Posts

Showing posts from February, 2023

Filipino citizenship ni Brownlee aprub na sa Senate body

Image
MALAPIT-LAPIT nang matupad ang inaasahang Filipino citizenship ng Barangay Ginebra forward na si Justin Brownlee. Ito ay matapos aprubahan ng Senate committee on justice and human rights ang panukala na nagsusulong na mabigyan ang basketbolista ng Filipino citizenship. Tinalakay ng panel, na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino ang Senate Bill Numbers 1336, 1516 at 2048 nina Senators Ronald “Bato” Dela Rosa, Sonny Angara at Joel Villanueva. “I am a Ginebra fan forever… I am very proud to say that I really volunteered to author this measure not only because I would like the Gilas to win in the international arena. Not only because Justin Brownlee comes from Ginebra. I know he is an athlete characterized by excellence and humility,” ani Dela Rosa. “Pag nasa lounge po kami, ang bukambibig po talaga nila eh paano matutulungan po ‘yung basketball program ng Pilipinas,” ayon Angara na sumusuporta rin sa pagkakaroon ng Filipino citizenship ni Brownlee. Bago ang pag-apruba ng mga p

Sharon, Kiko muntik nang maghiwalay

Image
TRUTH revealed: Muntik na palang maghiwalay si Megastar Sharon Cuneta at mister niyang si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Ginawa ni Sharon ang rebelasyon matapos niyang mag-share ng snaps ng kanilang sweet moments ng mister sa debut ng anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Sa mga caption, na ikinagulat ng publiko, isiniwalat ni Sharon na nagkaroon sila ng anim na buwang tampuhan ni Kiko na muntik nang magresulta sa hiwalayan. Ani Sharon: “Reunited after a long 6-month long LQ which we thought would lead to a separation.” “Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na.” “Sige pagbutihan mo naybor para Sutart ka na uli after 6 months.” “Bati na kami today after pagkahaba-habang LQ mula pa nung nasa U.S. kami ni Nana @reginevalcasid !!! Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube ‘di kami halos magtabi!” 

Saudi Crown Prince bibisita sa Pinas

Image
INIHAYAG ni Pangulong Bongbong Marcos na nakatakdang bumisita sa bansa si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman matapos ang matagumpay nilang bilateral meeting sa sideline ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.  “Well, sinabi ko sa kanya na kailangan niyang makabisita. And he surprised us all, he said, ‘Yes, I have to because my second mother comes from the Philippines,’” sabi ni Marcos kaugnay ng pagbisita ng Saudi Crown Prince. Idinagdag pa ni Marcos na mismong ang prinsipe na ang nagsabi na walang Saudi Arabian na walang kaibigang Pinoy.  “And I guess totoo ‘yun dahil talagang we have been part — we have become part really of their society and workforce,” dagdag ni Marcos.  Nauna nang inihayag ni Marcos na nangako ang Saudi Crown Prince na babayaran ng kanilang gobyerno ang hindi nabayarang sweldo ng 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos magdeklara ng bankcruptcy ang kanilang mga kumpanya noong 2015 at 2016. 

Chiong remains as airport GM

Image
NOW that the appointment of Atty. Jay Art Tugade, son of former Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, as the new chief of the Land Transportation Office (LTO) has been officially announced everywhere, the nasty rumors about Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Cesar Chiong being replaced by the younger Tugade can finally be put to rest. The employees’ organization Samahan ng mga Mangagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP), in particular, welcomed the development, particularly the retention of Chiong as general manager of the MIAA. Last month, rumors had it that Chiong would be replaced by Tugade’s son. A social media post saying so, also circulated in the chat groups of airport reporters. A petition immediately circulated among airport employees asking that Chiong be retained. On my part, I asked a very highly-reliable source and was told that it was fake news. I believed him and was right in doing so. Some members of the SMPP, which i

Pagkakadiskubre ng 2 shabu laboratory sa Ayala Alabang pinuri ni Barbers

Image
PINURI ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagkakadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng dalawang shabu laboratory sa Ayala Alabang Village. “The relentless campaign by our law enforcement authorities against these illegal drugs prove that the BBM administration is dead serious in continuing the crusade to free our country from the menace of this evil that destroys our families and society,” sabi ni Barbers na siyang Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.  Idinagdag ni Barbers na dapat na tuloy-tuloy ang operasyon ng PDEA para madakip ang mga nasa likod ng operasyon ng mga shabu laboratory sa bansa. “Shabu cannot be manufactured in large-scale quantities without the needed precursors that can only be imported. Thus, we have to look at the trail by which these precursors managed to evade our border controls,” dagdag ni Barbers.

Jake Zyrus ‘ibinasura’ na ni David Foster?

Image
KUNG paniniwalaan ang veteran show biz columnist at host na si Cristy Fermin, inayawan na ng popular na music producer na si David Foster si Jake Zyrus. “Eto na nga. Nag-try pala na lumapit ulit kay David. Tinanggihan siya. Kasi nagkaroon pala ng argumento noon si Charice at ang mga namamahala ng kanyang karera sa Amerika. Na siguro ipinagtapat niya na talagang iba, may gusto ako na parang ayaw ng iba,” kuwento ni Cristy. “Parang ganun. Siguro siya ay pinayuhan na ‘No, stick to what you are.’ Ikaw man ay merong ibang nararamdaman at ikaw ay isang tibo, itago mo. Ang dami-daming tibo na singer sa buong mundo na nagtagumpay,” dagdag ni Cristy. “Nadiskubre” ng Canadian musician si Jake nang tawagan siya ng TV talk show host na si Oprah Winfrey noong 2008 at tanungin kung maaari niyang i-produce ng kanta ang Pinoy singer. Naging mentor ni Jake si David na isinama siya sa tribute concert nito na “Hitman: David Foster and Friends.”  Kabilang sa nag-perform sa concert sina Celine Dion,

