong araw

Image
EPEKTIBO ngayong araw ang taas pasahe matapos itong aprubahan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Office (LTFRB). Iginiit naman ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil na hindi maipatutupad ang bagong singil sa pasahe kung walang fare matrix na nakasabit sa mga pampublikong transportasyon, partikular na sa mga jeepney. Matatandaan noong Setyembre 16, inaprubahan ng LTFRB ang P12 na bagong minimum fare para sa tradisyunal na jeepney at P14 naman para sa modern jeepney. Para sa mga ordinaryong bus, magiging P13 naman ang pasahe at P15 naman para sa mga aircon na bus. Magiging P45 naman ang flagdown rate para sa taxi; samantalang para sa TNVS, P45 ang flagdown rate para sa sedan type; P55 flagdown rate para sa AUV-SUV type at P35 para sa hatchback type.

Sobrang yabang ni Senator Tol

Image
KUNG tutuusin, halos dalawa at kalahating taon pa bago ang nakatakdang midterm elections pero ngayon pa lang, ramdam na ramdam ang ginagawang pagpapabibo ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino, at talagang masasabing gagamitin ang Senado masiguro lang ang kanyang panalo. Malaki ang pinagbago ni Tol. Kung dati parang basang-sisiw nang unang mahalal sa Senado, pansinin ninyo ngayong 19th Congress, napakabangis at parang manghahalibas ng mga imbetadong resource persons sa kanyang komiteng pinamumunuan. Nakakaawa ang mga dumadalong indibiduwal sa blue ribbon committee ni Tol dahil sa hindi pa man natatapos sa pagsagot ang kanyang tinatanong, sinusupalpal na kaagad ng senador at halos hindi binibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. May pinagkaiba pa ba itong si Tol kay dating Senador Richard Gordon na kung matatandaan ay halos kopoin na ang buong hearing at walang maririnig na boses na nagsasalita kundi ang chairman lamang? Kung ganito ang paniwala ni Tol na mananalo siya sa darating n...

Dog owner iniwan ang alaga dahil kay mama: ‘Sorry Panda’

Image
NAANTIG ang puso ng mga netizens sa post ng isang former doggo owner na napilitan iabandona ang kanyang alagang aso dahil lagi raw itong napapagalitan ng kanyang nanay. Sa isang post sa Twitter ni @stubbornicole, natagpuan niya ang aso na inabandona ng kanyang owner at nag-iwan pa ito ng note para sa sinoman na makakakita at kukupkop sa kanyang aso na si “Panda”. Sa note, sinabi ng owner na: “Kuya, ate, sa sinoman na makabasa nito, sana po alagaan nyo po ng maayos ang aso ko. Kaya po nagawa ko ito dahil lagi nagagalit si mama sa kanya hindi ko man kagustuhan. Sorry Panda. Panda po name nya.” Ayon kay @stubbornicole, matapos niyang kunin ang aso ay dinala niya ito sa Philippine Pet Birth Control Foundation sa Mandaluyong City para pansamantalang maalagaan.

Presyo ng gulay tumaas ng P20 kada kilo

Image
SINABI ng isang ospisyal ng Department of Agriculture (DA) na tumaas na ng hanggang P20 kada kilo ang presyo ng mga gulay sa iba’t ibang pamilihan sa Metro Manila matapos ang pananalasa ng super typhoon Karding. Sa isang panayam sa radyo, iginiit naman ni DA Undersecretary Kristine Evangelista na masyadong mataas ang P20 kumpara sa dapat na iginalaw ng presyo ng mga gulay. “Nakita namin, mga P10 hanggang P20… sabi nga namin alam natin na gagalaw ang presyo, pero hindi ganong kalaki,” sabi ni Evangelista. Idinagdag ni Evangelista na base sa bilihan ng mga gulay sa mga trading post, gumalaw lamang ang presyo mula P2 hanggang P5 kada kilo. “Yung reference na lang nga natin ay sa trading post, yung cost of transportation dahil yung cost ng transportation, hindi naman tinamaan ang mga kalsada, so yung paggalaw sa palengke, makikipag-ugnayan tayo sa ating market masters, kasi we need the help of the LGUs para makontrol ang presyo,” dagdag ni Evangelista. Nauna nang iniulat ng DA, na um...

