Posts

Showing posts from April, 2023

1M deboto ng Itim na Nazareno inaasahang dadagsa sa Luneta

Image
INAASAHAN na dadagsain ng may isang milyong deboto ang Quirino Grandstand sa Maynila para sa selebrasyon ng Itim na Nazareno ngayong weekend. “In previous years (pre-pandemic), we reached millions in total, and all Masses were filled. In the grandstand, probably, the usual number of devotees pre-pandemic. We expect the grandstand to have whatever devotees can occupy and together with the line for the tribute, it will really reach a million,” ayon kay Fr. Earl Valden ng Quiapo church. Ilalagak ang imahe ng Nazareno sa Quirino Grandstand ng tatlong araw mula Enero 7 hanggang 9. Sisimulan ang pista sa “pagpupugay” kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga deboto para makita at mahawakan ang imahe mula Enero 7 hanggang 9, kapalit ng tradisyunal na “pahalik”. Sa Enero 8, isang misa naman ang isasagawa sa hatinggabi na gagawin ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector Minor Basilica of the Black Nazarene, na siya namang susundan ng prusisyon na “Walk of Faith”. Gagawin ang prosesyon mula sa Gr...

Nadine naungusan si Vice sa box office; Lolit natuwa

Image
ISA ang veteran show biz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa mga natuwa sa pangunguna sa takilya ng “Deleter” ni Nadine Lustre. Aniya, nagulat siya na pumangalawa lang ang pelikula ni Vice Ganda sa listahan ng mga kumita sa Metro Manila Film Festival gayong ang huli ang madalas nagkakampeon sa box office. “Katawa ang labanan na Nadine Lustre at Vice Ganda Iyon bang hindi mo akalain biglang humirit ang Deleter ni Nadine at talunin ang movie ni Vice Ganda,” sabi ni Lolit sa Instagram post. Nagpahiwatig din siya na natalo si Vice ng isang tunay na babae. “Para bang heto O, babae ako, tunay na babae, kaya talo ka. Hah hah, joke lang,” sey ni Lolit. Kaugnay nito, sinabi ni Lolit na masaya siya at ganap nang “star” si Nadine. “Gusto ko iyon pagsikat ulit ni Nadine. Ngayon dagdag na si Nadine sa makinang na star at puwede nang ilaban sa mga sinasabing star. Dahil siya talaga ang star ng festival. Mahirap pantayan ang naging resulta ng Deleter niya,” dagdag niya. “Pero ka...

Paolo Contis binati ang anak, inokray ng netizens

Image
BINATI ng aktor na si Paolo Contis ang anak niya kay LJ Reyes na si Summer sa ikaapat na kaarawan nito ngayong araw. Sa Instagram, nag-post si Paolo ng litrato nila ng anak na si Summer at nilakipan ng caption na “Happy Birthday my Ganda! I miss you everyday!” Pero imbes na matuwa, tila naaburido ang netizens kay Paolo. “Happy birthday as a friend.” “Sinungaling everyday daw.” “I miss you everyday as a friend” “Sayo na yang everyday mo.. kainin mo lamunin mo walang may paki.” “Kapal ng mukha mo maka miss ng anak. e lahat ng anak mo ganyan gnwa mo. iniwan mo. Nasa US si Summer kasama si LJ at kapatid na si Aki, anak ni Paulo Avelino. Doon na nagdesisyong manirahan si LJ kasama ang dalawang bata makaraan ang hiwalayan nila ni Paolo.

Azurin nagsumite ng courtesy resignation

Image
NAHAIN ng kanyang courtesy resignation si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Huwebes, bilang pagtalima sa panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos na magbitiw ang mga matataas na opisyal bilang bahagi ng kampanya para linisin ang hanay ng kapulisan. “I heed the call of the Honorable Secretary of the Interior and Local Government and the concurrent chairman of NAPOLCOM (National Police Commission). Thus, I am submitting my resignation from the police service voluntarily,” pahayag ni Azurin sa kanyang liham kay Pangulong Bongbong Marcos. Sa nasabing sulat, sinabi rin ni Azurin na handa siyang sumailalim sa evaluation ng isang komite upang mabatid kung sabit siya sa illegal drugs trade. Ang liham din anya ay isang pabatid na rin sa pangulo ng kanyang aplikasyon para sa retirement.

Marcos sinabing kontrobersiyal na importasyon ng 300,000 MT asukal ‘procedural mistake’

Image
SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na isang procedural mistake ang kontrobersiyal na pagpapatigil sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal. “It was basically a mistake, a procedural mistake that happened,” sabi ni Marcos. Ito’y matapos ibasura ang mga kaso laban kina dating Agriculture Senior Undersecretary Leocadio Sebastian, dating Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica at dating SRA Board Members Roland Beltran at Aurelio Gerardo Valderrama Jr. Idinagdag ni Marcos na pakikinggan muna niya ang magiging paliwanag ni Sebastian bago magdesisyon kung ibabalik pa ito sa DA. Si Sebastian ay isang career official. “Whatever plans we have for Usec. Sebastian, I think we should hear them first, not over the news. So pag-uusapan namin. Because we are mindful of the decision,” aniya.

Office ng Press Secretary binago, ginawang Pres’l Communications Office

Image
IPINALABAS ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order Number 11 na nagbabago sa istraktura ng Office of the President (OP) bilang bahagi ng streamlining ng pamahalaan. Sa ilalim ng EO Number 11, tatawagin na lamang na Presidential Communications Office (PCO) ang Office of the Press Secretary. Bukod sa PCO, kabilang sa limang pangunahing opisina sa ilalim ng OP, na direktang pangangasiwaan ng Pangulo ang Executive Office, Office of the Chief Presidential Legal Counsel (OCPLC), Private Office, at Office of the Special Assistant to the President (OSAP). Pangangasiwaan ng Executive Office ang Presidential Management Staff (PMS).