Ronnie Liang nag-alok ng libreng-sakay sa co-stars

Image
SINALUDUHAN ng publiko ang singer-pilot na si Ronnie Liang dahil sa ginawang pagmamagandang-loob sa mga baguhan niyang co-stars. Ayon sa ulat, nag-carpool si Ronnie para maihatid pauwi ang ilang kasama sa  pelikulang “Mamasapano: Now It Can Be Told” na walang sasakyan. Napag-alaman na mula sa kanilang shooting sa San Mateo, Rizal ay inihatid niya ang mga katrabaho sa Bulacan, Laguna, at Quezon City. “I know the feeling na walang sariling sasakyan, lalo na kapag malayo ang location,” ani Ronnie. Kuwento niya, mahirap din ang pinagdaanan niya noong baguhan pa lang siyang artista. “I remember nung nag-uumpisa pa lang ako at suki ng mga audition, 300-400 beses akong nag-audition, mayroong time na naubusan ako ng pamasahe. Pinababa ako ng bus at umuwi nang naglalakad from Bulacan to Pampanga,” pahayag niya. “Those were the days. Mahirap ang buhay noon especially for young, newbies na nagsisimula pa lang at very limited ang budget. Pero alam ko sa sarili ko na magbubunga rin ang lah

P25/kilo ng bigas sa ‘Kadiwa’ tuwing payday lang—DA

Image
NILIWANAG ng Department of Agriculture (DA) na tuwing payday lamang nagbebenta ng bigas na P25 kada kilo ang binuksang ‘Kadiwa ng Pasko’ sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa isang panayam sa DZBB, sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Kristine Evangelista matapos ilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang ‘Kadiwa ng Pasko’ sa Mandaluyong City nitong Miyerkules, Nobyembre 16, gagawin muli ito sa Nobyembre 29, 2022 hanggang Disyembre 31, 2022. “Ang ating Kadiwa ng Pasko ay every payday ito, nag-umpisa tayo ng November 16, nag-launch tayo sa iba-ibang lugar, meron sa Mandaluyong, Muntinlupa, Quezon City, Caloocan, Parañaque, Pasay, ngayon meron naman tayo sa Las Pinas, tapos meron tayong naka-schedule sa Navotas, iba-iba pang lugar, Taguig, inaayos pa natin ang iba-ibang location katulad ng Pasig,” sinabi ni Evangelista. Idinagdag ni Evangelista na bukod sa 11 lugar sa Metro Manila, mabibili rin ang P25 kada kilo ng bigas at iba pang murang bilihin sa Tacloban City,

Aberya sa airport iimbestigahan ng Kamara

Image
NAKATAKDANG imbestigahan ng House Committee on Transportation ang nangyayaring aberya sa mga airport matapos maiulat ang napakahabang pila ng mga pasahero.  Sinabi ni Antipolo Rep. Romeo Acop na dapat agad na umaksyon ang Manila International Airport Authority (MIAA) at Department of Health – Bureau of Quarantine (DOH-BOQ) para maresolba ang napakahabang pila ng mga bumabalik sa bansa na mga overseas Filipino workers (OFWs). Idinagdag ni Acop na imbes na makatulong, lalo pang nagdulot ng pagkabalam ang ipinatutupad na eArrival Card kapalit ng One Health Pass (OHP). “Bakit ba nangyayari pa ito? Hindi ba dapat ay mas maginhawa ang buhay ng mga pasahero kasi may eArrrival Card na? Bakit mahaba pa din ang pila at tila mas pinahirap ang proseso para sa mga umuuwing Pilipino?” sabi ni Acop.  Idinagdag ni Acop na dinagsa siya ng reklamo mula sa nga apektado aberya. “VIP treatment dapat ang treatment natin sa mga returning OFWS dahil sa tulong nila sa ating ekonomiya. Pero nakakalungkot

Mabasa kay Bantag: Sagutin ang reklamo, magpakita ka

Image
HINAMON ng pamilya ni Percival “Percy Lapid” Mabasa ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag na tanggapin ang subpoena kaugnay ng pagpatay sa beteranong broadcaster. “Sagutin niya ‘yung reklamo. Magpakita siya. Hindi pa naman ito warrant of arrest,” ayon kay Roy Mabasa, kapatid ni Percival. “Pinasasagot pa lang siya. Marami siyang puwedeng sabihin dito. Malay natin siya’y magsabi ng totoo at magsabi na meron pang ibang tao sa likod niyan,” aniya pa. Inutusan ng Department of Justice (DOH) si Bantag na humarap sa mga pagdinig ng paunang imbestigasyon nito sa Nobyembre 23 at Disyembre 5. Nagbabala ang DOJ na ang kabiguang dumalo sa preliminary investigation ay ituturing na waiver para iharap ang kanyang depensa at ang kaso ay dapat isumite para sa resolusyon.

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips

Image
MARAMI pa rin ang nagsasabi, base sa kanilang experience at opinion, ay ang makapagtrabaho sa pinakamagandang kumpanya. May ilang mga survey ang ginawa at kinuha nila ang mga ito sa mga sagot ng mga trabahante. Ngunit alin o sino nga ba ang masasabi nating magandang kumpanya? Siguro heto lang ang maitutulong ko para sa iyong pagmumuni-muni kung anong kompanya ang dapat mong pasukan: 1. Suweldo Dapat ang halaga ng sweldo ay base sa mga factors gaya ng family expenses (needs and priority), at lifestyle. Paano mo madedefine ito? Evaluate mo yung last time that you have spend for yourself, for your familly and your kapritso. 2. Benepisyo Napakahalaga nito ngayon: ang health coverage. Kaya’t ito lagi ang hinahanap-hanap ng bawat trabahador. Para lang ba sa iyo at sa mga kapamilya mo? May magandang leave benefit arrangements ba yan? Mga vaccine coverages na tine-take ng mga employees yearly? 3. Perks Sa panahon ngayon, importante na ata yung mga may libreng pagkain, gaya ng lun

Vhong Navarro ililipat na sa Taguig City jail

Image
ILILIPAT na sa Taguig City Jail ang aktor at television host na si Vhong Navarro. Ito ay base sa commitment order na inilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 69. Habang inihahanda pa ng mga awtoridad ang mga dokumento para sa paglipat, kasalukuyang nakakulong si Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center. Isasailalim din siya sa health protocol requirements. Inakusahan si Navarro ng panggagahasa kay Denise Cornejo sa pamamagitan ng “puwersa, pagbabanta, at pananakot” at sa pamamagitan ng sadyang paglalasing sa kanya noong Enero 2014. Itinanggi ni Navarro ang mga paratang laban sa kanya. Hiniling ng kampo ni Cornejo na ilipat si Navarro sa Taguig City Jail.