Lolo sinuntok ng tanod, dedbol

Image
PATAY ang senior citizen nang mabagok ang ulo matapos bugbugin ng barangay tanod sa Bucay, Abra. Nasawi ang biktima na si Jacinto Tenebro ng Brgy. Bugbog, habang ginagamot sa ospital. Nadakip ang suspek na si Ronald Tagura, 40, matapos ang insidente. Nag-iinuman sina Tenebro, Tagura at kanilang mga kapitbahay nang magkasagutan ang biktima at suspek nang magawi ang usapan sa hilig umanong pangungutang ng tanod. Pinagsusuntok ng suspek ang biktima na natumba at nabagok ang ulo sa kalsada. Dinala ang matanda sa pagamutan pero hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay nito.

Napanood mo na ‘to: Sharon di pinapasok sa Hermes, namakyaw sa LV

Image
FOR sure maire-relate mo sa one of the favorite romantic films na Pretty Woman ang naging sitwasyon ng megastar na si Sharon Cuneta nang mamili ito sa mamahalin at branded na shop sa South Korea lately. Hindi kasi pinapasok si Sharon sa Hermes store nang tangkain nitong mamili rito. Sa pinto pa lang ay hinarang na siya ng doorman ng Hermes sa Seoul at bibili raw siya ng sinturon dito. “Gusto kong bumili ng sinturon sa Hermes, ayaw ako papasukin,” natatawang reklamo ni Sharon sa kanyang TikTok. Pero imbes na mainis, sa Louis Vuitton nag-shopping ang Megastar. At makaraang mamili, binigyan siya ng flowers at champagne ng staff ng LV. Habang bitbit ng mga kasamahan at ng LV store assistant ang mga napamili, dumaan si Sharon sa Hermes at kinawayan ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya.

127 patay sa football riot sa Indonesia

Image
MAY 127 katao ang nasawi nang mauwi sa riot ang isang football match Sabado ng gabi sa Indonesia. Ayon sa mga ulat, sinugod ng mga fans ang pitch sa Kanjuruhan stadium sa eastern city ng Malang, at nang rumesponde ang mga pulis gamit ang teargas ay nagdulot ito ng stampede. Nangyari ang panunugod ng Arema FC supporters sa pitch matapos matalo ito sa iskor na 3-2 laban sa Persebeya Surabaya, ang kauna-unahang pagkatalo nito sa nakalipas na dalawang dekada sa mahigpit na kalaban. Karamihan sa mga nasawi ay mga nadaganan habang dalawa sa mga pulis ang nasawi. “In the incident, 127 people died, two of whom are police officers. Thirty-four people died inside the stadium and the rest died in hospital,” ayon sa East Java police chief na si Nico Afinta.

Imposible? Publiko nawindang sa resulta ng 6/55 Grand Lotto

Image
NANGANGAMOY anomalya, ayon sa netizens, ang panalo ng 433 bettors sa 6/55 Grand Lotto draw na may jackpot prize na P236 milyon nitong Sabado ng gabi. Ayon sa ilan, “napakaimposible” na masungkit ng daan-daang mananaya ang winning combination na 9, 45, 36, 27, 18, at 54. Dahil sa pangyayari, nasa mahigit P545,000 lang ang matatanggap ng bawat isa sa mga lucky bettors. “Imposible 433 winners halos nga walang manalo taga buwan ito pa kaya isang araw 433 winners. Jusko marimar.” “Nako parang may kababalaghan na nangyayari sa PCSO ah.oi!! Taga senado paimbistigahan nga? Parang linuloko lang nila ang mga tayador nito ah.” “Grabe naman pcso wag pahalata…. Mataas pa ata chance mag champion ang gilas sa Olympic kaysa manalo ng ganyan karami sa grand lotto.” “Mahirap paniwalaan ang mga nanalong 6/55. 433 ang nnalong tao kalokuhan yan.” “What is the probability of this happening ?? Rigged! Guinness World Record.” “Dapat paimbestigahan natong PCSO. Nakakaduda talaga resulta.. talagang ma...

