Posts

Showing posts from March, 2023

Boracay delikado sa 818 sinkholes

Image
UMABOT na sa 815 sinkhole ang nadiskubre ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) sa Boracay. Ayon sa DENR-MGB Western Visayas ito’y tumaas kumpara sa dating 789 noong 2018. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista na nakatakdang makipagpulong ang mga opisyal ng DENR-MGB sa kanya at iba pang lokal na opisyal para talakayin ang magiging aksyon para matiyak ang kaligtasan ng mga residente at mga turista. “Mayroon letter ang MGB para pag-usapan ang magiging action to ensure the safety of the people,” sabi ni Bautista. Idinagdag ni Bautista na humiling na siya ng detalye sa DENR-MGB para malaman ang lokasyon ng mga sinkhole. “Nanghingi ako ng mapa sa MGB para malaman natin kung saan-saan yan,” aniya. Inamin naman ni Bautista, na itinakda lang ng DENR ang kapasidad ng Boracay sa 19,000 bagamat umaabot na sa 4,000 ang turistang dumadalaw sa isla kada araw, bukod pa sa kabuuang 38,000 populasyon ng mga ...

Na-bash sa pagkanta nang sintunado, Marco Alcaraz dedma

Image
HINDI apektado ang aktor na si Marco Alcaraz sa mga panlalait na natatanggap niya sa pagkanta nang sintunado sa isang beauty pageant sa Urdaneta City, Pangasinan kamakailan. Napag-alaman na hindi rin umano alam ni Marco na nag-viral ang video ng kanyang pag-awit ng “Ngiti” sa Binibining Urdaneta kung hindi pa siya hiningan ng komento ukol sa natatanggap niyang pamba-bash. Sey ni Marco, keber niya sa mga pumupuna sa kanya dahil ang mahalaga ay napasaya niya ang mga kandidata at ang audience. Kuwento niya, habang kinukwenta ng mga judges ang score ng mga kandidata ay nahilingan siya na kumanta. Siya ang host ng timpalak habang isa sa mga judges ang asawang si Miss International 2005 Precious Lara Quigaman. Ayon kay Marco, tinanong niya ang audience kung gusto nilang marinig ang kanyang tinig. Dahil hindi siya killjoy, pumayag siyang kumanta. Sa isang panayam sa aktor, iginiit nito na hindi siya lasing nang kumanta. “Sabihin mo na lang na social experiment yun!” dagdag ni Marco....

Bicol solon: Maharlika Fund mabuti sa bansa; pero timing hindi maganda

Image
NANINIWALA si Camarines Sur (3rd District) Rep. Gabriel Bordado Jr., na may maitutulong ang isinusulong na Maharlika Investment Fund sa bansa. Gayunman, hindi ito ang tamang panahon para sa implementasyon ng ganitong hakbang na kakailanganin ang mga sobrang pondo ng pamahalaan. Sa kanyang manipestasyon sa sesyon nitong Martes, sinabi ni Bordado na bad timing ang pagsusulong ng MIF lalo pa’t lubog sa utang ang bansa. “The intention of sovereign wealth funds is very laudable, Mr. Speaker. Its primary functions are first and foremost, to stabilize the country’s economy through diversification and second, to generate wealth for future generations. As the president’s economic team puts it, the Fund can bring both direct and inter-generational benefits,” ayon sa kongresista. “Indeed, Mr. Speaker, putting up a sovereign wealth fund through Maharlika Investment Fund, can be beneficial to the country IF done properly and on the right time. We have seen the success of sovereign wealth fund...

Robbery suspect binugbog ng parak, dedbol

Image
SINAMPAHAN ng kasong homicide ang pulis-Leyte kaugnay sa pagkamatay ng isang suspek sa pagnanakaw na kanya umanong ginulpi sa Maasin City, Leyte. Iniimbestigahan na rin ng PNP-Internal Affairs Office (PNP-IAS) Region 8 si S/Sgt. Ronald Gamayaon, nakatalaga sa Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Southern Leyte. Si Gamayon ang idinidiin sa pagkamatay ng isang Gilbert Ranes. Base sa ulat, nasakote ni Gamayaon ang suspek noong Disyembre 9 sa Brgy. Mantahan, Maasin City. Makaraang bugbugin sa presinto ay nahirapang huminga si Ranes at namatay. Dinisarmahan na si Gamayon at kasalukuyang nasa restrictive custody.

GF ni Jovit sa publiko: Please report fake account

Image
NAKIKIUSAP ang girlfriend ni Jovit Baldivino na si Camille Ann Miguel na i-report ang account ng poser niya na nanghihingi ng abuloy. Ibinahagi ni Camille ang nasabing account na ginaya ang kanyang display at profile photos.  Ang kaibahan ay mas konti ang followers nito at ang description sa bio. Bago ito ay inireklamo ni Camille ang poser niya na nanghihingi ng abuloy para sa pamilya ng yumao niyang boyfriend. “Kung sino ka mang dimunyo ka makunsensya ka at kung sakaling me magbigay sayo gamitin mo sa magiging burol mo!!!!! karma na bhala sayo!!!!” aniya.

Ogie dinedma ni Ricci Rivero

Image
KINUMPIRMA ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz na “cold” si Ricci Rivero nang kapanayamin niya ito kamakailan. Ani Ogie, naganap ang tila pandededma sa kanya ng basketball player nang dumalo ang huli kasama ang girlfriend na si Andrea Brillantes sa birthday party ni Ruru Madrid. Nilapitan ni Ogie sina Ricci at Andrea saka tinanong kung gaano na sila katagal. “Actually kaka-eight months lang namin kahapon. Monthsary namin. Nagtagal kami kasi mabait e, mabait naman siya,” ani Andrea. Habang nagsasalita ang aktres ay malayo umano ang tingin ni Ricci at hindi sumasagot sa panayam. “Happy eight months sa inyo! Kahit very cold sa’kin that night si Ricci. Parang wala siyang ganang kausap pero okay lang,” ani Ogie. “Baka wala lang sa mood ang lolo mo, hayaan natin siya. May kanya-kanya namang episode ang mga tao,” dagdag ng talent manager.