US Vice President Kamala Harris darating sa bansa sa Nob. 22

Image
NAKATAKDANG dumating si US Vice President Kamala Harris para makipagpulong kay Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa Nobyembre 20. Dalawang araw mamalagi si Harris sa bansa. Isa sa Maynila kung saan makikipag-usap siya kay Marcos, at sa Puerto Princesa naman para doon makpag-ugnayan kay Duterte. Darating gabi ng Nob. 20 matapos ang partisipasyon niya sa APEC Summit sa Bangkok, Thailand. Sa kanyang pakikipagpulong kay Marcos, tatalakayin nila ang pagpapalakas pa ng ugnayang Amerika at Pilipinas sa usaping pang seguridad at pang ekonomiya. Haharap din si Harris sa civil society activist sa Maynila para ipakita ang patuloy na pagsuporta ng US sa pagpapahalaga sa human rights at democratic resilience. Sa pagtungo naman niya sa Palawan, inaasahan na pupulungin niya ang ilang mga residente rito, kabilang na ang mga society leaders at representatives ng Philippine Coast Guard. Si Harris ang pinakamataas na opisyal ng Amerika na bibista sa Palawan.

John Amores sibak na sa JRU basketball team

Image
TULUYAN nang sinibak ng Jose Rizal University basketball team ang suspendido nitong manlalaro na si John Amores matapos ang “panghaharabas” nito sa apat na miyembro ng College of Saint Benilde sa NCCA game noong nakaraang linggo. Naglabas ng pahayag ang JRU at sinabi nito na opisyal nang hindi kasama sa kanilang team ang kontrobersyal na player. Sinuspinde rin ng JRU ang manlalaro sa mga klase nito at inatasan na mag-community service base na rin sa rules na ipinatutupad ng paaralan na nakasulat sa student manual. “Contingent with this action: (i) all privileges accruing to Mr. Amores as a student-athlete have been canceled; and (ii) based on the Student Manual of the University, he has been further meted out the penalty of suspension from his classes and has been required to undergo community service,” sabi ng JRU. “Mr. Amores will also be provided counseling and help to cope with the strain of what has taken place in his young life.”

Dancing Asec’ ng DOH hinirang na undersecretary

Image
NAALALA n’yo pa ba si Dr. Eric Tayag? Ang dancing official ng Department of Health na bida sa mga kampanya at programa ng kagawaran? Itinalaga na siyang undersecretary ng DOH. Dati siyang pinuno ng Knowledge Management and Information Technology Service. At matagal na naging DOH spokesperson na laging isinasayaw ang mga kampanya ng departamento. Nananatiling wala pang secretary ang DOH.

Bongbong nagpa-Covid test

Image
SUMAILALIM sa Covid-19 test si Pangulong Bongbong Marcos makaraang magpositibo sa sakit si Cambodian Prime Minister Hun Sen. “The President had himself tested as part of the health protocol for the APEC Summit in Bangkok, Thailand. He also instructed members of the official delegation to Cambodia to have themselves tested,” ayon sa Office of the Press Secretary ngayong Martes. “The President extends his wishes to Cambodian Prime Minister Hun Sen for a speedy recovery,” dagdag nito. Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa inaanunsyo ang resulta ng test. Inihayag ni Hun Sen na nagpositibo siya sa Covid-19 sa kanyang Facebook page. Matatandaan na nag-usap sina Marcos at Hun Sen sa ASEAN Summit na ginanap sa Phnom Penh noong nakaraang Huwebes.

Marcos pa-Thailand naman bukas para sa APEC Summit

Image
PAGKATAPOS ng Cambodia, pa-Thailand naman si Pangulong Bongbong Marcos bukas para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpopokus si Marcos sa food security, energy security at climate change mitigation sa kanyang pakikipagpulong sa mga kapwa lider sa APEC Summit. Ito ang unang pagkakataon na dadalo si Marcos sa APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) na gagawin sa Bangkok mula Nobyembre 16 hanggang 19 bilang pangulo ng bansa. Ito rin ang kauna-unahang in-person meeting ng mga miyembro mg APEC simula nang pumutok ang Covid-19 noong 2020.

Presyo ng galunggong asahan na lalo pang tataas

Image
SINABI ng isang fish traders’ group na dapat asahan na ng publiko ang mas mataas pang presyo ng galunggong sa mga susunod na araw dahil sa kakulangan ng suplay. Ito ay dahil na rin sa ipinatutupad ngayon ng pamahalaan na fishing ban mula Nobyembre 1 hanggang Enero 2023 Sa isang interview sa DZBB, sinabi ni Association of Fresh Fish Traders of the Philippines President Roderick ‘John John’ Santos na 90 porsiyento ng isda na sinusuplay sa mga palengke sa Metro Manila at Luzon ay galing sa karagatan ng Palawan. Ipinatutupad ang fishing ban para magpadami muli ng mga isda. Ayon kay Santos, bagamat makatutulong ang gagawing importasyon ng 25,000 metric tons ng frozen galunggong, at iba pang isda, inaasahang tataas pa rin ang presyo nito. “Inaasahan ang bahagyang pagggalaw sa presyo ng galunggong,” sabi ni Santos. Idinagdag ni Santos na may opsyon naman ang mga mamimili na bumili ng tilapia at bangus na pupuno sa kakulangan ng suplay ng galunggong. Base sa monitoring ng Department o