Kat Alano inokray ni Cristy: ‘Nakikisakay ka lang sa isyu ni Vhong’

Image
KINASTIGO ng veteran show biz columnist at host na si Cristy Fermin si Kat Alano, ang dating modelo at video jockey na umano’y ginahasa ni Vhong Navarro ilang taon na ang nakararaan. Sa kanyang online talk show na Showbiz Now Na, pinuna ni Cristy si Kat at sinabing sampahan nito ng kaso si Vhong kung totoong biktima ito. “Ang unang-unang pumapasok sa isip ng isang babae na ninanakawan ng dignidad ay ang magsumbong sa mga may kapangyarihan. Dapat ay magre-report ka at ikukwento mo kung ano ang naganap sa’yo. E 19 kopong kopong pa sabi mo na ‘yan,” giit ng kolumnista. Hirit niya: “Hanggang ngayon e nakikiangkas ka lang sa mga isyu tungkol kay Vhong Navarro?” Dagdag ni Cristy, huwag ding idaan ni Kat sa blind item ang paratang kay Vhong. “Kung matapang ang isang babae tungkol sa kanyang ipinaglalaban, magbabanggit siya ng mga pangalan. Kung sino ‘yung dapat managot sa naganap sa kanya. Hindi e, pa-blind item eh ang ginagawa niya,” paliwanag niya. “At saka napakasakit ‘yung binabat...

Mga Kuwentong Kuneho, Atbp.

Image
NOONG unang panahon, may isang malupit na Haring Leon na mayroong alagang sampung mababangis na lobo. Siya ay mayroong mga lobong mababangis upang pahirapan at sagpangin ang sinuman sa kanyang mga kaaway o maging ang kanyang mga kaibigang may nagawang pagkakamali sa kanya. Isang araw, tinawag ng Haring Leon ang Kuneho na kabilang sa kanyang mga malalapit na tagapayo upang magbigay ng opinyon. Ngunit nagkamali ang Kuneho sa kanyang naging payo sa Hari—at hindi ito nagustuhan ng leon. Kaya’t inutusan ng Haring Leon ang kanyang mga alipin na itapon ang Kuneho sa kulungan ng mga lobo bilang kaparusahan. At umiiyak na nagmamakaawa ang Kuneho sa Hari, “Nagsilbi po ako sa inyo sa loob ng sampung taon at ito ang naging kapalit sa aking paglilingkod at katapatan sa iyo? Maawa po kayo Mahal na Haring Leon… Bilang aking munting kahilingan, mangyaring bigyan po ninyo ako ng sampung araw upang makapagpaalam sa aking mga mahal sa buhay man lamang.” Naawa ito sa kuneho kaya pumayag na rin ang ...

Pinsala ni ‘Karding’ umabot na sa P3 bilyon

Image
HALOS umabot na sa P3 bilyon ang kabuuang pinsala na idinulot ng bagyong Karding sa agrikultura sa maraming lugar sa Luzon at sa Western Visayas. Sa ulat ng ngayon ng Department of Agriculture, naitala ang P2.95 bilyong pinsala sa Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region and Western Visayas. Ilan sa mga ito ay binubuo ng 154,734 metriko toneladang pananim sa may 164, 217 ektarya ng sakahan. Umabot naman sa 103,552 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng super typhoon. “Damage and losses in rice amounted to P 2.02 billion with affected area at 159,251 hectares and volume of production loss at 133,294 metric tons that represents 0.66 percent of the annual total production target volume for rice, which is 20.25 million metric tons. While for corn, damage and losses amounted to P 65.4 million with affected area at 2,002 hectares and volume of production loss at 2,634 metric tons that represents 0.05 percent of the annual total production target volume for corn, which is 5.11 millio...

Mga dapat ihanda tuwing may malakas na bagyo, according sa isang nanay

Image
TUWING may sakuna, alam na natin na ang pinakanag-aalala ay ang ina ng tahanan. Maliban sa ang ama ay laging nasa trabaho, kadalasan ang naiiwan sa bahay ang mga nanay upang mag-ayos at maglinis ng bahay pagkatapos ng sakuna. Ngayon, eto ang masasabi kong basic tips upang paghandaan ang ganitong sitwasyon habang ang ama ng tahanan ay nasa trabaho pa: 1. Planuhin ang kakainin  Palagay mo ba ay babahain kayo? Mag-imbak na ng mga pagkain na hindi na kailangan ng matagalang preparasyon at lutuan gaya ng cup noodles, biscuit, tinapay at de latang pagkain (yung easy to open can) at maiinom.  Kaya dapat mamili na bago pa ang bagyo (pwera ang panic buying, ha?!)  2. I-charge ang mga batteries ng phone, smartwatch, powerbanks, flashlight at transistor radio – essentials mga ito pag nawalan kayo ng kuryente.  3. Mag-load na ng inyong prepaid smartphones – para may pantawag sa pahanon ng emergency.  4. Isilong na o planuhing itaas na ang mga gamit na sa tingin mo ...