Maharlika Fund certified urgent bill na 

Image
SINERTIPIKAHAN na ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang Maharlika Investment Fund bilang urgent bill. “I hereby certify to the necessity of the immediate enactment of House Bill Number 6608 in order to establish a sustainable national investment fund as a strategic mechanism for strengthening the investment activities of top performing government financial institutions, and thus pump-primr economic growth and social development,” sabi ni Marcos.  Kasabay nito, lusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill Number 6608 na nagsusulong sa pagbubuo ng nasabing investment fund. Nagpasalamat naman si Albay Rep. Joey Salceda sa pag-aksyon ng Kamara sa panukalang Maharlika Wealth Fund. lI also thank the President for certifying the refined version of the bill as urgent. It recognizes the President’s favorable view of the safeguards we have introduced,” sabi ni Salceda.

Naalarma ang Unesco

Image
HINDI talaga pakakabog ang Pilipinas pagdating sa mababangis na batas laban sa malayang pamamahayag. Sa latest study ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO na inilabas ngayong 2022, 44 bansa, kasama ang Pilipinas, ang nagsabatas ng o pinatindi pa ang 57 batas at regulasyon laban sa online freedom of expression at press freedom, sa nagdaang limang taon. May pamagat na “The Misuses of the Judicial System to Attack Freedom of Expression”, nagbabala rin ang UNESCO sa pagdami ng state policies na ginagawang kriminal ang magpahayag ng saloobin sa Internet. Ang malala rito, ang cyber libel cases ay sinabayan pa ng pagpasa ng mga bagong batas sa cybersecurity at anti-terrorism. Inalarma ng UNESCO ang puma-pattern na pagtataguyod sa mga batas na nagdadala ng takot sa maraming tao. Kasama sa sinita ng UNESCO ang Anti-Terrorism Act of 2020 sa Pilipinas. Mahigpit itong binatikos ng mismong UN Human Rights Council dahil sobrang lawak ng saklaw at banta ...

Tulfo maba-bypass ng CA—Zubiri

Image
SINABI ni Senate President Juan Miguel Zubiri na iba-bypass si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa harap ng mga isyung kinasasangkutan. Idinagdag ni Zubiri na hindi maihahabol ang kumpirmasyon ni Tulfo dahil hanggang Miyerkules na lamang ang sesyon ng Kongreso. Ayon pa kay Zubiri, dapat munang masagot ni Tulfo ang isyu ng kanyang libel at citizenship. “Ang DSWD secretary is a bit more complicated yung isyu ng kanyang conviction with finality sa Supreme Court. The Commission on Appointments never confirmed anyone that had final conviction,” sabi ni Zubiri. Sinabi pa ni Zubiri na kailangan ding patunayan ni Tulfo na binitiwan na niya ang kanyang American citizenship. Aniya, kailangang maitalaga muli ni Pangulong Bongbong Marcos si Tulfo sakaling ma-bypass.

Antiporda tuluyan nang inalis sa NIA? Bagong administrador itinalaga

Image
ITINALAGA bilang bagong pinuno ng National Irrigation Administration (NIA) si dating Piddig, Ilocos Norte Mayor Eduardo Guillen. Pinalitan ni Guillen si Benny Antiporda na kamakailan lang sinuspinde ng Ombudsman ng anim ng buwan bunsod ng iba’t ibang reklamo na inihain sa kanya ng ilang mga opisyal at empleyado ng ahensya. Sa order na pirmado nitong Disyembre 9 at inilabas nitong Lunes ng Office of the Press Secretary, itinalaga si Guillen bilang acting administrator ng NIA. “Pursuant to the provision of existing laws, you are hereby appointed as acting administrator and member, Board of Directors, National Irrigation Administration, vice Benny D. Antiporda,” ayon sa order ni Pangulong Bongbong Marcos. Sinuspinde si Antiporda ng anim na buwan ng Ombudsman dahil sa reklamo ng mga opisyal at kawani ng NIA dahil sa grave misconduct at diumano’y pangha-harass. Ilan sa mga reklamo ay ang pagbabawal sa mga managers na makapag-biyahe na anila ay “counterproductive” sa kanilang trabahol...

MMDA nag-abiso sa kalyeng isasara para sa MMFF Parade of Stars

Image
NAG-ABISO na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA kaugnay ng mga kalyeng isasara sa isasagawang Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars 2022 alas-4 ng hapon sa Disyembre 21. Sinabi ng MMDA na kabilang sa daraanan ng parada ang Quezon Avenue mula Mabuhay Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle. Idinagdag ng MMDA na simula alas-3:30 ng hapon, isasara ang westbound direction ng E. Rodriguez mula D. Tuazon hanggang Mabuhay Rotonda. “Bubuksan lamang ito kapag nakaalis na ang mga floats, sabi ng MMDA. Ayon pa sa MMDA, iwasan din ang ang E. Rodriguez Avenue mula Banawe hanggang Mabuhay Rotonda gabi ng Disyembre 20, dahil ang mga lugar na ito ang magiging staging area para sa float ng mga pelikula. “Sasakupin nito ang isang lane ng westbound habang bukas naman sa trapiko ang eastbound direction. “Planuhing mabuti ang pagbiyahe dahil sa inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar at dagsa ng tao na manonood,” ayon pa sa MMDA. Pinapayuhan ang mga motorist...