Ako Bicol partylist pinuri 8-anyos na chess champion

Image
PINURI ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang walong-taon-gulang na bata mula sa Albay matapos tanghaling kampeon sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship sa Bangkok, Thailand. Si Bince Rafael Operiano mula sa Busac, Oas, Albay ang kumatawan sa bansa sa pandaigdigang patimpalak mula Nobyembre 4 hanggany 12. “Our congratulations also to his parents, family, neighbors, and friends because all of them certainly had inputs to his sports development,” sabi ni Co. Tiniyak ni Co na patuloy na isusulong ng Ako Bicol ang mga programa na may kaugnayan sa palakasan para sa paghahanap ng mga Pinoy na may talento sa isports. “Ako Bicol will continue its grassroots sports program to search for more Filipino youth like Bince all over the Bicol Region,” ayon pa kay Co.

2 PBA players may payo kay John Amores

Image
NAGKOMENTO ang dalawang PBA players na sina Rico Maierhofer at Jayjay Helterbrand matapos ang kontrobersyal na panununtok ng Jose Rizal University player na si John Amores. Ayon kay Jayjay, dapat bigyan ng second chance si John dahil bata pa ito. “I feel bad for the kid kasi we don’t know what he’s going through. The game, when it’s intense like that, our emotions get the best of us,” ani Jayjay sa vlog ni RR Enriquez. “At the same time, we can’t lose control like that. Very unfortunate incident. Sa’kin sana mabigyan siya ng second chance. He’s still young. He’s got a great future ahead of him. Daming galit sa kanya, of course hindi naman kasi tama ‘yung ginawa niya,” dagdag pa nito.  Para naman kay Rico, sinabi naman niya na hindi para kay John ang basketball kung hindi niya kayang i-control ang emosyon. Ngayon kung hindi mo maha-handle ‘yung emotions mo, hindi para sa’yo ang basketball,” ani Rico.  “Sa side ni Amores, I’m sure pinagsisisihan niya ‘yung ginawa niya. Kasi from

Sasakyan sa Edsa nasa 398K kada araw

Image
UMABOT na 398,000 ang dami ng sasakyan na dumadaan sa EDSA, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni MMDA Spokesperson Melissa Carunungan na ito’y katumbas na ng mga sasakyan bago pa magpandemya.  “Based on the recent survey conducted by the traffic engineering center of the MMDA last November 10, 2022, the volume of vehicles along EDSA is at around 398,000 every day. So, halos parehas lang sa pre-pandemic level. So, it always ranges from around 400,000 naman,” sabi ni Carunungan. Ngayong Lunes, ipinatupad na ang bagong mall hour mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi sa harap ng inaasahang bigat ng trapiko dahil sa papalapit na kapaskuhan.  “Ang inaasahan natin that it will have an increase of around 10 to 20 percent sa ating mga major thoroughfares for the ‘ber’ months,” ayon pa kay Carunungan.

Bali: Ideal quick getaway destination

Image
IN a place like Indonesia where the value of our money is P1 to 267 Rupiahs, I did not expect to arrive at an airport that could well be considered a tourist spot in itself. I simply wished that our airport is the same. Ngurah Rai International Airport, which serves as the main gateway to the tourism icon Bali, is so picturesque from the floor up. The lavish, colorful interior and exterior designs are a combination of modern and traditional Indonesian architecture. The very spacious concourse area and arrival hall are dotted with intricate designs promoting the Balinese culture. The immigration counters’ exteriors were made of rattan, obviously meant to promote a very famous commodity in Indonesia.  In terms of the processing of arriving passengers, it was such a breeze. All that one has to do is present a Customs declaration QR code and then proceed to the immigration counter where the entire processing is over in just one minute, at least in my case and that of my companions. Th

Marcos pa-China sa Enero

Image
SINABI ng Palasyo na nakatakdang bumisita si Pangulong Bongbong Marcos sa China sa Enero 2023 para sa isang state visit. Idinagdag ni Office of the Press Secretary Officer-in-Charge Cheloy Garafil na tinanggap na ni Marcos ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping. Ayon pa kay Garafil, nakatakda ang pagbisita ni Marcos sa China mula Enero 3 hanggang 6. “The Chinese government has since confirmed that schedule for the state visit,” dagdag ni Garafil.  Kasalukuyang nasa Cambodia si Marcos para sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Importasyon ng 25K MT ng frozen na isda pinayagan ng DA

Image
PINAYAGAN ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng 25,000 metriko tonelada ng frozen na galunggong, bigeye scad, mackerel, bonito at moonfish, sa pagsasabing kinakailangan ito para matiyak ang sapat na suplay ng isda sa palengke sa harap ng ipinatutupad na closed fishing season mula Nobyembre 1, 2022 hanggang Enero 31, 2023. Sa ipinalabas na Special Order Number 1002 ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, sinabi niya na kailangang maisyu ang lahat ng import permit bago sumapit ang Disyembre 15, 2022. Ipinatupad ang fishing ban para hayaang magparami ang mga isda. “The Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) shall encourage the immediate disposal of the imported fish to ensure that it will not overlap with the local catch by the end of the closed fishing season,” dagdag ni Panganiban.

Antique inuga ng magnitude 4.8 na lindol

Image
INUGA ng magnitude 4.8 na lindol ang Antique kaninang alas-7:16 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naitala ang lokasyon ng lindol, na may lalim na 20 kilometro sa 13 kilometro silangan ng Anini-Y, Antique. Naitala ang instrumental Intensity I sa San Jose de Buenavista at Culasi, Antique. Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang sanhi ng lindol at wala namang inaasahang damage at aftershock.