GMA teleserye flop dahil kay Bea–Lolit Solis

Image
TILA therapy na para sa may sakit na veteran show biz columnist na si Lolit Solis ang pang-ookray kay Bea Alonzo. Sa kanyang post sa Instagram, sinisi ni Lolit si Bea at ang itsura ng aktres sa umano’y malamig na pagtanggap ng publiko sa Kapuso series na Start Up PH nina Bea at Alden Richards. “Sayang naman ang Start Up. Hindi daw masyado tinanggap ang kapareha ni Alden Richards dahil mukhang mas matanda sa kanya.  “Mukhang tita Bea si Bea Alonzo kaya mas maganda pang si Yasmien Kurdi na lang sana ang nilagay sa role niya na kitang kita mo na talagang mukhang haggard na si Bea Alonzo.  “Siguro kundi si Bea Alonzo ang kasama ni Alden, baka bonggang bongga sana ang resulta ng Start Up PH. Baka mas mataas rating at lalong dadami everyday dahil maganda ang pagkakagawa,” sunod-sunod na hanash ni Lolit. Sinisi rin niya si Bea, na tinawag niyang laos, dahil nahawa sa pagka-jinx nito si Alden. “Pag wala naman star power, dapat mabait noh, huwag maarte,” dagdag ni Lolit.

Digong kay Bongbong: When we see something wrong, we will raise our voice

Image
BABANTAYAN ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos. Ito ang sinabi ni dating Pangulong Duterte kasabay ang pagtiyak na magiging “fiscalizer” ng Marcos administration ang kanilang partido, sa isinagawang 2022 National Assembly ng PDP-Laban nitong Huwebes sa Pasay City. “We are not going to quarrel. Far from it. We will be giving our full support for him politically. But the President can be very sure that in the coming days, we will fiscalize. When we see something wrong, we will raise our voice, because that is the essence of our presence here,” pahayag ni Duterte. Sa nasabing okasyon ay muling nahalal si Duterte bilang chairman ng partido habang hinirang naman si Palawan 2nd district Rep. Jose Alvarez bilang bagong pangulo nito, kapalit ni dating Energy Secretary Alfonso Cusi. Tinanghal naman si Senador Robinhood Padilla bilang executive vice president.

13 Cabinet secretary bigo sa Commission on Appointments

Image
BIGONG makakuha ng approval mula sa Commission on Appointments ang 11 opisyal ng Gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos. Dahil dito, kailangan muli silang italaga ni Marcos sa kanilang mga pwesto sakaling gustuhin pa sila ng pangulo, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Huwebes. Ang 11 na opisyal na na-bypassed ng CA ay sina: Press Secretary Trixie Angeles Energy Secretary Raphael Lotilla Finance Secretary Benjamin Diokno Human Settlements Secretary Jose Acuzar Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy Migrant Workers Secretary Susan Ople Public Works Secretary Manuel Bonoan Science Secretary Renato Solidum Jr. Social Welfare Secretary Erwin Tulfo Trade Secretary Alfredo Pascual Transportation Secretary Jaime Bautista National Economic and Development Authority chief Arsenio Balisacan Commission on Audit Chairman Jose Calida Hindi rin nakapasa si Nelson Celis bilang commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

IRR para sa 1-year moratorium sa pagbabayad ng amortization sa lupa nilagdaan

Image
NILAGDAAN nina Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Land Bank of the Philippines President and Chief Executive Officer Cecilia Borromeo ang implementing rules and regulations (IRR) kaugnay ng isang taong moratorium sa pagbabayad ng lupa ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs). Nauna nang pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Executive Order Number 4 sa kanyang ika-65 kaarawan noong Setyembre 13 para sa pagpapatupad ng isang taong suspensyon sa land amortization at interest payment ng mga lupang sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Inaasahang 655,000 magsasaka ang makikinabang sa moratorium bagamat mawawalan naman ng tinatayang P1 bilyong kita ang pamahalaan.