Matet hindi na kakausapin si Nora kahit kailan

Image
WALA nang planong kausapin pang muli ni Matet De Leon ang ina na si Nora Aunor matapos ang kanilang away ukol sa gourmet tuyo at tinapa. “Hindi ko na siya kakausapin ulit,” ani Matet sa panayam ni Ogie Diaz. “Kasi parang sa akin, ginawa ko na ang lahat.” Samantala, inireklamo naman ni Matet kung paano siya hinuhusgahan ng publiko at ang kanyang mga kapatid na sina Lotlot, Ian, Kenneth at Kiko kahit walang alam ang mga ito sa takbo ng relasyon nila sa ina. “Nagbabayad [pa rin] ako ng utang na loob kasi marami pa kayong hindi alam. Pag lumabas ‘yon, masisira lahat,” sabi niya. Nilinaw naman ni Matet na kaya siya pumayag na makapanayam ni Ogie ay dahil nais niyang linisin ang kanyang pangalan at hindi para siraan ang ina. “Makakaasa pa rin naman siya ng respeto galing sa amin at katahimikan sa mga hindi dapat pag-usapan. Kaya lang, sana hindi na maulit ‘yung mga ganitong parang asaran,” paliwanag ng aktres.

Marcos tumulak pa-Belgium

Image
TUMULAK na kagabi si Pangulong Bongbong Marcos para dumalo sa Association of Southeast Asian Nation-European Union (ASEAN-EU) Commemorative Summit sa Brussels, Belgium. Kasama muli sa opisyal na delegasyon ni Marcos si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.  “In addition to pursuing ASEAN’s interests, as country coordinator for the EU, I will always as certainly push for Philippine priorities within the context of the ASEAN-EU cooperation, particularly in post-pandemic economic recovery, trade, maritime cooperation, and of course climate action,” sabi ni Marcos sa kanyang departure speech.     Idinagdag ni Marcos na dahil ang Pilipinas ang coordinator sa pagitan ng ASEAN at EU, nakatakda siyang magbigay ng talumpati sa C-Suite Luncheon at Business Summit.   “These events will provide an opportunity to drum up economic interests once again and engagement for the Philippines in view of the presence of key business leaders in Europe at...

Ang Pagong at ang Buwitre

Image
ALAM ba ninyo ang dahilan kung bakit bitak-bitak ang talukap ng pagong? Sa simula ng panahon, ang buwitre at ang pagong ay matalik na magkaibigan at madalas na nagkikita. Nakatira ang pagong sa isang lawa sa loob ng masukal na gubat. Dahil nakakalipad ang buwitre, palagi niyang binibisita ang pagong sa lawa na kanyang tinitirhan. Inggit na inggit ang pagong sa kanyang kaibigang buwitre dahil mabilis at nakalilipad ito. Nais niya ring makalipad at maging matulin tulad ng ibang mga hayop sa kagubatan. Sapagkat maliit at maigsi ang kanyang mga paa, nag-aalala ang pagong na baka masira ang kanilang pagkakaibigan dahil hindi niya napupuntahan ang buwitre sa kagubatan o madalaw man lamang ito. At mula noon, palagi niyang iniisip kung paano n’ya tutuparin ang kanyang pangarap na makalipad at makapaglakbay—at siya naman ang magkaroon ng pagkakataong dalawin ang kanyang kaibigan. Napakaganda ng gubat. At makikita ang iba’t ibang klase ng mga ibon na umiikot sa langit. Isang araw, napansi...

Lee Jae Wook ng Alchemy of Souls may fan meeting sa PH

Image
MAGKAKAROON ng fan meeting ang Korean heartthrob na si Lee Jae Wook sa Maynila sa Marso 11, 2023. Sinabi ng Wilbros Live na isasagawa ang fan meeting ni Jae Wook sa New Frontier sa Quezon City. Ito’y bahagi ng Asia Tour Fan Meeting ni Jae Wook. Nakilala si Jae Wook sa hit Netflix drama na Alchemy of Souls si Jae Wook na ngayon ay nasa Season 2 na. Kabilang sa mga K-drama ni Jae Wook ay Extraordinary You at Do Do Sol La La Sol.

Pacquiao tinalo South Korean martial artist sa exhibition match

Image
HIGIT isang taon mula nang kanyang huling laban, wagi si Manny Pacquiao sa isang exhibition match kalaban ang South Korean martial artist na si DK Yoo ngayong Linggo sa Goyang, South Korea. Tinapos ni Pacquiao ang laban sa loob ng anim na round. Ayon kay Pacquiao, ang kita niya sa nasabing exhibition fight ay gagamitin niya para sa pagpapatayo ng bahay ng mga mahihirap. Matatandaan na huling sumabak si Pacquiao noong Agosto 2021 kung saan tinalo siya ni Yordenis Ugas via unanimous decision para sa WBA Super welterweight title. Ang nakalaban ni Pacquiao na si Yoo ay 42-anyos na self-defense instructor at martial arts practitioner.

Jovit huwarang anak: ‘Isang text ko lang andiyan siya’

Image
PARA sa ina ng namayapang singer na si Jovit Baldivino, isang huwaran ang kanyang anak. Sa isang panayam, sinabi ni Gng. Cristeta Baldivino na malaki ang naitulong ni Jovit sa pagtataguyod sa kanilang pamilya. “Kaya ngayon, talagang napaka…hindi ko masabi…hindi ko alam,” tila puputok ang dibdib na inusal ng ginang. “Siya ang aming…sa lahat ng aming gastusin,” dagdag ng ginang. “Napakabait niya. Wala akong masabi. Lahat ng, lahat ng gusto namin na ano, naibibigay niya sa amin. Tulad ng may kailangan kami halimbawa, isang text ko lang andiyan na siya,” ayon pa sa ina ng singer.

Quiboloy binigyan ng sanction ng US dahil sa ‘serious human rights violations’

Image
NAGPALABAS ng sanction ang Estados Unidos laban sa wanted na religious group leader na si Apollo Quiboloy dahil sa korupsyon at “serious human rights violations”. Kasama si Quiboloy sa 40 inidbidwal mula sa siyang na bansa ang binigyang parusa ng US Department of Treasury dahil sa kanilang pagkakasangkot sa mga kasong may kinalaman sa korupsyon at paglabag sa karapatang pantaon. Si Quiboloy na founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC) at matalik na kaibigan ni dating Pangulong Duterte ay kasama sa wanted list ng Federal Bureau of Investigation matapos siyang akusahan ng sex trafficking ng mga batang babae mula sa kanilang sekta. “Quiboloy is sanctioned under the Global Magnitsky Act for human rights violations. Among other effects, all property and interests in property for Quiboloy in the US are blocked, and US persons and entities are blocked from engaging in transactions with Quiboloy,” ayon sa US Embassy dito sa Maynila. Inakusahan ng Treasury Depar...

