Posts

Showing posts from September, 2022

DepEd sumagot sa ‘overpriced’ laptops

Image
TINIYAK ng pamunuan ng Department of Educaiton na nakikipagtulungan ito sa Commission on Audit matapos ang report nito na bumili ang kagawaran ng diumno’y overpriced ngunit outdated na laptop para sa mga guro. Sa briefing, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na hinihintay na lamang nila ang feedback ng COA tungkol sa isinumite ng departamento na “documentary requirements” kaugnay sa biniling mga laptops. “We are responding to whatever COA wants us to respond on. And then we’ll see kung ano iyong final determination ng COA,” ani Poa. “We will always work and cooperate with COA for the improvement of our processes here in DepEd,” dagdag pa niya. Sa 2021 report ng COA, na-flag ang DepEd dahil sa paggastos nito ng P2.4 bilyon sa pagbili ng laptop sa pamamagitan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (DBM-PS). Ayon sa COA, ang budget na inilaan ay para sa 68,500 ngunit 39,583 lamang ang nakakuha ng laptop. Bukod dito mabagal din ang mga nasabing lapto...

Dagdag budget sa PAO isusulong

Image
TINIYAK ni Senador Raffy Tulfo kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta ang pagtaas ng budget para sa mga pampublikong abogado. “Gagawin natin ang ating makakaya para madagdagan ang budget ng PAO. Kahit ano man ang matutulong ng tanggapan ko, gagawin natin,” ani Tulfo. “Napapansin ko ngayon sa PAO ay walang tumatagal. Kukuha lang ng experience, tapos lumilipat na. Kasi overwhelmed sa trabaho. Dapat for every court, mayroong enough PAO,” dagdag pa ng senador. Suportado naman ni Acosta ang naging pahayag ni Tulfo at sinang-ayunan ang obserbasyon ng senador na pawang mga “overworked” ang mga PAO lawyers. “Overworked sila. After five years, nagfi-fiscal na sila or nagja-judge. Lumilipat kasi napapagod,” sinabi ni Acosta. Sa kabila ng kakulangan ng mga abogado, umaasa si Tulfo na mabibigyan ng serbisyo ang mga mahihirap na mangangailangan ng tulong. “Although alam kong kulang, pero as much as possible, sana ay mayroong enough assistance ang indigent parties pagdating ...

7 patay, 6 sugatan sa banggaan ng 3 sasakyan sa GenSan

Image
PITO ang nasawi habang anim iba pa ang nasugatan matapos ang multiple colission Batomelong, General Santos City ngayong Huwebes. Sa inisyal na report, naganap ang insidente alas 3:15 ng hapon sa Purok 4 National Highway, Batomelong nang magbanggaan ang isang Ford raptor, Wingvan truck at commuter van. Sumabog umano ang gulong sa likod ng commuter van dahilan para mawalan ito ng kontrol sa manibela, at saka sumalpok sa truck at Fors Raptor. Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa aksidente.

Vendors sa Virgin Island itinangging nagbebenta ng overpriced food

Image
TODO-TANGGI ang mga vendors sa Virgin Island sa Panglao, Bohol na “overpriced” ang mga ibinebenta nilang pagkain sa mga turista taliwas sa pahayag ng netizen na nagreklamo makaraan silang singilin ng P26,000 para sa seafood lunch. Sa ulat, klinaro ng vendor na mismong naghain ng pagkain sa nagrereklamong netizen na ilang putahe para sa 13 katao ang kanilang inihain kaya umabot sa P26,000 ang bill ng mga ito. Ayon sa vendor, hindi totoo na tinataga nila ang turista na nagpupunta sa isla. Dagdag niya, konti lamang umano ang tinubo nila sa mga kinain ng nasabing grupo. Aniya, dapat isalang-alang ng mga turista na tataasan nila nang bahagya ang mga presyo ng kanilang mga pagkain dahil inangkat pa nila sa mainland ang mga ginamit na sangkap. Nangangamba naman ang vendor na sa ginawang pagrereklamo ng netizen ay baka mawalan sila ng kabuhayan. Matatandaan na isang netizen ang nag-upload sa Facebook ng mga larawan ng kanilang seafood lunch at ang bill na umabot sa mahigit P26,000. “In...

Kelot niretoke sariling ilong, naospital

Image
ISINUGOD sa ospital ang lalaki na taga-Sao Paulo, Brazil makaraang maimpeksyon ang ilong na kanyang niretoke kamakailan. Naagapan naman ng mga manggagamot ng Campo Limpo Emergency Care Unit ang pamamaga ng ilong ng lalaki. Ayon sa ulat, nagsagawa ng rhinoplasty sa sarili ang lalaki matapos manood ng video sa YouTube. Aniya, gumamit siya ng super glue at anaesthesia para sa hayop sa nasabing procedure. Makaraan ang ilang araw ay lumubo at nagnana ang ilong niya kaya nagpadala na siya sa ospital. Kuwento ng lalaki, nais lamang niyang gumanda ang hugis ng ilong kaya ginawa niya ang procedure. Pinayuhan naman ng mga otoridad ang mga nais sumailalim sa rhinoplasty na sumangguni sa espesyalista dahil delikado ang nasabing operasyon. “There is a risk of necrosis, a risk of infection for having done it without asepsis and for using non-sterile material, and a risk of very large nasal obstruction. The incisions made in a rhinoplasty need to be very precise, in well-defined places to av...