Ipinasarang Igorot Stone Kingdom sa Baguio City walang building permit

Image
SINABI ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na walang building permit ang may-ari ng Igorot Stone Kingdom, kung kaya’t iniutos niya ang pagpapasara rito. Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Magalong na patuloy na nagtatayo ng istraktura ang may-ari nito sa kabila nang kawalan ng building permit. “Nagtayo siya ng structure na hindi dumaan sa tamang proseso, potentially unsafe yan, prone sa erosion, three months ago pinuntahan ko yan dahil nga nabalitaan ko na nagtatayo ng mga structures. Noong pinuntahan namin sige hindi kita isasara dahil nakatutulong ka sa turista pero you have to work on your permit, kasi residential yun, namomroblema kami sa trapik,” sabi ni Magalong. Idinagdag ng alkalde na tatlong notice of violation na ang ipinalabas ng lungsod laban sa may-ari ng tourist site. “Noong binigyan siya ng pagkakataon, hindi niya inayos, despite na napakabait ko na sa kanya, maayos na nakipag-usap kami sa kanya, tapos binastos kami, nagtayo na lang ng additional structures… apat na

Tracker team ng PNP tutugisin si Bantag

Image
KASADO na ang ‘tracker team’ ng Philippine National Police (PNP) para tugisin ang mga kinasuhang personalidad kabilang na sina suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at BuCor Directorate for Security and Operations Superintendent Ricardo Zulueta kaugnay sa pagpatay sa veteran journalist na si Percy Lapid. Sa panayam kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sinabi nitong tanging ang warrant of arrest na ilalabas ng korte ang kanilang hinihintay at kaagad na hahabulin ng PNP tracker team sina Bantag at Zulueta. Sa pahayag ni Azurin, sinabi nitong patuloy ang kanilang pakiusap sa BuCor chief at iba pang sangkot sa pagpatay kay Lapid na lumantad at handa naman umano silang magbigay ng kaukulang seguridad sa mga ito kung kinakailangan. Sinabi pa ng opisyal, batay sa imbestigasyon ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) ay hanggang sa lebel pa lamang umano ni Bantag ang nakikita nila na pinakamataas na sangkot sa pagpatay kay Lapid. Dagdag pa ni A

Marcos sa pagkakaugnay ni Bantag sa Percy Lapid killing: That’s terrible

Image
SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na terible ang pagkakasangkot ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Gerald Bantag sa pagpatay sa broadcast journalist na si Percy Lapid.  “The more we look, the worse it gets. This fellow is — mga masyadong ano eh, masyadong deadly eh… he’s the one who ordered the killing, he’s the one who — and he’s been doing it in prison. Para siyang Diyos daw sa loob ng preso eh. So we’ll have to look into it further. There might be more cases,” sabi ni Marcos.  Nauna nang kinasuhan ng National Bureal of Investigation (NBI) si Bantag kasama si BuCor deputy security officer Ricardo Zulueta kaugnay ng pagkakapaslang kay Lapid.  “Of course, that’s terrible. I guess he established his own fiefdom there in the prison. So kaya ‘yun ang… He moved with… ‘Yung galaw niya is with no fear of being punished,” ayon pa kay Marcos.

NCAA sinusupinde indefinitely JRU player na si John Amores

Image
INDEFINITE suspension ang ipinataw ng NCAA sa manlalaro ng JRU na si John Amores matapos nitong pagsusuntukin ang hindi bababa sa apat na manlalaro ng College of Saint Benilde nitong Martes. Ayon sa review ng league Management Committee, napatunayan na intentional na binunggo at dinuro ni Amores ang isang referee, binastos pa ang JRU representative na si Paul Supan at mga court officials. Sinugod din nito ang bench ng mga taga-Benilde dahilan para magkainitan ang dalawang grupo. Bukod dito, pinagsusuntok din ni Amores ang mga players ng Benilde na sina Mark Sangco, Jimboy Pasturan, Taine Davis at Migs Oczon.  “Violence has no place in the NCAA. The ManCom condemns, and will not tolerate, any acts of violence that will endanger our athletes, participants, officials, supporters, and the public. The safety of everyone is our primordial concern,” ayon sa ruling ng NCAA Mancom na inilabas nitong Miyerkules. Samantala, sinuspinde sa dalawang laro si Sangco, kasama ang mga ka-teammates

11K empleyado ng Meta, parent company ng FB, sinibak

Image
SINIBAK ng Meta, parent company ng social media giant na Facebook, ang 11,000 empleyado nito. Ito ang inanunsyo ng CEO na si Mark Zuckerberg nitong Miyerkules, kasabay ang pagsasabi na 13 porsyento ang nabawas sa kanilang workforce. “I want to take accountability for these decisions and for how we got here,” ayon kay Zuckerberg sa kanyang liham sa mga empleyado. “I know this is tough for everyone, and I’m especially sorry to those impacted.” Bukod sa Meta, nauna na ring nanibak ang ilang tech firms ng kanilang empleyado, gaya ng Snap at Twitter. Ito ay bunsod ng implasyon at banta ng recession.

JV nais ng lifetime ban kay Amores

Image
NAIS ni Sen. JV Ejercito na tuluyan nang i-ban ang kontrobersiyal na player ng Jose Rizal University (JRU) na si John Amore matapos niyang pagsusuntukin ang hindi bababa sa apat na manlalaro ng College of Saint Benilde nitong Martes. “John Amores should be banned for life in any basketball league. What he did on court on an NCAA game is a bad impression on our youth. He should try UFC or boxing instead. Will be glad to be the first to spar with him at Elorde! Try the sweet science this time!” sabi ni Ejercito sa kanyang tweet. Nauna nang pinatawan ng indefinite suspension ng NCAA si Amores matapos ang nangyaring insidente.