Klase, pasok sa Maynila suspendido sa Enero 9

Image
SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas at pasok sa tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Enero 9, 2023 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Itim Na Nazareno. Ipinalabas ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang Executive Order Number 1 kaugnay ng suspensyon ng klase at trabaho sa cityhall ng Maynila. Ipinauubaya naman ni Lacuna-Pangan sa pribadong tanggapan sa Maynila kung isususpinde ang pasok. Nauna nang ipinag-utos ni Lacuna-Pangan ang liquor ban sa lungsod mula Enero 7 hanggang 9.

1 sugatan, 50 bahay wasak sa buhawi

Image
ISA ang nasugatan at humigit-kumulang 50 bahay ang nawasak sa pananalasa ng buhawi sa Iloilo City at Oton sa Iloilo nitong Martes. Ayon sa ulat, 39 bahay sa mga barangay ng Santo Domingo at Santa Cruz sa Iloilo City ang pinadapa ng buhawi. Isang hindi nakilalang residente ng Santa Cruz ang nasugatan nang mabagsakan ng puno ang kanyang bahay. Sa Sto. Domingo, anim ang totally damaged at 15 ang partially damaged habang sa Santa Cruz ay anim ang totally damaged at 12 ang partially damaged. Samantala sa Oton, nasa 15 bahay sa Brgy. Alegre ang nasira at ilang puno ang bumagsak dahil ng buhawi. Inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng mga pinsala.

PUBs sinabihan na kumuha ng fare matrix para sa operasyon sa Edsa bus carousel

Image
PINAYUHAN ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga public utility buses (PUBs) na kumuha ng fare matrix na magiging basehan ng kanilang singil ngayong tapos na ang libreng sakay. “Ang Fare Matrix/Guide ay nagbibigay awtoridad sa mga PUV drivers na sumingil ng pasahe base sa fare rate na nakasaad sa naturang Fare Matrix/Guide,” sabi ng LTFRB. Idinagdag ng LTFRB na aabot sa 550 ang nabigyan ng permit para bumiyahe sa EDSA bus carousel. “Mapapalitan din ang ibang Point-to-Point Bus ng dalawang consortia sa EDSA Busway ng PUB units na pasok sa specifications ng iba pang PUB units sa naturang ruta. Ang mga ipapalit na PUB ay kailangang mag-apply ng special permit bago makapasada sa EDSA Busway,” dagdag ng LTFRB.

Robredo balik-Pinas matapos ang trabaho sa US

Image
IBINAHAGI ni dating Vice President Leni Robredo na nakatakda na siyang bumalik sa bansa matapos ang ilang buwang pamamalagi sa Amerika. “Last stretch of my US trip. In two days, I will be back home in Manila. Drove from New York to Boston this afternoon. Unlike our Boston-New York-Pennsylvania trip last Dec 22, there was not a lot of traffic today. It took us a little less than four hours to drive the 332 kilometer distance (with one stopover),” sabi ni Robredo sa kanyang Facebook post. Ikinumpirma rin ni Robredo ang biyahe mula Naga hanggang Maynila kung saan inaabot ito ng walong oras. “Naga is 409 kilometers from Manila. It takes about eight hours by private car (more by bus). Hindi masamang mangarap na umiksi na din travel time. Hindi lang makakauwi ng mas madalas pero maraming negosyo ang mabubuhay,” aniya. Ayon pa kay Robredo, magkakahiwalay sila ngayon ng mga anak kung saan nasa Chile si Tricia para sa kanyang pag-aaral. “Iniwan namin si Aika sa New York pero flying out t...

Marcos-Xi bilateral meeting nakatakda ngayong araw

Image
NAKATAKDANG magsagawa ng bilateral meeting sina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jingping ngayong Miyerkules, Enero 4, 2023. Dumating si Marcos sa Beijing Martes ng gabi. Inaasahang kabilang sa matatalakay sa kanilang bilateral meeting ang isyu ng West Philippine Sea. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaasahang 100 kasunduan ang pipirmahan sa pagitan ng Pilipinas at China. Kabilang sa kasama sa opisyal na delegasyon ni Marcos ay si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Nagpapatupad naman ng mahigpit na health protocol ang China sa mga kasama sa delegasyon, kabilang na ang RT-PCR test. Mananatili lamang sa hotel ang mga miyembro ng media at dadalhan lamang ng pagkain sa kanilang mga kuwarto. (30)

Kapos ang sahod

Image
HAPPY New Year!’ ‘Yan ang parati nating greeting sa pagpasok ng bagong taon. Patuloy na umaasa na magiging happy tayo sa buong taon. Depende na lang siguro kung ano ang ibig sabihin natin ng happy o ano’ng bagay, sitwasyon o kanino tayo nagiging masaya. Pwedeng masaya dahil buo at magkakasama ang pamilya. O kahit hirap sa buhay, happy tayo dahil kapanalig ang Diyos sa lahat ng pagsubok. O kaya naman ay sagana tayo sa buhay kaya happy. Wish natin, marami ang maging prosperous ngayong 2023 kahit pa taon-taon na lang sa nagdaang administrasyon mula kay Tita Cory hanggang kay Digong, sinasabi ng mga ekonomista na umaangat ang Gross National Product o GNP ng Pilipinas. Hindi pa nga lang daw ito agad mararamdaman ng maraming Pinoy. Ganyan parati ang linyahan ng bawat administrasyon. Pero kung pagbabasehan ang World Bank report na inilabas noong November 24, 2022, pang-15 ang Pilipinas sa 63 bansa pagdating sa income inequality. Sa WB report, 17 porsyento ng kabuuang national inco...