Edad 56 para maging senior citizen, false hope- lawyer

Image
FALSE hope lang ang ibinibigay sa mga mamamayan na umaasang aaprubahan na ibaba ang edad ng senior citizen sa 56 mula sa kasalukuyang 60. Ayon sa abogadong si Romulo Macalintal, hindi pinag-aralang mabuti ang panukalang batas na isinusulong ni Senador Bong Revilla. “Naku masyadong mababa naman yan, palagay ko hindi masyadong pinag-aralan yan o kaya ill-advised ang nagpapanukala niyan dahil binibigyan lamang nila ng false hopes, yung maling pag-asa at maling pananaw ang mga kababayan nating 56 years old na umaasa na sila ay maaaprubahan,” sabi ni Macalintal. Idinagdag ni Macalintal na marami nang panukalang batas para sa mga senior citizen ang inihain na hindi naman nagkatotoo. “Ang dami-dami nang panukala hindi naman natutupad. Ilan lamang dito na tatanggap na ang 80 years old ng cash gift, may panukala pa na bibigyan ng P1 milyon ang mga centenarian,” dagdag ni Macalintal. Aniya, kung ang dahilan ng panukala ay dahil 72 na lamang ang life expectancy ng mga Pinoy, ang dapat na a...

Jovit pumanaw habang comatose

Image
KINUMPIRMA ng pamilya ni Jovit Baldivino na sumakabilang-buhay ang singer alas-4 ng madaling araw ngayong Biyernes. Base sa opisyal na statement na inilabas ng mga magulang ni Jovit na sina Hilario at Cristeta Baldivino at partner na si Camille Ann Miguel, nagkaroon ng aneurysm at limang araw na comatose ang Pilipinas Got Talent champion bago nalagutan ng hininga. “He was recuperating for a week with hypertension maintenance medicines. Then he was invited by a family friend from Batangas City. “Doctor’s advice not to sing while recuperating. Knowing ‘Bundoy’ (Jovit), he gave in to clamor of the crowd. He sang 3 signature songs including Faithfully by Journey. He was gasping for breath on the 3rd song. “After an hour while sitting, his face was deformed with flowing salivas. He was then rushed to the nearest ER at Nazareth of Jesus Hospital last December 3, 2022 around 10pm. “CTscan showed a blood clot in the brain (sign of aneurysm). 100cc of blood was suctioned 2:00 AM of Decem...

120 milyong kilo ng smuggled na baboy, manok iniulat 

Image
UMABOT sa 120 milyong kilo ng baboy at manok ang ilegal na nakapasok sa bansa ngayong taon, ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo. Ito ay matapos madiskubre ang 63 milyong halaga ng smuggled frozen na karne mula sa Hong Kong at China sa Manila International Container Port at 300 karton ng expired ng karne sa Tondo, Manila. “Tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga smuggled, namonitor namin almost 100 million kilo ng baboy ang pumasok illegally, mga 20 million kilos chicken illegal na pumasok, ang laki nito,” sabi ni So sa isang panayam sa radyo. Idinagdag ni So na noong 2021, umabot sa 137 milyong kilo ng baboy at 36 milyong kilo ng manok ang nakapasok sa bansa ng walang legal na dokumento. “Kailangang mag-double time ang Bureau of Customs kasi malaking nawawala sa ating gobyerno, saka yung food safety natin, hindi natin alam kung ito ba ay contaminated ng salmonella, or itong ASF, makaka-spread ulit yan saka yung bird flu kaya may tinamaan na naman ng bird...

Lotilla, Solidum, Uy lusot na sa CA

Image
LUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sina Energy Secretary Raphael Lotilla, Science and Technology Secretary Renato Solidum at Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy. Inaprubahan din ng CA ang pagkakahirang ni dating Foreign Affairs Secretary at ngayon ay Philippine Ambassador to the United Kingdom Teddy Boy Locsin. Lusot na rin sa CA ang 60 iba pang itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos sa foreign service position.

DOH tiniyak na walang hand, foot and mouth disease outbreak

Image
BAGAMAN tumataas ang bilang ng kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD), tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang outbreak na nangyayari. Ito ang nilinaw ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire matapos ang ulat na tumataas ang bilang ng HFMD sa ilang lugar. Giit niya, wala pang naiuulat na namatay dahil dito. “We are seeing an increase in cases kapag tinignan natin for these past weeks ng hand, foot, and mouth disease, pero wala pa tayong trigger o wala pa tayong enough basis for our local governments to declare outbreaks in their areas,” ani Vergeire. “These are all manageable and preventable,” dagdag pa niya. Ayon sa opisyal, aabot sa 155 ang naitalang HFMD sa National Capital Region mula Oktubre hanggang Disyembre 6 at karamihan sa kanila ay edad 11 pababa.

Revilla isinulong na maibaba sa 56 ang edad ng senior citizen

Image
PAYAG ka ba, 56-years-old senior citizen na? Isinulong ni Sen. Ramon “Bong” Revilla ang panukalang batas na naglalayong ibaba sa 56 mula sa kasalukuyang 60 ang edad ng senior citizen. Inihain ni Revilla ang Senate Bill No. 1573 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 7432. “Sa panahon ngayon, lalo na at nagkapandemya, madami ang hindi pinalad umabot sa edad na sisenta. Sabi nga e, aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo. Kaya habang may oras pa e bigyang halaga na natin sila sa pamamagitan ng pagpapaabot ng benepisyo,” sabi ni Revilla. Sakaling maisabatas, maisasama na ang edad 56 hanggang 59 sa mga benepisyong ibinibigay sa mga senior citizen.