DOLE pag-aaralan kung dapat magbigay ng wage hike

Image
INIUTOS ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na pag-aralan ng mga regional wag boards ang posibleng pagbibigay ng umento sa sahod ng mga manggagawa sa susunod na taon dahil sa patuloy ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. “This (wage hike) is something we are studying. We are not disregarding recent events. That’s why our Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) have the directive that even though we just recently issued wage adjustments, we will still consider the current situation so we can help our workers and entrepreneurs,” ayon kay Laguesma. Sa ngayon ay inaaral na anya ng mga regional wage boards ang mga dahilan na maaaring magtulak para sa muling pagtataas ng umento. Ito anya ay gaya ng mga nagdaang bagyo, mataas na inflation rate at ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. Nitong Hunyo ibinigay ang dagdag P33 sa sweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila mula sa dating P537 ay naging P570 na, bunsod ng mataas na halaga ng krudo dala ng gera sa pagitan

Dagdag-bawas sa presyo ng langis sa Martes

Image
TATAAS ng P1.40 kada litro ang presyo ng gasolina simula bukas, Nobyembre 8, habang bababa naman ng 50 sentimo kada litro ang presyo ng diesel at 30 sentimo naman sa kerosene. Nauna nang sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistance Director Rodela Romero na ang pagtaas ng gasolina ay dahil na rin sa paglakas sa konsumo ngayong winter season sa Amerika at pagbabawas a produksyon ng langis ng Organization of Petroleum Exporting Countries ngayong buwan at ang patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sandro trending sa Twitter dahil sa dragon fruit

Image
TRENDING sa Twitter si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos matapos ang kanyang kontrobersyal na pahayag na nagmumungkahi sa mga magsasaka ng palay na magtanin na lamang ng dragon fruit. “Dahil malapit yung Pilipinas sa Taiwan, yung Taiwan malaki ang demanda ng dragon fruit, Eh they can only plant dragon fruit three or four times, three or four months of the year. Kapag hindi na nila kayang magtanim, planting season na dito,” sabi pa ng anak ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga mamamahayag sa Ilocos Norte. “So if we can shift our farmers to plant dragon fruit kapag hindi na kailangan yung palay, para maibenta sa Taiwan kapag kailangan. Mas malaki kita nila. Think times three or times four. So that’s going to be a big help,” dagdag pa niya. Dahil dito, umani nang kabi-kabilang pagbatikos ang anak ng pangulo mula sa mga netizens at hanggang Lunes ng umaga, ay nanatiling trending pa ring ang #Sandro. “Sandro Marcos should try planting dragon fruit taking note of how long it takes to grow

Nasaan ang tunay na Kadiwa?

Image
KUNG tutuusin, maituturing na mga pekeng Kadiwa outlets ang makikita sa ngayon sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos,Jr., at hindi maihahalintulad sa tunay at totoong mga Kadiwa na itinatag ni dating First Lady Imelda Marcos. Masyadong ginulo at ginawang komplikado ang simpleng Kadiwa ni Imelda at kung ano-anong katawagan o pangalan ang ginagamit ng kasalukuyang administrasyon para lang masabing ang kanilang itinayong Kadiwa ay isang tunay na pamilihan ng mga mahihirap. Nakalilito dahil kung hindi Kadiwa store, Kadiwa pop-up store. Meron pang Kadiwa on wheels at minsan naman Kadiwa rolling stores. Hindi pa nakuntento, sumulpot din ang Kadiwa express, ang E-Kadiwa at sinundan pa ng Kadiwa retail and selling. Ano ba yan?! Simple lang ang gusto ng mga kababayan nating mahihirap – permanenteng lugar ng Kadiwa na madaling puntahan at mura ang mga bilihin! Sa panahong maraming naghihirap at halos walang makain, ang tanging hiling ng mahihirap na mamimili ay m

AMLC kinumpirma P550K deposit para sa self-confessed gunman ni Lapid

Image
SINABI ni Justice Secretary Boying Remulla na kinumpirma mismo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may idineposito ngang P550,000 para sa self-confessed gunman na si Joel Escorial kaugnay ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid. Sa isang panayam sa DZBB, idinagdag ni Remulla na umabot ng halos tatlong linggo ang pagdedeposito ng P550,000 sa bank account ni Escorial. “Maraming deposits, within a span of three-week period, at least 20 days. Iba-iba yan (nagdeposito) ipapaliwanag ng NBI pagdating ng Lunes. Sila yung may alam ng mga detalye. Ang trabaho ko dito to make sure they get the witnesses they need,” sabi ni Remulla. Idinagdag ni Remulla na inaasahang mas marami pa ang kakasuhan ng NBI sa Lunes. “Ang nakasuhan ay lima or anim na… tapos may tatlong gang leader, at meron mga kasamang lima pa so walo pa yun, so 14 na yun, tapos meron pang dumating na iba kaya mahigit 15 pa yan,” dagdag ni Remulla. Nauna nang sinabi ni Remulla na kabilang sa kakasuhan ng NBI sa Lunes

Pinsala ni ‘Paeng’ sa agrikultura pumalo na sa P3.16-B

Image
SINABI ng Department of Agriculture (DA) ngayong Sabado na umabot na sa P3.16 billion ang pinsala ng Severe Tropical Storm Paeng sa agrikultura. Sa pinakahuling bulletin ng DA alas-9 ng umaga, sinabi nito na umabot sa 197,811 metric tons na produksyon ang nasira sa 84,677 ektarya ng mga pananim kung saan apektado ang kabuuang 83,704 magsasaka at mangingisda sa Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at SOCCSKSARGEN (South Cotobato, Cotobato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City). “Affected commodities include rice, corn, high value crops, fisheries, livestock, and poultry. Damage has also been incurred in agricultural infrastructures, machineries, and equipment,” sabi ng DA. Umabot ang pinsala sa mga palayan ng P1.95 bilyon, high value crops, P612.50 milyon; palaisdaan, P201.73 milyon; corn, P160.32 milyon; babuyan at manukan, P40.04 mily

Estudyante hindi na libre sa LRT-2

Image
SIMULA bukas, Nobyembre 6, may bayad na ang mga estudyante sa pagsakay sa LRT-2. Ayon sa Light Rail Transit Authority, maaari namang mag-avail ang mga mag-aaral sa 20 percent discount kahit wala na silang libreng sakay. “Simula ika- 6 ng Nobyembre ang mga estudyante ay maaaring mag-avail ulit ng 20% discount. Ipakita lamang ang school ID o proof of enrollment sa Passenger Assistance Office o Ticket booth,” ayon sa ahensya. Kaugnay nito, inihayag ng LRTA na umabot sa mahigit 1.5 milyong estudyante ang nakinabang sa programa. “Sa ngayon umabot na sa 1,527,219 ang nakinabang sa libreng sakay ng LRT-2 sa loob ng 58 na araw simula nang ipatupad ang programa,” ayon sa LRTA. Matatandaang ipinatupad ang libreng-sakay noong Agosto 22 para makatulong sa mga estudyante na naapektuhan ang pag-aaral ng pandemya gayundin ng mga magulang sa gitna ng tumataas na presyo ng gasolina at pangunahing bilihin.