Michael V. sinopla bashers ng ‘Voltes V Legacy’

Image
BINUTATA ni Kapuso comedian Michael V. ang mga netizens na bina-bash ang trailer ng “Voltes V Legacy” ng kanyang home network. Sa Facebook, sumulat ng mahabang hanash si Bitoy ukol sa ipinalabas na trailer ng nasabing series. “Just finished watching the #VoltesVLegacy Mega Trailer… kinilabutan ako sa ganda! This is my childhood coming to reality!” sabi niya. Dagdag niya na masaya siya sa mga positive comments ukol sa trailer. “Pero s’yempre hindi mawawala ‘yung mga nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng bashers. Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan. Marami pa rin ang mga nagpapanggap at hindi matanggap na kaya nang gawin ‘to ng network with the right tools, right people and a ton of passion,” dagdag niya. May hirit pa si Bitoy sa mga bashers: “Wala kahit isa sa inyo ang p’wedeng magnakaw ng saya na naramdaman ko nu’ng napanood ko ‘to. Happy 2023!’

Edsa Bus Carousel may bayad na

Image
SIMULA kahapon, Enero 1, ay may bayad na ang pagsakay sa Edsa Bus Carousel makaraang matapos ang ipinaiiral na programang “Libreng Sakay” ng pamahalaan. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kailangan nang magbayad ng ₱75.50 ang mga sasakay ng bus ng EDSA carousel mula Monumento sa Caloocan hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Noong Lunes, dagdag ng LTFRB, ay nagsimula nang mago-operate ang EDSA bus rapid transit service sa ilalim ng “Fare Box Scheme” alinsunod sa fare matrix ng ahensya. Matatandaan na hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa Department of Budget and Management (DBM) na maglaan ng ₱12 bilyon budget para sa pagpapatuloy ng programa sa 2023. Ibinasura naman ng DBM ang hiling ng DOTr dahil hindi ito “regular item” at ipinatupad lamang upang tulungan ang transportation sector sa gitna ng pandemya.

Pope Emeritus Benedict XVI pumanaw sa edad na 95

Image
PUMANAW na si Pope Emeritus Benedict XVI ngayong bisperas ng Bagong Taon, ayon sa Vatican. Siya ay 95 anyos. Nasawi si Pope Benedict sa kanyang tirahan sa Mater Ecclesiae Monastery alas-9.34 ng umaga (oras sa Roma), ayon pa sa Vatican. Ilalabas ang kanyang mga labi sa Saint Peter’s Basilica sa Lunes, Enero 2 para makapagluksa ang mga mananampalataya. Matatandaan na nitong Miyerkules ay nakiusap si Pope Francis sa mga Katoliko na ipagdasal ang kalusugan ng kanyang sinundang Papa dahil sa lumalalang kondisyon ng kalusugan nito. Noong 2013 nang magbitiw ang German na si Pope Benedict XVI dahil sa hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan. Siya ang kauna-unahang papa ang nagbitiw sa kanyang pwesto sa loob ng 600 taon.

Marcos nakiramay sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI

Image
NAGPAHATID ng pakikiramay si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI. “We are in deep sorrow upon learning of the passing of Pope Emeritus Benedict XVI (today). The Philippines is one in offering our prayers for the eternal repose of his soul. We keep his loved ones in our prayers,” sabi ni Marcos. Pumanaw si Benedict sa Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican nitong Sabado sa edad 95. Matatandaang nanawagan pa si Pope Francis ng dasal para kay Benedict. Nagbitiw si Benedict bilang papa noong 2013 kung saan pumalit sa kanya si Pope Francis.

Flights sa NAIA delayed dahil sa technical issue

Image
KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang delay ng mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa technical issue. Sa isang pahayag, sinabi ng CAAP nararanasan ang technical issue sa Air Traffic Management Center (ATMC) dahilan para mabalam ang domestic at international flights sa bansa. “The safety of passengers is the priority of the agency and it is better to secure the aircrafts on the ground to avoid any airborne accident. We will keep you posted for the next advisor Asap,” sabi ng CAAP. Nagpaumanhin na rin ang CAAP sa nangyayaring aberya. Sa magkahiwalay na pahayag ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific, inabisuhan ng mga ito ang mga pasahero sa delay ng kanilang mga flights. “All flights have been temporarily put on hold, CEB is coordinating with the necessary authorities on when the situation will normalize,” sabi ng Cebu Pacific.

New year, new me

Image
EVERY January, we make new year’s resolutions. We resolve to lose weight, exercise, eat healthy, quit smoking, spend less, get organized, and so on. Unfortunately, most of these plans don’t stick. Only eight to 10 percent achieve their goals each year, according to John C. Norcross, professor and chair of Psychology at the University of Scranton. His research on the science behind new year’s resolutions spans from 1978 to 2020. The most popular resolutions concern physical health, weight loss, eating habits, personal growth, mental health, sleep, work, studies, and smoking. So why do resolutions fail? Psychotherapist Jonathan Alpert cites the reasons in his book “Be Fearless: Change Your Life in 28 Days”. Your resolution wasn’t specific enough. Having a timeline that will let you know you’re on track to achieving your goal is helpful. For example, don’t just resolve to reduce weight. Instead, aim to lose 10 pounds in two months. You didn’t frame your resolution positively. Whe...

‘Colonel’ nagnakaw ng alak, timbog

Image
SA loob ng selda sasalubungin ng isang lalaki ang Bagong Taon makaraan itong magpanggap na police colonel nang masakote sa pagnanakaw umano ng dalawang bote ng alak sa grocery store sa Solano, Nueva Ecija. Hindi kinilala ng pulisya ang suspek, 54, residente ng Brgy. Roxas, na nahaharap sa mga kasong usurpation of authority at theft. Ayon sa ulat, pumasok ang suspek sa Supermart na nakasuot ng ID ng Philippine National Police Special Action Force at face mask na may logo ng PNP-SAF. Sinabi ng mga empleyado ng grocery store na uminom ng dalawang bottled drinks ang lalaki bago isinilid sa bag ang dalawang bote ng Alfonso I Platinum Solera. Hindi naman nagpasindak ang mga sekyu at hinarang sa pinto ang suspek nang tinangka nitong lumabas nang hindi binabayaran ang alak. Sa presinto, itinanggi ng suspek na isa siyang pulis bagaman nakalagay sa suot niyang ID na may ranggo siyang colonel.