Walang garahe, walang sasakyan – Velasco bill

Image
USAP-USAPAN ngayon ang panukala ni dating Speaker at ngayon ay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na hindi maaring magkaroon ng bagong sasakyan ang isang indibidwal o pamilya kung wala naman siyang parking space o garahe. Inihain ni Velasco ang House Bill No. 31 na “No garage, no registration Act” na siya umanong tutugon sa malaking suliranin sa trapiko maging sa mga maliliit na lansangan sa mga komunidad. “It aims to lessen traffic congestion, curb the number of private vehicles, provide safe and uncluttered pathways, where people may freely walk to their destinations, and maintain a clean and healthy environment by clearing the streets of parked motor vehicles and other similar clutter that reduce the space intended for human and vehicular traffic”. Sa ilalim ng panukala, ang mga indibidwal na nasa metropolitan area gaya ng Metro Manila at gustong bumili ng bagong sasakyan ay kinakailangang magbigay ng notarized affidavit na nagpapatunay na meron siyang parking space para sa bag...

Miss Universe Ph 2022 umaray sa cyber bullying pero…

Image
UMAPELA si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa kanyang mga fans na huwag nang sagutin o labanan ang mga netizens na nambu-bully sa kanya. Imbes, ani Celeste, pakitaan nila ang mga bullies ng kabaitan. “I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me then simply use the hashtag #kindnesscampaign,” pahayag ng beauty queen sa Instagram. “Let’s not engage with any form of hate,” dagdag niya. Bago ito, sinabi ni Celeste na maraming nagta-tag sa kanya sa mga edited na photos, paninira at pagbabanta. “I have seen quite a lot just today and now before going to sleep,” reklamo niya.

Bagets nadaganan ng mixer, todas

Image
NASAWI ang menor de edad makaraang madaganan ng mixer truck sa Sablan, Benguet nitong Lunes, ayon sa pulisya. Dead on the spot ang biktima dahil sa mga pinsala sa katawan. Nasugatan naman ang dalawa niyang kasamahan. Base sa pagsisiyasat ng Sablan PNP, nahulog ang mixer truck sa bangin kung saan nagtatrabaho ang mga biktima. Inabot ng isang oras bago narekober ang katawan ng nasawing biktima. Kasalukuyan namang nagpapagaling sa pagamutan ang dalawa niyang kasama. Inaalam pa ng pulisya kung sino ang dapat managot sa pangyayari.

AJ Raval: Wala akong kinalaman sa isyu ni Vanessa, di kami close

Image
HUGAS-KAMAY ang kontrobersyal na aktres na si AJ Raval sa kinasasangkutan na isyu ng kapatid na si Vanessa. Sa Facebook, nakiusap si AJ sa kapatid na huwag nang idamay ang kanilang pamilya sa mga gawa-gawa nitong akusasyon laban sa isang rapper. “Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa. We may share the ‘Raval’ name, pero hindi ko siya nakasamang lumaki. Hindi rin kami close,” paliwanag ni AJ. “We are very civil ‘pag nagkikita at times. But there is nothing special about it, dahil mas close ako sa mga kapatid ko sa nakalakihan kong mother (Holiday), yung mga brother and sister ko sa kanya ang nakasama ko lumaki and not with Vanessa,” dagdag niya. Kaugnay nito, humingi ng paumanhin si AJ sa hiphop community na nadamay sa pagsisinungaling ni Vanessa. “We are utterly affected about the circulating issue kahit wala kaming kinalaman. Again, we have nothing to do with it. Lab...

Hospital bills ni Lolit binayaran ni Bong Revilla

Image
SOBRANG na-touch ang veteran show biz writer-talent manager na si Lolit Solis sa pag-aalaga sa kanya ni Sen. Bong Revilla. Sa Instagram, isiniwalat ni Lolit na binayaran ng senador ang kanyang bill sa ospital. Kaya naman, aniya, “talagang I will take a bullet for Bong Revilla.” “Nakita ko sa kanya iyon sincere na concern sa kalagayan ko. Iyon talagang kung meron lang siyang magagawa para gumaling ako gagawin niya talaga,” sey ni Lolit. “Naloka ako ng babayaran ko na ang hospital bill ko at malaman bayad na lahat. Iyon pala kinausap niya ang hospital to give me all I need at bahala siya sa gastos. Hindi iyon pagbabayad niya ng hospital bills ko ang naka touched sa akin, iyon pagsasabi niya na don’t leave anything out to give me kung ano ang dapat para gumaling ako,” dagdag ng veteran entertainment writer. Aniya dahil sa gesture na ito ng senador ay ipaglalaban niya ito. “I will really take a bullet for Bong Revilla anytime, dahil alam ko na hindi sayang ang pagmamahal ko sa kany...

Overpriced na lunch sa Panglao resort paiimbestigahan ng gobernador

Image
IPINAG-UTOS ni Bohol Gov. Aris Aumentado na imbestigahan ang ulat ng umano’y overpriced na pagkain na inihahain sa isang resort sa Panglao. Sa Facebook post, inanunsyo ni Aumentado na magpupulong rin ang lokal na opisyal ng Panglao at mga may-ari ng mga resorts kaugnay sa kontrobersya. “We have ordered the SP (Sangguniang Panlalawigan) to investigate the events. And we are grateful to social media because it has given us a solid reason for the Sanggunian Panlalawigan to craft resolutions or ordinances that can provide protection and order to tourists that have been exploited for a long time by some businessmen in Panglao and other cities,” ani Aumentado. “We will fix this,” dagdag niya. Matatandaan na isang netizen ang nagreklamo kaugnay sa P26,000 na binayaran ng kanilang grupo para sa seafood lunch nila sa Virgin Island. Kabilang sa kanilang binayaran ang kilawin na umabot ng P3,000 at 20 piraso ng saging na siningil sila ng P900.

Birth, Marriage at Death Certificate lifetime validity batas na

Image
HINDI na kailangang paulit-ulit na kumuha ng mga mahahalagang dokumento para gamitin sa anumang transaksyon dahil lifetime na ang magiging validity ng birth certificate, marriage certificate at death certificate. Ito ay matapos mag-lapse into law ang RepubIic Act 11909 na nagsasabatas na hindi na kailangang kumuha nang paulit-ulit na mga documento ang mga Pinoy kahit pa ito inisyu lamang ng lokal na civil registrar, ng National Statistics Office at maging ng mga embahada ng Pilipinas sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, tanging nga dokumento lamang mula sa Philippine Statistics Administration (PSA) ang tinatanggap na opisyal na dokumento.