LGBT boxing champ, ‘misis’ nabahuan sa taga-UAE: ‘Sayang pabango natin’

Image
VIRAL ang TikTok video ng LGBT couple na sina Lady Denily at Hergie Bacyadan, miyembro ng Philippine women boxing team, ukol sa kanilang “opinyon” sa amoy ng mga taga-United Arab Emirates, na kanilang binisita kamakailan. Sa video na ipinost at agad ding binura ni Lady Denily, mapapanood ang dalawa na naglalakad sa mall sa Dubai. Ganito tumakbo ang kanilang convo: Lady Denily: Sobrang daming tao. Dito ko naaral na hindi huminga. Bacyadan: Yon, yon…pabor, pabor. Para kaming nag-scuba diving lang. Lady Denily: Basta pag may nakakasalubong… Bacyadan: Yung mga ganito tapos maitim ‘yung batok, patay na. Lady Denily: Basta pag may nakasulubong, di ako hihinga ‘no? (inaudible) nung hangin. Bacyadan: Eto lalo na ‘to dikitan mo ‘to. Sana may alcohol naman. Lady Denily: Sayang naman pabango natin, kinapitan. Sa puntong iyon ay bumawi si Lady Denily at sinabi na, “keri naman, mababait naman sila. Siguro sa kanila, ‘yung amoy naman natin ang hindi okay.” Sagot ng boxer: “Oo kasi walan...

GMA ipinagtanggol ang panukalang Maharlika Wealth Fund

Image
NAKAKUHA ng kakampi ang administrasyon sa pagsusulong nito ng panukalang Maharlika Investment Fund matapos itong ipagtanggol ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Sinabi ni Arroyo na hindi na bago ang Sovereign Wealth Fund. “Singapore, for example, has had Temasek Holdings since 1974 and the Government of Singapore Investment Corporation since 1981. There are more than 20 sovereign wealth funds in the Middle East,” sabi ni Arroyo. Idinagdag ni Arroyo na maging si dating Senador Bam Aquino ay naghain ng kahalintulad na panukala noong 2016. “The success of any fund, sovereign or private, lies in the quality of its management. In the current version of the Maharlika Wealth Fund, the President of the Philippines chairs its governing Board. This is a powerful statement that the highest official of the land will hold himself as ultimately accountable to the Filipino people for the performance of the Fund,” dagdag ni Arroyo.

Ex-Batangas Vice Governor Ricky Recto pumanaw

Image
IBINALITA ni dating Senador at ngayon ay Batangas Rep. Ralph Recto na pumanaw na ang kanyang kapatid na si dating Batangas Vice Governor Ricky Recto. “With sadness, we share the news that our brother Ricky has passed away. Words are hard to come by to express the sorrow of losing him, but we take comfort in our fond memories of him to overcome the pain we feel,” sinabi ni Recto.  Nagpasalamat din si Recto sa mga ipinarating na pakikiramay sa kanyang pamilya. “We are touched by your kind words and prayers, but in the meantime, we ask for the time and space to grieve in private,” dagdag ni Recto. Sinabi ni Recto na isinasapinal pa ang burol at libing para sa kapatid. “But we do recognize that Ricky had served as a national athlete and as an elected official, so a simple memorial is being discussed, the details of which may be announced soon,” aniya.

Wag kami

Image
MALIGALIG sa socmed ngayon. May social unrest. Nag-ugat ang ‘kaguluhan” sa inihain na panukalang-batas na House Bill 6398, o Maharlika Wealth Fund o Sovereign Wealth Fund (SWF). Principal authors ng panukala sina Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ni House Deputy Leader Ferdinand Alexander Marcos, anak ng pangulo.  Sa naturang panukala, magiging chairperson ng itatatag na Maharlika Wealth Fund Corporation ang mismong pangulo ng bansa. Manggagaling ang seed money o inisyal na pondo ng proposed investment fund na P275 bilyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS), sa Social Security System (SSS), sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) at Home Development Mutual Fund (HDMF). Magandang adhikain, kuwestiyonableng tunguhin. Hindi na bago sa pandinig ang salitang “maharlika”. Paboritong salita ito ng angkan ng yumaong Ferdinand Marcos dahil ayon sa kuwento ng mga Marcos, pinangunahan ng yuma...

Kuya Kim pinatulan ng volleyball player; Nan-deadma ka rin

Image
PINASARINGAN ng volleyball player na si Ish Polvorosa si Kuya Kim Atienza matapos ang ginawa nitong pagpuna niya sa mga female volleyball players na nang-isnab ng mga fans sa Boracay. Tinawag ni Ish si Kuya Kim na “mema” matapos ang post nito ukol sa mga volleyball players. “Sus. Kaya pala nung magpapapicture nun sayo off-air sa noontime show niyo noon, deadma ka rin. Pinapalaki mo pa eh. LOL at u, not siding with anyone but tbh, ika’y isang #mema,” chika ni Ish. Naunang sinabi ni Kuya Kim na dapat ina-accommodate ng players ang fans dahil public figure na rin sila. Ilang netizens din ang nagsabing dinededma rin ni Kuya Kim ang ilang fans na nagpapapicture sa kanya. “true to..,naranasan nmin,yan nung nag ka fun run ang centrum dati dedma yan, sa mga nag papa pic sa kanya.. lalo n yung mga promodizer lng sa event.. tama ka na kuya kim,” reply ng netizen sa tweet ni Ish. “Sungit kaya nya ayaw magpapic,” ayon pa sa isang tweet. “na “Back to you guys.” ka tuloy deadma ka din nman ...

Bentahan ng tiket para sa fan meet ni Kim Seon-ho bukas na

Image
MABIBILI na ang tiket para sa fan meet sa Maynila ng Korean heartthrob na si Kim Seon-ho, ayon sa PULP Live World. Idinagdag ng PULP Live World na alas-12 ng tanghali ngayong araw, Disyembre 4, 2022 ay mabibili na ang tiket sa SM Tickets outlets nationwide at smtickets.com. Nakatakdang isagawa ang fan meet ni Seon-ho sa Mall of Asia Arena sa Enero 22, 2023. Mabibili ang tiket mula P2,000 hanggang P12,500. Matatandaang sumikat si Seon-ho bilang second male lead sa Korean hit drama na Start-Up. Naging male lead naman si Seon-ho sa romantic comedy (rom-com) Korean drama na Hometown Cha-Cha-Cha.