Solon tutol sa pagsasapribado ng EDSA bus carousel

Image
TINUTULAN ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang plano ng Department of Transportation DoTr) na isapribado ang operasyon ng EDSA bus carousel sa pagsasabing magdudulot ito ng dagdag na pasakit sa mga mananakay sa harap ng inaasahang pagtaas ng presyo ng pamasahe. “Papasok pa lang ang taong 2023 ay pahirap na naman ang sasalubong sa ating mga kababayan. Sana ay gobyerno na lang ang magpatakbo ng EDSA bus carousel panatiling libre ito at bayaran din ng nasa tamang oras ang mga bus drivers at konduktor na nagsisilbi dito,” sabi ni Castro. Ito’y matapos namang sabihin ni Transportation Secretary Jaime Bautista na target ng DoTr na maisapribado ang operasyon ng bus carousel sa ikatlong bahagi ng 2023. “What commuters need now is some relief due to the runaway high inflation. An extension at least of the free rides would be most welcome and not this planned privatization,” dagdag ni Castro.

New Year’s pasabog: Presyo ng langis tataas simula Martes

Image
TATAAS muli ang presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Enero 3, 2023. Batay sa ulat, tataaas mula P2.50 hanggang P2.80 kada litro ang presyo ng gasolina samantalang aabot naman sa P2.10 hanggang P2.40 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel. Samantala, aabot naman sa P2.80 hanggang P3.00 ang itataas sa presyo ng kerosene. Inaasahan naman bababa ang presyo ng liquified petroleum product (LPG) mula P3 hanggang P3.50 kada kilo. Aabot ng 11 kilo ang isang tangke ng LPG.

Serbisyo ng opisyal at empleyado sa executive branch pinalawig

Image
INILABAS ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular Number 12 na nagbibigay otorisasyon para mapalawig ang serbisyo ng mga itinalagang opisyal at empleyado noong nakaraang administrasyon. “In the exigency of the service, and to ensure continuity in government operations, while promoting competence, merit and fitness in the selection and appointment of government officers and personnel of departments, agencies, bureaus, and offices in the Executive Branch, officers-in-charge (OICs) and CES (Career Executive Service) eligibles occupying CES positions are ordered to continue to perform their duties and discharge their functions,” sabi ng Memorandum Circular No. 12. Sa kanyang kautusan, sinabi ni Bersamin na maaaring manatili ang mga opisyal at empleyado ng iba’t ibang departamento hanggang makapagtalaga ng kanilang kapalit. “All government officials and employees covered herein shall abide by the high standard of ethics in public service and discharge their duties ...

OFWs pinarangalan ni Bongbong

Image
PINARANGALAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa isinagawang gift-giving sa Palasyo ngayong Biyernes. Sa kanyang mensahe, nangako si Marcos na isusulong ang kapakanan at interes hindi lamang ng mga OFWs, kundi ang kanilang pamilyang naiwan sa Pilipinas. “Malapit po sa akin ang mga OFW at ang kanilang mga pamilya. Kaya naman sa ating administrasyon, lalo nating pinagtitibay ang Department of Migrant Workers upang mas mabilis ang serbisyo at pagkalinga para sa ating mga bagong bayani,” sabi ni Marcos. “Ngayon, higit kailanman ay napakahalaga ng papel na ginagampanan ninyo na maiahon ang ating ekonomiya at maiangat ang antas ng pamumuhay ng inyong pamilya at kapwa Pilipino,” the President added. Itinaon ang gift-giving sa unang anibersaryo ng kakapirma ng Republic Act No. 11641, ang batas na nagtatatag sa Department of Migrant Workers (DMW) na pinamumunuan ni Secretary Susan Ople. “Sa nakaraang taon ay nakita natin na buong sigasig na nagtatraba...

Marcos tuloy sa China sa kabila ng banta ng COVID-19

Image
SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy ang state visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa China mula Enero 3 hanggang 5, 2023 sa kabila nang patuloy na pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa naturang bansa. Sinabi ni DFA Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Nathaniel Imperial ang pagbisita ni Marcos ay batay na rin sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping. “Ang ating ugnayang panlabas sa China ay napakaimportante and we have received assurances from our Chinese host that all arrangements are being made to ensure the safety of the President and the delegation during the visit,” sabi ni Imperial. Idinagdag ni Imperial na napagkasunduan ang “bubble arrangement” para maiwasan na mahawa si Marcos sa COVID-1o. Kasama ni Marcos sa kanyang delegasyon sina First Lady Liza Araneta-Marcos, dating pangulo at Pampanga Rep. President Gloria Macapagal-Arroyo, House Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secret...

Tiket sa MMFF movie ipinamimigay, may kasama pang softdrinks, popcorn

Image
ISINIWALAT ng vlogger-talent manager na si Ogie Diaz na may isang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ang ipinamimigay na lang ang ticket sa isang mall sa Quezon City. “Merong isang film fest entry, ipinamimigay lang ‘yung ticket sa mga gustong manood ng sine noong bandang alas-6 ng gabi noong Sunday sa Trinoma,” ani Ogie sa kanyang online talk show. “Ayon sa chikahan sa group chat, 9 pm pa ang screening ng tickets na ipinamumudmod so they have to wait pa for more than two hours para sa screening,” dagdag niya. May kasama pa umano na pa-softdrinks at pa-popcorn ang ticket. “May letter M as in Mama sa title ng movie,” sey pa ni Ogie bilang clue sa pinatutungkulang pelikula.