Dagdag pension sa ‘indigent’ senior citizen batas na

Image
NATUWA ang ilang senador matapos mag-lapse into law ang panukala na nagsusulong na madoble ang pension ng mga pinakamahihirap na senior citizen ng bansa. Nag-share ng dokumento si Senador Joel Villanueva, principal author ng panukala, mula sa Office of the President na may petsang Agosto 1, na tumutukoy na isang ganap na batas na ang Republic Act No. 11916. Nag-lapse into law ang nasabing panukala nitong Hulyo 30. “Happy bday indeed! Batas na po ang ating doubling the social pension of indigent senior citizens, praise God!!! Thank you thank you,” ayon kay Villanueva na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. Sa nasabing panukala, magiging P1,000 na ang monthly pension ng mga indigent senior citizens mula sa kasalukuyang P500.

Sharon pumila, tumaya sa lotto

Image
SA kauna-unahang pagkakataon ay tumaya sa lotto ang Megastar na si Sharon Cuneta. Pero sa US at hindi sa Pilipinas pumila sa tindahan ng lotto ang actress-singer-TV host. “Was still feeling a bit weak – til now am not feeling 100% yet – but it was really nice being able to take a walk! Weather was nice. And I bought a Lotto ticket for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers!” ani Sharon sa Instagram post. Hindi naman niya sinabi kung Powerball o Mega Millions ang kanyang tinayaan. Samantala, ikinuwento rin ni Sharon na ang nasabing paglabas niya ng bahay ang unang beses niya simula nang magkasakit. “The other night was my first time out since I got sick. Megateam and I had dinner at one of my favorite restaurants, Gyu-kaku, then watched Top Gun Maverick in the theater!” aniya. Idinagdag din niya na nagpakuha siya ng larawan sa tabi ng standee ni Austin Butler na gumaganap bilang Elvis Presley sa pelikulang “Elvis.”

Ina ni Hipon dismayado sa resulta ng pageant?

Image
NANINIWALA ang ina ni Bb. Pilipinas 2022 First Runner-up Herlene Nicole “Hipon” Budol na deserving ng korona ang kanyang anak. Sa isang panayam, sinabi ni Len Timbol na “perfect” ang performance ni Hipon sa timpalak. “Sa palagay ko po, binigay pong lahat ni Hipon. Ginawa po niyang lahat. Perfect! Hindi naman alam kung bakit ganun ang naging resulta,” aniya. “Para po sa akin, ang anak ko ang winner.” Gayunman, nagpapasalamat pa rin siya na naka-first runner-up ang anak. “Anyway, masaya naman po kami para sa kanya. Hindi kami umuwing luhaan. Okay naman po at panalo pa rin,” dagdag ni Len. Samantala, inilarawan naman niya na “super” ang performance ng anak sa question and answer segment. Pero, hirit niya, talagang nagpakitang-gilas si Hipon sa swimsuit competition. “Para sa akin, ‘yung pinakabonggang performance is ‘yung sa swimsuit po. Talagang napakagaling po niyang rumampa, ‘yung walk niya sobrang ganda. Medyo disappointed dahil inaasahan naming siya ang best in swimsuit, pero...

De Lemos itinalagang bagong NBI director

Image
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang matagal nang National Bureau of Investigation (NBI) Assistant Director na si Medardo De Lemos bilang bagong direktor ng bureau. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang pagtatalaga kay De Lemos ay indikasyon na nais ni Marcos na palakasin ang sistema ng “meritocracy.” Si De Lemos, na 37 taon na sa bureau, ay naunang itinalaga bilang NBI officer-in-charge (OIC) ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Dati na ring na-appoint si De Lemos bilang OIC ng bureau noong 2013 sa panahon ni dating Justice Secretary Leila de Lima. “Part of De Lemos’ accomplishments as an NBI official is the crafting of the bureau’s Rules of Engagement which defined the policy on the use of deadly force in its enforcement operations,” ayon sa pahayag ng Office of the Press Secretary. “De Lemos biggest accomplishment in the bureau was the busting of the notorious Alvin Flores robbery group in 2009 when he was still regional director of...

Poe nagulat sa pagkambiyo ni BBM sa Dep’t of Disaster Resilience

Image
NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, nang sabihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportado niya ang panukala na pagbubuo ng Department of Disaster Resilience na siyang tututok sa pagpapatibay ng kahandaan ng bansa sa panahon ng kalamidad at iba pang uri ng mga disaster gaya ng malakas na lindol na yumanig kamakailan sa Abra at maraming lugar sa Luzon. Ayon ka Poe, sa ganitong mga panahon na higit kailangan ng publiko ang tulong ng gobyerno, magagawa ito sa pamamagitan ng mas coordinated at epektibong pagtugon para sa mga pangangailangan ng mga nasalanta, at ito ay siguradong maisasagawa kung may departamentong tututok dito. “In our people’s hour of need, government must manifest its presence through a swift, coordinated response in providing for their immediate needs,” reaksyon ni Poe matapos yanigin ng magnitude 7 na lindol ang lalawigan ng Abra, Miyerkules ng umaga na nagdulot ng maraming pinsala at pagkamatay ng ilang katao at...

Pinas hindi pa rin sasali sa Int’l Criminal Court

Image
SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na wala siyang balak na muling lumahok ang Pilipinas sa International Criminal Court matapos na magdesisyon si dating pangulong Rodrigo Duterte na umalis sa pagiging miyembro ng ICC. “No, the Philippines has no intention of rejoining the ICC,” sabi ni Marcos. Idinagdag ni Marcos na ito ang napagkasunduan matapos ang ginawang pakikipagpulong niya kina Solicitor General Menardo Guevarra, Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at Atty. Harry Roque na tumatayong kanyang pribadong abogado. “Eh sinasabi naman namin may imbestigasyon naman dito at patuloy rin naman ang imbestigasyon, bakit magkakaroon ng ganoon? So anyway, para alam natin ang gagawin natin, if we will respond, if we will not respond, kung ano — kung sakali man sasagot tayo, anong magiging sagot natin; or possible din, basta hindi natin papansinin dahil hindi naman tayo sumasailalim sa kanila,” dagdag ni Marcos. Ito’y matapo...