Salceda bukas sa mas mahabang diskusyon sa Maharlika Investment Fund

Image
TINIYAK ni Albay Rep. Joey Salceda na dadaan sa matinding deliberasyon ng Kamara at Senado ang panukalang Maharlika Investment Fund. Ginawa ni Salceda ang pagtiyak matapos hindi sang-ayunan ni Senador Imee Marcos ang isinusulong na panukalang batas na inisponsoran mismo ng pinsan na si Speaker Martin Romualdez at pamangkin na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. “The bill will still go through deliberations in both Houses and the Senate, I believe, has already constituted a study group on the matter. We can discuss the mix of assets that the fund will invest in, but some allocation for foreign securities is necessary,” sabi ni Salceda. Nauna nang kinontra ni Marcos ang panukala na gamitin ang pondo ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System para sa pagtatayo ng P275 bilyong Maharlika Wealth Fund. “As Chair of the House TWG on the bill, I welcome continued discussion on the matter. I am sure Senator Marcos will also be very active in discussions once th...

Dahil sa ghost employees, Roderick Paulate hinatulan makulong ng 62 taon

Image
HINATULAN na makulong ng hanggang 62 taon ang actor-politician na si Roderick Paulate makaraang mapatunayang nagkasala sa mga kasong graft at siyam na counts ng falsification of documents kaugnay sa ghost employees scam. Ayon sa Sandiganbayan 7th Division, may kaugnayan ang mga kaso laban kay Paulate  sa pagkuha niya ng “ghost employees” noong 2010. Walong taon ang parusa sa graft habang hanggang anim na taong pagkakakulong sa kada count ng falsification of documents kaya kung kukuwentahin ay maaaring makulong ang komedyante ng hanggang 62 taon.

Angping nag-leave bilang PMS chief

Image
NAGHAIN ng leave of absence si Presidential Management Staff (PMS) Secretary Naida Angping na agad namang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos. Ito ang sinabi nitong Biyernes ni Press Secretary Office in Charge Undersecretary Cheloy Garafil. “Presidential Management Staff (PMS) Secretary Naida Angping has asked to take some personal time for herself and her family, and the President agreed,” sabi ni Garafil. Matatandaang napaulat na inaresto ang mister ni Angping na si dating Manila Rep. Harry Angping sa Thailand dahil umano sa sexual harassment. Inireklamo umano ang dating kongresista ng isang staff ng five star hotel kung saan tumutuloy ang delegasyon ni Marcos habang dumadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit mula Nobyembre 15 hanggang 16.

Samar inuga ng magnitude 4.6 na lindol

Image
INUGA ng magnitude 4.6 na lindol ang Samar kaninang alas-4:05 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol, na may lalim na 137 kilometro, limang kilometro hilaga ng Talalora, Samar. Naitala ang Instrumental Intensity  IV sa San Roque, Northern Samar at Intensity I naman sa Quinapondan, Eastern Samar; at Javier, Leyte. Wala namang inaasahang pinsala at aftershock bunsod ng pag-uga.

Richard, Sarah may ‘alone time’ sa London

Image
KAHIT napaka-busy ng kanyang schedule ay naisingit ni Richard Gutierrez ang pagbabakasyon nila ng asawang si Sara Lahbati sa London. Hindi nila kasama ang mga anak sa bakasyong ito, ani Richard, dahil pangako nilang mag-asawa na patuloy sila na magkakaroon ng adventure nang silang dalawa lang. “[F]inally some alone time with you in a beautiful city we’ve never been to before,” ayon sa aktor. “[A]s busy parents, we’ve promised ourselves to always make alone time for each other, either through taking trips, exploring new places or just going on date nights to continuously rediscover each other. [W]e figured out that getting lost together is as important as growing together. keep the flame burning,” dagdag niya.

Badjao haharangin sa pier para di makahingi ng limos sa Maynila

Image
MAGSASAGAWA ng background checks ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pier upang harangin ang mga Badjaos na makabiyahe sa Metro Manila upang mamalimos sa Pasko at Bagong Taon. Ayon kay Commodore Armand Balilio, PCG spokesperson, hinala nila ay mga sindikato ang nasa likod ng pagdagsa ng mga Badjao sa Metro Manila. Mula sa Tawi Tawi, Sulu, Basilan, at Zamboanga City ang mga Badjao. Ani Balilio, makikipag-ugnayan ang PCG sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan sa gagawing background check. “If their journey is unreasonable, then they will not be allowed to board the vessel. (Social Welfare) Secretary Erwin Tulfo told us to be meticulous, as these tribe members are being used to seek alms. We support this initiative to end human trafficking,” ayon sa opisyal. Sa kasalukuyan ay wala pang nahaharang na mga pasahero na patungong Maynila ang PCG, sabi ni Balilio.

Korean girl group na Mamamoo may concert sa PH sa Pebrero

Image
MAGKO-CONCERT sa Pilipinas ang Korean girl group na MAMAMOO sa Pebrero ng susunod na taon. Ito ay bahagi ng 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐎𝐎 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 𝐓𝐎𝐔𝐑 ng grupo na gagawin muna sa Hong Kong sa Enero 7; Taiwan sa Enero 14; Singapore sa Pebrero 9; Kuala Lumpur sa Pebrero 11 at Manila sa Pebrero 12. Isasagawa ang concert alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum sa Quezon City. Inilabas na ng Wilbros Live ang presyo ng tiket kung saan maaari nang makabili ang mga Moomoo simula alas-10 ng umaga sa Linggo, Disyembre 4 sa TicketNet.com.ph at TicketNet outlets. Aabot sa P13,500 kada isa ang pinakamahal na tiket at P3,500 naman ang pinakamurang tiket. Kabilang sa mga miyembro ng MAMAMOO sina Solar, Moonbyul, Wheein at Hwasa.