Julius Babao nakiramay sa pagpanaw ng partner ni Andrew Schimmer

Image
ang brodkaster-vlogger na si Julius Babao sa mga nakiramay sa pagpanaw ng partner ni Andrew Schimmer na si Jhoromy Rovero. Sa Facebook, ibinahagi ni Julius ang mensahe para sa aktor. “Kami po ay nakikiramay kay Andrew Schimmer at sa kanyang mga anak at sa pamilya Rovero sa pagpanaw ni Jorhomy. “Grabe ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Andrew para masigurong mabubuhay ang kanyang asawa subalit ipinagkait pa din ito sa kanya kung kailan papalapit na ang Pasko.” “Ang alam ko lang si Andrew ay isang mabuting halimbawa ng asawa, isang matapang na nilalang na hindi susuko sa ano mang pagsubok sa buhay,” pahayag ng brodkaster. Idinagdag ni Julius na bago sumakabilang-buhay si Jorhomy ay napakiusapan siya ni Andrew na maging ninong sa kasal nila ni Jorhomy. “Ako ay nalulungkot dahil hindi na ito nangyari. Gayunman, tinatanggap pa din naming maging ninong ng kanilang abot langit na pag-iibigan hindi man ito nauwi sa simbahan,” aniya. “Ang mahalaga sa mata ng Diyos at ng tao, wagas ang p...

Edu Punay itinalaga bilang OIC ng DSWD

Image
ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si Social Welfare and Social Welfare Undersecretary Edu Punay bilang Officer-in-Charge (OIC) matapos ma-bypass si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sa ikalawang pagkakataon. Pinirmahan ni Marcos ang appointment paper ni Punay noong Disyembre 23, 2022. “Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby designated officer-in-charge, Department of Social Welfare and Development,” sabi ni Marcos. Matatandaang nabigong makalusot si Tulfo sa CA sa harap naman ng final conviction na hatol laban sa kanya ng Korte Suprema kaugnay ng kasong libel laban sa kanya. Isyu rin ang pagiging American citizen ni Tulfo.

Vico ipinagbawal operasyon ng online gambling sa Pasig City

Image
PINIRMAHAN ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Ordinance Number 55, series of 2022 na nagbabawal sa operasyon ng online gambling sa lungsod. Sa ilalim ng ordinansa, meron na lamang hanggang 2023 para tapusin ng mga kasalukuyang establisimyento ang kanilang operasyon, samantalang hindi na bibigyan ng permit ang mga bagong nag-aaplay, kabilang ang mga POGO. “I take it as a personal insult when there are alleged offers of bribes every permit renewal season, Kung lehitimo ba’t kailangang ng lagay-lagay,” sabi ni Sotto.  Idinagdag ni Sotto na nakita na ang masamang epekto ng sugal, kabilang na ang pagsasangla ng isang nanay ng kanyang anak dahil sa pagkakautang sa online sabong.

Smuggled na sibuyas inihahalo sa ukay-ukay

Image
SINABI ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So na may bago nang modus ang mga smuggler kung saan inihahalo na ang mga smuggled na sibuyas sa ukay-ukay. Sa isang panayam sa radyo, idinagdag ni So na nadiskubre ang mga smuggled na sibuyas sa loob ng isang container van na ang laman ay mga ukay-ukay na damit sa Port of Manila. “Dati nilalagay lang nila sa cold container, ngayon pati yung dry container… Two days ago may nahuli sa Port of Manila, kasama sa ukay-ukay,” sabi ni So. Idinagdag ni So na huli na para mag-angkat pa ng sibuyas dahil sa nagsimula na ang anihan ng mga lokal na magsisibuyas. “Kung magpapasok, hindi na kaya kasi it will take 15 to 20 days bago dumating aabot yung stocks sa anihan,” sabi ni So. Base sa monitoring, umabot na sa P600 ang kilo ng sibuyas sa mga pamilihan dahil sa limitadong suplay.

Kakulangan at kalabisan

Image
UMAAPAW ng pagkain ang 36” by 40” inches at 60 metro haba na mesa. Mayroong lechon, barbecue, adobo fried chicken, caldereta, relleno, cordon bleu, lumpia, pansit, samu’t saring cake at mga prutas. Hindi rin halos makahinga ang refrigerator sa dami ng salad, burnt cheesecake at iba pa. Pasko naman kasi. Minsan isang taong selebrasyon sa kapanganakan ng manunubos. Ang eksenang ‘yan- regular o pamilyar sa maraming tahanan ngayong Pasko. Sa 113,186,006 kasalukuyang populasyon ng Pinas, kahit 30 porsiyento lang ng kabuuang populasyon ang maghanda ng ganyang karami, tiyak ang masamang epekto nito sa kalusugan at kalikasan. Kaya iba pa rin ang simple, organically-sourced at low key celebration. Sapat lang at hindi labis upang maiwasan ang pagtatapon sa mga leftover food pagkatapos. Praktikal pa at mabuti sa sanlibutan. Mabuti sa kalusugan, sa kalikasan, sa klima, at sa ekonomiya. Consider this: Sa buong mundo, halos 800 milyong katao ang natutulog sa gabi na walang laman ang sikumur...

Smuggling dahilan ng mataas na presyo ng sibuyas

Image
SINABI ng grupo ng mga magsasaka na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Executive Director Jayson Cainglet na inihahalo ang mga smuggled na sibuyas sa merkado sa harap nang patuloy na pagtaas ng presyo nito na umabot na sa P520 kada kilo. Idinagdag ni Cainglet na bagamat naglalaro pa sa P250 hanggang P370 kada kilo ang farmgate price ng sibuyas, dapat ay umabot lamang sa P430 hanggang P450 kada kilo ang presyo nito sa mga palengke. “Obviously, isinasabay ng traders yung imports and smuggled onions that have yet to be apprehended sa pagsipa artificially ng local farmgate price to justify the current onion prices,” sabi ni Cainglet. Aniya, limitado pa rin ang naaaning sibuyas ng mga magsasaka. “Hindi pa naman ganunn karami ang ani to justify na mataas retail prices ang onion dahil sumipa ang farmgate price. Our onion farmers are not complaining certainly but are wary because they are being used to justify the high retail prices of onions,” aniya. Idinagdag ni Cainglet na da...