State of emergency idineklara sa NY dahil sa monkeypox

Image
SINABI ng Consulate General of the Philippines na nagdeklara si New York Governor Kathleen Hochul ng state disaster emergency sa harap ng pagdami ng bilang ng mga kaso ng monkeypox. Idinagdag ng konsulado na ito’y para mabigyan ng kapangyarihan ang mga otoridad na matugunan ang tumataas na mga kaso ng nasabing sakit sa New York. Ito’y matapos makapagtala ang Centers of Disease Control and Prevention (CDC), New York ng 1,345 kaso ng monkeypox kung saan karamihan ay nasa New York State. “In view of this development, the Consulate advises members of the Filipino Community to take the necessary precautions to protect themselves from the disease and to contact their health care provider if experiencing any symptoms of monkeypox,” sabi ng embahada.

Pinoy sa Singapore tinamaan ng monkeypox

Image
ISANG Pinoy sa Singapore ang nahawaan ng monkeypox, ayon sa Department of Foreign Affairs ngayong Linggo. Sa pahayag ng Ministry of Health ng Singapore, ayon sa DFA, tinamaan ng monkeypox ang isang 31-anyos na Filipino noong Hulyo 25. Sa report, unang nilagnat ang Pinoy noong Hulyo 21 bago nagkaroon ng mga rashes sa mukha at katawan. “He sought medical care at SGH (Singapore General Hospital) on 24 July and was admitted on the same day. Contact tracing is ongoing,” sabi ng Singapore MOH. Tiniyak naman ng MOH na nasa maayos na kalagayan na ang Pinoy.

Juliana inokray panalo ng anti-martial law film sa Famas

Image
PINUNA ng komedyante at Marcos supporter na si Juliana Parizcova Segovia ang paghakot ng mga awards sa 70th Famas ng “Katips,” isang pelikulang tumatalakay sa martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Sa magkasunod na Facebook post, nagpahiwatig si Juliana na kuwestiyunable ang panalo ng nasabing pelikula. “Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga… Congrats Haahahaha!” unang post ni Juliana. Isa sa mga sinasabing “resibo” ni Juliana ang mga screenshot ng closing credits ng 69th FAMAS noong February 2021 kung saan makikita na si Vince Tanada ang director ng awards show. Si Tanada ang bida, producer at direktor ng “Katips.” Matapos ito ay muling nag-post si Juliana at kinuwestiyon naman ang panalo ni Johnrey Rivas bilang Best Supporting Actor laban kay John Arcilla na mayroong dalawang nominasyon para sa mga pelikulang “A Hard...

Highest daily tally in 5 months: 4,159 new COVID-19 cases naitala ngayong Hulyo 31

Image
UMABOT sa 4,159 bagong kaso ng coronavirus disease ang naitala ngayong araw, ayon sa Department of Health. Ito ang pinakamataas na daily tally para sa bagong mga kaso sa loob ng nakalipas na limang buwan. Iniulat din ng DOH, na may walong nasawi ngayong araw. Sa kabuuang bilang ng bagong kaso, 1,302 ang naitala mula sa National Capital Region. Umakyat naman ang positivity rate mula Hulyo 24 hanggang 30 sa 16.4%, mas mataas sa nairekord ng nakaraang linggo na nasa 14.3%.

PH Teumes and Aghases: BamBam and Jackson experience

Image
TALAGA namang feel na feel ko kagabi ang excitement ng PH Teumes and Aghases! Niyanig ng Treasure at GOT7 members na sina BamBam at Jackson ang Mall of Asia Arena sa ginanap na KPop Masterz in Manila 2020 kagabi. Halos hindi ko na nga marinig ang kanta nang lumabas ang Treasure dahil sa sigaw ng fans! Hindi ko naman sila masisisi dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagperform overseas ang mga bagets mula nung nag-debut sila noong 2020. Aliw na aliw ang fans kina Hyunsuk at Junghwan na naging paborito ang Zest-o Mango Juice at talagang ipinost pa sa kanilang WeVerse account. Kinantahan rin ng fans ng happy birthday si Jaehyuk na nagbirthday kamakailan. Nagkaroon ng segment kung saan naglaro ang Treasure para magkaroon ng picture time with fans. Huling pinerform ng grupo ang rock version ng kanilang hit song na “Darari” na talaga namang sikat na sikat sa Tiktok habang naghahagis sa audience ng mga bola na may autograph ng members. Todo hiyaw pa rin ang fans nang nagsimula na...

Barbie di nagparetoke ng ilong, dibdib

Image
TODO-TANGGI ang aktres na si Barbie Imperial na ipinaretoke niya ang kanyang ilong at dibdib. Sa kanyang vlog, iginiit ni Barbie na hindi pa niya ipinaaayos ang kanyang dibdib kaya nananatili itong hindi pantay. “Hindi po ako nagpa-ayos ng ilong. Totoo po ‘yan,” sey niya. “Yung boobs ko naman, hindi ko rin pinaayos ‘to. Kasi kung pinaayos ko ‘to, sana pinapantay ko.” Idinagdag ni Barbie na sakaling magpaparetoke siya, hindi niya ito itatago. “I have nothing against dun sa mga nagpapa-enhance ng ng mga katawan nila kasi syempre, gusto nilang maging mas confident eh. Wala namang masama dun and hindi n’yo naman pera so ‘wag n’yo pakialaman yung mga buhay ng gustong magpa-enhance,” paliwanag niya.