Poe natuwa sa ratipikasyon ng SIM Registration bill sa Senado

Image
NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang bicameral committee report hinggil sa isinusulong na subscriber identity module (SIM) registration bill. Sinabi ni Sen. Grace Poe, na siyang may akda ng panukala, dahil sa development na ito na lagda na lang ni Pangulong Bongbong Marcos ang kulang, magtutuloy-tuloy na ang paghahabol ng pamahalaan sa mga text scammer. Ayon kay Poe, na inamyendahan sa bicam ang pag-aalis ng salitang ‘card’ sa panukala. Magiging prerequisite din ang pagpaparerehistro direkta sa mga telecommunications company para ma-activate ang SIM. Binigyan naman ng 180 araw ang mga menor de edad para makapagrehistro sa pamamagitan ng magulang o guardian. Binigyan din ang mga telcos ng 60 buwan para magtayo ng registration facilities sa mga liblib na lugar. Sakaling maratipika sa Kamara, pirma na lamang ni Pangulong Marcos ang kailangan para maging ganap na batas ang panukala.

P5.268 trilyong 2023 budget lusot na sa Kamara

Image
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang P5.268 trilyong panukalang budget para sa susunod na taon. Sa botong 289 kontra 3 at walang abstention, kasado na ang General Appropriations bill na una nang sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos. Ang panukalang budget ay mas mataas ng 4.9 porsiyento kumpara sa budget ngayong taong ito. Nakatakdang magbakasyon ng isang buwan ang Kongreso simula sa Oktubre 1. Naglaan ng ₱852.8 bilyong para sa sektor ng edukasyon bagamat ito’y tinapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) ng P10 bilyon na nakalaan sa state universities at colleges. Umabot naman sa 40 porsiyento ang itinaas ng budget para sa Department of Agriculture, na kagawaran na pinamumunuan ni Marcos, na nakakuha ng kabuuang P184.1 bilyon budget para sa susunod na taon. Inasahan na maita-transmit ngayong araw ang aprubadong budget sa Senado para masimulan ang deliberasyon dito.

James Blake itinanggi si Heaven Peralejo

Image
ITINANGGI ng aktor na si James Blake na mayroong namamagitan sa kanila ni Heaven Peralejo sa kabila ng “kumpirmasyon” ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz. Sa isang panayam, iginiit ni Blake na magkaibigan lang sila ng young actress na kasama niya sa teleseryeng “A Family Affair.” “We’re not together. We’re friends. But I’ll say na naging close kami dahil sa ‘A Family Affair.’ Magkasama kami doon and I got to know her more,” ani Blake. “I like her. She’s really nice. My mom knows her also, I know her mom also. We’ve worked together multiple times. But we’re not together. We’re just friends, we’re good friends,” dagdag niya. Matatandaan na ibinalita kamakailan ni Ogie na magkarelasyon ang dalawa base sa kanyang source. “According to my reliable source, ‘di ba, may ganyan? Ang dyowa raw ngayon ni Heaven Peralejo ay si Jameson Blake!” sey ni Ogie.

Korte Suprema binalaan si ‘Lorraine Badoy’; contempt of court nakaumang

Image
NAGBABALA ang Korte Suprema sa sinoman ang nag-uudyok na gawan ng karahasan at maglalagay sa panganib sa buhay ng mga hukom at kanilang pamilya. Sa kalatas na inisyu ng SC Public Information Office, pinag-usapan ng court en banc ang posibleng aksyon na gawin ng korte dahil sa pahayag na binitiwan ng isang Lorraine Badoy. Ginawa ng Korte Suprema ang babala matapos i-red-tag ni dating NTF-ELCAC spokesperson na si Lorraine Badoy si Manila RTC Judge Marlo Magdoza-Malagar dahil sa pagbasura nito sa petisyon ng Department of Justice na ideklarang terorista ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army. “The Court STERNLY WARNS those who continue to incite violence through social media and other means which endanger the lives of judges and their families, and that this SHALL LIKEWISE BE CONSIDERED A CONTEMPT OF THIS COURT and will be dealt with accordingly,” ayon sa Supreme Court.

Piso versus dollar: P58.99 na

Image
NAITALA ngayong araw, Setyembre 27, ang ang pinakamababang halaga ng piso matapos na magsara sa P58.99 kontra dolyar. Nagbukas ang palitan ng piso sa P58.8 kada dolyar Martes ng umaga at umabot ito ng 58.7 bago tuluyang magsara sa P58.99. Pinangangambahang umabot pa ng P60 hanggang P65 kada dolyar ang palitan ng piso sa harap ng banta ng recession sa buong mundo.