Singer-actor Aaron Carter pumanaw sa edad na 34

Image
PUMANAW na ang singer, actor na si Aaron Carter, ang nakababatang kapatid ng Backstreet Boys star na si Nick Carter, nitong Sabado. Siya ay 34 anyos. Kinumpirma ng kanyang management ang pagpanaw ng singer-actor na nakilala rin sa Disney television show na Lizzie McGuire at Sabrina, the Teenage Witch. Natagpuang walang buhay ang si Carter sa loob ng kanyang bahay sa Lancaster, California. Hindi naman binanggit ang dahilan ng kanyang pagpanaw.

Nadale ng Covid sa pamilya ni Sharon Cuneta, 4 na

Image
INANUNSYO ni Megastar Sharon Cuneta na isa pang miyembro ng kanyang pamilya ang mayroon na ring Covid-19. Sa Instagram, ibinalita ni Sharon na dahil dito ay apat na ang may Covid sa kanila. “Now 4 in our family are down with Covid. Oh. Em. Gee. Please, please pray for us all,” aniya. Nitong Miyerkules, isiniwalat ng aktres na nagpositibo sa nakahahawang sakit ang tatlong miyembro ng pamilya mula sa kanilang biyahe sa Australia. “Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid. Please pray for the rest of our family and our household staff,” aniya sa Instagram post. Dagdag niya, gumamit sila ng Aria tests na “super accurate” para madetermina kung Covid nga ang nakadale sa mga kapamilya. Hindi naman binanggit ng singer-actress kung sino-sino ang may sakit. “Am so upset and worried,” dagdag ni Sharon.

Changing jobs? Checklist bago magdesisyon

Image
NOVEMBER is the “last of the month” time that you will do your best, at dito madalas nagwa-wind down muna ang mga Pinoy sa pag-aapply sa trabaho locally or abroad. Bakit kamo? Ang 13th month pay at kung anu-ano pang bonuses na ibibigay (may mga companies na bumabawi na rin, by the way), sayang! However, in preparation for the chance of a career lifetime (kung dumating na ang career na para talaga sa iyo, or ang overseas job na pinakahihintay mo), this is your opportunity to plan magkano ang iiwan mo sa iyong matatanggap na bonuses, pare makasurvive ka sa bagong career na tatahakin mo. Paulit-ulit mo na siguro nababasa ito sa mga career advices, pero let me give you a different approach…..ready ka na ba talaga to “take the leap?” Iiwan mo ang comfort zone mo,, and take the challenge? Pero bago mo gawin mga ito, check mo muna ang mga sumusunod: 1. Loans or utang – credit card man, or mga loans na iyong ginawa during the pandemic.  Makakabayad ka na ba bago mag-adjust sa gusto mong

Presyo ng gulay tumaas ng P10 hanggang P40 kada kilo dahil kay ‘Paeng’

Image
TUMAAS ang presyo ng mga gulay mula P10 hanggang P40 kada kilo, ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista. At ito ay dulot ng Severe Tropical Storm Paeng na nakaapekto sa maraming pananim, dagdag pa pa ng opisyal. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Evangelista na apektado rin ang suplay ng gulay dahil sa mga nasirang mga kalsada. “Sa ngayon based on our monitoring, yung ating high land and low land vegetables, yung mga dinadala sa trading post, na siya namang dinadala dito sa Metro Manila, nag-decrease yung volume,” sabi ni Evangelista. Idinagdag ni Evangelista na dahil sa limitadong suplay, tumaas ang presyo ng mga gulay mula P10 hanggang P40 kada kilo. Sakabila nito ay unti-unti na rin umanong nadaragdagan ang suplay ng gulay sa mga trading post kaya umaasa siya na magbababa na rin ng presyo ang mga ito sa mga susunod na araw. “Since nadadagdagan na muli ang volume ng gulay sa trading post at presyo sa trading post ay unti-unti na ring bumababa ang presyo

October inflation umakyat sa 7.7%

Image
LALO pang tumaas ang inflation rate sa bansa matapos makapagtala ng 7.7 porsiyento nitong Oktubre kumpara sa 6.9 porsiyento noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Sinabi ng PSA na ito na ang pinakamataas na antas na pagtaas ng presyo ng bilihin simula 2008. “With this month’s inflation, the Philippines’ average inflation rate from January to October 2022 stood at 5.4 percent. In October 2021, inflation rate was observed at 4.0 percent,” sabi ng PSA. Idinagdag ng PSA na ang paglobo ng inflation rate ay bunsod pa rin ng pagtaas ng halaga ng mga pagkain na nasa 9.4 porsiyento mula sa 7.4 porsiyento noong Setyembre 2022.