Ateneo shooting suspect inilipat ng kulungan

Image
INILIPAT na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Custodial Facility sa Payatas, Quezon City si Chao Tiao Yumol, ang suspek sa pagpatay sa tatlo katao sa Ateneo de Manila University noong Linggo. Kaugnay nito, humingi ng tulong kay Pangulong Marcos ang ina ni Yumol na si Muykim kaugnay sa mga banta sa buhay ng kanilang pamilya. “Mayroon na hong bali-balita na pinag-iingat na ho kami, na iisa-isahin nila kami,” ani Gng. Yumol. “Sana matulungan kami ni Presidente Bongbong Marcos. Nasa panganib na ho ang buhay namin. President, maawa na ho kayo sa amin. Nasa threat ho ang buhay naming lahat,” panawagan niya. Ginawa ng ginang ang apela isang araw bago ilibing ang asawa niyang si Rolando, 69, na binaril ng mga di pa nakikilalang salarin. Inilibing ang padre de pamilya sa bakanteng lote na pag-aari ng pamilya Yumol sa Lamitan City. Walang dumalo na kapamilya sa libing dahil umano sa takot. Samantala, bago inilipat mula sa QC Centralized Custodial Facility ay sumailalim si ...

Mag-ama kinidlatan, sawi

Image
NASAWI ang magsasaka at kanyang anak makaraan silang tamaan ng kidlat sa Catanauan, Quezon nitong Huwebes ng gabi, ayon sa pulisya. Napag-alaman na nagpapahinga si Jomar Funtilar at anak na si Jona sa kanilang tahanan sa Brgy. Tagbacan Ilaya alas-7 nang kidlatan ang kubo. Kapwa dead on the spot ang mga biktima dahil sa tinamong sunog sa katawan. Nadiskubre ng asawa ni Funtilar ang walang-buhay na katawan ng kanyang mag-ama nang dumating ito mula sa labas.

Pamilya ng Ateneo shooting suspect humihingi ng proteksyon

Image
HUMINGIN ng proteksyon sa awtoridad ang pamilya ni Dr. Chao-Tiao Yumol, ang suspek sa Ateneo shooting, matapos ang pagpatay sa kanyang ama sa Lamitan City, Basilan, Biyernes ng umaga. Humingi ng tulong ang ina ni Yumol na si Muykim kay Pangulong Bongbong Marcos dahil umano sa banta sa kanilang buhay. “Mayroon pong bali-balita na pinagiingat na ho kami, na iisa-isahin na raw kami,” ayon kay Muykim. “Sana matulungan kami ni Presidente Bongbong Marcos, nasa panganib na ang buhay namin. President, maawa po kayo sa amin. Nasa threat ho ang buhay naming lahat,” dagdag pa niya. Anya, gusto niyang bumalik sa Basilan dahil wala umanong nag-aasikaso sa asawa niyang nabaril. Sinabi niya na marami ang nagpapayo sa kanilang pamilya na mag-ingat. “Gusto ko bumalik doon sa asawa ko. Yung tao lang ho namin ang nag-aasikaso wala ho kaming ibang ano (pamilya) roon. Pati yung mga tao namin natatakot na rin, yung mga tao namin hindi namin kadugo,” sinabi ni Muykim. Binaril at napatay ng riding-in-...

JJASGH Chief Sacdalan brings public hospital to greater heights 

Image
A joyous, thanksgiving dinner was held by the officers and staff of the Justice Jose Abad Santos General Hospital (JASGH) after its director, Dr. Merle D. Sacdalan-Faustino, was hailed as the regional winner of the “Dangal Ng Bayan” Awards by the Civil Service Commission (CSC) for the kind of free medical services being offered in the said hospital, which is being run by the city government of Manila. The celebration, themed “Dangal ng Bayan! Dangal ng Maynila! Dangal ng JJASGH!,” was held at the Gloria Maris Shark’s Fin Restaurant at the CCP Complex in Pasay City, where ranking national and city officials took turns in extolling Director Sacdalan.  City Administrator Bernie Ang led the local officials in extolling Director Sacdalan and how she brought the JJASGH to greater heights. He was joined by Sta. Ana Director Dr. Grace Padilla, Secretary to the Mayor Marlon Lacson, Mayor Honey Lacuna’s chief of staff Joshue Santiago, urban settlements office Director Atty. Cris Tenorio, ...

Tax exemption sa allowance, Transportation Safety Board ‘ibinasura’ ni Marcos

Image
I-VINETO ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang naglalayong magbigay ng tax exemptions para sa honoraria, allowance, at iba pang benepisyo ng mga manggagawang naglilingkod sa panahon ng halalan. “The President vetoed House Bill No. 9652/Senate Bill No. 2520 entitled an “Act Exempting from income taxation the honoraria, allowances, and other financial benefits of persons rendering service during an election period,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. “The measure runs counter to the objective of the government’s Comprehensive Tax Reform Program to correct the inequity in the country’s tax system and negate the progressivity of the reforms introduced under RA 10963 or the TRAIN law. Moreover, the studies of pertinent government agencies on the revenue loss is too substantial an impact to be foregone,” dagdag pa niya. Ibinasura rin ni Marcos ang panukalang batas na lumilikha ng Philippine Transportation Safety Board (PTSB), ayon kay Cruz-Angeles. “The President says ...

6 na patay sa magnitude 7 Abra earthquake

Image
UMABOT na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7 na lindol sa Abra, ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Biyernes ng umaga. Ang mga nasawi ay mula sa Bangued, Abra; La Trinidad, Benguet; Tuba, Benguet; Balbalan, Kalinga; at Bauko, Mountain Province; habang ang isa ay patuloy pa ring biniberipika kung saan nasawi. Bukod sa anim na nasawi, may apat pa umanong katao ang patuloy na pinaghahanap habang 136 ang naiulat na nasugatan. Umabot naman sa 19,486 pamilya ang apektado ng lindol mula sa dalawang rehiyon habang 1,583 kabahayan ang nasira. Matatandaan na alas-8:43 ng umaga nitong Miyerkules nang yanigin ang Abra ng magnitude 7 na lindol na naramdaman naman sa maraming lugar sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila. Inilagay na sa ilalim ng state of calamity ang lalawigan ng Abra.