Employment agencies kung saan galing ang kasambahay na sangkot sa krimen, papanagutin

Image
LUSOT na sa huli at ikatlong pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong papanagutin ang mga employment agency kung saan kinuha ang mga kasambahay na masasangkot sa krimen. Sa botong 246, inaprubahan ng Kamara ang House Bill Number No. 4477 na naglalayong bigyan ng mas malaking responsibilidad ang mga private employment agencies (PEAs) na kumukuha at nagdedeploy ng kasambahay. Inamyendahan ng House Bill (HB) No. 4477 section 36 ang Republic Act (RA) No. 10361, o ang Batas Kasambahay. Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Department of Labor and Employment (DoLE) na tiyakin ang proteksyon ng mga employer at kasambahay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang sistema sa pagbibigay ng lisensiya sa mga kasambahay.  “The bill aims to safeguard the persons of the employers and their family in their abode against those who might use PEAs as vehicles in executing their criminal intention by imposing greater responsibility and accountability from PEAs,” sabi ng panukala.

Koreana kinoronahan bilang Miss Earth 2022

Image
ANG South Korean na si Mina Sue Choi ang kinoronahan bilang Miss Earth 2022 sa ginanap na koronasyon Martes ng gabi sa Okada Manila, Parañaque City. Iniuwi naman ang korona bilang Miss Air 2022 niSheridan Mortlock ng Australia. Nanalo namang Miss Water ang Palestinian na si Nadeen Ayoub at Miss Fire na si Andrea Arroyave ng Colombia. Ang pambato ng Pilipinas na si Jenny Ramp ay nakasama naman sa Top 20. Si Choi ang kauna-unahang Koreana na nagwagi sa patimpalak.

Maghanda sa brownout

Image
INIHAYAG ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ipatutupad ang Yellow Alert at Red Alert sa Luzon Grid matapos na anim na planta ang magpapatupad ng forced outage. Sa isang advisory, sinabi ng NGCP na itataas ang Yellow Alery mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at alas-6 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi. Samantala, mararanasan naman ang Red Alert mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi. “Six power plants are on forced outage, while three others are running on derated capacities, for a total of 2,648MW unavailable to the grid,” sabi ng NGCP. Idinagdag ng NGCP na aabot lamang ang kapasidad ng suplay ng kuryente sa 10,708MW samantalang aabot ang peak demand sa 10,246MW.

Diesel may big-time rollback

Image
MAGPAPATUPAD ng big-time rollback ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng diesel sa Martes. Aabot sa P3.95 kada litro ang ipatutupad na bawas-presyo sa diesel habang bababa rin ang halaga ng gasolina, bagamat ito’y aabot lamang sa P0.85 kada litro. Nasa P2.65 kada litro naman ang bawas na ipatutupad sa presyo ng kerosene o gaas. Ayon sa Department of Energy (DOE) ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng pagbaba ng konsumo sa China dahil sa ipinatutupad na lockdown dahil sa zero Covid policy nito.

P25/kilo bigas muling mabibili sa ‘Kadiwa’ bukas

Image
SINABI ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista na muling mabibili sa ‘Kadiwa ng Pasko’ centers ngayong Martes, Nobyembre 29, 2022 ang P25 kada kilo ng bigas bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan na mabigyan ng pagkakataon makabili nang mura ang publiko. Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni Evangelista na isinasagawa ang ‘Kadiwa ng Pasko’ tuwing araw ng sweldo matapos unang inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos sa Mandaluyong City noong Nobyembre 16, 2022. “Inumpishan natin ang Kadiwa ng noong November 16, simultaneous po ito sa iba’t ibang lugar. Nadagdagan na tayo ng mga venue meron tayo ng November 29 at meron mga dates na inaayos natin ngayon siya ay magiging payday Kadiwa kung saan diskwento caravan din po ito, kasama natin ang iba’t ibang ahensiya,” sabi ni Evangelista. Idinagdag ni Evangelista na mabibili rin sa ‘Kadiwa ng Pasko’ centers ang mga produkto ng mga maliliit na negosyante. “Inaayos natin kung saan ang venue para sa Kadiwa ng ...

Cristy Fermin kinumpirma panganganak ni AJ Raval

Image
KINUMPIRMA ng veteran show biz columnist at host na si Cristy Fermin na nanganak na nga ang sexy actress at vlogger na si AJ Raval. “Ang pagdadalang-tao po ay hindi maaaring itago nang matagal na panahon. Ang binhi po ay siyam na buwan lamang pong dinadala ng ina, pagkatapos po nun ay lalabas na ang sanggol. Ito po yung pagkakataon na mahihirapan pong itago,” sey niya. “Ito po ay kumpirmadong balita. Kung paano po dadalhin ng pamilya ni AJ Raval at ni AJ mismo at ni Aljur Abrenica ay hindi po natin alam kung ano na naman po ang kanilang sasabihin. Basta ang masasabi po namin, mag-deny man po nang libong beses ang kahit sino, darating at darating po ang pagharap natin sa katotohanan,” dagdag pa niya. Ibinahagi rin ni Cristy na sa isang pelikulang pinagbibidahan ni AJ ay malalayo ang shots para hindi mahalatang buntis ito. “Yung ipinapalabas na pelikulang pinagbidahan niya sa Vivamax? Kwinento sa akin ng mga kaibigan ko, maging ang aking mga anak, ikinuwento na malalayo ang mga sho...

Operasyon ng LRT-1 suspendido sa Dis 3-4

Image
SUSPENDIDO ang operasyon ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) sa Disyembre 3 hanggang Disyembre 4 bilang preparasyon para sa pagbubukas ng Roosevelt Station, ayon sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC). “Magkakaroon ng temporary suspension of operations ang darating na December 3 at 4, 2022 (Sabado at Linggo) sa buong linya upang magbigay daan sa isasagawang readiness tests, trial runs, at exercises na kailangan para sa muling pagbubukas ng LRT-1 Roosevelt Station,” sabi ng LRMC. Idinagdag ng LRMC na kasama sa preparasyon ang pagtiyak na magiging ligtas at matagumpay ang reintegration ng Roosevelt Station gamit ang bagong Alstom signalling system ng LRT-1. “We advise our passengers to plan their trips ahead and to stay tuned for the next advisory regarding the confirmed date of Roosevelt Station reopening,” ayon pa sa LRMC.