Nadine naimbyerna, naiyak sa hit-and-run sa lola

Image
NAGNGINGITNGIT sa galit ang aktres na si Nadine Lustre sa insidente ng hit-and-run sa Parañaque na malubhang ikinasugat ng matandang street sweeper. Ipinost ni Nadine sa Twitter ang video ng insidente pero agad din niyang binura. “Our justice system is so flawed we don’t even know if this issue will be handled accordingly. Naiiyak talaga ako para kay lola at sa pamilya niya,” caption ng aktres sa post. Sa viral video, makikita si Doreen Bacus, 63 ng Brgy. Sucat na nabundol at nagulungan ng sasakyan sa Aguirre Ave., Brgy. BF Homes nitong Sabado. Agad na tumakas ang driver. “Di ko ma-explain yung galit ko…Not buying the whole ‘unaware’ bs. Mararamdaman mo naman siguro kung may nabangga ka,” pahayag ni Nadine.

Presyo ng langis may bawas presyo muli

Image
TULOY ang bawas presyo bukas sa presyo ng produkto ng petrolyo kung saan aabot sa P1.25 kada litro ang ibababa sa diesel. Samantala, aabot naman ang tapyas sa presyo ng gasolina sa P1.65 kada litro at P1.35 kada litro naman ang bawas sa kerosene. Ayon sa mga eksperto, magpapatuloy ang pagbaba sa harap naman ng pinangangambahang recession sa buong mundo.

Libreng college entrance bill sa mahihirap na top students lusot na sa Kamara

Image
IPINASA ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill number (HB No.) 5001 na nag-aatas sa mga pribadong paaralan na i-waive ang pagbabayad ng college entrance examination fees sa mga graduating high school students na kabilang sa top 10 porsiyento ng kanilang batch.  Layunin ng panukala na mabigyan ng tulong at oportunidad ang mga mahihirap bagamat deserving na estudyante na ituloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Samantala, lusot na rin sa ikatlo at huling pagbasa ang HB No. 4896 na nagdedeklra ng May 16 ng kada taon bilang isang special working holiday na tatawaging “National Education Support Personnel Day.”

Nasaan si Leni’: Hindi na po siya opisyal ng pamahalaan, bakit n’yo hinahanap?

Image
KAHIT hindi na opisyal ng pamahalaan si dating Vice President Leni Robredo, tila na-miss siya ng maraming Pinoy, partikular na ang kanyang mga kritiko dahil tila absent ito sa pangunguna sa pagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Karding. Samu’t saring post sa social media na may #NasaansiLeni ang umikot at hinahanap ang dating pangulo na kilala sa mga unang opisyal na nag-oorganisa ng mga operasyon para makapagbigay tulong sa mga nasalanta. “Nakalabas na ‘yung bagyo, wala pa rin si Leni on the ground, akala ko ba lagi siyang nauuna on the ground? ‘Yan ang lider ng mga Kakampanget, puro salita, puro tweet, puro coordinate, walang action, kaya ayaw sa kanya ng mga tao,” tweet ng isang netizen nitong Lunes, gamit ang derogatory term na kakampanget na ang pinatutungkulan ay ang Kakampink. Ang Kakampink ay sila na mga tagasuporta ni Robredo nitong nakaraang eleksyon. “Humina na ang bagyong Karding pero si Leni, nasaan?” chika ng isa pang ati-Robredo. “The president’s team wo...

Magat Dam nagpakawala ng tubig dahil kay ‘Karding’

Image
NAGPAKAWALA ng tubig ang Magat Dam sa Isabela sa harap ng inaasahang epekto ng super typhoon Karding sa mga apektadong lugar sa Region 1. Ganap na alas-12 ng tanghali nang buksan ang isa sa mga gate ng dam nitong Sabado sa bilis na 170 cubic per second (cms). Ayon sa abiso ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) sa kasalukuyan, umabot na sa 187.67 metro ang lebel ng tubig sa Magat, mas mababa ng 2.33 metro kumpara sa spilling level nito na 190 metro. Nauna nang itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang signal number 2 sa Isabela at Aurora.