Robin sa ‘Inglisan’ sa Senado: Pwede dahan-dahan lang?

Image
UMAMIN si Senador Robinhood Padilla na “nagdudugo ang tenga” niya sa matinding Inglisan kapag nasa sesyon ng Senado. Sa pagharap niya sa media nitong Huwebes, walang pagtanggi si Padilla na nahihirapan siya na unawain ang mga sinasabi ng mga kapwa niya senador sa kanilang mga debate. “Nahihirapan lang ako pag nag-i-inglisan na. Pwede dahan-dahan lang?’ Nakatunganga ako. Tango-tango. Bukas mababasa ko sa journal ito,” ayon sa senador. Gayunman, malaking tulong anya sa kanya ang journal at ang pag-brief sa kanya ng kanyang mga staff dahil doon niya nauunawaan ang nangyayari sa sesyon. “Kaya mahalaga ‘yung journal eh, kaya binabasa ko ‘yung journal kasi nandun lahat eh, mahalaga ‘yun,” dagdag pa ni Padilla.

Marcos maglalabas ng bagong alert level sa Agosto 1

Image
SINABI ni Press Secretary Trixie Angeles na inaasahang maglalabas na ng bagong alert level sa bansa bago ang Agosto 1, 2022. “That would be called on by the DOH, so we will have to wait. Anyway, right now, it is status quo. So we’ll maintain the alert levels for now. But the entire process is also continuously under review, so we’ll have to wait,” dagdag ni Angeles. Nauna nang pinalawig ni Marcos ang alert level 1 sa bansa hanggang Hulyo 31, 2022. Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), tiniyak ni Marcos na hindi na siya magpapatupad ng lockdown.

WHO suportado ang PH vs monkeypox

Image
TINIYAK ng World Health Organization (WHO) ang suporta nito sa Pilipinas matapos maitala ang unang kaso ng monkeypox sa bansa. “The Department of Health has been proactive towards preparedness, prevention, and response to monkeypox, and we will continue our support as the situation evolves,” sabi ni Dr Graham Harrison, Officer-in-Charge ng WHO Philippines. Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng monkeypox na isang 31-anyos na Pinoy na galing sa bansang na apektado ng nasabing sakit. “Common symptoms of monkeypox include fever, swollen lymph nodes, and a rash that blisters and crusts. If you think you might have monkeypox, we encourage you to seek medical advice. We at WHO want to highlight that monkeypox can affect anyone, but everyone can help reduce its transmission,” dagdag ni Harrison.

Groom di umabot sa kasal, todas sa diarrhea

Image
NASAWI sa diarrhea ang 36-anyos na lalaki habang nagpapa-schedule ng kasal sa simbahan sa Davao City noong nakaraang linggo. Ayon sa ulat, ang lalaki ang ikalimang namatay sa diarrhea outbreak sa siyudad. Napag-alaman na nagsimulang maramdaman ng lalaki ang mga sintomas ng diarrhea noong July 15 makaraang kumain sa isang food stall. Makaraan ang isang linggo ay nagtungo sila ng kanyang girlfriend sa simbahan upang magbayad para gaganapin nilang kasal. Habang nakikipag-usap sa cashier ng simbahan ay biglang nag-collapse ang lalaki kaya dinala sa ospital. Hindi na naisalba ng mga manggagamot ang biktima na namatay dahil sa severe dehydration at massive loss of electrolytes.

Facebook, Google dapat habulin, pagbayarin ng tax – Salceda

Image
DESIDIDO si House committee on ways and means chairman Joey Salceda na habulin ang Facebook at Google, na sinabi niyang hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno. Ito ay kasabay ng muling pagsusulong ni Salceda ng panukalang Digital Economy Taxation Act na magpapataw ng buwis sa digital services na kinabibilangan ng “advertising, subscription-based services, and other online services that can be delivered through the internet” na kinukonsiderang “VAT-able”. “I am making sure that I catch them … They earn P54 million (annually) combined but they are not paying the government even a single cent (centavo),” ayon kay Salceda. Ang mga buwis na kokolektahin mula sa Facebook at Google ay magmumula sa mga advertisements. Naniniwala si Salceda na ang dalawang online services na ito ay hindi exempted sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. “Anything under the TRAIN law that is not exempted is considered covered, so I don’t even have to pass the law,” dagdag ni Salc...

P5,000-P10,000 posibleng matanggap ng quake victims

Image
MAAARING makatanggap ang mga biktima ng lindol ng hanggang P10,000 cash assistance mula sa gobyerno, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa katunayan, ayon kay Social Welfare Assistant Secretary Rommel Lopez, inisyal na silang nakapaglabas ng P10 milyong pondo para sa mga biktima ng Magnitude 7 na lindol na yumanig sa Luzon Miyerkules ng umaga. “Ang sinisiguro ni [Social Welfare Secretary] Erwin Tulfo, naka-ready ‘yung ating mga pang-ayuda sa ating mga kababayan. At this point in time, naglabas na ng initial na P10 million ‘yung DSWD,” ani Lopez sa Laging Handa briefing. “’Yung ating mga kababayan na naging biktima ng sakunang ito, maaari po silang tumanggap ng P5,000 to P10,000 under ito ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS,” dagdag pa ng opisyal. Kailangan munang mai-assess ng DSWD ang mga dapat na maging benepisyaryo ng cash assistance. “Ia-assess lang po kayo ng ating mga social welfare officer at sisiguraduhin naming mapapabigay s...