Poe: SIM registration dapat madali lang

Image
SINABI ni Sen. Grace Poe na dapat tiyakin ng pamahalaan at mga telecommunications companies (telcos) na magiging madali lang para sa publiko ang pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module (SIM) na magsisimula na sa Martes, Disyembre 27. “The SIM registration should be as easy as texting or sending a message,” sabi ni Poe. Idinagdag ni Poe na dapat tiyakin din ng National Telecommunications Commission (NTC) at mga telcos na magiging secured ang impormasyon ng mga subscriber. “Telcos should have portals for registration that are user-friendly and secure to encourage mobile users to enlist without hassle and interruption of services,” ayon pa kay Poe.

P1 milyon pamasko sa inaanak

Image
SABAY-SABAY na napasanaol ang mga netizens sa ulat na isang negosyante ang pinamaskuhan ng tumataginting na P1 milyon ang kanyang inaanak. Ayon kay Francis Bautista, hindi siya makapaniwala sa aguinaldo ng kumpareng si Kevin Agravante sa kanyang anak. “Nangamusta lang po ‘yung kaibigan ko na ninong ng anak ko, tapos nagtatanong kung ano daw ang pwedeng iregalo. Tapos ‘yun na, nagulat ako noong biglang nagsend,” ani Francis. Ganito tumakbo ang palitan nila ng mensahe na isinalin sa Tagalog: Kevin: Bark, Merry Christmas, kamusta kayo diyan? Francis: Uy pre, Merry Christmas din sayo. Kevin: Medyo hindi maingay ngayon ang pasko noh? Hahaha, kamusta kayo? Francis: Okay lang kami pre, sobrang makulit ‘tong inaanak mo, Kevin: Manang-mana sa’yo pre. Magbigay ako ng kaunting gift pre, pwede ko ask BPI account number mo? Francis: Sige pre. Kevin: Check mo bank mo pre. Francis: Seryoso pre? Noong una, ani Francis, ay inakalang nagbibiro lang ang kanyang kumpare dahil sa laki ng pama...

Baguio City gininaw; pinakamababang temperatura ngayong taon naitala

Image
GININAW ang maraming bahagi ng bansa nitong umaga ng Pasko, habang naitala ang 12.2 degrees Celsius sa Baguio City, ang pinakamababang temperatura ngayong taon. Ayon sa 8 a.m bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical (Pagasa), bumaba rin sa 13.2 degrees Celsius ang temperatura sa Basco, Batanes. Narito naman ang mga naitalang temperatura sa ibang lugar ngayong araw ng Pasko: La Trinidad, Benguet – 14.5°C Tuguegarao City – 17.8°C Tanay, Rizal – 17.9°C Sinait, Ilocos Sur – 18.4°C Casiguran, Aurora – 19.2°C Abucay, Bataan – 19.4°C Baler, Aurora – 19.5°C Tayabas, Quezon – 19.6°C Ang lamig ng panahon na nararanasan ng bansa ay dulot ng northeast monsoon o hanging amihan, paliwanag ng Pagasa.

Mahigit 21K Pinoy bumisita sa Palasyo para sa Simbang Gabi

Image
SINABI ng Palasyo na mahigit 21,000 Pinoy ang bumisita sa Malacañang para dumalo sa Simbang Gabi at panoorin ang Christmas tree at mga lantern display sa Kalayaan grounds. Mula Disyembre 17 hanggang Disyembre 24, 2022, umabot sa 2,895 ang nag-Simbang Gabi. Sa ulat mula sa Presidential Security Group (PSG), 14,988 Pinoy ang bumisita sa Pailaw sa Kalayaan mula Disyembre 18 hanggang Disyembre 24, 2022. Sinabi ng PSG na umabot sa 3,200 ang bumisita sa Kalayaan grounds sa Araw ng Pasko.

Dagdag saya: Dec. 26 deklaradong special non-working day

Image
IDINEKLARA ni Pangulong Bongbong Marcos ang Disyembre 26 bilang special non-working day sa buong bansa. Pinirmahan ni Marcos ang Proclamation No. 115 na nag-aapruba sa Disyembre 26 bilang karagdagang special non-working holiday. “A longer weekend will encourage families to get together and strengthen their relationship towards a more productive environment, and will promote tourism,” sabi ng Proclamation No. 115.

Daan-daang sinkhole sa Boracay maliliit lang naman — Malay, Aklan mayor

Image
HINDI umano dapat mangamba ang publiko sa ilang daang sinkhole na natagpuan sa Boracay dahil maliliit lamang ang mga ito, ayon kay Malay, Aklan Mayor Froliba Bautista. Sinabi ni Bautista na bukos sa maliliit ay mabababaw lang din ang mga sinkholes na natagpuan sa Boracay. Matatandaan na sinabi ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) na umabot na sa 815 ang mga sinkhole na natagpuan sa isla noong 2018. Ayon sa alkalde, may kopya sila ng report ng DENR-MGB at nakatakda sanang makipagpulong sa ahensiya nitong Disyembre 21, 2022 ngunit hindi natuloy. “Mayroon naman pa lang kopya ang aming MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office), binigay nila noong 2019 regarding sa assessment nila noong 2018,” sabi ni Bautista. Idinagdag ni Bautista na base sa report, maliliit at mababaw lamang ang mga sinkholes. “Halos ang mga sinkholes na iyan ay iyong mga kuweba, iyong mga cracks sa gilid ng mga bundok, at saka iyong mga...