Piolo mas love mga halaman kaya single pa rin

Image
INAMIN ni Piolo Pascual na naiinggit siya sa mga kaibigan na mayroon nang pamilya. Sa isang panayam, sinabi ni Papa P. na tuwing nakikita niya ang mga kaibigan na kasama ang kanilang mga asawa’t anak ay nakakaramdam siya ng konting kurot sa puso. “Pero anong magagawa natin? Mas mahal ko ‘yung mga halaman. Hindi, joke lang!” aniya. Pagseseryoso ng aktor: “Hindi ‘yan hinahanap, dumarating na lang ‘yan. I believe in destiny, in something that happens out of fate and divine intervention. I believe in magic, I believe in something electrifying.” Gayunman, sinabi ni Piolo na nakahiligan niya ang paghahalaman noong kasagsagan ng pandemya at nang manirahan siya sa kanyang beach house sa Batangas. At sa dami ng naitanim niyang halaman sa loob ng dalawang taon, plano na niyang maging full-time plant seller pagdating ng panahon. “Feeling ko, ‘yun ang ending ko, magtatayo na ako ng garden sa rami ng halaman ko,” aniya.

Marcos nakamonitor sa super typhoon

Image
NAKAMONITOR si Pangulong Bongbong Marcos sa nangyayaring pananalasa ng super typhoon Karding. “I am in constant contact with Defense Secretary Jose Faustino Jr., who also chairs the NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council), as well as with DSWD (Department of Social Welfare and Development) Secretary Erwin Tulfo and Secretary Renato Solidum of the DOST (Department of Science and Technology),” sabi ni Marcos. Dumating kaninang umaga si Marcos mula sa anim na araw na working visit sa New York. Idinagdag ni Marcos na kausap din niya si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos para sa posibleng paglilikas ng mga residente na sa mababang lugar na lantad sa mga pagbaha. Ayon sa Palasyo, nagsagawa na rin ng kaukulang paghahanda ang mga regional field offices ng Department of Agriculture na apektado ng super typhoon.

Marcos pabalik na sa PH

Image
NAKATAKDANG bumalik sa Pilipinas si Pangulong Bongbong Marcos matapos ang kanyang biyahe sa New York. Sa huling araw ng kanyang pananatili sa Amerika, nagtalumpati si Marcos sa mga miyembro ng Asia Society. “I’ve been asked what is the absolute end result that we are hoping to achieve, and it’s very simple for me, not one more hungry Filipino,” sabi ni Marcos. Bago pa magsalita si Marcos, binulabog muna ng mga militanteng grupo ng mga Filipino-Americans ang Asia Society headquarters at sinalubong ng protesta ang pangulo. Kumain din si Marcos at mga kasamang delegado sa food truck na nagbebenta ng mga pagkaing Pinoy.

Duterte ‘excellent’ hanggang sa huling araw sa Palasyo

Image
NAKAPAGTALA ng “excellent” net satisfaction rating si dating pangulong Rodrigo Duterte sa huling mga araw niya sa Malacanang, ayon sa Social Weather Stations (SWS). Sa isinagawang survey ng SWS mula Hunyo 26 hanggang 29, lumabas na 88 porsiyento ng Pinoy ang satisfied, limang porsiyento ang undecided, at pitong porsiyento ang dissatisfied sa trabaho ni Duterte bilang presidente. Mas mataas ng 10 puntos ang gross satisfaction ni Duterte kumpara sa 78 porsiyento noong Abril. Bumaba ng apat na puntos ang gross undecided mula sa siyam na porsiyento at bumaba rin ng anim na puntos ang dissatisfaction mula sa 13 porsiyento. Ang net satisfaction rating +81 (% satisfied minus % dissatisfied), na ayon sa SWS ay kinukonsiderang excellent. Ito ay mas mataas ng 16 puntos sa very good +65 noong Abril 2022 at mas mataas kumpara sa dating rekord high na +79 noong Nobyembre 2020. Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview ng 1,500 respondents.

Marcos kay Biden: We are your partners, allies, friends

Image
NAGPASALAMAT si Pangulong Bongbong Marcos kay US President Joe Biden sa tulong ng Amerika sa Pilipinas matapos ang isinagawang bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider nitong Huwebes sa New York. “So thank you again, Mr. President, for making time to see us. We are your partners, we are your allies, we are your friends. And in like fashion, we have always considered the United States our partner, our ally and our friend,” sabi ni Marcos. Partikular na binanggit ni Marcos ang 36 milyong doses ng vaccine laban sa coronavirus disease sa kasagsagan ng pandemya na ibinigay ng Amerika sa Pilipinas “We continue to look to the United States for that continuing partnership and the maintenance of peace in our region. In terms of the geopolitical issues that we face in this day and age, the primary consideration of the Philippines and the guiding principle of the Philippine foreign policy is to encourage peace,” dagdag ni Marcos. Sinabi naman ni Biden na malalim ang ugat ng relasyon s...