Kaso ng Pinas sa ICC pinag-aaralan na ng BBM legal team

Image
KINUMPIRMA ni Solicitor General Menardo Guevarra na pinulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang legal team para talakayin ang magiging hakbang ng pamahalaan hinggil sa kaso na nakahain sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng giyera kontra ilegal na droga ni dating Pangulong Duterte. “We have discussed with the president our legal options regarding the ICC case. We have all come to an agreement, but it may not be prudent to publicly disclose it at this time,” sabi ni Guevarra. Matatandaang pinagkokomento ng ICC ang pamahalaan at mga naghain ng kaso laban kay Durterte hinggil sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa umano’y mga judicial killings noong panahon ng nakaraang administrasyon.

Oyo naaksidente, sumailalim sa operasyon

Image
NAGPAPAGALING na si Oyo Sotto makaraang sumailalim sa operasyon makaraang maaksidente sa bisikleta noong nakaraang linggo. Sa Instagram, ibinahagi ni Oyo na sumailalim siya sa arthroscopic joint reconstruction surgery. “God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this,” caption niya sa mga larawan niya sa ospital. “Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you! To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga.To my doctors, maraming salamat sa inyo,” dagdag niya. Pinaalalahanan din niya ang publiko na mag-ingat sa lahat ng pagkakataon. “Keep safe everyone and God bless you all. Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times,” sey pa ng mister ng aktres nacsi Kristine Hermosa.

Poe muling inihirit pagbuo ng Dep’t of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management

Image
MULING nanawagan si Senador Grace Poe sa pamahalaan na magbuo ng isang departamento na tututok sa pagpapatibay ng kahadaan ng bansa sa panahon ng kalamidad at iba pang uri ng disaster gaya ng malakas na lindol na yumanig sa maraming lalawigan sa norte. Panahon na anya para buuin ang Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management na siyang tututok sa pagbibigan ng tugon sa pangangailangan ng publiko sa panahon ng disaster. Ayon ka Poe, sa ganitong mga panahon na higit kailangan ng publiko ang tulong ng gobyerno, ay magagawa ito sa pamamagitan ng mas coordinated na pagtugon para sa mga pangangailangan ng mga nasalanta. “In our people’s hour of need, government must manifest its presence through a swift, coordinated response in providing for their immediate needs,” reaksyon ni Poe matapos yanigin ng magnitude 7 na lindol ang Abra Miyerkules ng umaga na nagdulot ng maraming pinsala at pagkamatay ng apat katao at pagkasugat ng maraming iba pa. “The incident ...

Solidum: Vigan pinakanapinsala ng magnitude 7 na lindol

Image
SINABI ni Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) Director Renato Solidum na ang Vigan ang pinakanapinsala ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa bansa alas-8:43 ng umaga ngayong araw. “The reason why there was significant damage in Vigan is that the foundation of the city is essentially sandy because of the big river that would flood the area from time to time. So there was amplification of the shaking and many of the churches and historical buildings were damaged,” sabi ni Solidum sa kanyang ulat sa isinagawang press conference ni Pangulong Bongbong Marcos sa Malacanang. Idinagdag ni Solidum na maituturing na major earthquake ang tumama sa Luzon kaninang umaga. “Anything greater than 7 is a major earthquake and we would expect and we would expect significant effects of this event,” dagdag pa ni Solidum. Nagbabala rin si Solidum na magpapatuloy ang mga landslide sa harap ng mga pag-ulan. “Now, landslides are a problem especially not only for earthquakes but during rains...

Marcos pabor sa pagtatayo ng Dep’t of Disaster Resilience

Image
PINABORAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpasa ng panukalang batas na nagtatayo ng Department of Disaster Resilience matapos ang nangyaring magnitude 7.0 na lindol sa bansa. “Yes, precisely because as I said in the SONA, we have to recognize that we are disaster prone,” sabi ni Marcos sa kanyang press conference ngayong Miyerkules. Matatandaan na muling iginiit ni Senador Grace Poe ang kanyang naunang panukala na magbuo ng Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management. Read more: https://ift.tt/J0jqGQx Ayon kay Marcos posibleng mapadalas ang mga sakuna sa bansa. “I don’t like to say it pero mukhang mapapadalas ito eh. Not the earthquake pero ‘yung weather, lalo na ‘yung extreme weather. Kahit hindi bagyo, ‘yung masyadong… Nakikita niyo ‘yung sa Europe, nakikita niyo ‘yung sa Amerika. Baka naman abutan tayo ng ganyan, ‘yung napakainit masyado,” dagdag ni Marcos.  Idinagdag ni Marcos na kailangang palakasin ng pamahalaan ang kapabilidad laban s...

‘Isyu’ ni Robin kay Villanueva solb na

Image
SOLB na ang “isyu” ng neophyte Senator na si Robin Padilla kay Senate majority leader Joel Villanueva. Ayon kay Padilla, nag-usap na sila ni Villanueva tungkol sa isyu niya rito na siyang dahilan kung bakit hindi siya sumuporta sa pagiging majority leader nito nang magbotohon nitong Lunes. “Ngayon, okay na kami,” ayon kay Padilla na iginiit na hindi personal ang isyu niya sa majority leader. Matatandaan na iniulat ng Publiko na sumama umano ang loob ni Padilla kay Villanueva dahil kinuha ng huli ang mga upuan, mesa, divider at ilan pang gamit sa dati nitong opisina na siya ngayong opis ng aktor-politiko. Read more: https://ift.tt/lAbhTGQ “Definitely, hindi personal iyon. Hindi tayo namemersonal,” giit ni Padilla, bagamat hindi idinetalye ang puno’t dulo ng kanyang di pagboto kay Villanueva.