73% Pinoy umaasang magiging happy ang Pasko — SWS

Image
SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na tinatayang 73 porsiyento ng mga Pinoy ang umaasa ng masayang Pasko. Samantala, pitong porsiyento ang naniniwala na hindi magiging masaya ang kanilang Pasko at 19 porsyento naman ang naniniwalang hindi magiging maganda at hindi rin nmana magiging malungkot ang kanilang araw. Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, lumalabas na mas mataas ito ng walong puntos kumpara sa 65 porsiyento na nakuha noong 2021 survey at 23 puntos na mas mataas kumpara sa record-low na 50 porsiyento noong 2020.  Samantala, anim na puntos pa rin ito na mas mababa kumpara sa pre-pandemic level na 79 porsiyento noong 2019. Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents sa buong bansa.

Vice nagbabait-baitan dahil may pelikula?

Image
ITO ang tanong ng batikang show biz columnist at host na si Cristy Fermin kaugnay sa mga puna na ibinabato ng ilang netizens sa TV host-comedian. Sa latest episode ng “Cristy Ferminute,” tinalakay ni Cristy at co-host na si Romel Chika ang ginawang pag-akyat ni Vice sa float ni Toni Gonzaga sa ginanap na “Parade of Stars” nitong Miyerkules at ang pamimigay nito ng ayuda sa isang tindera sa Pampanga. “Unang isyu ‘yung pinuntahan niya si Toni Gonzaga doon sa karosa ng pelikula nila ni Joey de Leon, ‘My Teacher.’ Pangalawa, ‘yung kumain sila ng mga kabarkada niya at napansin niya na luma na ang mga kagamitan, binigyan niya si manang tindera ng pambili ng mga bagong mga utensils,” ani Cristy. “Ito ay napapansin lamang, mga kapatid, kung inyo ring napapansin, kapag may pelikula si Vice Ganda. Hindi niya naman po ginagawa kasi ang ganito palagi. Kaya ang sabi ninyo, ‘yung mga bashers, bait-baitan,” dagdag niya. Paliwanag ni Cristy, kaya “nabubutasan” si Vice ay dahil “hindi niya naman ...

Joshua Garcia ayaw aminin ng rumored GF

Image
NANANATILING tikom ang bibig ng vlogger at model na si Bella Racelis kaugnay sa real score sa pagitan nila ni Joshua Garcia. “My heart right now is happy. Because I am being surrounded by people who radiate good vibes and people who really add value to my life,” ani Bella sa panayam ni Luis Manzano. Hindi naman sinagot ni Bella ang tanong ni Luis kung sila ba ni “Josh.” Nitong nakaraang buwan ay inihayag ni Joshua na single siya. “Huwag na natin pag-usapan ‘yan. Basta ako, single ako. Nag-iisa ako di ba? Wala nga akong kasama sa Japan e,” ayon sa Kapamilya actor nang uriratin ni Ogie Diaz kung may ugnayan sila ni Bella.

DTI umaming walang regulasyon sa presyo ng Noche Buena product

Image
INAMIN ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na walang regulasyon sa presyo ng Noche Buena product. “Iyong Noche Buena product, that is not regulated by government kasi seasonal products ‘to. They’re neither basic nor prime so ang presyo, manufacturers ang nagdi-decide. Pero naka-monitor kami kapag may biglang tumaas ang presyo compared to the previous prices nga, iyong prevailing price, doon lang kami naka-alert agad,” sabi ni Castelo. Idinagdag ni Castelo na wala pa namang nakikita na sobrang pagtaas ang DTI. “Ang gusto rin talaga ng retailers or ng manufacturers…maibenta, ma-dispose nila agad iyong mga produkto dahil ayaw rin nila na ng cost ng storage kapag i-store pa ‘yan until next year,” ayon kay Castelo. Aniya, naglabas ang DTI ng listahan ng Noche Buena product mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal. “Gumawa tayo ng range ng pinakamura hanggang sa pinakamahal para makapili sila from that list, kung ano po ‘yung kakasya sa budget at kung ano ‘yung mga choices nila,” d...

Crush na si Dingdong kukuning endorser ni Rosmar

Image
PLANONG kunin ni Rosmar Tan, ang kontrobersyal na CEO ng Rosmar Skin Essentials, si Dingdong Dantes, ang kanyanf childhood crush. Sa isang panayam, sinabi ni Rosmar na hindi siya naniniwala sa pagkuha ng mga sikat na personalidad para i-push ang kanyang produkto. Pero kung sakaling dumating ang pagkakataon na kailangan na niyang kumuha ng endorser, ang mister ni Marian Rivera ang pipiliin niya. “Kung tatanungin ako, siyempre, ang childhood crush ko na si Dingdong Dantes,” aniya. Kuwento ni Rosmar, una niyang nakita si Dingdong noong apat na taong gulang pa lang siya. “Sa mall sa Lucena, binuhat po niya ako, bata pa po kasi ako noon. Binigyan po niya ako ng panyo,” dagdag ng businesswoman.

Elon Musk magbibitiw bilang CEO ng Twitter

Image
NANGAKO si Elon Musk na susundin nito ang naging desisyon ng Twitter poll na siya mismo ang nagpasimuno. Sa kanyang tweet, sinabi ni Musk na magbibitiw siya bilang CEO ng microblogging at social media platform sa sandaling makahanap na siya ng kapalit. Ginawa ni Musk ang anunsyo manalo ang botong “yes” sa Twitter poll na kanyang inilunsad na nagtatanong kung dapat ba siyang magbitiw bilang CEO ng nasabing platform. Umabot sa 57.5 percent ng 17.5 milyon na sumagot sa poll ang nagsabi na dapat ngang magbitiw bilang CEO ng Twitter si Musk habang 42.5 percent ang naniniwalang hindi. “I will resign as CEO as soon as I find someone foolish enough to take the job!” tweet ni tweeted. “After that, I will just run the software & servers teams,” dagdag pa nito.