What a Feeling’ singer na si Irene Cara pumanaw

Image
PUMANAW na ang American singer-composer at aktres na si Irene Cara na nakilala sa kanyang titel track film na Fame noong 1980; at co-writer at singer sa smash hit na Flashdance…What a Feeling na nagbigay sa kanya ng panalo sa Oscar at Grammy. Siya ay 63. Ayon sa kanyang publicist, namatay ang singer-actress sa kanyang bahay sa Florida. Bagamat hindi tinukoy ang dahilan nito. Ipinanangak sa Bronx, New York noong 1959. Ang kanyang ama ay Puerto Rican habang ang ina ay Cuban-American.

Ipapasang budget, repleksyon ng 8-point agenda ni Marcos

Image
SINABI ni House committee on appropriations chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na titiyakin ng contingent ng Kamara sa bicameral committee conference na tumatalakay sa P5.268 trilyong national budget na magiging repleksyon ng eight-point socio-economic agenda ni Pangulong Bongbong Marcos ang ipapasang General Appropriations Act. “Both Congress and the Senate adopted the Medium-term Fiscal Framework prior to the budget deliberations. Ito ang magiging guide post namin sa pag-finalize ng budget,” sabi ni Co. Nagsimulang talakayin ng bicameral conference committee Manila Golf Club sa Makati City ngayong Biyernes ang panukalang 2023 national budget para ayusin ang hindi magkaparehong bersyon na ipinasa ng Kamara at Senado. “In the end, the final version will be one that best supports the President’s 8-point socio-economic agenda. We envision the final version as a budget that creates jobs, keeps the macroeconomy stable, and helps keep inflation within a manageable range,” d...

Belle Mariano umamin: Ayaw papasukin sa showbiz ng magulang

Image
INAMIN ng aktres na si Belle Mariano na noon una ay ayaw siyang papasukin ng mga magulang sa mundo ng showbiz. “From the very beginning, my parents were kind of telling me na, ‘Don’t enter show biz,’” chika niya sa vlog ni Karen Davila. “They were really against me entering show biz, pero ako talaga ‘yung every night, pinipilit ko to the point na minamasahe ko po yung both parents ko para payagan nila akong mag-commercials,” dagdag pa niya. Halos 100 audition ang sinubukan niya bago niya makuha ang unang project. “I attended so many VTRs, as in almost 100, to the point na parang nawawalan na ko ng hope,” kwento ng aktres. “I think it’s because… wala pa akong experience when it comes to commercials.” Hindi naman sumuko si Belle na pasukin ang mundo ng showbiz. “I think the process, lahat ng failures na pinagdaanan ko, lahat ng rejections na pinagdaanan ko, it’s what made me who I am now. It’s what made me do what I do now. It made me love my work more,” sey niya. Ibinahagi pa n...

Kris patuloy na nilalabanan ang sakit para sa mga anak

Image
ANG mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby ang dahilan kung bakit patuloy lumalaban para sa kanyang kalusugan ang aktres na si Kris Aquino. Nasa US pa rin si Kris para magpagaling. Ibinahagi ni Kris na immunocompromised siya mula pa noong June at hindi pa muli ito nakabisita sa mall man o restaurant. “I posted a picture of kuya & bimb- they are my REASONS kung bakit TULOY ANG LABAN, BAWAL SUMUKO: tinitiis yung matinding sakit (sagad sa buto) while allergic to all pain relievers; the constant fatigue, awful sense of balance, nonstop dry cough & shortness of breath; yung sobrang pag-iingat (I’m so immunocompromised- since June I’ve NEVER been to a restaurant, NEVER entered a store, supermarket, or a mall),” sey ni Kris. Panalangin niya na gumaling siya para sa mga anak. “I pray for the blessing to be healthy enough to still be their mama-the one who would cook, travels for fun, goes to Church, and watches movies w/ them. All in God’s perfect time,” dagdag pa niya. ...

Babae, batang babae di ligtas sa sariling tahanan — UN

Image
ALAM ba ninyo na mas maraming kababaihan at mga batang babae ang mas mataas ang risk na mapatay sa mismong loob ng kanilang tahanan? Ayon sa report ng United Nations na inilabas bago pa ang paggunita ng International Day for the Elimination of Violence Against Women, mahigit limang babae o batang babae ang napapatay kada oras ng isa sa mga kasama nila sa pamilya noong 2021. Sinasabi rin sa report na 56 porsyento ng 81,000 na nasawi ay biktima ng kanilang mga “intimate partners” o kapamilya, kaya itinuturing na mismong tahanan ay hindi na rin ligtas para sa mga kababaihan. Ayon sa Executive Director ng UN Office on Drugs and Crimes na si Ghada Waly, hindi dapat matakot ang mga babae para sa kanilang buhay dahil sa kanilang kasarian. “To stop all forms of gender-related killings of women and girls, we need to count every victim, everywhere, and improve understanding of the risks and drivers of femicide so we can design better and more effective prevention and criminal justice respo...

Ban ng imported chicken mula Japan, Hungary at California ipinatupad ng DA

Image
NAGPATUPAD ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) ng importasyon ng manok mula sa Japan, Hungary at California sa harap ng banta ng bird flu mula sa mga naturang lugar. Sa ipinalabas na memorandum order ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, bukod sa manok, bawal din ang pagpasok ng domestic at wild birds, poultry meat, day old chicks, itlog at semen mula sa mga naturang bansa matapos ang outbreak ng HBN1 high pathogenicity avian influenza o bird flu. Ipinag-utos ni Panganiban ang suspensyon ng pagpoproseso ng aplikasyon para sa sanitary at phytosanitary (SPS) import clearance sa apektadong mga bansa.