Patay sa lindol 5 na; 64 sugatan

Image
UMAKYAT na sa lima ang bilang ng mga nasawi sa lindol, habang 64 na naiulat na nasugatan, ayon kay Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, deputy director for operations ng Office of Civil Defense. Ayon sa report, apat ang nasawi sa Cordillera Autonomous Region (CAR) habang isa naman ay mula sa Region 2. Karamihan naman sa mga nasugatan ay mula sa CAR. Sa tala, tatlo ang naiulat na nasawi sa La Trinidad at Tuba sa Benguet; isa sa Gattaran, Cagayan; isa sa Balbalan, Kalinga. May 61 paaralan naman mula sa Regions 1, 2, 3 at CAR ang nag-ulat ng pagkasira ng kanilang mga gusali. Tatlong tulay naman ang apektado sa CAR at Region 1. Isinara naman sa trapiko ang 22 kalsada sa iba’t ibang lugar sa CAR.   Sa ngayon ay hindi pa mabatid ng OCD ang bilang ng mga taong apektado ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa maraming lugar sa norte alas 8:43 ng umaga Miyerkules, Hulyo 27, 2022. Samantala, 20 lugar ang nakaranas ng power interruption. Sa Region 1 ay napaulat na...

Sara pinuri SONA ni BBM

Image
PINURI ni Vice President Sara Duterte nitong Lunes ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagpahayag na kung ano ang aasahan sa bagong administrasyon. Sinabi ni Duterte na ipinakita rin sa SONA ni Marcos kung ano ang magagawa ng mga Pilipino upang matulungan ang administrasyon na gawing isang malakas at matatag na bansa sa Asya. “The first SONA of Marcos offers the Filipinos a glimpse of what we should expect from the government, what we should prepare for, and what we should do to help the administration not only achieve its development agenda but also support its initiatives for the Philippines to become strong and a stable country in Asia, able to respond to the needs of the Filipinos even in the face of anxieties brought by disputes and disagreements happening between some countries that could hurt our economy,” ayon kay Duterte. Pinuri rin ng Bise Presidente ang direksyon na tinatahak ng administrasyon sa pamamagitan ng p...

Swiss Challenge

Image
NARINIG n’yo na ba ang Swiss Challenge? Ginagamit ang terminong ito sa maraming pampublikong proyekto ng gobyerno gaya sa imprastruktura, na naglalayong mapabilis umano ang mga importanteng proyekto para sa kaunlaran. As early as 2018, ang power sector ay may proposal na ang bidding ng power supply contracts (PSAs) ay isailalim rin sa pamamaraang Swiss Challenge. Sa katunayan, naging bahagi ang aking organisasyon, ang Matuwid Na Singil sa Kuryente (MSK) sa diskusyon na ito. Nagkomento ang MSK sa proposal draft na inilabas ng Energy Regulatory Commission (ERC), sa “Rules Governing The Procurement, Execution, and Evaluation of Power Supply Agreements Entered Into By Distribution Utilities For The Supply of Electricity To Their Captive Market” sometime on October 2018. Sa unang tingin, maganda ang intensyon at guiding principles ng naturang ERC guidelines. Subalit sa aming pagbusisi, kasama ang Swiss Challenge style ng bidding at unsolicited proposals sa competitive selection proce...

Vape bill nag-lapse bilang batas

Image
NAG-LAPSE bilang batas ang Vaporized Nicotine Products Regulation Act o Vape Law matapos bigong aksyunan ng pangulo ang panawagan na i-veto ang nasabing panukala. Kinumpirma mismo ni Press Secretary Trixie Angeles ang pagkakapaso ng panukala para maging ganap na batas. Sa ilalim ng batas, nagiging batas ang isang panukala isang buwan matapos itong i-transmit sa Office the President. Nabigong i-veto ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas sa kabila ng mga panawagan ng iba’t ibang sektor na ibasura ang nasabing bill. Sa ilalim ng Vape Act, papayagan na ang mga edad 18 anyos na makabili ng vape mula sa dating 21 anyos. Ililipat na rin ang regulasyon nito sa Department of Trade and Industry (DTI) mula sa Department of Health (DoH).

Pinoy pole vaulter EJ Obiena nakabronze sa 2022 World Athletics Championships

Image
NAKAPAG-SET ng new personal at Asian record ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa ginaganap ngayong 2022 World Championships sa Eugene, Oregon, USA. Naitawid ni Obiena ang 5.95 meters jump sa finals, mas mataas sa 5.93 meters na nai-set niya sa Innsbruck, Austria noong nakaraang Setyembre. Dahil dito nakasisiguro na si Obiena na makuha ang bronze medal matapos mabigo na maitawid ng Brazilian na si Thiago Braz ang six meters jump. Ang natitirang tatlo sa finals ay ang world number one na si Armadn Duplantis ng Sweden at Chris Nilsen ng Estados Unidos.

Senado naghalal ng bagong mga lider

Image
MATAPOS mahalal bilang Senate President si Senador Juan Miguel Zubiri, nanumpa na rin bilang Senate President Pro Tempore si Senador Loren Legarda habang si Senador Joel Villanueva naman ang tinanghal na bagong chair ng committee on rules at bagong majority leader. Nagpahayag naman ng pagtutol na makilahok sa pagboto sa Majority Floor Leader ang neophyte na si Senador Robin Padilla. Tanging sina Senador Risa Hontiveros at Koko Pimentel naman ang bubuo ng minorya habang ang magkapatid na Senador Alan Peter at Pia Cayetano ay nagpahayag na magiging independent bagamat hindi sila magiging miyembro ng minority.

Comedian Caloy Alde pumanaw sa edad na 60

Image
SUMAKABILANG-BUHAY si Caloy Alde, ang komedyante na tinaguriang “Mr. Bean ng Pilipinas.” Siya ay 60-anyos. Nakilala rin si Alde bilang “Ogag” matapos bumida sa comedy show noon ng TV5 na may kaparehong titulo. Wala pang opisyal na pahayag ang pamilya pero kinumpirma ng ilang celebrities na malapit kay Alde ang balita sa pamamagitan ng mga mensahe ng pakikiramay sa social media.