State of calamity idineklara sa Region IV-A, V, VI at BARMM

Image
PORMAL nang nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Proclamation Number 84 na nagdedeklara ng state of calamity sa Region IV-A, V, VI at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang panalalasa ng Severe Tropical Storm Paeng sa bansa. Tatagal ang state of calamity sa mga nasabing rehiyon sa loob ng anim na buwan. “More than 1.4 million of the population in Regions IV-A (CALABARZON), V (Bicol), VI (Western Visayas), and BARMM were adversely affected by Severe Tropical Storm Paeng,” sabi ni Marcos. Idinagdag ni Marcos na kinakailan ang pagdedeklara ng state of calamity para mapabilis ang rescue, recovery, relief at rehabilitasyon ng mga apektadong rehiyon. “It will effectively control the prices of basic necessities and prime commodities, and afford the national government as well as the local government units (LGUs), ample latitude to utilize appropriate funds for rescue, recovery, relief and rehabilitation efforts, and for the continuous provision of basi

94% eskwela sa NCR naka full F2F na

Image
NASA 94 porsyento ng mga pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) ang naka full face-to-face classes simula ngayong Miyerkules. Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa opisyal nagbalik sa eskwela ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa NCR matapos ang mahabang All Saints’ Day weekend. “Sa ngayon po, maayos naman po ang resumption ng ating classes so far. Naghihintay rin po kami ng feedback from our regional directors, para po kung may challenges encountered man ay matugunan agad,” ani Poa. Nitong Martes, inamin ng DepEd na may kakulangan pa rin sa mga silid-aralan at guro sa ilang pampublikong paaralan, ngunit sinabing magpapatuloy pa rin ang pagpapatupad ng limang araw na in-person classes.

Pinsala ni ‘Paeng’ lalo pang lumobo sa P2.74B

Image
LALO pang lumobo ang pinsalang dulot ng Severe Tropical Storm Paeng sa agrikultura matapos itong umabot da P2.74 billion. Sa ipinalabas na bulletin ng DA ganap na alas-5 ng hapon, sinabi nito na umabot sa 111,831 metric tons (MT) ng mga pananim ang nasira sa 82,380 ektarya ng mga taniman. Umabot naman sa 74,944 magsasaka at mangingisda ang nawalan ng kabuhayan dahil sa pananalasa ni ‘Paeng.’ Ayon pa sa DA, kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at SOCCSKSARGEN (South Cotobato, Cotobato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City. “Affected commodities include rice, corn, high value crops, fisheries, livestock and poultry. Damage has also been incurred in agricultural infrastructures, machineries and equipment,” sabi ng DA.

Bar exams tuloy – Supreme Court

Image
TULOY ang Bar Examinations na nakatakda sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20, ayon sa Korte Suprema. “Except for unforeseen circumstances and contingencies which may necessitate a rescheduling of dates, the 2022 Bar Examinations will be held on November 9 (Wednesday), 13 (Sunday), 16 (Wednesday) and 20 (Sunday), 2022,” sabi ni 2022 Bar Examinations Chair Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa. Idinagdag ni Caguioa na tuloy rin ang paggamit ng Examplify para sa 2002 Bar Examinations kung saan maaaring gamitin ng mga examinees ang kanilang sariling device sa kanilang napiling venue. “Access to the computer-based testing software will be available to all Bar Examinations applicants approved to take the 2022 Bar Examinations, whether conditional or unconditional,” sabi ni Caguioa.

Carlos Yulo pasok sa finals sa World Championships

Image
HINDI lang sa isa kundi sa apat na events ng 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England, pasok ang pambato ng Pilipinas na si Carlos Edriel Yulo. Ito ay matapos na makapagtala ng 15.266 score sa floor exercise si Yulo dahilan para pangunahan ang mga qualifiers sa medal round. Pasok din siya sa finals ng vault, parallel bars, at all-around. Noong 2019 si Yulo rin ang nanguna sa Stuttgart, Germany. “It’s a really good result, but it’s just the qualifying. I’m not being boastful, it’s not the final yet so if I can do it in the final maybe, I will say that I’m satisfied,’’ ayon kay Yulo matapos ang kanyang ginawang routine sa iba’t ibang apparatus sa M&S Bank Arena. “Right now I’m really glad but not satisfied because there are a lot of areas where I can still improve. Vault was really scary, that’s my first time doing the Ri Se Gwang, so that’s really big for me,’’ dagdag pa ng atleta.

Marcos sinisi deforestation, climate change sa Maguindanao landslide

Image
ISINISI ni Pangulong Bongbong Marcos sa deforestation at climate change ang nangyaring landslide sa Maguindanao na ikinamatay ng maraming residente. “Noong nasa helicopter kami ni [Maguindanao Governor] Bai Mariam, na-notice ko lahat ng gumuho kalbo ang bundok. That’s the problem,” ayon kay Marcos. “And I was pointing out to the Governor, sabi ko sa kanya: Tingnan mo ‘yung may kahoy hindi gumalaw ‘yung lupa, lahat nung sugat na makita mo sa bundok dahil kalbo,” dagdag ni Marcos matapos ang isinagawang aerial inspection. Sinabi ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na nangyari ang landslides sa Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat; Barangay Romonggaob at Barangay Looy sa South Upi; Barangay Maagabo Bayanga Sur, Barangay Upper Bayanga Sur Norte at Barangay Kabugaw Sapad sa Matanog. “So we have to include tree planting in our flood control. Dapat kasama ‘yan. Kung gagastos tayo sa flood control, kailangan may tree planting. So, that’s one thing that we need to do. B

2.9M Pinoy nakaranas ng gutom sa unang 3 buwan ng BBM admin

Image
AABOT sa 2.9 milyong Pinoy ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa isinagawang survey mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 2, 2022, lumabas na 11.3 porsiyento ang nakaranas ng kagutuman o walang makain sa nakalipas na tatlong buwan ng administrasyong Bongbong Marcos. Ayon sa SWS, magkapareho ang hunger rate ngayong Oktubre 2022 kumpara noong Hunyo 2022, bagamat bahagyang mas mababa sa naitalang 3.1 milyong pamilyang nagutom o 12.2 porsiyento noong Abril 2022 at 3 milyon Pinoy o 11.8 porsiyento noong Disyembre 2021. “However, it is still 1.3 points above the 10% (estimated 2.5 million families) in September 2021, and 2.0 points above the pre-pandemic annual average of 9.3% in 2019,” sabi ng SWS. Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,500 indibidwal sa buong bansa.