Negosyante grinipuhan sa away-sweldo

Image
SUGATAN ang negosyante makaraang saksakin ng tauhan na nagreklamo sa kanyang sahod sa Malabon nitong Lunes. Nagtamo ng saksak sa tagiliran si Edgardo Manggay, 64, ng Brgy. Tañong at kasalukuyang ginagamot sa Tondo Medical Center. Nasakote naman ang suspek na si Jazel Casin, 22, kapitbahay ng biktima, matapos ang pananaksak. Sa ulat, nilapitan ni Casin si Manggay alas-3 ng hapon para pakiusapan ito na itaas ang kanyang sweldo. Tumanggi si Manggay dahil mahina umano ang kanyang negosyo pero iginiit ni Casin ang nais kaya nagkasagutan ang dalawa. Sa gitna ng away ay bumunot ng patalim ang suspek at tinarakan ang biktima. Dinakip ng mga barangay tanod ang suspek nang makita ang duguan nitong kutsilyo bago itinakbo sa ospital ang biktima.

Dating TV host itinalaga bilang Malacañang press briefer ni Marcos

Image
ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos ang dating TV host at news presenter na si Daphne Oseña-Paez bilang bagong “Malacañang press briefer.” Pormal na ipinakilala si Oseña-Paez sa isinagawang press briefing sa Palasyo. Nagsimula si Oseña-Paez news reporter ng ABS-CBN at Studio 23 at naging weather ng presenter ng The World Tonight. Naging bahagi rin siya ng lifestyle show na F! kasama sina Angel Aquino at Cher Calvin.

Attention, Mr. President 

Image
MORE than a thousand key government positions will be left vacant at the strike of midnight ushering in the New Year.  Many of these are due to the courtesy resignations requisite of their appointment.  For some in the government service, it’s merely customary and ceremonial. It was for most but not for many.  It’s a voluntary resignation and in many cases ignored by the appointing power – the President of the Republic. Woe to those whose quit letters will be accepted as the employment relationship of the employee with the government ceases.  The end of the year is spine-tingling for many government appointees. They hang by the edge of their seats, waiting for the axe to fall.  It’s a government safeguard. On paper, it is to give the President “a chance to rid the bureaucracy of corruption” as it is often said.  It has only been six months to President Bongbong Marcos’ six-year term, however, and still, quite many government positions remain vacant....

Nico Bolzico emosyonal sa pagkapanalo ng Argentina sa World Cup

Image
IBINAHAGI ng Argentinian businessman na si Nico Bolzico ang mga sandali mula sa Lusail Stadium sa Qatar nang manalo ang kanyang mga kababayan sa World Cup. “It is hard to explain to not football fans,” sey niya sa Instagram post. “This game was the most important game in Argentine Football history. A country divided in two, suffering from years of adverse economy conditions, that for the first time in a long while, felt as one.” Aniya pa, bahagi ng kanilang buhay ang football. “We grow up playing football, regardless if you are good or bad at it; dad taking you to the stadium is some of your first childhood memories; some of your best memories are about football: you made friends because of football; we can spend hours talking about football; you cry for football; football is part of your culture and DNA,” chika niya. Nagpasalamat din ito sa asawang si Solenn Heussaff dahil pinayagan siyang manood ng game kahit kapapanganak pa lang nito. “PS: thanks Bebu for allowing me to be h...

Marcos sa AFP: Patuloy na tiyakin ang kapayapaan, seguridad ng PH

Image
NANAWAGAN si Pangulong Bongbong Marcos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy na gumawa ng hakbang para matiyak ang kapayapaan at seguridad ng bansa, sa pagsasabing kabilang ang mga ito sa prayoridad ng kanyang administrasyon. “My marching guidance has always remained constant: we commit to the cause of peace. The security and stability of the country remains the priority,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati sa ika-87 anibersaryo ng AFP sa Camp Emilio Aguinaldo. “I call on you to continue performing your duties as you have had for many, many years, and competently, so that our country can achieve peace and security, and sustain economic prosperity,” dagdag ni Marcos. Kasabay nito, muling tiniyak ni Marcos na patuloy na isusulong ng kanyang administrasyon ang modernisasyon ng AFP. Pinuri rin ni Marcos ang AFP sa matagumpay na kampanya kontra mga komunistang rebelde at iba pang lawless elements sa bansa.  “Through your efforts, along with other law enforcement au...

Sofia Andres may ‘super power’

Image
IBINANDERA ng aktres na si Sofia Andres na mayroon siyang “gift” na taglay niya mula pa noong bata siya. Tinawag naman niya ito na isang “blessing” at “curse.” Pahayag ni Sofia sa Instagram post: “This coming 2023. I’m all for loving myself more and know what I deserve. I’m a #1 believer of ENERGY since I was a little kid. It’s both blessing and a curse. “I can honestly can read people, I can see their auras, their colours. I know that some of you will find these things weird. But I’m not afraid anymore. “I have been studying this gift for years and it really helps with my anxiety. Thave always known that I’m different. I’m extra sensitive, selective and misunderstood,” ani Sofia.

Joma iuuwi ng Pilipinas?

Image
KUNG ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines ang masusunod, dapat ilibing sa Pilipinas ang nagtatag ng kanilang grupo na si Jose Maria Sison. Sa isang panayam, sinabi ni Marco Valbuena, CPP public information officer, na dapat iuwi ang abo ni Sison “in accordance to his wishes as a Filipino and for them to give their last respect and farewell to the man they consider their teacher and inspiration in the revolution.” Ani Valbuena, nakikipag-ugnayan an CPP sa pamilya ni Sison na nasa Utrecht, the Netherlands. Sumakabilang-buhay si Sison, 83, sa isang ospital sa Utrecht nitong Biyernes ng gabi. Hindi naman iniulat ng CPP ang ikinamatay ni Sison.